“Pila ng maayos mga bata. Lahat kayo mabibigyan. Wag kayong magtulakan.”
Halos hindi magkandaugaga ang mga volunteers mula Shiguru High sa pinagdarausan ng feeding program sa isang elementary school sa Central City. Busy ang lahat ng estudyante sa pagaasikaso sa mga bata. Si Akane ang nakatoka sa pag serve ng nutritious food na inihanda nila. At si Ryoku naman ang nakatoka sa pag-organize ng mga makukulit na bata na pilit umaalis sa mga upuan nila.
Maliban sa feeding program meron ding iba't-ibang palaro ang inihanda ni Akane. Ang ibang SC member ang nag host sa mga palarong ito.
"Ang saya ng mga bata!" sabi ni Akane habang pinagmamasdan ang mga naglalarong mga bata.
"Masaya nga. Nakakapagod naman." Reklamo ni Emi. Isa kasi ito sa mga sumasaway sa mga bata. Volunteer si Emi na sumama dahil nandoon si Akane.
"Tignan mong mga ngiti nila at mawawala yang pagod mo."
Tinignan ni Emi ang mga bata ngunit wala itong kaginhawang naramdaman. "Malamig na tubig ang kailangan ko at sasaya na ko." Lugo-lugong umalis si Emi. Napangiti nalang si Akane sa kaibigan. She appreciates what her good friend does for her. Kahit na alam ni Emi na nakakapagod ang gagawin sa event ay sumama pa rin ito.
Lingid kaalaman ni Akane ay papunta sa kanyang direksyon si Ryoku.
"This event is perfect, Akane." Tinapik ni Ryoku ang balikat ni Akane saka ito tumabi sa kanya sa inuupuan nilang bench.
"Salamat." Namula at nag-init ang mga tenga ni Akane. Pilit nitong kinukubli ang mukha nito upang hindi makita ng binata.
Ngayon lang ang unang pagkakataon na pinuri siya ni Ryoku. Kaya naman ibang-iba ang sayang naramdaman ng dalaga.
Nag-volunteer sina Daisuke at ang duo na nakatoka sa mga premyo ng mga bata. Dati-rati hindi sila nakikilahok sa kahit anong program ng school. Kahit pa paano nakaganda para sa lahat ang pagkakadawit ni Akane sa gang nila. Masaya si Akane na makita niyang tinutotoo ni Daisuke ang pangako niya.
"Akane. Nagkakagulo sa price section!" Sumbong ng isa sa mga SC member na naudlot ang moment nito kasama si Ryoku.
Agad sna pumunta si Akane sa prize booth. Dinatnan niya na ngarag ang tatlo sa pangungulit ng mga bata kaya naman tumulong na ito. Sinubukan niyang kausapin ang mga bata pero hindi nakikinig ang mga ito. Kaya naman nagisip ng paraan si Akane para tumahimik ang mga bata. Nakakita niya ang isang plastik bag na puno ng mga balloons at air pumper. Naisip niyang mag-balloon show. Gumawa siya ng iba't ibang klase ng hayop gawa sa balloons na ikinatuwa ng mga bata at nagpatahimik sa kanila. Habang ginagawa iyon ni Akane ibinibigay naman ng tatlo ang mga premyo ng mga bata.
At sa kalagitnaan ng lahat, dinumog na rin siya ng mga schoolmates nila at pati sila na aliw sa balloon show ni Akane. Lahat ng mga estudyante at mga bata manghang-mangha sa kanya. Ngayon lang nila nakita ang ganitong klaseng talent ni Akane. Maging si Ryoku hindi maalis ang tingin nito sa dalaga.
Kahit pa ginagawa ni Daisuke ang trabaho ay hindi niya naiwasang matuon ang atensyon sa dalaga. Halos maiyak ang isang bata nang sa mukha na pala niya nailagay ang price niya. Matagal na niyang napapansin si Akane hindi lang dahil active school body siya pero dahil may kung anong nagpapalambot sa dibdib niya sa tuwing makikita niya ang dalaga. Madalas ay ipinagkikibit-balikat niya lang iyon pero habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang paghanga niya rito.
Bilang pagtatapos ng show gumawa si Akane ng maraming balloon crowns na ipinamigay niya sa mga bata maging sa mga kapwa niya estudyante.
"Eto ang para sayo, pink kasi napaka cute mo," sabi ni Akane sa batang babae na nasa dulo na ng linya. Sa hindi kalayuan nakita niya si Ryoku. He instantly smiled when Ryoku smiled at him. That was a piece of heaven for her.
Lakas loob siyang lumapit rito habang gumagawa ng balloon crown.
"At Red naman para sayo, Pres."Malakas ang kabog ng dibdib niya ganon pa man ay masaya siyang makitang masaya si Ryoku sa ginagawa niya. Ngumiti si Akane at matapos ay bumalik na ito sa harapan ng mga bata para mag bow.
Pumalakpak ang lahat at galak na galak sa nakitang show. Nag-congrats pa ang iba dahil matagumpay na napatahimik ni Akane ang mga makukulit na bata. Kahit pa paano ay nakahinga silang lahat sa stress dulot ng event.
Marahang pinunasan ni Akane ang pawis niya saka umupo sa tabi ni Daisuke na busy sa pag aayos ng mga kalat, habang ang duo naman nasa hindi kalayuan nag wawalis ng mga kalat habang pinaglalaruan ang mga balloon crown na nakuha nila.
"Great show." Papuri ni Daisuke.
"Ah. Thank you! Hindi pa planado yan ha," sabi niya saka ito tumawa. Ngumiti lamang si Daisuke saka ito bumalik sa tinatrabaho. “Tignan mo sila, parang mga bata.” Itinuro ni Akane ang duo na masayang nagkukulitan habang pinaglalaruan ang mga balloon crowns na nakuha nila.
Hindi sumagot si Daisuke pero tinignan niya ang dalawa. Napansin ni Akane na kunot ang noo ni Daisuke kaya naman tumalikod saglit ito at naglobo ng isa pang balloon.
"At ito para naman sa'yo, yellow for our friendship." Ipinatong ni Akane ang yellow balloon crown sa ulo ni Daisuke. She then tap his shoulder.
He felt this unusual comforting change of emotion nang ipatong ni Akane ang lobo. Nakaramdam ng kuryente ang binata sa pagdampi ng kamay ni Akane sa balikat niya. He raised his hands at balak sanang hawakan ang kamay ng dalaga ngunit agad itong tinanggal ng dalaga.
It was somewhat childish for him yet he was okay with it. Hindi niya maintindihan kung bakit pero napangiti siya. He wanted to give her something in return nang maalala niya ang nakuhang laruang singsing mula sa mga papremyo. Inilabas niya mula sa bulsa ang isang plastik na singsing na may hugis bulaklak sa gitna.
He gently grabbed Akane’s hand and put the ring on her palm. Nang makita ni Akane ang singsing ay bigla nalang siyang kinabahan. For a young teen like her, receiving a ring from a man can mean a lot of things. Sobra ang sayang naramdaman niya nang makita iyon.
"Meron pa palang ganito. Thank you, Daisuke. Favorite ko 'to."
Without thinking, Akane pulled Daisuke for a hug na pareho nilang ikinagulat. As second goes by, they felt each others warmth. Para bang kakaiba ang pakiramdam nang magdikit ang katawan nilang dalawa. They felt safe in each others arms.
Napansin ng mga schoolmate nila ang nangyayari sa prize section. Hindi nila pinalampas na biruin ang dalawa. Agad na kumalas ang dalawa sa pagkakayap na kapwa namula ang mga mukha.
"M-may aayusin pa pala ako roon. Sige ah." Nagmadaling umalis si Akane kahit hindi nito alam kung saan siya pupunta.
Nakangiting nasabi ng binata ang pangalan ni Akane na inaayos ang balloon crown na natanggap niya. "Ano ba tong ginagawa mo sa `kin."
Matapos ang mahabang araw na iyon sa wakas natapos na rin ang buong program. Nagligpit na ang lahat at isa-isa na silang nagsakayan sa bus na maghahatid sa kanila pabalik sa Shiguru. Bilang SC leaders tungkulin ni Ryoku at Akane na siguraduhing kumpleto ang mga kaklase nila kaya huli silang pumasok sa bus.
Hindi na-reserve ni Emi ang upuan sa tabi niya dahil nagpumilit ang lalaking may crush sa kanya na tabihan siya roon. Isang upuan nalang ang natira liban sa pinakadulong upuan na tiyak na nakareserve na para kay Daisuke at sa duo. Bagamat kasya naman sina Ryoku at Akane ay medyo alangan siyang tabihan siya.
"Sige, Pres makikipagpalit nalang ako sa iba." Bahagyang nihila ni Ryoku ang dalaga sa baywang at inalalayan sa pag-upo. "Tabi tayo."
Everyone on that bus saw her reaction. Kitang-kita nila ang pamumula ng mukha niya. Alam ni Emi na may gusto si Akane kay Ryoku. “Chance mo na `yan!” Hindi niya napigilang mapasigaw.
Napaupo sa sobrang hiya si Akane lalo na nang magtawanan ang lahat. Sunod na umupo si Ryoku na natawa lang sa nangyari. “Para silang mga bata,” sabi ni Ryoku.
"O-oo nga." Tumingin sa kabilang dereksyon ang dalaga dala ng sobrang hiya.
Sakto naman ang dating ni Daisuke kasama ang duo. Sa pagdako ng tingin niya kay Akane ay nakita niya si Ryoku. Seryoso ang mga mata niya at walang emosyon. Hindi malaman ni Akane kung siya ba ang tinitignan nito o hindi. Kumakaway kasi ito pero hindi siya pinapansin ng binata.
"Akane, share tayo?" Inaalok ni Ryoku ang isa sa earphones nito para sabay silang makinig ng music. Hindi na tumanggi si Akane sa pagkakataong iyon.
A soft and easy listening love song was on play. Hindi maiwasang isipin ni Akane na meron itong malisya. She started thinking they were on a music video. Halos manliit siya sa sobrang pagpigil ng kilig na nararamdaman. Bigla siyang nakaramdaman ng init kahit pa bukas naman ang bintana. She looked at Ryoku para sana makakwentuhan siya. Chance na nga naman niya iyon para mas makilala siya.
Humarap ito kay Ryoku ngunit nakapikit na ito at naka idlip na. Hindi matanggal ni Akane ang tingin nito sa kanya. Parang tumigil ang oras ni Akane sa nakikitang kinang sa mukha ng binata. Ito na pinaka malapit na inabot ni Akane sa pagtingin kay Ryoku.
Natigil ang lahat ng magtext ang kaibigan nitong si Emi.
Hinayhinay lang baka matunaw yan.
Hindi nalang niya ito pinansin dahil mas mahalaga ang moment niya kasama si Ryoku.
"Napagod ang Ryoku ko." Hinawi ni Akane ang buhok na humarang sa mata ng binata. She wanted to do that badly. Ryoku was her first step for moving on from her dark past.
Ryoku then opened his eyes. He stared at her for a second then smiled. Nagulat si Akane at agad humarap sa kabilang direksyon.
Shet! Narinig kaya niya?
Walang humpay ang sermon niya sa kanyang sarili dahil sa nangyari. Natigil lang ito nang sumandal sa balikat niya ang ulo ni Ryoku.
"I hope you don't mind." Bulong ni Ryoku na umusog pa nang konti kay Akane at inayos ang pagkakasandal niya.
Parang naging estatwa si Akane habang nakasandal si Ryoku sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya pupwesto. Iniisip kasi niya na baka hindi maging kumportable si Ryoku.
“Just relax, Akane. I’m comfortable. Kung iyan ang inaalala mo.” Bulong ni Ryoku na hindi na iminulat ang mga mata.
Her eyes widened. Hindi niya namalayan na ganoon nalang pala siya ka-obvious. She breathe deeply and obeyed.