Episode 2 - Prinsesa

2647 Words
Masayang naglalakad si Akane na nagha-hum at palundag-lundag pa. Mahaba-haba na ang nilakad niya mula sa kanilang bahay papunta sa Yuuri Residence. Hawak nito ang isang white envelope na may lamang mga printed notes na ibibigay niya kay Ryoku na may mga cute heart shape stickers pa na siya mismo ang may gawa   "Kakatok ba ko? Nakakahiya naman! Anong sasabihin ko?" Namumula pa ito habang nasa harapan na ng gate nila Ryoku. Hanggang ngayon nasa isip pa rin niya ang mukha ni Ryoku na nakita niya nang malapitan. "Wooh! Okay! Eto na kakatok na 'ko. Wooh! Eto na talaga!" Lumundag-lundag pa ito pampaalis kaba nang biglang may nagbukas sa front door, kumaripas siya ng takbo at nagtago sa pinakamalapit na poste.   Animo`y lumaki ang tenga nito sa pakikinig kung sino ba ang nagbukas ng pinto. Pero wala itong naririnig na nagsalita kaya naman dahan-dahan itong sumilip.   "Ay! Kabayo!" Pagsilip nito sakto ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki. She sniffed the fragrant perfume from the man's school uniform.    Ang bango...Amoy...Baby...   "Baka maubos pabango ko." Pamilyar ang boses ng lalaki. Hindi nga lang masyado makumpirma ni Akane kung kay Ryoku iyon o kay Daisuke, kaya naman tumingala ito.   "Ba't ka nandito?" Kunot-noong tanong ni Daisuke. Agad namang lumayo si Akane.   "Ikaw lang pala, ginulat mo ko. Si Ryoku? Nasa bahay pa ba?" Patingin-tingin pa si Akane sa likuran ni Daisuke, nagbabakasakali itong lumabas na si Ryoku.   "Ewan ko." Sagot ng binata matapos ay nagpatuloy na ito sa paglalakad.   "Tch! Sunget!" Akane gestured her hands under her eyes kasabay ang pag belat nito.   Tumakbo si Akane ng makitang papalabas na si Ryoku sa gate nila.  "Good Morning! Are you feeling okay? Sayang nagkasakit ka nung sabado nakita mo sana kung paano natapos yung meeting. Grabe talaga!" Walang reaction si Ryoku na tuluy-tuloy lang sa paglalakad habang pilit siyang sinasabayan ng dalaga. "What are you doing here?" Bulong ni Ryoku. "Right! I'm here kasi gusto kong ibigay sa 'yo 'to para mabasa mo bago kapa pumasok. Alam mo naman si Prof Fujima magtatanong yun." Iniabot niya ang folder pero hindi ito pinapansin ni Ryoku na nagpatuloy lang sa paglalakad. Napansin ni Akane na parang wala sa mood si Ryoku kaya naman nag-isip ito ng ibang paraan para makausap ang kanyang ultimate crush. "Gusto mo ba ikuwento ko nalang sayo?" Hindi sumagot si Ryoku. "Sige ikukwento ko nalang kasi ganito yan." Pero bago pa man makapagkwento si Akane ay tumigil si Ryoku sa paglalakad at marahas na hinawakan si Akane sa magkabilang braso. Sa sobrang higpit ay nasasaktan na ang dalaga. Nabitawan ni Akane ang mga papel na hawak dala ng pagkagulat sa naging reaksyon ni Ryoku. "Wala akong panahon para dyan! Atsaka pwede ba tumahimik ka muna. Kahit ngayon lang!" Kunot-noong pagsabi ni Ryoku. Agad din nitong binitawan si Akane at iniwang gulat sa nangyari. Ilang segundong natulala si Akane. Hindi niya lubos akalain na magagalit nang ganoon si Ryoku.  "Si Pres talaga, baka may Monday sickness lang siya." Pinunasan ni Akane ang nangingilid na luha at pinilit na ngumiti sa kabila ng panginginig ng katawan niya. Matapos pulutin ni Akane ang mga papel nagpatuloy na ito sa paglalakad. Pinilit isinantabi ang nangyari. "Andito ka pa?" Nakita niya si Daisuke na nakasandal sa pader na parang may hinihintay sa hindi kalayuan. "Sabay ka na sa 'kin." Alok ng dalaga na pilit paring ngumiti sa kabila ng nararamdaman. Kahit pa paano ay nawala ang panginginig ng katawan niya nang sumabay si Daisuke sa kanya sa paglalakad. "Okay lang ba yung kapatid mo? Mukha kasing may sakit pa siya," sabi ni Akane. "Wala siyang sakit." Bulong ni Daisuke. "Talaga? Para kasing bad mood siya. Baka may Monday sickness lang talaga siya." Sumilip si Daisuke sa mukha ng dalaga. Bakas ang pamumula ng kanyang mga mata at kitang-kita ang lungkot sa mga ito. "Ganyan ka ba talaga?" Tanong niya na pinagtaka naman ni Akane. "Naniniwala ka talaga sa kanya?" Patuloy ni Daisuke. "Oo naman. Bakit naman hindi?" Malungkot na tugon ni Akane na nagpakita ng sandaling ngiti. Nagsalubong ang kilay ni Daisuke sa naging sagot ng dalaga.  Makakatikim na talaga sa akin si Ryoku! Ilang kanto nalang at tanaw na nila ang eskwelahan nang biglang may humarang sa kanila. Limang kalalakihan na naka uniporme pa mula sa ibang paaralan.  "Sumama kayo sa 'min." Bungad ng isa sa mga ito. Sa mukha palang ay halata ng wala silang gagawing mabuti. Humarang si Daisuke sa harapan ni Akane para ma protektahan siya. "Sinong nag-utos sa inyo?" Tanong ni Daisuke na nagkamao na ang mga kamay. "Sumama kayo nang maayos kung ayaw ninyong masaktan!" Pagbanta naman ng isa. Inobserbahan ni Daisuke ang mga ito at napansin niyang may mga marka ang mga ito sa leeg. Marka na pamilyar sa kanya. Hugis korona ang mga marka. "TheKings" ang pumasok sa kanyang isip. Kumalma siya nang mapagtantong mga baguhan lang sila at gustong sumali sa TheKings. Initiation rights ang ginagawa nila at utos iyon panigurado ni Tadao. "Tch. Wala kaming panahon diyan." Hinila ni Daisuke si Akane palayo sa mga humarang sa kanila. Pero nagpumilit ang mga ito sa pakay nila. Gumamit sila ng stratehiya na sabay-sabay sumugod kay Daisuke para makuha si Akane. Mabilis ang mga pangyayari and the next thing they knew, hawak na ng mga lalake si Akane at naitulak na nila palayo si Daisuke. "Sumama ka na kung ayaw mo siyang masaktan!" Hawak ng dalawang lalake si Akane sa magkabila nitong kamay. Huminga lang nang malalim si Daisuke at napailing. "Sasama ako. Bitawan niyo siya." Utos nito. "Kailangan kasama siya. Wag na kayong pumalag. Kailangan lang kayong makausap ng boss namin." Nakapiglas si Akane sa dalawang humahawak sa kanya. "Daisuke ano na naman ba 'to! Nakakarami na kayo sa akin ah! Sumama na tayo para matapos na 'to!" Sigaw ni Akane. . Naglakad sila papunta sa hideout habang naka-escort ang mga kalalakihan sa kanila. Kapansin-pansin na hindi mapakali si Akane, palagi kasi itong tumitingin sa likuran nito. "Anong problema?" Puna ni Daisuke. "Ah? Ako? W-wala." Gulat na sagot ni Akane. Nagtaas ng kilay si Daisuke. "Ano nga yon?" "Kulit! Sige na nga, iba kasi yung pakiramdam ko. Parang may nangyayaring masama sa school." Tumitig si Daisuke sa kanya na para bang hindi na niniwala kay Akane. "Paano mo naman nalaman?" "Ewan. Hindi ko alam. Feeling ko lang."  Pilit isinantabi ni Daisuke na si Ryoku na naman ang nasa isip ng dalaga. Hindi rin nagtagal at nakarating na sila sa hideout ng TheKings. Sinalubong sila ng mga myembro at ng lider nilang si Tadao. Tumawa nang malakas si Tadao nang makita ang mga bagong recruit. "Magaling at napasama niyo sila nang wala man lang kayo pasa sa mukha!" "Ano na naman bang kailangan mo sa kin? Wala naman akong kinalaman sa gang ninyo!" Naiiritang tanong ni Akane. "Maniwala ka. Mas ligtas ka dito." Malalim nitong sagot. Napansin ni Daisuke na iba ang expression sa mukha ng dating kasamahan. "Anong problema?" Tanong ni Daisuke. "Nagising na siya. Kailangan namin ang tulong mo." Nanlaki ang mata ni Daisuke sa sinabing iyon ni Tadao. Alam niyang isa iyong masamang balita. "Ayoko na ng gulo. Pasensya na pero pass ako." Tumalikod si Daisuke para lumabas sana ngunit nagsalita ulit si Tadao. "Delikado si Akane. Matagal na nila kayo tinitiktikan. Para ito sayo, sa grupo at sa kanya." Ibinaling ni Daisuke ang tingin sa dalaga. "Pag iisipan ko," sabi ni Daisuke. Hindi iniintindi ni Akane ang pinag-uusapan ng dalawa dahil hindi ito mapakali. Alam na alam niyang mayroong nangyayari sa school dahil hindi pa niya naibibigay kay Ryoku ang report sa nakaraang meeting. "Aalis na ko. Iba na talaga yung nararamdaman ko. Pasensya ka na Daisuke next time nalang ako sasali sa gulo niyo." Tumakbo palabas si Akane ngunit hinarang siya ng limang lalake. Tumingin ang mga ito sa dalawang boss nila para humingi ng utos. "Samahan niyo ang prinsesa," ani Daisuke na ikinagulat ng lahat. Prinsesa ang tawag nila sa babaeng mapipili ng kanilang leader na kailangan ilang irespeto, alagaan, at protektahan. Matagal-tagal na rin nang huli silang magkaroon ng prinsesa sa grupo. Hindi pansin ni Akane ang mga nangyayari sa paligid niya, wala itong ibang iniisip kungdi si Ryoku. Pag ganito ang nararamdaman niya laging kasama si Ryoku sa may problema kaya naman ganun nalang ito kung magmadaling maka punta sa school. Lumabas si Akane kasama ang limang lalake at inihatid siya. "Walang alam si Akane sa nangyari. Hindi siya dapat madamay,” sabi ni Daisuke na seryoso sa pakikipag-usap kay Tadao. “Hindi na natin matatakasan ang problema ngayon. Mas mabuting maprotektahan kayong pareho.” "Hanggang dito nalang kame prinsesa," sabi ng isa sa limang lalaking kasama ni Akane nang makarating sila sa gate ng Shiguru High. "Ha? Anong prinsesa? Umalis na kayo kailangan ko ng pumasok." Nagmamadali itong nagtungo sa Council Room, pakiramdam niya kasi na nandoon ang kaguluhan. Hindi nagkamali si Akane, nagkalat sa labas ng Council room ang mga miyembro ng Student Council. Mangiyak-iyak ang mga ito nang makita si Akane. "Anong nagyari?" Kuwento ng isa sa mga ito galit na galit si Ryoku at kanina pa nagwawala. Hindi sigurado ang mga ito kung anong kinagagalit niya. Pero sabi ng isa, nakita niya na nag-uusap si Prof Fujima at si Ryoku pagtapos naging bad mood na siya at lahat pinagagalitan niya. Alam nila na si Akane lang ang nakakatiis kay Ryoku sa tuwing ganito siya. "Ganun ba? Sige bumalik na kayo sa mga classrooms niyo ako na bahala dito." Pagbukas ni Akane sa pinto nagkalat ang mga papel sa sahig pati ng records na nasa shelves ay nakakalat narin. Magulo rin ang mesa at mga upuan. Habang si Ryoku, nakatayo at nakasilip sa bintana. "Ryoku? Wag ka naman sanang magalit sa iba. Wala naman silang kinalaman di ba?" Lumapit ito sa binata. "Wala talaga. Kasi -- ikaw ang may kasalanan nito!" Sinipa ni Ryoku ang upuan na dumiretso kay Akane. Sa lakas ng pagkakasipa ay natamaan ang kanang paa ni Akane ngunit hindi niya ito ininda. "Ako? Bakit ako? Ano ba kasing nangyari?" "Kinausap ako ni Prof, wala akong nasagot! Bakit ba kasi ngayon ka lang ha?" Dati-rati kapag kinakausap na si Ryoku ng mga teacher nila ay agad na napagtatakpan ito ni Akane na sasali sa kanilang usapan. "S-sorry. Pres. Hindi naman kasi dapat ako mala-late kaso--!" Hindi na siya pinatapos ni Ryoku. "Kaso late ka pa rin!" Naluluha na si Akane dahil sa nakakatakot na postura ng binata. Sa tuwing may mali sa trabaho sa student council, napapagalitan sila pero iba ang galit ni Ryoku ngayon. "Sorry, Pres. Kasalanan ko. Hindi na mauulit." Yumuko nalang si Akane para mapagtakpan ang mga luha nito. "Ayoko ng maulit 'to," sabi ni Ryoku saka ito lumabas ng kuwarto. Naiwang mag-isa si Akane sa magulong kwarto. Hindi niya ito pweding iwan nang magulo kaya naman nag-umpisa itong mamulot ng mga papel at i-arrange ito kahit na tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya. Hindi na nagawang makapasok ni Akane sa una niyang subject dahil sa nangyari. Mag isa niyang nilinis ang kwarto para maka siguradong wala ng iba pang makakakita sa magulong council room. "Aray." Napaupo nalang ang dalaga nang maramdamang maga ang kanyang kanang paa.  Nasugatan pala ako. "Kailangan mo ba ng tulong?" Pagbukas ng pinto agad pumasok si Daisuke. "Okay lang ako. Salamat nalang." Pinunasan ni Akane ang mga mata niyang namumugto na. "Ba't ka naka upo sa sahig?" "M-may hinahanap ako." Nagkunwari siyang may hinahanap sa ilalim ng mesa. Alam niyang magtatanong ito kapag nakita siyang umiiyak. Napansin ni Daisuke na may bahid ng sugo ang puting medyas ni Akane. Kaya naman yumuko ito at binuhat ang dalaga. Iniupo niya ito sa pinakamalapit na upuan. "Bakit ka may sugat?" Tanong ni Daisuke na tinuturo ang duguan nitong paa. "N-natapilok lang ako kanina habang naglilinis ako. Gasgas lang yan." Nagkunwaring ngumiti si Akane. Kahit na alam ni Daisuke na nagsisinungaling si Akane ay pinili niyang huwag nalang iyong sabihin. "Sa susunod tawagin mo 'ko. Hindi ako pwedeng tumanggi sa prinsesa." Pahina nang pahina ang boses ni Daisuke. Napangiti nalang ang dalaga dahil ang akala nito napaniwala niya si Daisuke sa nangyari sa paa niya. "Teka, pansin ko lang, prinsesa ba tinawag mo sa 'kin?" Panigurado ni Akane. "Kahit kanina, parang naririnig kong tinatawag ako na prinsesa ng mga kasamahan mo." Huminga muna nang malalim ang binata bago sumagot. "Ayoko sanang madamay ka. Kaso huli na," sabi ni Daisuke. Tumayo ito at dumungaw sa bintana malapit sa kanila. "Ha? Madamay saan? Hindi ko ma-gets." "Basta wag kang aalis nang wala ako. Hindi ka pwedeng humiwalay sa 'kin." "Hindi naman ata puwede `yon, Daisuke. Hindi naman tayo magkaanu-ano. Baka isipin pa nila boyfriend kita." Tumayo si Akane para kuhanin ang bag niya. "Atsaka, ano nalang ang sasabihin ni Ryoku?" Kumalampag ang mesa na ikinagulat ni Akane. Hinampas ni Daisuke ito para makuha ang atensyon ng dalaga. "Please, Akane." Nang tumigin siya sa mga mata ni Daisuke ay naramdaman niyang seryoso ito. Ngunit bago pa man makasagot si Akane ay kumatok ang isang teacher sa pinto at pinalabas sila. Pinilit ni Akane na makapaglakad kahit pa nahihirapan ito.   "Akane!" sigaw ni Emi. Pinaka malapit na kaibigang babae ni Akane. Mas bata ito sa kanya ng isang taon pero nasa parehong klase lang sila. "Bakit hindi ka pumasok kanina?" Tanong nito ng nakalapit na kay Akane na kasalukuyang naglalakad sa corridor. "May inasikaso lang ako." Ngumiti si Akane. "Na-miss kita, Akane!" Yumakap ito sa kanya. Nakatatandang kapatid ang tingin ni Emi kay Akane kaya naman sweet ito pagdating sa kanya. "Pasensya ka na ha. Medyo busy kasi ako ngayon." "Okay lang. Basta nandito ka okay na ko. Halika na." Excited na tungon ni Emi. Nang ihakbang ni Akane ang paa niyang nasugatan ay nakaramdam ito ng sakit na para bang umaakyat hanggang sa kanyang binti. Lumaki pa ata ang sugat. "Emi nauna ka na. May nakalimutan ako." Pagdadahilan ni Akane. Tumango naman si Emi saka na ito naglakad palayo. Nagkunwaring mag-aayos ng medyas si Akane at nang tignan niya ang paa ay lumaki nga ang sugat at dumami na rin ang lumabas na dugo. "Sa clinic ka dapat tumuloy." Biglang sumulpot sa likuran niya si Daisuke kasama sina Gai at Kaetaro. Bumaling ng tingin si Akane sa kanya. "Kaya pa naman." Tumayong muli si Akane at sinubukan muling maglakad. Pinagmasdan ni Daisuke ang paglalakad ni Akane. Agad itong sumenyas sa dalawa nitong kasama na kumuha ng gamot. "Kami nalang ang kukuha ng gamot sa clinic para sa prinsesa." Tumakbo pababa ng hagdan ang dalawa. "Mamaya nalang yan. Hindi na naman ako makapasok nyan." Pahabol sana ni Akane para hindi na tumuloy ang dalawa. "Mas importanteng magamot yang paa mo." Lumapit si Daisuke sa kanya at kinuha ang bag ng dalaga at isinukbit sa balikat niya. Ilang saglit lang ay binuhat niya si Akane inupo sa hagdanan. Hindi na nagreklamo si Akane dahil nararamdaman niya ang pagkirot ng sugat niya. Halos ipapalangin ni Akane na huwag magtanong si Daisuke tungkol sa sugat niya. Ayaw niyang nag-aaway ang dalawang magkapatid. Pero napapansin niyang ilang beses na ring sumulyap ang binata sa kanyang paa. "Hindi mo kailangang pagtakpan sa kin ang kapatid ko." Binasag ni Daisuke ang katahimikan. "Siyang may gawa niyan di ba?" "Aksidente lang naman yung nangyari atsaka hindi ko naman siya pinagtatakpan. Ayoko lang may makaalam pa na iba. Hindi maganda para sa image ni Ryoku kapag may nakaalam pa nito." Paliwanag ng dalaga na hindi na sinagutan pa ni Daisuke. Hindi nakakasagot si Daisuke sa tuwing ipinapasok ni Akane si Ryoku sa usapan nila dahil may kung anong talim ang tumutusok sa dibdib niya sa mga ganoong pagkakataon. “Nga pala, doon sa kanina sa SC room kanina. Medyo nag-aalala na kasi ako. Joke lang `yon `di ba?" Paturan ni Akane ang tungkol sa problemang nabanggit ni Daisuke. "Mukha ba akong joker sa `yo?" "Eto naman! Ang sungit! Kaya nga hindi kita pinapansin dahil sobrang sungit mo. Ang layo n`yo talagang--" Hindi nakapagtimpi si Daisuke nang mapagtantong ipapasok na naman ni Akane ang kapatid sa usapan nila. He leaned forward, so close that she could feel her breathing. Akane's heart suddenly beat faster. Parang lalabas ang puso niya sa sobrang bilis. "May kasalanan ako sa `yo. At ang protektahan ka lang ang puwede kong gawin sa ngayon." "J-joker ka nga." She lightly pushed him away. Kailangan niyang makalayo sa mukha ng binata para kumalma ang puso niya.   "I will let you protect me if magiging mabait na kayo at hindi na gagawa ng gulo dito sa school." Nakisakay nalang si Akane sa pakulong ginagawa ni Daisuke. She can’t take that seriously. Ayaw na niyang madawit sa kahit na anong gulo. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Nang makita ni Daisuke ang ngiti ni Akane na abot hanggang mata ay pumalagay ang loob nito. "Deal." "Friends na tayo ah. Deal." As they shake their hands, sealing their deal of friendship. Daisuke felt something else. Sigurado na siya ngayon na hindi pala talaga niyang kayang baliwalain ang nararamdaman para sa dalaga. Kahit pa hindi pa rin maliwanag sa kanya kung simpleng paghanga lang iyon o mas malalim pa. Ang mahalaga lang sa ngayon ay mapoprotektahan na niya si Akane mula sa delubyong paparating sa kanilang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD