Episode 1 - False Hostage

2537 Words
Ang pagtunog ng school bell, alas-singko ng hapon, ay hudyat na tapos na ang klase. Nagsilabasan na ang mga estudyante ng Shiguru High. Kilala ang Shiguru High na may matatalinong estudyante at may maganda itong standing sa kabuuang Central City. Isa lang ang nagiging problema nila. Ang hindi mabuwag-buwag na gang group na ang tangging gulo ang ambag para sa paaralan.   "Pres Ryoku! Wait lang!" Hingal na hingal si Akane na pilit hinabol ang kanilang School Council President para iabot ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan.   "Nakalimutan mo `to." Inabot ni Akane ang isang blue folder na tinatakan pa niya ng heart design sa gilid. "Mabuti nalang at nahabol kita." Malaking ngiti ang gumuhit sa mukha ni Akane nang tanggapin ni Ryoku ang folder. Bahagya kasing nagkapatong ang mga kamay nila.   "Salamat, Akane. Maasahan talaga kita."   Hindi maiwasan ni Akane na tumitig sa mga mapupungay na mata ni Ryoku lalo na tuwing pupurihin siya nito. Kaibang saya ang nararamdaman niya. Doon lang nakukumpleto na ang araw niya.   Gusto pa sanang tumagal ni Akane ang kilig moment nilang iyon pero naudlot nang tapikin si Ryoku ng isa sa mga kasama niya.   "Nandyan na ang Bluejays."   Animo'y bumigat ang hangin na kaninang magaan lang nang dumating ang Bluejays sa main gate ng paaralan.   Sila ang main gang sa paaralan ng Shiguru na panay cutting classes at gulo lang ang dala. Halos silang lahat naka-warning na ma-drop out lalo na ang leader nila si Daisuke.   Walang pinapalampas na gulo ang Bluejays at ang dahilan nila, para sa pagkakaibigan at samahan.   Loyal members sina Gai at Kaetaro ng Bluejays na kapwa baliktatoryan katulad ng leader nila. Sa dinami-rami ng gulong kinasangkutan nila ay nagkaroon na sila ng pagkakakilalan bilang the kicker - si Gai at the rock fist - si Kaetaro. Habang ang leader naman nila ay mas kilala bilang the deviljin.   Sakit ng ulo si Daisuke para kay Ryoku. Hindi lang dahil reponsibilidad niya ang bawat schoolmate niya kundi dahil ang number one na sakit ng ulo ay kapatid niya.   Nilapitan ni Ryoku ang kanyang kuya. He needed to show everyone na kahit na malayong-malayo ang ugali niya ay close pa rin sila. Ryoku needed that kind of support from family for publicity.   "Kuya, sabay na tayong umuwi." He was all smile when he approached his brother.   Halos lahat ng estudyanteng nasa labas rin ay nakatingin sa kanila. They knew that they would clash as soon as they get closer. May ilan pang natago at ang iba naman ay kinuha na ang cellphone at nakahanda ng mag-video.   "Kailan ba ko sumabay umuwi sa `yo?" Parang nagdilim ang paligid nang lingunin ni Daisuke ang kapatid niya. Ryoku kept his composure kahit pa pikon na pikon na ito sa kanyang kuya.   "`Di bale mauuna nalang ako." Pinilit na ngumiti ni Ryoku nang humarap siyang muli sa mga estudyanteng nagmamasid sa kanila.     Akane was looking at them the whole time. Hindi niya masikmura na ang pinakamamahal niyang si Ryoku ay pinagsusungitan lang ng barumbadong si Daisuke. Dali-dali siyang lumapit na hindi na naisip na kahit babae siya ay tiyak na papatulan ng Bluejays.   "Hoy Ungas!" Hinampas niya si Daisuke gamit ang bag niya. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Akane. "Ang bait na nga ng tao sa `yo! Dinededma mo lang! Si President `yan! Respeto naman!"   Humarang sina Gai at Kaetero sa harapan ni Akane para ipagtanggol ang kanilang lider. Handang-handa na silang patulan siya sa oras na bigyan sila ng go signal ni Daisuke.   "Wala ka talagang kadala-dala, Akane." Kinuyom ni Kaetero ang kamay nito at animo`y susuntok na.   "Tumakbo ka na bago pa magbago ang isip namin." Pagbabanta ni Gai na pinadyak-padyak na ang mga paa.   "H-hindi ako takot sa inyo." Pagkukunwari ni Akane. Sa loob nito ay halos tumakbo na siya sa likod ni Ryoku.   Lumingon ang dalawa sa lider nila na tila ba naghihintay ng hatol para sa dalaga. Naglakas loob si Akane na itulak ang mga ito habang hindi sila nakatingin sa kanya at hinarap na si Daisuke.   Sa akmang pagsampal ni Akane agad nahawakan ni Daisuke ang kamay niya. "Wag sa mukha." Malamig nitong tugon.   Nagulat si Akane sa mabilis na reflex ng binata. Sinubukan niyang hilain pabalik ang kamay niya para makawala kay Daisuke pero hindi ito binibitawan ng binata.   He was looking at him seriously. Hindi magawang makawala ni Akane sa tingin niyang iyon. That stern look is know as the devil’s eyes na talagang iniiwasan ng lahat. Dahil gulo ang susunod na mangyayari sa tuwing ipapakita na niya iyon.   "Aba! Daisuke inaayawan ka na ng girlfriend mo? Akin nalang!" Kilalang-kilala ni Daisuke ang may-ari ng boses na iyon. Si Tadao.   Siya ang lider ng TheKings mula Katakana High na isa sa mga nakakarambolan ng Bluejays.   "Hindi ako girlfriend ng siraulong `to!" Sa pagpupumilit makawala ni Akane ay nabitawan siya ni Daisuke pero siya namang nakitang pagkakataon ni Tadao para makuha siya.   "Ganon? Edi akin ka na lang."   Pumupormang manggugulo sina Gai at Kaetero pero nakaharang na sa harapan nila ang grupong dala ni Tadao.   Hinila ni Daisuke ang kabilang kamay ni Akane.   Nagtinginan ang dalawang lider na para bang dalawang mababangis na asong handang magpatayan sa oras may nag-umpisa ng gulo.   "Bitawan mo na kung ayaw mo siyang masaktan." Bulong ni Tadao.   Sumulpot sa gilid ni Daisuke ang dalawang miyembro ng TheKings na nakakamao na at hadang sumuntok kapag inutusan ng lider nila.   Kahit pa kayang-kayang patumbahin ni Daisuke ang mga nasa harap  niya ay pinili niyang bitawan si Akane.   Agad hinila at hinawak ni Tadao ang dalawang kamay ng dalaga upang hindi ito makawala. "Hiramin ko lang 'tong girlfriend mo ah. Sunduin mo nalang sa hideout."   Naglakad paalis si Tadao na siya namang sinundan ng mga ka grupo niya. Hindi makalaban at hindi nakaimik ang dalaga dala ng takot. Pagtingin nang humingi ng saklolo ang tanging nagawa niya na direktang nakatuon kay Daisuke. Tingin na maluha-luha ang mga mata. Tingin na hindi kayang hayaan ng binata..     Pumunta sina Gai at Daisuke sa hideout ng kalabang grupo. Isang lumang  at abandonadong bahay iyon malapit sa Katakana High.   "Boss, kakayanin ba?" Bulong ni Gai na nakapako ang tingin sa lumang bahay.   "Maghintay ka dito." Naglakad patungo sa loob si Daisuke. Hindi alintana ang maraming miyembrong nakatambay sa labas ng hideout.   Alam ni Gai na sigurado kung mag desisyon ang lider niya kaya hindi na ito kumontra pa.   Sinipa ng binata ang two door main entrance ng bahay at nalamatan pa nito ang kahoy.   Nagtinginan lahat ng miyembro ng TheKings na nandoon. Dumeretso si Daisuke sa isang bukas na pinto papasok sa pinaka kuwarto ni Tadao. Sunod sa bawat hakbang ni Daisuke ang mga mata ng tao sa loob ng bahay.   Dinatnan niyang nakatali si Akane sa isang kahoy na upuan at walang malay.   Malaki ang ngiti ni Tadao nang makita si Daisuke. "Welcome home, Daisuke." Isang malakas na suntok sa kanang pisngi ni Daisuke ang kaakibat ng pagbating iyon. Hindi natinag ang binata sa pagkakatayo nito. "Katulad ka pa rin ng dati."   Patalikod na sana si Tadao nang agad siyang pinigilan ni Daisuke. Malakas na suntok sa kaliwang pisngi naman ang pinakawalan ng binata na nagpadugo sa labi ni Tadao.   Hindi nakialam ang mga miyembro ng TheKings, utos na rin ng kanilang lider. Hindi nila puwedeng saktan si Daisuke sa loob ng kanilang hideout. Bilang respeto sa dating lider ng grupo.   Nagkaroon ng malay si Akane nang marinig ang gulo ng dalawang lider. Tila nagliyab ang kanyang mata kasabay ang umaapoy na aura bumalot sa katawan nito.   "Tama na!" Dumagundong ang buong lumang bahay sa sigaw na iyon ni Akane. "Mga gago talaga kayo. Pakawalan niyo ako rito!" Madiin na kinuyom ni Akane ang mga kamay niyang nakatali.   Dala ng gulat ay walang nakagalaw kahit sino man sa loob ng hideout. Hindi nila inaasahan ang masamang aura na nagmumula sa dalaga.   Sinenyasan ni Tadao ang isang miyembro niya na alisin ang pagkakatali ni Akane. At nang lumuwag ang tali at mabilis na tumayo si Akane at sinipa ang bangko na tumama pa sa nagalis ng tali niya.   "Pikon na pikon na ako sa inyo!"   Tila nagkaroon ng lakas si Akane matapos siyang mahimatay nang dalhin sa hideout. Lumabas lahat ng galit niya sa mga gang.   Nagliyab ang mga mata niya na parang tigreng handang lapain ang kahit sinomang humarang sa kanya. Walang naglakas loob na pigilan siya nang puntahan nito ang dalawang lider.   Dalawang magkasunod na sampal ang umalingngawngaw sa loob ng hideout. Sampal na magkasunod na pinakawalan ni Akane sa dalawang lider sa kanyang harapan.   Lumabas si Akane nang walang hirap dahil walang sinuman ang nagkaroon ng lakas ng loob para pigilan siya. Lahat sila nagulat na isang maliit na babae ang nakasampal sa hindi lang isa, kundi sa dalawang lider na tinitingala nila.   "Akane?" Gulat na gulat si Gai ng makitang lumabas mag-isa si Akane mula sa bahay.   "Hay! Nakakatanggal ganda." She flipped her hair long black bringing back her normal self.   Kumabog ang dibdib niya nang tila nakita niya si Ryoku sa hindi kalayuan at pumasok sa kalapit na bookstore. Bumalik ang ngiti sa mukha niya habang papatakbong lumabas ng compound para habulin si Ryoku.   Napatakbo sa loob si Gai para hanapin si Daisuke. Laking gulat nito nang makitang nakaupo na ang lider niya sa sira-sirang sofa kasama si Tadao at nag iinuman na.   Magkaaway man ang TheKings at Bluejays hindi nila binabalewala ang kanilang pinagsamahan.   Two years ago, mainit ang pangalan ng TheKings sa buong Central City. Si Daisuke pa ang lider nila noon at kanang kamay niya si Tadao. Kung bakit sila nabuwag, nananatiling sikreto ang dahilan.   "Hindi ka nagkamali kay Akane." Biro ni Tadao matapos inumin ang isang bote ng alak.   "Gago ka. Dinamay mo pa siya." Lumunok ng alak si Daisuke. Tinawanan naman ito ni Tadao.   "Hindi ka naman pupunta rito kung wala ang prinsesa." Tumawa nang kaunti si Daisuke bago ubusin ang alak saka ito tumayo at naglakad palabas ng hideout.   "Aalis ka na nga?" Tanong ni Tadao. Hindi sumagot si Daisuke. Itinaas lang nito ang kanyang kamay bilang pagpaalam. "Hindi pa rin siya nagbabago. Natatameme pa rin pagdating kay Akane."   Sumunod si Gai sa paglabas ni Daisuke at sa hindi kalayuan nakita nila si Akane na malungkot palabas ng bookstore.   Mabigat ang buntonghininga ni Akane at kahit malayo siya ay kitang-kita pa rin ang lungkot sa mukha niya. "Hindi naman pala si Ryoku yung nakita ko."   Mabagal na naglakad si Akane papunta sa direksyon nina Daisuke at Gai. Hindi namalayan ng dalaga na pabalik pala siya sa daang papuntang hideout.   "Hindi ko siya nasundan sa pag-uwi ngayon. Kasalanan ito ni Daisuke!"   Dinig na dinig nina Gai at Daisuke ang dalaga na lumampas na sa kinatatayuan nila. Tumalikod ang dalawa at lalakad na sana sa kabilang direksyon nang dumating si Kaetaro.   "Boss! San na sila?" Nagtatakbuhan sina Kaetaro kasama ang iba pang estudyanteng sumusuporta sa Bluejays. Handang-handa silang lumaban, kanya-kanya ng dala ng armas at may ilan pang may pulang tela sa noo indikasyon ng gera. Tumingala si Akane at tinignan ang mga ito na dahan-dahan nang lumalayo nang makita siya.   "Hep! Hep! Hep! Saan ang punta?"   Instant na tumigil ang lahat. Kilala si Akane bilang dakila sumbungera kay Ryoku. Lahat ng nakikita nitong mali agad narereport sa SC president. Naramdaman ni Akane na may tao pa sa kanyang likuran.   "Hinto!"   Umikot si Akane at hinarap ang dalawang papatakas na rin sana.   Walang humpay at walang prenong nanermon si Akane kay Daisuke tungkol sa pangho-hostage sa kanya at sa gulong pinuntahan pa ng iba nilang kamag-aral. Habang busy siya sa panenermon ay isa-isang ng nag-aalisan ang mga Bluejays suporters kasama rin sina Gai at Kaetero. Matapos ang mahabang litanya ay huminga nang malalim si Akane.   "Ang ingay." Inilagay ni Daisuke ang daliri nito sa kanyang tenga saka nito tinalikuran ang dalaga.   Bumaling uli sa likuran ang dalaga upang ang iba naman ang sermonan pero wala na silang lahat.   "Huh? Nasan na sila?"   Lumingon-lingon si Akane sa paligid ngunit wala na ang mga ito. Pagbalik nito ng tingin kay Daisuke nakalayo na ito sa kanya.   "Daisuke Yurii! Hindi pa ako tapos sa 'yo!"     Palubog na ang araw at sa paglalakad ni Daisuke nakabuntot pa rin si Akane sa kanya.   "Shoo. Shoo," sabi ni Daisuke na tinataboy ang dalaga na parang ligaw na pusa.   "Ginawa mo naman akong pusa."   "Ba’t ka ba sumusunod?" Naiiritang tanong ng binata.   "Sa isang bahay lang kayo nakatira ni Ryoku `di ba? Pwede mo ba akong isama sa bahay niyo?" Parang naging bata si Akane na naghihintay ng candy.   "Ayoko." Kunot noong sagot ni Daisuke.   "Sige na, please. Baka nakakalimutan mo may atraso ka sa `kin!" Nagpumewang ang dalaga. Hindi sumagot si Daisuke at nagpatuloy lang ito sa paglalakad na sinundan pa rin ni Akane.   Tumigil si Daisuke sa harapan ng isang malaki at modernong bahay. Tiningala ni Akane ang bahay at nalula ito sa ganda nitong taglay.   "Bahala ka na dyan. Dinala na kita sa bahay," sabi ni Daisuke saka ito pumasok ng gate nila.   "Papasukin mo 'ko! Paano ko makikita si Ryoku? Friday na ngayon two days ko siyang `di makikita. Maghunos dili ka naman." Pagmamakaawa ni Akane.   Dala ng inis ay muling ipinakita ni Daisuke ang kanyang 'devil's eyes'. Sandaling tumingin si Akane sa kanya. Ang buong akala ni Daisuke ay mapapaalis niya ito dahil doon pero umismid lang si Akane.   "Wa ng effect sa `kin yan! Tara, pasok na tayo." Diretsong pumasok sa gate si Akane at hindi pinansin ang devil's eyes ni Daisuke.   Pagbukas ng pinto ay agad na bumungad si Ryoku sa paningin ni Akane. Abala itong nagbabasa sa kanilang sala.   "Hinahanap ka ng girlfriend mo." Bulong ni Daisuke.   "Hoy! Ano ka aba?" Tinapik ni Akane si Daisuke sa braso na kinikilig sa narinig.   "Akane.” Gulat na nilingon ni Ryoku ang dalaga. “May nakalimutan pa ba ako?"   "W-wala." Natatarantang sabi ni Akane.   Natataranta ito dahil ito palang ang unang beses na nakita niya si Ryoku na nakapambahay. Wala pa rin itong kasing-hot sa mga mata ni Akane.   "M-may mga irereport lang sana ako sayo."   Sinamaan nang tingin ni Daisuke si Akane na nakatayo lang sa `di kalayuan. Tingin iyon nang pagbabanta. "May gulo ba?" Napakamot ng ulo si Ryoku, tumayo ito at lumapit kay Akane.   Akane blushed na walang ibang taong nakikita sa kanyang harapan kundi si Ryoku.   Pinasama nang mapagbantang tingin ni Daisuke ang lahat. Nabalot ng madilim na aura ang sanang kulay puti na vision ni Akane.   "Aah w-wala. Ipapaalala ko lang sa `yo yung meeting bukas sa para sa upcoming summer event. Baka kasi makalimutan mo na naman, dati kasi nung ako yung nag sub sayo sa meeting hinahanap ka pa rin nila."   Nilapit ni Ryoku ang mukha nito sa mukha ni Akane. "Ayaw mo na ba akong i-sub sa mga meetings?"   Halos matunaw si Akane sa eye to eye contact nilang iyon. "W-wala n-naman a-kong s-sinabing g-anun." Utal na sagot ni Akane.   "Yun naman pala eh. Meron ka pa bang sasabihin?" Lumayo na si Ryoku at nakahinga na nang maluwag si Akane. Umiling siya. "Okay. Thanks for always reminding me, Akane. Mahal mo talaga ako." He winked.   Hindi nagtagal ay umakyat si Ryoku papunta sa kanyang kuwarto. Walang ibang maramdaman si Akane kundi kilig at tuwa. Halos manlambot ang mga paa niya dahil sa unang pagkakataon ay naglapit ang mga mukha nila.   "Tch! Uwi ka na nga. Korny nyo." Bahagyang itinulak ni Daisuke si Akane palabas ng pinto.   Hindi iyon alintana ng dalaga dahil pakiramdam nito ay nasa cloud nine pa rin siya.   Daisuke shut the door. Hindi niya napigilan na mainis sa nasaksihan. He knew Ryoku uses her just to take advantage of her kindness. Ngunit mas kinaiinisan niya na patol na patol si Akane rito.   Gustong-gusto niyang suntukin ang kapatid sa mga ginagawa niya kay Akane. Pero nanlalambot si Daisuke sa tuwing makikita niya kung gaano kasaya si Akane sa tuwing kausap niya si Ryoku.   Those smiles he secretly wishes were his and his only.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD