chapter 3

1517 Words
Gusto umiyak ni Cassandra ngunit pinigilan niya ang pagpatak ng mga luha sa mga mata. Dahil ayaw niyang ipakita sa kanyang tiyahin na mahina siya. “Ate, ayos ka lang ba?!” Nag aalala tanong ng mga kapatid niya. Marahan siyang ngumiti at tumango para ipakita sa mga ito na ayos lamang siya. “Oo, okay lang ako,” sagot ni Cassandra sa mga kapatid. “Tara, umuwi na lamang tayo!” Pag aaya niya sa mga kapatid. Sunod-sunod naman tumango ang mga ito. At akmang aalis na lamang para makaiwas sa gulo ngunit narinig nila ang boses ng kanilang Lolo. "Ano ba, Marisol, papasukin mo ang mga pamangkin mo para makakain na ang mga bata!" sabi ng kanilang lolo ng makita sila nakatayo ito sa may pintuan ng bahay. Kahit labang sa loob ng tiyahin nilang papasukin sila sa loob ng bahay ay wala itong nagawa kundi luwagan ang gate para makapasok kami sa loob ng bahay ng mga ito. “Mga apo, kanina ko pa kayo hinihintay!” Masayang wika ng lolo nila ng makita silang magkakapatid. “Hala tayo na sa kusina para makakain na kayo?!” Pag aaya pa ng lolo nila. Sumunod naman sila. Wala ang lola nila sa bahay dahil may pinuntahan raw ito ayon sa kanilang Lolo. Pinaghayin sila ng kanin at ulam “Salamat po, Lolo!” Sabay-sabay nilang pasasalamat. Ngumiti naman ang ginoo sa kanyang mga apo. “Hala, sige kumain na kayo!” Nakangiti wika pa ng ginoo. Tumango naman sila at nag-umpisa nang kumain. Habang kumakain sila, nakita niya na umiiyak ang kanyang kapatid na si Ferlin. Kaya napatingin siya sa ilalim ng lamesa, at doon ay nakita niya tinatapakan ng tiyahin nilang si Marisol ang paa ng kapatid. Ganito palagi ang ginagawa ng tiyahin. Tinatapakan ang kanilang mga paa o kaya'y kinukurot sila ng palihim. Sa may tagiliran. Tinapos na lamang nila ang pagkain at simula noong ay hindi na sila pumupunta sa kanilang Lola. Kahit anong tawag ng lolo nila ay hindi na lamang sila pumunta. Sila na lamang ang umiiwas sa gulo. Palagi na lang silang nasa ganitong sitwasyon, inaaway pa sila ng kanilang tiyahin at mga pinsan. Hindi na lamang nila ito pinapansin. Para umiwas sa gulo, ngunit kahit ganoon ang kanilang habang pasensya, ito ay umiikli kapag sobra. Hindi na talaga niya kaya pang tiisin ang pang-aapi ng kanyang tiyahin. Lumaban na siya para ipagtanggol ang kanyang mga kapatid nang makita niya itong sinasaktan ng tiyahin niyang si Marisol. "Tita, tama na po!" awat niya, ngunit hindi nagpapigil ang tiyahin at patuloy pa rin itong nasa sambunot kay Jenna. Kaya ginawa niya ay buong lakas niyang tinulak ang babae para mabitawan nito ang buhok ng kaniyang kapatid. Hanggang siya na ang sinasambunutan ng mga pinsan at tiyahin. "Ano ba ang gagawin ko sa inyo ha!" sigaw ni Papa sa amin. Umuwi ito galing sa trabaho. "Pagod na ako galing trabaho tapos, ganyan pa kayo mga pasaway," galit na turan ng kaniyang ama. Wala akong imik, pinakikinggan lang niya ang mga sinasabi ng kaniyang papa. Dahil sa gulo na 'yon, dinala sila ng kanyang ama sa ina nito sa bayan ng Sta. Mesa, isang probinsya kung saan naroon ang lahat ng kamag-anak ng kanyang ama. Ang akala ni Cassandra ay nakakuha na sila ng pagmamahal mula sa ina ng kanilang Ama. Dahil noong unang dinala sila ng magkakapatid sa bahay ng Lola, ng nanay nang Papa nila ay mabuti at sobrang maasikaso sa kanilang magkakapatid. Ngunit ang lahat palang pinapakita ay isang balatkayo lamang mabait kapag kaharap ang ama niya ngunit kapag hindi tumadalaw ang papa nila doon nila nararanasan ang kalupitan ng Lola Corazon nila. Nakakalungkot isipin na nagbago ang ugali ng kamag-anak ng ama nila. Lalo na ang lola niya hindi na maayos ang pagtrato sa kanila. Ang palaging lugaw na pangunahing pagkain araw-araw ay hindi sapat para sa kanilang pangangailangan, lalo na't alam nilang may perang pinapadala ang ama nila para sa gastusin nilang magkakapatid. “Lola, wala po bang ibang pagkain?” Magalang na tanong ni Jenna sa kanilang lola. Nang lugaw ulit ang pinapakain sa kanila. Okay lang naman kung lugaw ngunit kung palagi na lang umagat, tanghali, hanggang gabi ay hindi na tama ito tapos araw-araw pa. Wala silang makukuhang vitamins kapag ganon. Lalo na sa dalawang taong gulang nilang kapatid na si Xenia sakitin pa naman ito. “Hoy, mga bwesit kayo. Wala pinadalang pera ang Ama ninyo. Pasalamat na nga lang kayo naawa pa ako sa inyo pinapakain ko pa kayong lahat kahit lugaw. Kaya ikaw bata ka huwag na huwag kang mamimili ng pagkain!” Galit na sigaw ng Lola nila at agad na pinalo si Jenna ng hawak nitong patpat na kawayan sa sobrang lakas ng hataw ng Lola Corazon nila ay pumalahaw ng iyak ang kaniyang kapatid. Halos nagmamakaawa na silang kapatid ngunit lahat sila ay pinagpapalo ng lola nila. Naging ganun palagi ang ginagawa ng kanilang lola. Lalo na kapag natatalo ito sa sugal papaluin o pagbubuhatan sila ng kamay kahit wala silang ginagawang masama. Nagiging madalas na ang pang-aabuso ng lola. Tatlong buwan rin hindi nagpapakita ang ama nila. O dumadalaw man lang sa kanila ay hindi nito nagagawa. “Hoy,mga walang kwenta!” Galit na sigaw ni Lola nila. “Manguha kayo ng mga kahoy para panggatong para naman may silbi kayo, mga bwesit palamonin na nga walang pakinabang!” Galit na sigaw ng lola nila. Sumunod na lamang sila at kung hindi sigurado may mga pasa naman sila sa katawan. Ang utos sa kanilang magkakapatid ay maghagilap ng kahoy sa loob ng gubat. Tanging si Xenia lang ang naiwan sa bahay dahil tulog ito. Napuno na nila ang dalang sako, ng mga kahoy na napulot nila. “Ate, uwi na tayo, gutom na po ako!? Saad ni Felin. Tumango na lamang siya, “Sige at sigurado gising na si Xenia!” Nakangiti niyang wika sa kapatid. Malapit na sila sa bahay ng makarinig siya ng iyak. At hindi siya pwede magkamali boses ng kapatid niyang si Xenia ‘yun. Ganoong na lamang paglaki ng kaniyang mga mata ng makita niya kung paano saktan bg lola niya ang maliit niyang kapatid. Halos madurog ang puso ni Cassandra. Sa bawat hataw ng kahoy na tumatama sa manipis na pangangatawan ng bunsong kapatid. Puno ng luhang agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ng kapatid upang protektahan ito, ngunit siya mismo ay nahuli at napalo ulit ito sa puwetan. Kaya rinig na rinig niya ang malakas na iyak ng kapatid na lalo nagpawasak sa puso niya. “Lola, anong kasalanan ni Xenia bakit ninyo siya pinapalo?” Umiiyak na tanong niya habang kinalong ang kapatid na ngayon ay panay higpi. Kitang-kita niya ang mga latay ng patpat sa katawan ng kapatid. “Bakit, ko siya pinalo, ‘yang bwesit mong kapatid binasag lang naman niya ang pinggan alam mo bang ilang piraso na lang ang pinggan ko simula ng dumating kayo dahil palagi ninyo binabasag.” Galit na sigaw ng lola niya sa kanya. “Lola, mahalaga pa ba ang pinggan ninyo kaysa kay Xenia? Alam ninyo naman po na sakitin ang kapatid ko!” Lumuluhang saad ni Cassandra sa lola Corazon niya. “Wala, akong pakialam sa kapatid mo? Mga bweait kayo simula ng dumating kayo rito nag kanda malas-malas na ako?!” Mariing sigaw pa nito. “At para magtanda kayong lahat, wala kayong pagkain.” Sambit pa ng lola nila. “Huwag ninyong subukan kumuha o magluto.” Panigurado kayong may paglalagyan kayong lahat sa akin.” Pananakot pa ng lola nila. Walang nagawa si Cassandra. Ng ipadlock ng lola niya ang tabihan ng bigas pati na rin ang maliit nitong ref ay naka padlock rin. Umalis ang lola nila para mag sugal naman sa kanilang kapitbahay. Kaya naiwan silang magkakapatid at tinotoo nga nito ang sinabi na hindi ito magluluto ng kanilang tanghalian. “Ate, umuwi na lang tayo sa ating bahay!” Umiiyak na saad ni Jenna sa kaniya. “Pinabayaan na tayo, ni Papa kinalimutan na nga tayo hindi na siya bumalik pa.” Dagdag na saad pa nito. “Kapag hindi tayo, umalis dito sa poder ni Lola Corazon ay baka mamatay tayo dito ate!” Umiiyak na wika naman ni Felin. "Ate, ayaw ko na rito!" Umiiyak na wika ni Chloe, may bukol pa ito sa ulo dahil pinukpok ito ng pinggan ng kanyang lola sa ulo dahil umangal na puro lugaw na lang daw ang pagkain nila. Sa galit sa kanila, ito ang nakuha ni Chloe ang pagkakaroon ng sugat na nagmula sa pinggan. "Ako rin, ate. Balik na tayo sa ating bahay, kahit tayo-tayo na lang magkakapatid ay ayos lang basta magkakasama tayo. Magtutulungan tayo," saad naman ni Jenna sa kaniya. Naluluha siyang tumingin sa mga kapatid. "Oo, aalis na tayo ngayon din!" Mahinang saad niya sa mga kapatid. "Alam niyang nasa sugalan naman ang lola niya tanghaling tapat kaya andon sa mga kumare nito. Kaya tamang tama ang pagtakas nila.” hindi na nag isip pa si Cassandra bit-bit ang ilang gamit pati ang kapatid niya ay nilisan nila ang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD