Chapter 5 - Paramnesia

1057 Words
Nakasanayan na ng karamihan na maglagi sa cafeteria o kaya naman sa quadrangle kapag may mga bakante silang oras. Sa quadrangle makikita ang mga umpok ng estudyanteng nag-aaral, nagkukwentuhan at naging dating place na ng mga mag nobyo't nobya. Sa hindi kalayuan makikita ang isang nursing student na paparating marahil ay para makiupo din, may dinukot ito sa bulsa at pinakatitigan ng mabuti at mukhang malalim ang iniisip. Mula naman sa cafeteria makikita ang SC President at ang koryanang kaibigan na parehong may bitbit na isang bote ng tubig. Papunta sa quadrangle ay nagmistulang runway ang pathway sa lakas ng dating ng dalawang magkaibigan. Makikita ang pagiging clingy at madaldal ng koryana sa kanyang kaibigan habang naglalakad patungo sa quadrangle. Ilang minuto ang lumipas ay nagulantang ang lahat sa sigaw ng isang estudyante mula sa nursing department. Tumakbo ng bigla at hindi namalayan ang taong paparating, hindi inaasahang bumungo ito sa presidente at ilang segundo ang nakalipas bago nakatayo ang dalawa. *Yassi* At dahil bakante ako ng dalawang oras mas pinili kong tumambay sa quadrangle kesa naman makasama ang napaka iingay na nasa room. Pumunta at naupo ako sa bakanteng bench at kinuha sa bulsa ang wallet ko na may red betta fish keychain. Actually dalawa ito pero binigay ko sa isang mabuting nilalang ang kapartner nito na blue betta fish. Kumusta na kaya siya? Sana makita ko siya ulit, pero paano? Hindi ko nga alam ang pangalan niya tapos hindi ko na din masyado matandaan ang mukha niya. Haahaay. Nagulat ako ng may biglang tumigil sa harap ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita kung sino ang nasa harap ko. Napabuntong hininga ako ng makita ang isang magandang babae pero may sapak ang ulo. Maganda pa ang pagkakatayo na animoy may surpresang ibibigay sakin dahil parehong nasa likuran ang mga kamay niya. Trip na trip yata ako nitong Yuri na ito. Dahil nasa labas kami ngayon kitang kita ko lalo ang taglay na kagandahan ng usbaw na ito, pero hindi parin bagay ang kulay ng buhok niyang pang sisiw. "Ano na naman bang kailangan mo?" Malamya kong tanong sa kanya. "Wala naman, hmmm may gusto lang naman akong ibigay sayo, peace offering ba ganun?" Sabi niya at ayun na naman yung killer smile niya. Yung nakikita talaga sa movie? Yung mga villain na sobrang creepy ng ngiti or sa mga horror movies grrr "Okay," Nilahad ko ang kamay ko at hinintay ang ibibigay na 'peace offering' daw niya. Unti unti, mula sa likuran ay nakita ko ang hawak niyang hindi ko maintindihan pero nakabalot ito sa parang tela. Tanging sa mukha niya lang ako nakatingin at walang ano ano ay may tinaktak siya sa kamay ko at biglang kumaripas ng takbo. Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang nasa kamay ko. Tatlong malalaking TILAS!!! Napatayo ako at napasigaw habang pinapagpag ang pareho kong braso para matanggal ang malalaking tilas ng makita kong gumagapang na sila paakyat sa braso ko! "WAAAAAAHHH!! AAAAHHHHHHHH" Napatakbo naman ako at hindi namalayan na may paparating na mga tao. Bumunggo ako at napayakap sa kung sino at pareho kaming natumba! Pinilit kong ituon ang kamay ko para hindi masugatan ang nasa harap ko. Feeling ko tuloy nag slow-mo ang paligid ko dahil nakita ko pa ang karamihan na palapit sa kinaroroonan namin. Pagbagsak namin ay narinig ko ang malakas na pagdaing niya. Napansin ko din ang mga braso niyang nakapulupot din sa ulo ko. "Aww, Miss? Are you okay?" Dinig kong sabi niya na may kasamang hirap at sakit sa kanyang pagsasalita kaya pinilit ko na ring tumayo, pero napatigil at nanlaki ang mata ko ng makitang si Ms. President ang nabunggo ko! Ngunit sa halip na magmadaling tumayo ay napatingin lang ako sa mga mata niya, pababa sa matangos pero maliit niyang ilong hangang sa labi niyang parang may sinasabi pero hindi ko marinig. Nagising lang ako nung tinapik tapik niya ako sa pisngi! Nakakahiyaa! Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya napatayo ako agad. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya, pero nagtataka din ako sa sarili ko kung anong nangyayari hindi ako makapagsalita nakita ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko at unti unting lumabo ang paningin ko. *Maziah* Nawalan ng malay si Yassi kaya dinala namin agad siya sa infirmary. Nagtanong tanong naman kami nina Andy at Kylie kung anong nangyari pero walang makapagsabi sakin, siguro nga ay hintayin na lang namin na magkamalay siya. Nakita ko ang Doctor na nagsikaso kay Yassi at nagtanong kung kumusta na ito. "Ms. Santos had a sudden allergic reaction due to a rash. Mabuti at nadala agad siya dito at nabigyan ng gamot at ngayon ay stable na siya. We'll keep an eye on her for now to make sure everything stays okay," Sabi ni Dra. Buenavista. "Ahh natawagan po kaya ang parents niya? Ipinasuyo ko na lang po kasi e" Sinabi ko na lang kasi kina Kylie na tawagan ang parents ni Yassi. "Yes, right, Tatawagan na sana, pero nalaman din namin na magisa na lang pala siya, at wala na rin kaming ibang ma-contact na kamag-anak niya" Pag-iling ng doctor. "Ganun po ba? Sige po, thank you Doc" Sabi ko at ngumiti naman ang doctor bago naglakad palayo. Naglakad ako sa loob ng infirmary at hinanap kung nasaan si Yassi. Sinilip ko ang mga nakasaradong kurtina isa-isa. Nakita ko namang nakahiga at wala parin siyang malay, bahagya na ring humupa ang pantal sa braso niya. Ano kayang nangyari sa kanya? Sana okay lang ang pakiramdam niya. Naalala ko kanina noong natumba kami pareho, "Miss!! Okay ka lang ba!" Bakit ba nakakatitig lang siya sa akin? Hindi niya ba ako naririnig? Parang gulat na gulat siya sa presensya ko. Kaya tinapik tapik ko ang pisngi niya. "Miss! Hey!"Bigla naman siyang tumayo at parang hindi makapagsalita, nakita ko din na sobrang namumula ang braso niya at bahagya narin siyang namumutla. Kaya nilapitan ko siya pero bigla naman siyang nawalan ng malay. "Yassi!!" Dinig kong sigaw ni Andy mula sa likuran. Kaya nagtulong tulong kami na madala siya dito sa infirmary. Nagpapasalamat ako at naagapan siya. Akmang hahawakan ko ang braso niya at titingnan sana ng biglang mag vibrate ang phone ko. From: Suryeon Hey where r u? aren't u going to attend class? To: Suryeon Nope, need to take care of something.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD