KABANATA 7: CALLING CARD

1782 Words
SYNEA ALLISON’S POV “Sorry Miss” paghingi ng paumanhin nung lalaking nakabunggo sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo papunta sa admin corner. Hindi naman gaano yun kasakit o baka hindi ko lang ininda sapagkat mas mahalagang makita ko si Lev. “Levana!” tawag ko kay Lev ng matunaw ko siyang tahimik na nakaupo sa bench habang yakap-yakap ang isang stuffed toy. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo patungo sa kaniya. “Lev,” tawag ko muli sa kaniya ng nakalapit ako. Lumingon naman ito sa akin. “Mommy!” tawag niya sa akin saka ako niyakap. Umupo naman ako upang maging magkalevel kami saka din siya mahigpit na niyakap. Hindi ko na napigilang maiyak ang takot na nararamdaman ko kanina dahil sa pagkawala niya. “Mommy don’t cry,” wika ni Levana pagkatapos niya akong bitawan saka pinunasan ang mga luha ko. “I was so scared,” pahayag ko saka hinawakan ang mukha niya. “Are you okay? Are you not hurt?” tanong ko sa kaniya saka siya inikot. Umiling naman ito, “no mommy. Tito Claude is so nice,” wika niya kaya naman kumunot ang noo ko. Sinong Tito Claude? “Levana,” sigaw ni Luna saka niyakap si Lev. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Luna ng hindi dahil kay Clayton. Mukhang gaya ko, natakot din siya noong nawala si Levana. Hinayaan ko muna silang dalawa at pinuntahan yung security personnel na tumawag kanina doon sa guard na pinagtanungan ko. “Thank you very much for taking care of my daughter,” sinserong pasasalamat ko sa kaniya. “Walang anuman po, Ma’am. Saka hindi naman po talaga ako yung nag-alaga sa anak niyo. Yung lalaking nagdala sa kaniya rito. Sa kaniya po kayo dapat magpasalamat,” magalang na wika nung security personnel. “Nasaan na po pala siya?” tanong ko sa kaniya. “Naku Ma’am nakaalis na po. Nagmamadali nga po dahil kailangan niya na daw bumalik sa trabaho niya pero iniwan niya po ito sa akin,” pahayag nung babae saka inabot sa akin ang isang calling card. “Ibinilin niya po sa akin na sabihin sa inyo na i-text siya sa oras na magkasama na kayo ni Levana para daw po mapanatag siya,” dagdag niya. Hmm, mukha naman palang mabait yung nakahanap sa anak ko. “Marami pong salamat ulit,” pasasalamat ko sa kaniya saka nilagay yung calling card sa bag ko. Ngumiti naman ito kaya hinarap ko na si Levana at Luna, “umuwi na tayo. Siguradong hindi na mapakali si Blaze sa pag-aalala kay Lev,” pag-aya ko sa kanila. Napansin ko ang hawak na stuffed toy ni Lev, “Lev ibalik mo na yung stuffed toy na yan para makauwi na tayo,” utos ko sa kaniya. Umiling naman ito, “this is mine, mommy. Bigay po ito ni Tito Claude.” Napatingin naman ako sa security personnel upang kumpirmahin kung totoo ang sinasabi ni Lev. Tumango naman ito. “Okay then, let’s go na,” wika ko saka hinawakan ang kamay ni Lev. Bago kami umalis ay muli akong nagpasalamat roon sa security personnel at nag-offer pa ng pabuya para sa kaniya ngunit tinanggihan niya ito. Paglabas namin ng mall ay sumakay na kami agad sa kotse ni Luna at nagmaneho na siya. Habang nasa byahe ay nagtext naman ako kay Manang Fe na pauwi na kami ni Levana. Pagkatapos kong i-text si Manang Fe ay nilingon ko si Levana upang itanong sana kung ano ang hitsura ng tinatawag niyang Tito Claude ngunit nakatulog na pala ito. Binuhat ko naman ito saka inihiga sa hita ko upang mas maging komportable siya. Mukhang napagod ito ngayong araw. *** Pagdating namin sa mansion ay binuhat ko si Levana papasok ng bahay dahil ayaw ko na ito gisingin pa upang hindi maantala ang tulog niya. “Synea, iha, nandito na pala kayo,” bungad sa amin ni Manang Fe. “Si Blaze po?” tanong ko “Nandoon sa kwarto ninyo. Nakatulog kakahintay sa inyong dalawa,” pagkukwento ni Manang Fe. Tumango naman ako, “i-akyat ko po muna si Levana,” paalam ko sa kaniya. “Oh sige at paghahandaan na rin kita ng makakain…” wika niya, “siya nga pala, umuwi na ba si Luna?” tanong sa akin ni Manang. Umiling naman ako, “hindi po. Kausap lang po si Tito sa phone, pinapa-cancel na yung paghahanap kay Levana,” sagot ko naman. Tumango na lamang si manang kaya naman napagdesisyunan ko ng umakyat. Pagdating ko doon ay nakita ko ang mahimbing na pagtulog ni Blaze habang hawak ang picture frame naming tatlo. Mukhang katulad ko ay natakot din siya noong nalaman niyang nawawala si Levana. Maingat kong inilipag si Levana sa tabi ni Blaze saka sila kinumutang dalawa. Pagkatapos ay lumipat naman ako kay Blaze upang kunin yung yakap niyang picture frame. Ilalapag ko na sana yung picture frame sa side table ng tawagin ako ni Levana. “Mommy” Lumingon ako at nakita ko pa rin naman siyang nakahiga ngunit nagkukusot ito ng mata. “Bakit baby?” tanong ko sa kaniya. “Mommy, where is Daddy?” Natigilan ako dahil sa tanong ni Levana. Muntik ko pa ngang mabitawan ang picture frame na hawak ko. Inilapag ko muna ang picture frame bago siya hinarap. “Baby, you’re Dad---” Napahinto ako ng mapansin ko na nakatulog na muli si Levana. Mukhang naalimpungatan ito kanina. Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kama sa may paanan ng mga anak ko. Alam ko naman na darating ang araw na magtatanong sila ngunit hindi pa ako handang ipagtapat sa kanila ang nangyari sa ama nila. Pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa pisngi ko saka hinagkan ang mga anak ko. Pasensya na Lev, Blaze. Ginagawa ko lang ito para sa inyo ding dalawa. Nang masiguro ko na mahimbing na ang pagkakatulog ni Levana ay bumaba na rin ako sa kusina at naabutan si Luna na umiinom ng wine. “Oh, andyan ka na pala. Pinaligpit ko na kay manang yung food kasi akala ko nakatulog ka na din,” wika ni Luna ng maramdaman niya ang presensiya ko sa tabi niya. “Ayos lang, hindi naman ako gutom,” matamlay kong sagot sa kaniya. Inabutan naman niya ako ng glass of wine, “ayan yata ang kailangan mo.” Napangiti naman ako saka kinuha ito at ininom. “Gusto mo bang pag-usapan?” tanong sa akin ni Luna. Kahit kailan talaga ay kilala ako ng babaing ito. “Si Levana kasi tinanong niya kanina kung nasaan ang tatay niya,” pagkukwento ko saka muling ininom ang red wine. “Hindi mo din naman siya masisisi. Lumalaki na ang mga anak mo. Darating ang araw harapan nilang itatanong ulit iyan sa iyo,” payo sa akin ni Luna. Alam ko naman na pinipigilan niya ding itanong sa akin ang tungkol sa ama ng mga anak ko. “By the way, baka gusto mo ako samahan mamaya sa Jiminez Empire Hotel, let’s party,” pag-aya niya sa akin. “Hmm… tingnan ko muna ang schedule ko,” wika ko saka kinuha ang bag ko at hinanap ang planner ko. Pagkatapos ay binuksan ko ito at nahulog yung calling card na binigay sa akin nung security personnel. Agad naman itong pinulot ni Luna saka inabot sa akin. “Kanino yan?” tanong niya. “Doon sa lalaking tumulong kay Levana. I-text ko daw kapag magkasama na kami ni Lev sabi nung security personnel,” pagkukwento ko. “Oh? Eh nagtext ka na ba?” tanong niya. Umiling naman ako. “Loka dapat nagtext ka. Mamaya nag-aalala na yun kay Lev,” pagalit niya sa akin kaya naman kinuha ko ang cellphone ko. “Ano sasabihin ko?” tanong ko kay Luna. “Hmm, akin na. Ako na magtetext,” wika niya saka kinuha ang cellphone ko. Pinabayaan ko na lamang ito at saka lumagok muli ng red wine. Ewan ko ba pero sadyang nakakapagod ang araw na ito. PIERRE’S CLAUDE POV “Okay, let’s have a water break,” anunsyo ni Zephyr. Agad akong bumaba sa stage at pumunta sa bench upang i-check ang phone ko. Hindi kasi ako mapakali dahil ibinilin ko sa security personnel kanina na sabihin sa mama ni Lev na i-text ako once magkasama na sila para alam kong okay yung bata. “Oh, bago ito ah. Kaninong text ang hinihintay mo, ha?” pang-aasar sa akin ni Clayton at inakbayan pa ako. Dahil sa lakas ng boses niya ay napalingon din sa amin si Zephyr at Clyde. “Ano yan ha? Nakamove on ka na ba doon sa nakasama mo ng isang gabi limang taon na ang nakakalipas?” gatong naman ni Clyde saka sila sa amin lumapit ni Zephyr. “Ayusin mo lang yan Pierre. I won’t clean your mess again,” pambabanta ni Zephyr. Hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa akin dahil sa late akong nakabalik. “Tigilan niyo ko…” asik ko sa kanila saka tinanggal ang pagkaka-akbay ni Clayton. “Hinihintay ko lang na mag-text yung nanay nung batang tinulungan ko para masiguro ko na magkasama na sila,” paliwanag ko naman. “That’s not your business anymore, Pierre.” Sabay-sabay kaming apat na napalingon sa may pintuan dahil sa nagsalita. “Ava, what took you so long to come back?” tanong ni Clayton na kumikislap pa ang mata dahil sa suot ni Ava. Nakasuot kasi ito ng fitted mini-skirt na halos makita na ang panty niya then crop-top na V-neck kaya halos kita na rin ang hinaharap niya. “I just asked the mall security to delete all footages na nandun ka,” wika ni Ava saka tumingin sa akin. “Thanks, Ava. Pero hindi mo naman na kailangan gawin yun,” pahayag ko. Ngumiti naman ito saka ako maharot na tinitigan, “anything for my favorite member,” usal niya saka kinagat ang ibabang labi niya. “Tsk,” asik ko saka ibinalik ang mata sa cellphone ko. Mas gugustuhin ko pang tingnan ang picture ni Lev kaysa makipagtitigan kay Ava. Dapat pala kinuha ko yung number ng security personnel kanina para matawagan ko. Aish! “Tama na yan. Let’s back to work,” utos ni Zephyr saka na naunang bumalik sa stage. Sumunod naman agad si Clyde habang si Clayton ay nakikipagharutan pa kay Ava. Ibinaba ko na ang cellphone ko at akmang babalik na sa stage ng tumunog ito. Nagmamadali ko itong kinuha at binasa ang text message. From Unknown Number: Hi Claude, I am Levana’s mother. Thank you for taking care of her. I hope we can meet, so I can thank you personally. ITUTULOY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD