Chapter 3 -Encounter

1018 Words
Kanya kanyang lakad na ang lahat patungo sa mga classroom. Kaming dalawa ni Suryeon ang magkaklase since pareho kaming Business Management, Si Kylie naman ay Med-Tech, si Andy ay BS Mass Communication, at si Jamie naman ay Law. Nagsimula ang klase na puro ‘introduce yourself’, kami ni Suryeon ang magkatabi pero kahit anong pakikipagusap niya sa akin ay wala akong gana magsalita. Natapos ang ilang oras ay dumating ang pinakahihintay ng lahat ang break time. Sabay kami pumunta ni Suryeon sa cafeteria para kumain. Nakasabay din namin si Andy at Kylie. Mula naman sa likuran ko ay may umakbay, si Jamie. “Hi my dear stubborn cousin, hindi na kita tatanungin kung kumusta ka na, kasi buti pa si Mama Eula, tinatawagan ako hmmp.” Pagmamaktol niya. Napailing lang ako sa sinabi niya at tumuloy sa pagbili ng pagkain. Habang papunta kami sa table namin ay may nakita ako sa di kalayuan, pero hindi ko na sana bibigyang pansin. “Mukhang may hina-harass na naman si Yuri, ah” Pagbanggit ni Jamie. Si Yuri ay isang babae na kilala sa pagiging bully, kapag ginusto niya ay kailangan niyang makuha, sa pagkakatanda ko ay nagkagusto din siya sa ex-girlfriend ko. “Wait. Diba yun yung bago sa nursing dept. yung sinabi mo na maganda?” Sabi ni Andy habang nakatingin kay Kylie. “Girl tingnan mo” Tinapik ako ni Andy kaya napatingin din tuloy ako. Nakita ko yung babaeng nasa assembly kanina kumakain habang nasa tabi niya si Yuri. *Yassi* Kapag minamalas ka nga naman unang araw ko pa lang may panira na agad sa kinabukasan ko. Kanina pang may buntot ng buntot sa akin, nakakairita. Kung kelan desidido na ako mag-aral at makapagtapos pero ang tanging hiling ko lang muna sa mga oras na ito ay ang maka-kain ako ng maayos at matiwasay. “Hey I’m talking to you, just be my guest tonight and then I won’t bother you anymore.” Sino ba tong mukhang sisiw na to? Kanina pa tong nakikipagusap sakin at tinatanong ang pangalan at number ko. Gusto ko tuloy kulayan ng itim ang buhok niya baka sakaling babagay na sa kanya. “Hindi po pwede kasi mag-aaral po ako.” Sabi ko habang patuloy na kumakain. “Drop that damn honorifics, I think same age lang naman tayo eh.” Mataray niyang pagkakasabi. “Sorry pero wala ka bang ibang kaibigan na pwede mong ‘maging guest tonight’?” Pagbigay diin ko kagaya sa sinabi niya. “Haa, wag ka na magpa-hard to get miss” Sabi niya habang may pilit kinukuha sa bulsa. Nilabas ang wallet at pinakita niya sakin ang laman nitong ubod nga naman ng dami. “I know this is what you want” Sabi niya sabay ngiti, killer smile ba kasi mukha siyang killer huuuy Inalis ko ang tingin sa wallet niyang putok sa laman at umirap ng bahagya. Sabay lapit sa kanya para bumulong. “Sorry pero meron din ako niyan e” Sabi ko at akmang susubo na ulit para kumain pero bigla niyang tinabig ang kamay ko at hinila ako patayo. Psycho tss. “How dare you!” Huh bakit parang kasalanan ko? May mali ba sa sinabi ko? Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa cafeteria. “How dare you ka rin, alam mo bang hindi pa ako nag bbreakfast tapos ngayon hindi pa ako pinakain ng maayos kasi kung ano anong sinasabi mo?” Pinilit kong maging ayos ang pananalita ko sa kabila ng pagkainis ko sa kanya. “Oh Come on, are you mad? Just because hindi ko sinunod yung gusto mo?” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Sorry but hindi kita bibigyan ng 20 Thousand Pesos para lang sa isang gabi.” What the heck? Anong pinagsasasabi nito? “Excuse me? Wala akong sinabing ganyan, ikaw nga yung parang asong sunod ng sunod kanina mula noong matapos yung assembly e, anong sinasabi mo dyan? Ang weird mo naman, baliw ka ba or may pinagdadaanan ka ba?” Tuloy tuloy kong sinabi sa kanya. “You Bit*h!” Sigaw niya at akmang tinaas ang kanyang kamay para sampalin ako kaya napapikit ako at napahawak sa ulo. Naghihintay ako na may mag landing na braso sa ulo ko pero wala akong naramdaman kaya dahan dahan kong inalis ang kamay ko at tumingin sa kanya. “Stop it.” Sabi ng isang babae, sa pagkakatanda ko ay siya yung nag speech kanina sa assembly, siya yung SC President? Familiar talaga sakin ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko ba siya nakita. Kaya pinilit kong alalahanin habang nagsasalita siya pero hindi ko talaga maalala. “Mind you own business Ms. President” Sabi nung aso, sabay hila ng kamay niyang hawak ni.. ano nga bang pangalan niya? Manaya? Danaya? Basta yung president. “This is my business, Yuri. Nakalimutan mo na ba ang usapan natin? One more time and I will talk to our Principal to kick you out. Tatakbong Mayor ang Daddy mo right? Bad Image, you know what I mean” Matigas niyang sinabi, titig na titig siya sa aso. Umirap irap ang aso, at lalakad na sana pero bigla siyang napatingin sa akin. “See you around” Sabi niya sabay ngiti pero bahagyang nakataas lang ang isang sulok ng labi. At naglakad na palayo. Napabuntong hininga ako at napaupo. Mukhang gulo ang salubong sakin dito ah. “Are you okay?” Sabi ni Ms. President. “Ahh opo. Thankyou nga po pala” Sabi ko at ngumiti ng bahagya. “Please wag ka na mag po at opo, ahh anyways this is Kylie, same department kayo I heard, kung sakaling balikan ka ni Yuri, sabihan mo lang siya, she will help you.” Mahinahon niyang pagsasalita, at may pinakilala nga siya mula sa gilid niya. Tumango naman ako at nagpasalamat muli, pinakilala niya yung friend niya pero yung pangalan niya ay hindi niya nasabi. Mukha naman siyang mabait, sana hindi lang pakitang tao kasi sanay na sanay na ako sa ganun. Sana lang talaga hindi na ako kausapin nung Yuri nayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD