chapter 2

1302 Words
Ang sabi ko, "May gusto umampon sa kapatid mong si Xenia?" pag-ulit muli ng lola niya. "Ayaw ko po, hindi ko ipaampon ang kapatid ko!" madiing wika niya at mahigpit na niyakap ang kapatid. "Namatay si Mama para mabuhay si Xenia, Lola, tapos ipapaampon ninyo lamang ng ganon kadali ang kapatid ko!” mariing saad niya sa kaniyang Lola. "Pero, Cassandra, wala na kaming obligations sa inyo dahil patay na ang aming anak!" pag-uulit na salita ng kanyang Lola. Mariing siyang napapikit, dahil sobrang sakit nang pinagsasabi ng lola niya. Ngunit kailangan niyang tapangan walang iba makakatulong sa kanilang kundi sila lamang lalo't siya lang ang matanda sa kanilang magkakapatid. "Ganoon po ba, kapag ho ba namatay na ang Anak ninyo na ina namin ay putol na rin po pala ang tungkulin na gabayan kami o alagaan dahil nasa murang edad pa lang kami lola!" luhaang saad niya. “Apo, ninyo po kami pero kung nakapag desisyon na po kayo ay wala na ako magagawa kundi ang tanggapin na ayaw ninyo sa amin.” Lumuluhang saad ni Cassandra. “Ay bastos, kang bata ka!” Wala kang galang sinasagot mo ako ng ganyan. “Kaya siguro namatay ang ina ninyo dahil sa sobrang tigas ng mga ulo ninyo!” Galit na turan pa ng ginang. Mapait na lamang ngumiti si Cassandra. Sa murang edad niya nakakaranas na agad siya ng mga ganitong salita. Ano nga ba ang magagawa niya. Tumayo na siya sa pag kakaupo sa kawayan at inaya na ang mga kapatid na umuwi sa kanilang bahay. “Uuwi na po kami, lola at ito po ang sasabihin ko hindi-hindi ko ipaampon ang kapatid ko na pilit binuhay ni Mama!” “Ano, ipapakain mo sa kapatid ah? Ang ama mo minsan lang umuwi dahil sa uri ng trabaho niya.” Isigaw pa nito dahilan para mapagingo sila sa paglabas ng bahay. “Gagawin ko po ang lahat huwag lang kaming mag watak watak na magkakapatid. At problema ko na po kung ano ipapakain ko sa kapatid ko. Kahit mag limos ako sa kalye ay gagawin ko. "Huwag lang kami maghiwalay na magkapatid," matapang pa niyang sagot sa kaniyang lola. Pagkatapos, nilisan na ang bahay ng kanyang lola. Malapit lang naman sila dahil magkakapitbahay lamang sila. Nang lumabas si Cassandra sa bahay ng kanyang lola, agad niyang tinawag ang kanyang mga kapatid na kasama niya. Habang buhat ang bunso kapatid niyang si Xenia "Tayo na sa ating bahay," sabi niya sa mga kapatid. “Ate,, paano na tayo sino na ang mag aalaga sa atin?” Lumuluhang tanong ni Jenna ang sumunod sa kanya siyam na taon gulang palang ito. Naglakad silang magkakapatid na magkakasama patungo sa kanilang tahanan na malapit lamang sa bahay ng kanilang lola. Habang naglalakad, hindi maiwasang maglaro sa isip ni Cassandra ang mga salitang sinabi ng kanyang lola. Ngunit hindi niya pinahalata sa kanyang mga kapatid ang kanyang nararamdaman. “Hindi, ko rin alam pero kaya natin ito?! Huwag lang tayo maghiwalay. “Kayo, ba gusto ninyo ipaampon si Xenia? Tanong ko sa mga ito. Sunod-sunod naman umiling ang mga ito tanda na hindi rin pumapayag ang iba niyang kapatid. Pilit siyang ngumiti at pinakita sa mga kapatid na matatag siya. Pagdating sa kanilang bahay, agad silang pumasok at nagtungo sa kanilang mga kuwarto. Sa loob ng kanyang kwarto, nag-isip si Cassandra kung paano niya maipapakita na kaya niya ng walang tulong ng mga kamang anak ng kanyang ina. At pinapangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at pangangalaga niya ang lahat ng mga kapatid. Maingat niyang ibinababa ang bunso kapatid sa ibabaw ng kama at piang bantay kay Jenna upang makapag luto na siya ng kanilang pagkain sa murang edad niya ay marunong na siya sa lahat ng gawing bahay. Kaya pala palagi ako tinuturuan ng kaniyang ina. Inihanda pala siya sa ganitong bagay. “Jenna, bantayan mo muna si Xenia magluluto lamang ako ng pagkain natin!” Saad niya sa kapatid agad naman itong lumapit kung saan nakahiga ang kapatid. “Opo, ate!” Magalang na sagot naman ng kapatid niya. “Si, Papa ate?” Tanong pa nito. “Wala, pa si Papa nasa sementeryo pa siya. Inaayos ang libingan ni Mama. Jenna huqag na huwag mong mabanggit kay Papa ang mga sinabi ni Lola.” Bilin niya sa kanyang kapatid. “Opo, ate!” Sagot na lamang nito. Naintindihan ni Cassandra na ang kanilang ama ay abala sa pag-aayos ng libingan ng kanilang ina sa sementeryo. Dahil dito, hindi alam ng Ama nila ang mga salitang sinabi ng kanilang lola at wala siyang balak na sabihin pa rito. Sa ganitong sitwasyon, pinili ni Cassandra na manatiling tahimik. Hindi niya nais na magdagdag ng anumang tensyon o problema sa pamilya nila. Sa halip, nagpasya siyang maging mapagpasensiya at magtiwala sa kanilang ama na malalampasan nila ang mga hamon na kinakaharap ngayon. Naisip na lamang niya ang magluto ng masarap na hapunan para sa kanilang lahat. Kumuha siya ng mga kagamitan sa kusina at sinimulan ang pagluluto. Habang nagluluto, naramdaman siya ng lungkot at nagtatanong sa kanyang sarili. “Kaya ko kaya ito?” Bulong niya. “Panginoon ko, ikaw na po ang bahala sa aming magkakapatid. Mama gabayan mo po ako at huwag ninyo pahintulutan na maghiwalay kaming lahat!” Ani niya sabay pahid ng luha sa kanyang pisngi. “Nagluto siya ng masarap na hapon adobo baboy Ito ang paraan niya upang ipakita sa kanyang mga kapatid na hindi sila maghihiwalay at palaging magkakasama. Dahil ramdam niya takot ang mga ito. Matapos ang ilang sandali, natapos na ni Cassandra ang pagluluto. Naghanda siya ng hapunan at inanyayahan ang kanyang mga kapatid na kumain. Sa harap ng masarap na pagkain, nagkasiyahan silang magkakapatid at nagkwentuhan tungkol sa kanilang mga pangarap at mga plano sa buhay. Papatunayan ni Cassandra na kaya nilang alagaan ang kanilang sarili na walang tulong ng kahit sino sa kamang anak ng kanyang ina. At hindi lamang salita kundi gawa. Hindi pwede siyang maging mahina kailangan niyang tapangan ang loob at determinasyon na hindi sila maghihiwalay at palaging magkakasama. Sa mga susunod na araw, patuloy na lamang silang magkakapatid nasa kanilang. Silang lang magkakapatid ang naroon dahil ang kanyang ama ay nasa trabaho isang pahinante ng truck ang trabaho ng ama niya nag dedeliver ng mga langis sa ibang bayan tulad ng Bicol, La Union, Maynila o saan pa lugar sa Pilipinas kaya palagi wala silang kasama. Hindi na niya pinabayaan ang kanyang responsibilidad bilang nakatatandang kapatid at nagtulungan silang magkakapatid sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Nakalipas ang mahabang panahon mula nang pumanaw ang kanilang ina, at naging mahirap para kay Cassandra ang mga pangyayari sa kanilang buhay. Sa kasamaang palad, sila ay inaapi ng kanilang tiyahin tuwing inaalok sila ng kanilang lolo na kumain sa kanilang bahay. Lagi silang hinaharangan ng tiyahin ni Cassandra, na mas matanda sa kanya ng apat na taon lamang. Ito lang naman ang bunso kapatid ng mama nila. Napakahirap ng sitwasyon na ito para kay Cassandra at sa kanyang mga kapatid. Ang pagkakaroon ng tiyahin na hindi man lang nagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga kanila. “Oh, narito naman kayo? Umuwi na nga kayo sa inyo napakatakaw ninyo pagkain na namin ibinibigay pa ni Papa sa inyo!” Galit na wika ng tiyahin nila. “Si lolo naman po ang nagpapunta sa amin dito!” Sagot ng kapatid niyang si Jenna. “Si Papa nga kasi mga sipsip kayo nagpagawa kayo kay Papa para bigyan kayo ng pagkain.” Galit na turan pa nito sa amin. Akmang sampalin si Jenna ng tiyahin niyang si Marisol ng humarang siya rito upang siya ang tamaan ng palad nito dahil sa lakas ng pagkasampal ng tita Marisol niya ay napaupo siya sa sahig ramdam din ni Cassandra ang pagmanhid ng mukha niya. “Ate…..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD