Episode 6 - He has returned

905 Words
It has been a few days since the cleaning room incident between Akane and Daisuke. Naging awkward ang dalawa simula noon lalo na si Daisuke. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ni Akane pero umiiwas siya. Hindi na hinayaan ni Akane ang pag-iwas ni Daisuke. Kaya naman nang nasa trabaho ay diretso niya itong kinausap. Walang imik si Daisuke na nakasandal lang sa pintuan papasok sa machine area habang si Akane ay nasa loob ay inaayos ang ipapaikot na damit. "Hanggang kailan mo ko dededmahin?" Nakasimangot na pagsabi ni Akane na hinarap ang binata. She looking at her sternly pero iniwasan lang iyon ng tingin ni Daisuke. Nakaisip ng paraan si Akane para mapagsalita si Daisuke. "`Di ba sabi mo, ako ang prinsesa niyo?" Nagtaas ng kilay si Akane at lumapit sa binata. "Inuutusan kitang sagutin lahat ng tanong ko!" Tinuro niya ito at naka pamewang pa. Napakamot ng ulo si Daisuke at napatawa pa nang kaunti sa ginawa ng kasama. He was avoiding her because he thought Akane was uncomfortable with what happened. Naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para kausapin ulit siya. "That's not how it works." Nataranta si Akane nang lumapit si Daisuke sa kanya. There was something about how he looks at her na biglang nagpakaba sa kanya. Tumigil si Daisuke sa harap ni Akane. Soon after, hinawakan ni Daisuke ang kamay ng dalaga. “Prinsesa ka namin, prinsesa ko pero hindi ako utusan.” Dumampi ng halik si Daisuke sa kamay niya. Hindi maiwasan ni Akane na mamula ang kanyang mga pisngi. Binawi agad ni Akane ang kamay niya. "Sira ulo! Iniiwasan mo kasi ako eh, ang awkward lang. Kasama kita halos buong araw tapos hindi mo ko kinikibo." Lalong namula ang mga pisngi ni Akane ni hindi ito makatingin sa binata. "Sorry. Hindi na mauulit." Ngumiti si Daisuke. Bumalik sa trabaho si Akane maiwasan lang si Daisuke sa oras na yun. Ayaw niya kasing ipakita ang namumula nitong mukha. Natapos ang trabaho na hindi makatingin si Akane sa kasama dahil sa tuwing titingin ito namumula siya bigla. Nagmadaling mag-ayos ng gamit si Akane habang si Daisuke ay naghihintay na sa labas. Nang maisara na ni Daisuke ang shop ay umakmang magsalita si Akane. Sasabihan sana niya ito na huwag na siyang ihatid. Nahalata ni Daisuke kaya naman inunahan na niya ito. "Ihahatid kita." Gabi-gabing routine nila iyon kahit pa anong pilit ni Akane na huwag na siyang ihatid ay hindi pumapayag si Daisuke. "Kaya ko naman. Ginagabi ka lalo dahil sa paghatid mo sa `kin." Mahinang sagot ni Akane. Hindi sumagot ang binata. Nang tignan ni Akane ang binata sa mukha ay napansin niyang parang aligaga ito at nagmamasid sa paligid. "Pumunta ka sa likod ko." Tinabing ni Daisuke si Akane papunta sa likod niya. Nagulat si Akane pero hindi na ito nagtanong pa sa kung anong nangyayari. May naaaninag si Daisuke na mga anino sa madilim na daan. Palapit nang palapit ang mga ito at palinaw na rin nang plinaw ang mga mukha nila. Mga lalakeng mukhang hanap ay gulo. Sa bilang ni Daisuke, sampu silang lahat kasama ang ilan pang nasa gilid ng shop. "Anong kailangan niyo?" Matigas na tanong ni Daisuke na hawak parin si Akane na pasilip silip sa mga kalalakihan. "Daisuke, natunton ka rin namin sa wakas." Kumakamao ang isang lalaki na nasa harapan na sinundan pa ng iba. Madilim ang daan at tanging ilaw lang sa harap ng shop ang meron. Hindi mamukaan ni Daisuke kung sino ang nasa harapan niya. Kumabog ang dibdib niya nang nailawan ng dumadaang sasakyan ang mukha ng lalaki. "Usui!"   Hindi makakalimutan ni Daisuke ang gang war na nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. Mainit ang grupo nila sa mga pulis noon dahil sa kabi-kabilang panggugulong ginagawa nila. Palaging nag-iiringan ang grupo niya sa grupo ni Usui noon. Kapwa nangugulo sa teritoryo ng bawat isa. Sa kasagsagan ng gulo ay napuruhan ang isang miyembro ni Usui at naghamon nang mata sa mata. Hindi inurungan ni Daisuke ang hamon na iyon. Kapwa bitbit ang kanilang grupo, nagbanggan sila sa luma at abandonadong ospital. Lahat handa na manakit na kung aabutin ay handa ring makapatay. Napatumba ng bawat isa ang mga nakakalaban at natirang nakatayo ang dalawang lider. Kapwa sugatan sa mga natamong sipa at suntok sa bawat sulok ng kanilang katawan. Pareho na silang pagod sa halos tatlong oras na suntukan. “Sumuko ka na. Hindi mo kaya.” Utal na sa pagsasalita si Usui na duguan na ang bibig. “Sa sarili mo sabihin yan.” Maga ang mukha ni Daisuke na duguan na rin gawa ng kalaban. Sa huling pagkakataon ay sumugod si Daisuke at hindi siya hinayaang mag-isa ni Usui. Maswerteng napatama ni Daisuke ang kamao niya sa baba ni Usui na dahilan para tuluyan itong matalo. “Buhay ka pa pala.” Matigas ang tono ng boses ni Daisuke. Ayaw man niyang gumawa ng gulo pero kasama niya si Akane. “Akala mo ba matutuluyan mo ako. Sira ulo! Masama akong d**o!” Akmang susugod si Usui para masuntok si Daisuke nang humakbang si Akane. Hindi siya puwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Natatamaan ng ilaw ang mukha ni Akane dahilan para makita iyon ni Usui. Mahigpit na kumapit si Akane sa braso ni Daisuke nang makumpirma niya ang may-ari ng boses. "U-Usui." "Kilala mo?" Tanong ni Daisuke. Tumago si Akane. Ramdam ni Daisuke na nanginginig ang kamay ng dalaga. Daisuke turned around to look at her. Namumutla si Akane at takot na takot. Aligaga at hindi alam ang gagawin. “Akane.” Humakbang si Usui para sana lapitan si Akane pero inurong siya ni Daisuke gayon paman naabot din siya nito. Tumawa ito ng malakas nang maiangat ang mukha ng dalaga. "What a surprise! It's my Akane!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD