Chapter 1 - Wasted

1308 Words
*Maziah* “Mazi, Come on, let’s go! You’re drunk, look at you, ang baho baho mo na!” Sigaw ng pinsan at best friend ko na si Jamie habang hinihila ako palabas ng bar na pag-aari ng pamilya niya. Napaluhod ako sa harap niya habang umiiyak, “No Jamie please, I want here! I want to stay here! Please just let me! Kung gusto mo umuwi, iwan mo na ako! Sanay na sanay na akong maiwan! So go!” Sigaw ko sa kanya habang tinuturo ang pinto palabas ng bar. “Uuwi na tayo, iuuwi na kita, look at you, you’re wasted and a mess” Sabi niya, habang tinutulungan ako tumayo habang ako naman ay pinipilit alisin ang kamay niya. I just want to enjoy, gusto kong makalimot, well, ganun naman talaga ang mindset ng mga umiinom, diba? Sino ba naman ang hindi mabro-broken hearted e napakagandang graduation gift lang naman ang natanggap ko. Naghiwalay ang parents ko, and my sister, who is deaf by birth is going to lose her sight and lastly my girlfriend cheated on me. I saw it, and yun yung masakit because I saw her eyes na para bang sinadya niyang ipakita sa akin yung ginawa niya. We have been together for over five years. I thought that we would follow the same path and realize our aspirations together. Yet, I don’t know what went wrong. “Wait here, I’ll call your Mama Eula’’ Kinuha niya ang phone niya at tatawagan ang lola ko. “No! No!” Sigaw ko habang nagmamadaling tumayo at hinampas ang kamay niya para mabitawan ang kaniyang phone. At kahit liyong liyo at hindi alam kung pasaan ang liko ay pinilit kong tumakbo palabas ng bar. Nakita ko na may papalapit na sasakyan sakin at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. ***PEEEEEEEP**** ***BOOGSH**** Nakita ko na lang na lumabas ng pinto yung driver. “Oh my gosh! Sh*t! Tulong!” rinig kong sigaw ng isang babae. “Holy Shhh, Mazi!!” my cousin shouted from behind then suddenly everything went black. *********** Ang tahimik ng paligid, nasa langit na ba ako? Aaah ang sakit din ng ulo ko! Pinilit kong ibukas ang mga mata ko at nakita ko si Mama Eula na may kausap na doctor. “We’ve examined your granddaughter and fortunately, there are no serious injuries, just minor bruises and scratch. I recommend that she should rest, and monitor for any worsening symptoms and follow up if needed. She’ll recover fully in a few days Ma’am” “Ahh Thank God! Thank you so much Doc!” Tuwang tuwa na pagkakasabi ng lola ko. “No worries Ma’am” Sabi ng doctor at lumabas na nang pinto. “Mama?” Pagtawag ko sa lola ko na biglang napatingin at patakbong lumapit sa kama ko. “Salamat sa diyos at walang nangyaring masama sayo” Mangiyak ngiyak na sambit ng lola ko pero nagulat ako noong bigla niya akong hampasin sa balikat! “What were you thinking? Ha? Ano bang nangyayari sayong bata ka? This past days naninibago talaga ako sayo, hindi ka naman ganyan noon ah? Kung may problema ka, you can tell me naman. Kung hindi pa sinabi sakin ni Jamie lahat ng nangyari. Kaya apo, please, Mama is here okay? “I’m sorry, mama. It’s just that,..nothing, sorry po.” Hindi ko na alam ang mga dapat kong sabihin, dahil pakiramdam ko malulungkot lang ako ulit. “Sayang hindi mo nakita yung babaeng nagdala sayo dito, nagmamadali din kasi siya, naiwan niya pa nga itong jacket niya.” Inabot sakin ni Mama Eula yung jacket at tiningnan. Sa baba ay may nakita akong initials. “C.Y.?” Kanino kaya ito? Siguro naman e babalikan niya ito. “Hmm? Do you need something?” Tanong ng lola ko na akalang kinakausap ko sya. “Ahh wala po, Mama. May nabasa lang po ako.” Sabi ko sabay ngiti. Tumingin siya sa kanyang relo at tumingin muli sa akin. “Its 1:45 am, matulog ka na muna, I’ll wake you up kapag uuwi na tayo, lalabas lang ako saglit” Sabi ni Mama at tumayo. Wala naman akong ibang nararamdaman na sakit kundi sakit sa dibdib. Parang ang bigat bigat, gusto kong magwala pero wala naman akong magagawa. Kaya pinilit ko na lang ulit matulog. Nung araw din na iyon ay nakalabas ako ng hospital, walang bumalik para kuhanin yung jacket kaya pinili ko na lang dalhin at itago. Pagkarating sa bahay ay dumiretsyo agad ako sa room ni Madison, ang pinakamamahal kong kapatid. “Hi” Pagbati ko sa nurse na nagbabantay kay Madi, ngumiti naman siya at tumingin sa kapatid ko na waring pinaalam niya ang aking pagdating. Kitang kita ko naman ang saya ng aking kapatid noong makita ako. Patakbo itong lumapit sa akin at yumakap. “Hello Madi” Sambit ko kahit alam ko naman na hindi niya ako maririnig. Inalis ko ang pagkakayakap niya at hinawakan siya sa pisngi. “How are you? Are you okay?’’ Nakatingin lang sya sa labi ko na animo’y binabasa ang aking sinasabi, pinaliit pa ang mga mata para siguro mas makita niya kung ano ang aking binabanggit. Ngumiti naman siya at masayang tumango. Pero hindi niya maiitago sa akin ang kanyang mata, ang mata ng batang umiyak. Tumingin ako sa nurse na nagaalaga sa kanya. “How is she?” Tanong ko sa nurse. “Hindi ko po alam pero kagabi pa po siyang walang kibo at nakatingin lang sa may bintana, bigla naman po siyang umiyak kanina, tinatanong ko siya kung okay lang ba siya pero hindi niya din po ako pinapansin, ngayon lang po ulit siya naging masigla pagdating niyo,” Pagpapaliwanag nung nurse. Palipat lipat naman ang paningin samin ni Madi, hindi malaman kung saan titingin na parang maiintindihan niya kung ano ang pinaguusapan namin. “Alright, Thank you po sa pagaasikaso kay Madi ah?” Sabi ko habang nakangiti. “Naku wala po yun, napakabait din naman po ng kapatid niyo e, kahit kayo naman po. Manang mana po kayo sa mommy niyo-” Nagulat at napahinto siya sa sinasabi niya. “It’s okay, kumain na muna po kayo” Sabi ko na lang sa nurse. Ito na naman yung sakit sa dibdib. I smirked, Ha! Mabait ba yun? E parang wala na silang pakialam sa aming magkapatid. Sarili lang nila yung iniisip nila, sana masaya sila sa bago nilang pamilya. At natapos ang maghapon na kasama ko si Madi, kumain at naglaro lang kami, kasi alam kong mawawalan na naman ako ng time sa kapatid ko kapag pumasok na ulit ako sa school. Start na kasi ulit next week ang pasukan kaya kailangan ko ng lubusin ang pagkakataon at oras, dahil natatakot rin ako na tuluyan na akong hindi makita ng kapatid ko. She’s suffering with an illness known as Usher Syndrome. Magmula noong pinanganak siya ay hindi na talaga siya nakakarinig, And now na 11 years old na siya unti unti na ring lumalabo ang paningin niya. Buti na lang at nandito si Mama Eula para sa aming dalawa. Hinatid ko na sa room si Madi para makatulog na rin siya. I kissed her forehead at ngumiti. “Good night, Madi” Sabi ko at ngumiti din siya. Lumabas na ako ng kwarto ni Madi at pumunta sa kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumingin sa kisame. Napalingon ako sa side table at nakita yung jacket na naiwan nung babaeng nagdala sakin sa hospital. Hindi man lang ako nakapag sorry at nakapagpa - salamat, sigurado hassle din sa kanya kung babalikan niya po yung jacket niya. Tumingin ako muli sa kisame, I need to focus, no more destruction. Wala dapat akong ibang isipin kundi sina Mama Eula at Madi lang. Yes it’s decided. Pumikit na ako at hindi ko na namalayan ang pagtulog ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD