Episode 3 - Summer Feels

1547 Words
Mainit ang sikat ng araw. Mainit ang singaw ng lupa. Nagkataon pang sira ang aircon at exhaust system sa Shiguru High. Kaya naman lahat ng estudyante ramdam ang pasakit ng napaka init na klima. Nakuha ng gawing pamaypay ng mga estudyante ang notebooks at folders nila. Tagiktik ang pawis nilang lahat at ang iba ay nagka-nosebleed na dala ng heatwave na nangyayari. Bukas lahat ng bintana ng class 2-3 - klase nina Akane at Daisuke habang hinihintay nila ang susunod nilang klase.   "Waahhh! Ayoko ko na. Hindi ko na kaya. Sobrang init, Akane," sabi ni Emi na nakadukmo nalang sa mesa niya.   "Oo nga e. Hayaan mo sasabihin ko kay Prof na palabasin muna tayo para makapag refresh man lang." Sagot ni Akane na pinapaypayan si Emi.   Lumingon ito sa mga kaklase at lahat sila apektado ng init maliban kay Daisuke. Tahimik at naka silip sa bintana na para bang walang heat wave na nangyayari.   Hindi ba tinatablan ng init ang lalakeng 'to? Alien ata!   Pagdating ng guro nila agad sinabi ni Akane ang balak request at hindi naman kumontra ang guro dahil pati siya kailangang mag freshen up. Tumungo ang ilan sa cafeteria para makainom ng tubig at ang ilan naman sa mga comfort room.   "Doon nalang tayo maghilamos sa may gym." Alok ni Akane kay Emi. Crowded na ang ilang comfort room sa building at maging ang cafeteria ay puno na rin. Kaya naman naisip ni Akane na sa may gym nalang sila maghilamos.   "Ahhh! Ang sarap ng tubig!" Guminhawa ang pakiramram ni Emi matapos itong makapag hilamos. "Akane nakalimutan ko yung bimpo ko, babalik na ko sa room ha. Baka kasi makita nila akong wetlook." Conscious as usual si Emi sa kanyang itsura. Marami kasing nagkakagusto sa kanya dahil sa taglay na ganda. Patapos palang sa paghihilamos si Akane pero nang pagmulat niya ay nakalayo na si Emi. Maging si Akane ay napapansin ang taglay na ganda ni Emi maging ang charming bitong ugali. Marami man silang hindi pagkakapareho pero kahit ganon naging matalik parin silang magkaibigan. "Ah! Nakalimutan ko ang tumbler sa room." Kinagat ni Akane ang labi niya at nadama nito na dry ang mga ito. "Puno pa ang cafeteria." "Eto oh." Sumulpot si Daisuke sa likuran niya na may inaabot na malamig na Pineapple Juice. "S-salamat." Nahihiyang tungon ng dalaga. Sa pagtingin niyang muli kay Daisuke at naramdaman niya nalang bigla ang muling pagtibok ng puso niya katulad nang nasa hagdanan sila. Palakas nang palakas. Nilagok ni Akane ang juice nagbabakasaling kulang lang siya sa inumin. "Kulang pa pala." Sasagot sana si Akane nang biglang sumulpot sina Gai at Kaetero na may mga dalang juice. "Eto Prinsesa, piliin mo yung sa kin maganda to para sa katawan." Alok ni Kaetero sa hawak niyang orange juice.   "Eto nalang Prinsesa, apple juice refreshing. Pampataggal init." Alok naman ni Gai na hawak niya. "O-okay nako. Salamat. Sige sa inyo nalang yan." Todo tanggi si Akane dahil narin naweweirdohan na ito sa kinikilos ng dalawa. "Una na ko ah. Kukunin ko pa kasi ung pamunas ko sa locker." Ngumiti ito pero halata parin ang pagtataka nito sa mga kaharap. "Eto nalang!" Sabay sabay na sabi ng tatlo na may hawak na bimpo. Isang kulay blue, isang kulay green at isang kulay white. Sandaling natulala si Akane sa kanilang tatlo. Hindi niya akalain na ang tatlong sakit niya ng ulo ay tinatrato siyang parang prinsesa ngayon. "Wag na. Kayo nalang gumamit niyan." Pagtanggi ni Akane. "Sigurado ka prinsesa? Isang beses ko palang namang ginamit to," sabi ni Kaetero na agad namang pinabulaanan ni Gai. "Ipapagamit mo sa prinsesa e ginamit mo na!" Hinablot nito ang bimpong hawak ni Kaetero. "Kahit yung sayo ginamit ko rin naman ah!" Nagpatuloy ang kulitan ng dalawa na kinagiliw ni Akane. Natawa ito sa pinaggagagawa ng dalawa. "Mas gusto ko pag ganyan kayo. Kasi hindi niyo na ako inaaway." Tumawa ulit ito na sinabayan ng dalawa. "Eto nalang gamitin mo." Lumakad si Daisuke sa gilid ni Akane at ipinatong ang puting bimpo sa balikat niya.. Namula si Akane sa ginawang iyon ni Daisuke. Hindi niya naisip na magiging mabait ito sa kanya. Hindi man silang mag-uusap noon kung hindi lang dahil sa school matter. Palagi panenermon lang dahil sa napakaraming kalokang ginawa ng tatlo. "S-salamat, Daisuke."     Paglipas ng klase nag anunsyo ang lokal na gobyerno na isuspende ang klase para sa araw na iyon dahil sa nagaganap na heat wave. Pinauwi lahat ng estudyante't guro ng lahat ng paaralan ngunit naiwan si Akane na may dinaanan sa student council room. "Vice, lumabas ka na ng school." Suway ng isang guro nang makita si Akane sa SC Office. "Ah. Opo. May important document lang po ako hinahanap. Agad rin po akong lalabas, sir." Asan na yun? Ditoko lang yun nilagay eh. Hinahanap ni Akane ang ginawa nitong report tungkol sa feeding program na gaganapin sa susunod na linggo. Isa iyon sa pinag-meetingan nila noong sabado. "Ito bang hinahanap mo?" Nakatayo si Ryoku malapit sa pintuan ng SC Office at hawak-hawak ang mga papel na naka stapler. "Yung report ba yan sa feeding program?" Lumapit si Akane para ma-check kung iyon nga ang hinahanap niya. "Yan nga, amin na." Pero nang akma kukunin na ni Akane ang papel sa kamay ni Ryoku ay itinaas pa iyon ng binata. Ilang beses na sinubukang abutin ng dalaga ang papel ngunit bigo ito. "Pres, hindi pa kasi final yan. Aayusin ko pa. Ibibigay ko naman sayo pagtapos ko na." Sa pagpupumilit ni Akane ay naitulak niya ang binata at napasandal ito sa pader habang si Akane naman napasandal sa kanyang dibdib. "Sorry sa nagawa ko nung isang araw." Yumuko si Ryoku na sumakto sa ulo ng dalaga. "I don't know what came into me. I'm sorry." "K-kalimutan mo na 'yon. Alam ko namang hindi mo `yon sinadya." Akane's face turned red. Halos manlambot ang mga paa niya pero pilit siyang tumitindig dahil ayaw niyang humiwalay kay Ryoku. "Ibibigay ko to if you... kiss me." Lalong lumakas ang t***k ng puso ni Akane. Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. Lumunok muna ito bago tingalain ang binata. Lalong umusok ang tenga ni Akane nang makitang nakapikit si Ryoku at akmang hahalik sa kanya. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?! Hindi ko 'to kaya! Pumikit si Akane at hinintay ang halik na matagal na niyang hinihintay. Ngunit imbes na halik ay sumandal ang ulo ni Ryoku sa kanyang balikat. Napansin ni Akane na maputla ang binata at sobra kung pagpawisan. Inalalayan niya ito saka inupo sa sahig at isinandal sa pader. "Ryoku? Okay ka lang ba?" Ngunit hindi sumagot ang binata. Tinignan ni Akane ang labi ng binata para icheck kung na de-dehydrate ito. Tama ang hinala niya. Kaya naman agad niyang kinuha ang bottled water na nasa bag niya at pinainom kay Ryoku. Pilit na tinayo ni Akane ang binata saka inalalayan palabas ng school building. Halos matumba pa sila pagbaba nila sa hagdan. Mabuti nalang at may mga estudyante ang nakakita sa kanila at agad silang tinulungan. Agad nagtawag ng ambulansya ang isang estudyante at sa pagdating nito hindi na sila nagsayang pa ng oras at agad sinaklolohan si Ryoku. Hindi pa man nakaka-recover ay may tumawag kay Akane. Si Hiro. Dati niyang kaklase na kasalukyang nagtatrabaho sa laundry shop. Inalok niya ng trabaho si Akane at dahil malapit na rin naman ang summer break ay naisipan niyang subukan ito. "May interview ka ngayon. Bilisan mo na." Agad ring binaba ni Hiro ang tawag. Dali-daling naglakad palabas ng gate si Akane. Hindi niya alam na may naghihintay pala sa kanya. "Ang tagal mong lumabas." Ani Daisuke na naghihintay sa labas ng gate kasama sina Gai at Kaetero.   "Hindi nyo narinig yung ambulansya? Dinala si Ryoku sa ospital," sabi ni Akane. "Napano?" Maiksing tanong ni Daisuke. "Nahimatay siya kanina sa SC. Dehydrated ata. Natawagan na namin ang mama niya, ay! Mama nyo pala." Bagamat sumasagot ay abala sa pag-aayos si Akane. "Ihahatid ka namin sa inyo," wika ni Gai. "Sorry pero may pupuntahan pa kasi ako e." Sinuklay ni Akane ang mahaba nitong buhok saka niya ito tinirintas. Messy braid ang nagawa nito sa kanyang buhok ngunit maganda naman ang kinalabasan niyon. "Prinsesa ang ganda mo." Kuminang ang mga mata nina Gai at Kaetero nang matapos ang messy braid ni Akane. Natawa lang si Akane sa mga ito. Hindi niya alam na kanina pa siya pinagmamasdan ni Daisuke. Ngayon lang niya nakitang nag-ayos ng buhok ang dalaga. Parati kasing nakalugay ang buhok niya. "Aalis na ko ah. Baka kasi ma-late ako. Sige. Bye!" Patakbo itong umalis palayo sa tatlo. Susunod sana ang duo pero pinigilan sila ni Daisuke. "Ako nalang sasama sa kanya."   Nakahabol si Akane sa interview niya sa laundry shop at nakapasa ito. Hindi nito alam na sa buong oras na nandoon siya ay nakabantay sa kanya si Daisuke. "Hiro! Nakapasa ako! Sabi ng manager pwede na kong mag start asap!" "Mabuti naman at may ka-relyebo na ako." Hindi namalayan ni Akane na nasa loob din pala ng laundry shop si Daisuke. Kung hindi lang siya tinuro ni Hiro hindi niya ito mapapansin. "Ang pogi." Sinundan ni Akane ng tingin ang tinuro ni Hiro. "Kilala ko yan. kaklase ko siya. Daisu!" Lumapit si Daisuke sa kanila. "Naka pasa ka? Congrats. Mukang magkakatrabaho tayo," sabi ni Daisuke. "Thank you! May summer job na ako!" Agad nag pasalamat si Akane na hindi masyadong narinig ang mga huling sinabi ng binata. Pero nang napagtanto niyang parang may iba sa sinabi ng binata ay pinaulit niya ito. "Ha? Anong sabi mo?" Baka kasi namali lang siya ng dinig. "Di ba sabi ko, poprotektahan kita. Kung nasaan ka. Nandoon din ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD