Episode 5 - Gangster hug and desire

1970 Words
"Timbangin niyo muna tas i-compute niyo kung magkano," sabi ni Hiro na pilit itinuturo sa dalawang baguhan lahat ng trabaho nila sa loob ng maikling oras. Hindi na nakapag-training ng maayos sina Akane at Daisuke dahil na rin sa class schedule nila. Mabuti nalang at hindi naman ganoon ka kumplikado ang trabaho at madali lang sauluhin. "So, basically yun na yun lahat. Pinaka importante lang naman dyan e, tama ang bayad at tama ang pag-record." Kinuha ni Hiro ang bag niya at naghanda na sa pag-alis. “Kayo na bahala rito ah. Magtrabaho ah. Huwag samantalahin ang pagkakataon.” Ngumiti si Hiro nang nakakaloko. Hindi agad na-gets ni Akane ang ibig niyang sabihin pero si Daisuke alam na alam iyon. Agad rin umalis si Hiro nang tignan siya nang masama ni Daisuke. Kung tutuusin tapos na rin naman ang shift niya at ang dalawa ang karelyebo niya pagsapit ng gabi. At dahil part-time lang ang trabaho ni Akane at Daisuke tinuon sila sa oras 5:00 pm hanggang 11:00 pm dahil ito lang ang pwede sa class schedule nila. "You bring it! We clean it! Magandang gabi po!" Bati ng dalawa sa unang customer nila sa unang gabi nila sa trabaho. Ginawa ng dalawa lahat ng itinuro ni Hiro habang natatandaan pa nila ang mga ito. "Daisu! Lagay mo na 'to sa wash." Inabot ni Akane ang dalawang kilong damit ng customer. Matapos ayusin ni Akane ang records ay nakita niyang mukhang malilito si Daisuke sa machine na ginagamit. "Kailangan mo ba ng tulong?" Sumilip si Akane sa laundry area na nasa likuran ng cashier. "Ito munang red button tapos yung blue." Akane came to help him. Bagkus ay wala naman talagang balak na magtrabaho si Daisuke ngunit nakita niya iyon bilang isang pagkakataon para mapalapit kay Akane. As the engine starts working, umupo silang dalawa sa mahabang bench sa harapan ng machine. Amazed with what's in front of them. Malaking modern na washing machine kasi ito, na gawa specifically for the shop. "Daisu, Pwede bang magtanong? Ba't ka nga pala nag apply rito? Mayaman naman kayo eh." She slacked into her seat dahil na bore na rin sa pagtitig sa machine. "Mayaman ang tatay ko, hindi ako." He answered emotionless. Ang awkward palang maging topic ang family nito. Change topic nga! "By the way, hanggang ngayon nalilito pa rin ako dun sa sinasabi niyong gustong manakit sakin? Totoo ba yun?" She said leaning towards Daisuke. Hindi inasahan ng binata na lalapit si Akane sa kanya nang ganon-ganon nalang. "Oo nga tch!" He blushed a bit by seeing Akane's face close into his. Agad ito humarap sa kabilang direkyon maiwasan lang ang mukha ng dalaga. "Kwento mo naman sa `kin." She moved here chair close to him, eagerly waiting for Daisuke’s story. "Ang alin?" sabi niya na pa simpleng inuusog ang upuan palayo sa dalaga. "Kung sino yung gustong manakit sakin?" She moved closer. "At bakit ako nasali sa away niyo?" She moved again. "Ano bang kinalaman mo dun?" She moved again. "At syempre dapat kong malaman kasi pwede akong mapahamak kung totoo nga yon!" Sa bawat atras ni Daisuke siya namang usog ni Akane palapit dito. Napadpad na sa pinaka sulok ang upuan kaya naman nagsalita na ito. "Mortal kong kaaway." Biglang tumunog ang bell na nasa pintuan. Hudyat na may pumasok sa shop. Tumayo ang dalawa at sasabihin sana ang greetings nila ngunit sina Gai at Kaetaro lang pala ang dumating. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Daisuke nang makita nitong mukhang wala naman silang kailangang serbisyo ng shop dahil wala naman silang mga dalang damit. "Gusto rin namin makasama lagi ang prinsesa," sabi ni Gai. Lumapad ang ngiti ng dalawa.  Napakamot nalang ng ulo si Akane ng marinig muli na matawag siyang prinsesa ng dalawa. "Saan ba nanggaling yang prinsesa na yan? Explain, please." Pinaupo niya ang duo sa mga upuan sa receiving area ng shop. "Sabi kasi ni Daisuke ikaw na ang prinsesa ng Bluejays at TheKings." Walang pagaalinlangang rebelasyon ni Gai na agad binusalan sa bibig ni Kaetaro.  Nagsalubong ang kilay ni Akane at napatingin kay Daisuke na nasa likuran lang nito. “Pinalampas ko yan dati pero nakakatunog na ako e. Daisuke, ano bang ibig sabihin non?” Taas-kilay na hinarap ni Akane si Daisuke na nanggigigil sa dalawang ugok. Akmang iiwas ng tingin si Daisuke pero hinawakan ni Akane ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. “You have to tell me now.” Hindi makasagot si Daisuke. He felt nothing except Akane’s warm hands. Gustong-gusto niyang hawakan ang mga ito pero pinipigilan lang niya ang sarili. Napansin ng duo na no way out ang kanilang lider kaya naman sinalo nila ito. "Prinsesa relax lang, upo ka muna kami na mag-eexplain." Agad nilang pinaupo si Akane habang itinago naman nila si Daisuke sa machine area. "Ang Prinsesa sa min kasi... Gai, ikaw na magsabi." Itinulak ni Kaetaro si Gai at iniharap kay Akane. "Bakit ako? Ikaw na." Bulong nito. "Umm.. kasi-" "Spit it out!" Nanlaki ang mga mata ni Akane. As if they were wrapped in fire. At dahil sa takot sabay umamin ang dalawa. "Girlfriend ng leader!" "G-girl friend?" Tumaas ang kilay ni Akane. Naririnig ang pag-pop ng bawat daliri nito habang magkakamao ito. The duo knew right away ang kahihinatnan nito kaya naman sinubukan nilang pigilan si Akane na tumayo na at naglakad na papuntang machine room. Ngunit hindi mahawakan ng dalawa ang dalaga dahil natakot ang mga ito sa nag-iinit na aura ni Akane. Akane was saving the title 'girlfriend' only for Ryoku. Never itong nag entertain ng manliligaw dahil ang tanging gusto nito na maging girlfriend siya ni Ryoku. Soon the duo gave up, luckily natunugan na ni Daisuke na paparating si Akane at alam din niyang galit ito. As soon as Akane reached the door to the machine room agad siyang sinalubong ni Daisuke ng yakap. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa katawan ng dalaga. Kahit nangigigil si Akane sa galit, tumiklop ito ng maramdaman ang yakap ng binata. She didn’t expect that to happen. His arms weren't as though as they look. They're surprisingly soft and comfortable. Sa hindi maipaliwanag na dahilan kumakalma si Akane lalo na nang maamoy ang pabango ni Daisuke. She released her closed hands. "Kailangan kong gawin yon para maprotektahan ka." Bulong ni Daisuke na hindi parin binibitawan ang dalaga. "B-bakit mo ba akong gustong protektahan?" Utal na tanong ni Akane. "Dahil gusto ko. Dahil gusto kita… … maprotektahan."     "Nandito na po ako." Nakasalubong ni Akane ang Mama Sheena niya na kasalukuyang papuntang kusina. "Kain ka na anak." She smiled. "Busog ako ma, binigyan ako ng cinnamon bread ni Daisuke bago kami mag-out kanina, kinain ko habang pauwi kami, " sabi ni Akane na paakyat na ng hagdan. "Boyfriend mo ba siya, anak?" Akane looked at her mom who was she's flashing a big playful smile. "Ma naman. Hindi ko siya BF." Kunot noong sabi ni Akane saka ito dumiretso sa kanyang kwarto. "Pag nanligaw siya sayo, dalhin mo rito!" Sigaw ng kanyang mama. She shut the door and went straight to her desk. Nagdukmo ito. Maliit lang ang bahay nila, ito lang ang tanging naiwan ng kanyang Papa Philip simula nang bigla nalang itong maglaho. Twelve years old si Akane nang hindi na umuwi ang papa niya mula trabaho. Hinanap nila ito ngunit bigo sila. Pitong taon mula noon at hanggang ngayon umaasa pa rin si Akane na kakatok ang kanyang papa at uuwe din sa wakas. Pilit pumipikit ang mga mata ni Akane pero pinipigilan niya ito. May mga assignments pa kasi itong tatapusin. Kinuha niya ang gamit na kakailanganin niya at sinimula ng magsulat ng checklist. Limang subject ang kailangan niyang ipasa bukas. She tied her hair and started working. At habang sumusulat ito, nag ring ang cellphone niya. Tawag mula kay Ryoku. She excitedly answered her phone. "Hello, Ryoku." Bati ni Akane. "Akane! I'm glad at gising ka pa. I need your help.” Nawala ang ngiti ni Akane. She knew exactly what Ryoku wants. "Hindi ko kasi nagawa yung essay, inuna ko kasi yung SC matters." Alam niyang may ipapagawa lang si Ryoku kaya ito tumawag. Ganoon naman palagi. Hindi naman siya tatawag kung wala itong kailangan. Sanay na rin si Akane. "Ako nalang gagawa ng essay mo.” Wala na rin naman siyang choice. It has always been yes for Ryoku. "Talaga? Salamat, Akane. Makakabawi rin ako sayo." He then ended the call. She stared at her phone at napabuntong-hininga nalang. She is exhausted yet pumayag pa rin siya sa request ni Ryoku. “Nababaliw na ata ako. Pumapayag akong magpaalila. I should be treated like a princess!” Her last word made her think of someone else. Si Daisuke. Not knowing why but she started feeling uneasy. Kinabahan siya bigla but it made her feel good. Napabalikwas siya sa naisip. “B-bakit si Daisuke ang iniiisip ko? Si Ryoku ang gusto ko… … di ba?”     Pinilit tumayo ni Akane kahit na halos alas-tres na nang madaling araw ito nakatulog. At dahil late na itong nagising hindi na ito nakapag almusal. "Alis na ko ma!" Dali-dali nitong sinuot ang sapatos niya at tumakbo palabas ng bahay. Sakto lang nakahabol si Akane sa bus. Kadalasan naglalakad lang ito. Tuwing late lang siya sumasakay ng bus. Paraan na rin niya iyon para makatipid. Hindi rin nagtagal at nakarating na ito sa tapat ng school, halos wala ng estudyante sa labas malapit na rin kasing mag-ring ang bell. Tumakbo ito para makaabot sa klase, nang bigla nitong naalala na may ihahatid pa pala siya kay Ryoku. Nasa kabilang building ang classroom ni Ryoku. Wala itong choice kundi ihatid muna ang essay bago ito pumasok sa klase niya. Tinakbo niya ang hagdan paakyat sa 4th floor. Kahit na ngalay at habol hiniga ay pinilit pa rin ni Akane na magmadali. Nasa labas pa ang ilang estudyante, ibig sabihin wala pa ang mga guro. "Pres Ryoku." Sinipat niya si Ryoku na nasa loob na ng classroom at nakaupo kasama ang barkada. Tinuro si Akane ng isa sa mga kasama niya. "Hi, Ryoku, eto na yung pinapagawa mo." Pinilit nitong ngumiti kahit na hinihingal pa siya dahil sa pagtakbo. "Salamat, Akane." Saka ito ngumiti. Biglang nawala ang pagod ng dalaga sa mga ngiting iyon. "Adyan na si Sir!!" Sigaw ng kaklase ni Ryoku. Nagtakbuhan papasok ng classroom ang mga estudyante, nasagi ng isang lalake si Akane at muntikan na ito matumba. Mabuti nalang at nasalo siya ni Ryoku. Lumiwanag ang paligid at animo’y tumigil ang oras at nag-slowmo ang bawat galaw nilang dalawa. "T-thank you." Hawak ni Ryoku si Akane sa beywang at dahan-dahan niya itong tinayo. Hindi nila alam na sa kabilang building nakatayo sa labas at pinagmamasdan sila ni Daisuke. He doesn't trust his brother. Alam niyang ginagamit lang niya si Akane simula pa noong magsimula itong tumakbo bilang SC President. Everybody knew na si Akane ang pinakamalaking rason kung bakit nahalal bilang Presidente si Ryoku. She worked the hardest para makilala at mapabango ang pangalan ni Ryoku. Lahat ng gimmick pinasok ni Akane kahit magmukha pa siyang tanga, makuha lang ang boto nila para kay Ryoku. "S-sige Ryoku papasok na 'ko." Mamula-mula ang tugon ni Akane. Sumagot nang malambing na ngiti ang binata.   Naglakad si Akane na lutang sa ligaya. Pilit na inaalala at dinadama ang paghawak ni Ryoku sa bewang niya. Naputol ang ligaya nang bigla siya hinila papasok sa maliit na kiwarto kung saan nakatago ang mga panlinis ng janitor ng eskwela. Madilim sa loob at tanging liwanag mula sa maliliit na butas mula pinto ang nakasiwang. She didn’t dare to move. Ramdam niya ang malakas na t***k sa kanyang dibdib. Deep heavy breathes sound nearby. Hanggang sa naramdaman niyang may yumakap sa kanya. She should have screamed but she didn’t. The hands that was holding her didn’t mean harm. Alam niya iyon at sigurado siya roon. The smell of his perfume is quite familiar. Lumapit siya rito at muling inamoy iyon. Isang tao lang ang pumasok sa isip niya -- si Daisuke. "Wag ka na ulit lalapit sa kapatid ko." "Bakit?" Humigpit ang pagkakahawak ni Daisuke sa mga kamay ni Akane na nakapatong sa dibdib ng binata. "Daisuke, bakit?" Binawi ni Akane ang mga kamay niya. Kasabay ng pagbawing iyon siya namang yakap ni Daisuke sa dalaga. Yakap na mahigpit pero may pagiingat. "Okay ka lang ba?" Naisip niyang baka may pinagdadaanan ang kaibigan. She wanted to help. She is always ready to help, to anyone. Hindi pa man lumalapat ang mga kamay ng dalaga para sana yumakap kay Daisuke, bumitaw ang binata at tumakbo palabas. Napapikit si Akane, sumilaw sa mata nito ang biglaang pagliwanag ng paligid. "Anong problem niya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD