PROLOGUE

295 Words
“May nais akong sayo ay sambitin, ang aking mundo ay talagang napakadilim, Ngunit noong ikaw ay tumingin at sa aki’y lumapit, ang mundo ko ngayo’y tila ba naging isang malawak na hardin.” Pagbasa niya sa tulang pinag isipan kong gawin kasabay ng isang bulaklak. “Sinulat mo ba ito?” Tanong niya na animo’y natatawa. “Ba-bakit? Pangit ba? Akin na nga yan!” Akmang aagawin ko ang kapirasong papel sa kanya. Pero mabilis niya itong tinago sa kanyang likuran. “It’s beautiful, just like you.” Sabi niya sa akin sabay kindat! “Tss. E bakit parang natatawa ka naman?” Pagtatanong ko sa kanya. “Nothing, just wondering may tinatago ka pa lang talent, HAHAHA” Natatawa niyang sambit. “Anong talent? Ka Corny-han ba? Pwede na ba akong mag audition?” Pairap ko namang sinabi, nagbibiro. “No, you’re sweet” Sabi niya habang titig na titig sa mata ko. Nakatitig din ako at pakiramdam ko ay hinihila ako palapit. “Can…Can I?” pag aalinlangan kong tanong, pero hindi ko mabitawan. “Can you what?” Tanong niya sa akin. “Can I kiss you?” Sa wakas ay nasabi ko. Kita ko ang gulat sa mukha niya at nagbaba ng tingin sa aking labi. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para halikan siya ngunit bigla niyang kinagat ang ibabang labi niya. Natawa ako ng bahagya at lumayo para makita ang kanyang mukha. “Don’t do that again” Sabi ko habang natatawang nakatingin sa kanya. “Do what?” sabi niya na may pagtataka. “Biting your lips” Nanlaki naman bigla ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. “Because...” Dahan dahan akong lumapit sa tenga niya at bumulong. “I’ll do it for you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD