Chapter 2 - Beginning

1332 Words
*Maziah* Natapos ang mahigit isang buwan, na parang kay bilis. Mula kasi nung maka graduate ako ng highschool ay palagi na lang akong nakatambay sa bar. Magiinom, magpapaka-lasing, iiyak, repeat. Naging cycle na yun ng buhay ko. Marahil ay pangalawang buhay ko na talaga ito, pero hindi ko parin maiwasang malungkot pag naalala ko lahat. Kaya palagay ko ay dalwang araw lang mula nung pagtatapos ko ang dumaan. Pero ang totoo higit dalwang buwan ang bakasyon ko, isang buwan akong namatay pero nagising lang muli. Kundi dahil kay Madi baka piliin ko na lang siguro mabaliw. Pero naisip ko, at sigurado ako na meron pang mas malala and dinadala kaysa sa problema ko. Kaya naisip ko na magfocus na lang ulit sa pagaaral at magenjoy. Pinili kong minsan ay manatili sa bahay para makasama si Madi, minsan naman ay nagbabasa ako ng libro. Kahapon lamang ay galing ako sa isang resort sa Batangas, na ang may ari ay magulang ng isa sa mga kaibigan ko, si Andy, short for Andrea. I stayed there for three days and two nights. Kapag gusto ko mag relax and unwind, doon ako pumupunta, lalo na noong mga panahon na hindi ko na matanggap yung pagaaway nina Mommy at Daddy. Ipahinga ang isip at pagguhit lang ang ginagawa ko kapag nandoon ako. Sa ilang araw ko doon ay marami akong naalala, kasama na ang isang babae na dito ko nakilala. “Kumusta na kaya siya? Sana ay hindi ko siya naging kagaya, sana ay nakaya niya kung ano man yung problema niya.” Bigla ay natawa ako sa naisip, ni hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Ahhh tama na ang pagiisip! Kailangan ko na lang ipahinga ito kasi bukas simula na naman ng panibagong kabanata sa buhay ko. ******************** “Kristen?” Totoo ba itong nakikita ko? Nasa harap ko ang babaeng minahal ko? Ang girlfriend ko. “Hi babe, how are you?” Sagot niya sakin ng nakangiti. “Babe, w-what, bakit, a-anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang pagtatanong ko sa kanya. “Gusto kasi kitang makita, kung ano na ang lagay mo, kung okay ka lang ba mula nung maghiwalay tayo.” Naguguluhan man ay pinilit kong intindihin. “What? Para saan pa? Edi ba dapat wala ka ng pake?” Natatawang sagot ko sa kanya. “Exactly, may masama ba kung gusto kitang makita?” Nagkibit balikat pa siya pagkasabi ngunit bigla din binaba ang braso at pinagdikit ang ang mga palad niya. “Anyways, gusto ko lang naman ipakilala sayo ang boyfriend ko, si Edward” Hindi ko napigilan na mangunot ang noo. At bigla na lang may lumapit na lalaki samin, hindi ko maintindihan bakit hindi ko makita ang mukha niya. “What the hell, Kristen? Are you f**king serious?!” Nakita ko na lang ang mukha niyang tumatawa pati yung lalaki niyang kasama habang naglalakad palayo. Walang ano ano ay biglang tumunog ang phone ko sa bulsa. Hindi ko makita kung sino ang tumatawag, paulit ulit kong pinipindot pero parang hindi siya gumagana. “Sh*t! F*ck! F*ck!,” Pagsigaw ko habang pinupokpok sa kamay ko ang cellphone. Ano ba itong nagyayari! AHHHHHHHHHHH!!!! **BZZZT** **BZZZT** **BZZZT** Huh? Napabangon ako sa pagkakahiga. Panaginip lang pala, hihiga pa sana ako pero nakita kong nag v-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at sinagot. “Hello?” Mamukat mukat pa galing sa pagtulog. “Hey? What the-? kakagising mo lang ba? Kanina pa talaga kita tinatawagan! Don’t tell me first day natin late ka?” Kunot noo kong tiningnan ang caller si Andy, pagtingin ko sa oras ay 7:30, 8:00 am dapat nasa campus na. “So?” Sagot ko, sarcastic “So?! So?! Wag mo ko ma so-so Maziah ah. Bilisan mo kasi ikaw parin ang President, remember? Kaya dalian mo, nakakaloka ka! Andami ko ng nakikitang magaganda dito, kaya dalian mo na! Bye!” Pagkababa niya ay nagmamadali na rin akong kumilos. Shet bakit nawala sa isip ko na ako parin ang president hangga’t hindi pa nakakapili ng ipapalit sakin ang buong campus. Dalawang taon na akong nakaupo bilang presidente ng Student Council, iniisip ko tuloy dahil ba apo ako ng may-ari kaya hindi nila ako mapalitan? Yung pinaltan ko kasi ay naging mortal kong kaaway matapos kong ilabas lahat ng ginagawa niya, sa mga bagong estudyante. Hindi ko na masyadong matandaan pero ang alam ko lang ay hinihingan niya ang mga ito ng pera! Pero pagkatapos noon ay kusa na rin siyang nag transfer sa ibang school. Pagkaligo at bihis ay bumaba ako sa kusina para sana kumain pero dahil kulang na sa oras ay kumuha lang ako ng toasted bread na kinakain ng mga kasambahay namin na sila din madalas nagaasikaso kay Madi bukod sa nurse niya. Bumati lang ako sa kanila at lumapit kay Madi na noon ay nasa sala habang nagbubuklat ng album. Sinilip ko ito mula sa likuran at doo’y nakita ko ang picture namin na kasama sina Mommy at Daddy. Nalungkot ako ng bahagya pero hindi ko ipapakita kay Madi. Tumalon ako bigla sa kanyang harapan, nagkunwaring hindi ko nakita ang album na hawak niya. Nagulat ito at biglang isinara ang hawak na album. Ngumiti siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti naman ako at nagsenyas kung okay lang ba ang itsura ko. Tumawa naman sya at tumango tango. Sumenyas ako sa kanya na kailangan ko ng umalis. Tumayo naman siya at pinulupot ang kamay niya sa aking braso. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Bago ako sumakay ay yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Tuwang tuwa siya habang nakatingin sakin at winawagayway ang kanyang kamay habang palayo ako sa kanya. Lagi kong pinapanalangin na sana maging ayos na ang kapatid ko, na sana ay maging normal siya pagdating ng panahon. 8:15 noong makarating ako sa school. May nakalaan na talaga na parking space para sa akin kaya hindi na ako nahihirapan pa. Pagbaba ko ay bumungad na sakin ang mga kaibigan ko. Makikita parin sa kanila ang alinlangan, siguro ay nagtataka kung galit parin ba ako. Bakit? Kasi hindi nila sinabi sa akin na ginagago na pala ako ng ex ko. Kesyo ayaw nila ako masaktan. “Hey Maz, How are you?” Tanong ni Suryeon ang half Korean half Filipino kong friend mula elementary. “Hmm okay lang” walang gana kong sagot. Naiilang man ay binati nila ako. Si Suryeon, Kylie at Andy. Hindi gaya ni Suryeon, Si Kylie at Andy ay HS friends ko. Mga magagandang babae pero babae din ang gusto. Si Suryeon lang yata ang natitirang nagiisip ng tuwid saaming lahat. Buti at nakakaya niyang sakyan lahat ng kagagahan naming lima kasama si Jamie. “Antagal mo girl, nawala na yung mga chicks dito” Sabi ni Andy, na tiningnan ko lang ng masama. Tumingin naman ako kay Kylie pero tumingin lang din siya at ngumiti. Habang naglalakad sa hallway ay may mga nakita akong mga estudyante na nakatingin sa akin. “Nalulungkot sila para sa iyo, Maz. I heard earlier na, may bago na daw si-” Pagkukwento ni Suryeon. Tumigil ako sa gitna at tumingin sa kanilang tatlo. “Ayoko na marinig ang pangalan niya, please. Wag na natin siya pagusapan.” Tumango naman sila at ang pinakamadaldal na si Andy e sinisisi si Suryeon sa pagkukwento nito. Halos lahat ng estudyante ay nasa Assembly Area na, lahat sila ay natahimik noong nasa gitna na ako para magsalita. “Goodmorning Everyone, I’m Maziah Del Mundo,” Panimula ko, inisa isa ko sa kanila lahat ng rules and regulations ng school lalo na sa mga freshmen. Hanggang sa lugar bawat sulok, at kung sino at dapat nila puntahan depende sa pangangailangan nila. “That’s all, thank you and have a nice day” Pagtatapos ko. Tiningnan ko lahat ng maaabot ng aking paningin, pero napahinto ako sa isa, na kunot noong nakatitig sakin, nagtataka. Parang pamilyar din ang kanyang itsura pero di ko maalala kung saan ko siya nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD