KABANATA 8: AUDITION

1932 Words
SYNEA ALLISON’S POV From: Claude I’m sorry but I am a bit busy, so I can’t meet you. Still, I am happy that Lev is all right. Kumunot naman ang noo ko dahil sa nabasa ko. Anong meet? Agad kong hinanap ang taong makakasagot ng tanong ko at natagpuan ko siyang nakikipag-mingle sa isang lalaki na maayos naman manumit ngunit mukhang manyak dahil kanina pa hawak ng hawak sa braso ni Luna. Andito kasi kami ngayon sa Jiminez Empire Hotel upang magrelax kahit papano. Iniwan ko muna kay Manang Fe sina Blaze at Levana. “Excuse me, I need an alone time with my bestfriend,” wika ko pagkalapit ko sa kanila saka hinatak si Luna papunta sa sulok. “Ali naman, sayang yung pogi kanina,” pagrereklamo niya. Inirapan ko naman ito. “Umayos ka nga, Luna. Ang ganda-ganda mo, hayaan mo yung mga lalaki ang maghabol sa iyo, hindi yung ikaw yung naghahabol sa kanila. Isa pa, mukhang hindi naman yun matino dahil kanina pa hawak ng hawak sa iyo,” pangaral ko kay Luna. “You are so OA, Ali ah. Di ko naman ibibigay ang pinaka-iingatan natin into random stranger,” wika niya. Medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya pero hindi ko na lamang ito pinahalata sapagkat hindi naman niya alam ang nangyari. “Hoy Ali, bakit naman tulala ka diyan?” Nabalik na lamang ako sa realidad dahil sa pagyugyog sa akin ni Luna. Ngumiti naman ako ng pilit sa kaniya. “Ang sa akin lang, dapat nag-iingat ka. Mamaya masamang tao ang matapat sa iyo, mapahamak ka pa,” wika ko. Ngumiti naman ito sa akin. “You are so sweet talaga, Ali. Fine fine, mag-iingat ako,” wika niya. “Oh by the way, nagtext sa akin sa Claude, what did he mean about meet up?” tanong ko sa kaniya ng maalala ko bigla ang sadya ko. Nanlaki ang mga mata ni Luna dahil sa sinabi ko, “oemgee, ano sabi niya? Magkikita na daw ba kayo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mahina ko naman siyang pinitik sa noo sabay sabing, “ang sabi ko magpasalamat ka lang. Wala akong sinabi na makikipagkita ako sa kaniya.” “Ang weird naman kasi na magpasalamat ka lang sa text, ‘no. Duh, after what he did for Lev, deserve niya mapasalamatan sa personal,” pahayag naman niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. May punto naman kasi siya. “See, napaisip ka din, ‘diba. Kaya ano na ba sabi niya? Saan at kailan kayo magkikita?” pangungulit niya sa akin. “Busy daw siya,” sagot ko naman. Mukha namang nadismaya si Luna sa sinabi ko, “Ano ba yan! Akala ko pa naman magkakalovelife ka na,” pahayag niya kaya ko siya muling pinitik. “Loka! May mga anak na ako kung ano-ano pa yang naisip mo,” pagalit ko sa kaniya. “Tama ka. May mga anak ka pero wala kang asawa kaya pwede ka pa naman makipagdate,” saad naman niya. Napailing na lamang ako sa sinabi niya. “Ewan ko sa iyo. Gusto mo pang maging matchmaker diyan,” wika ko saka umirap sa kaniya. “Sus, wag mong sabihing hinihintay mo pa bumalik yung tatay ng mga anak mo,” asik niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, “of course not. Binaon ko na siya sa limot,” depensa ko. “Hay kung ano-ano ang sinasabi mo diyan, tara na nga lang at mag-enjoy ngayong gabi,” wika ko saka siya iniwan roon. Jusko, kung ano-ano sinasabi ng bestfriend ko. Mamaya kapag bumalik si Pierre sa buhay ko ay mahimatay ako ng wala sa oras. Pagkatapos kong iwan si Luna ay pumunta ako sa may counter upang kumuha ng maiinom. Cocktail lamang ang kinuha ko sapagkat ayaw ko na muling malasing pa sa lugar na ito. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng dumaan sa harap ko ang kamukha ni Pierre. Pero impossible naman yun, gosh dapat talaga di na ako umiinom. Ang dami kong nakikitang kung ano-ano. “Ladies and gentlemen please welcome Quartent Alliance,” anunsyo ng host kaya naman tuluyang ko ng naibuga ang iniinom ko. Buti na lamang ay walang tao sa harap ko. Kumuha lamang ako ng tissue upang punasan ang bibig ko saka tumayo na at nagmamadaling lumabas ng hotel. Nagtext na lamang ako kay Luna na mauuna na ako sapagkat baka hanapin ako ng mga bata. Limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin kayang harapin siya. *** “Mommy wake up.” “Hmm…” Hindi dumidilat na tugon ko sa kung sinuman ang gumigising sa akin. “Mommy kanina pa po tumutunog ang cellphone mo,” Napaupo ako bigla dahil sa narinig ko. Tila naman nagulat si Levana at Blaze sa biglang pag-upo ko. Humihikab na tumingin ako sa orasan sa kwarto namin. Pasado alas-nuebe na pala ng umaga. “Mommy, where have you been po ba?” tanong sa akin ni Blaze. Pinisil ko naman ang dalawang pisngi nito, “ang aga-aga salubong na agad ang kilay mo anak ko. Maaga kang tatanda niyan,” saway ko sa kaniya kaya naman natawa si Levana. May sasabihin pa sanang muli si Blaze ng muling tumunog ang cellphone ko. Humihikab kong kinuha ito saka tumayo at pumunta sa banyo upang sagutin ito. Pagpasok ko ay agad ko na ring sinagot ang tawag. “Hello,” bungad ko saka muling humikab. [ Sorry Ms. Synea, naistorbo ko po ata kayo ] “No, go ahead,” wika ko dahil alam ko naman na hindi mangungulit ang secretary ko kung hindi importante ang sadya niya sa akin. [ May na-receive po kasi kayong email about an invitation po ng audition for your son ] “Sinabi ko na sa inyo diba na wala akong balak na pag-artistahin ang anak ko,” medyo naiirita kong wika sa kaniya. [ Pasensya na po, Ma’am. Malaking project po kasi ito kaya naisip din ng board na i-try ng anak niyo for the publicity of Twin Dream Agency ] “Gusto pa nilang gamitin yung anak ko!” naiinis kong wika. [ Ma’am pasensya na po ulit pero si sir Blaze naman po kasi yung nagturo ng audition na yun kaya akala ko din po na approve sa inyo ang gusto niya ] “Ano kamo? Si Blaze ang pumili nun?” paglilinaw ko. Alam ko naman kasi na lumalabas na ang hilig ni Blaze sa musika kagaya ng ama niya. Kaya naman ayaw ko sana na pumasok siya sa ganoong industriya upang hindi magtagpo ang landas nila ni Pierre kaya nakakagulat ang sinasabi ng aking sekretarya. [ Yes po, Ma’am ] “I’ll call you back,” wika ko saka pinatay ang tawag. Naghilamos muna ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng banyo. Paglabas ko ay nakita ko si Blaze na nakikinig na naman ng mga awitin ng Quartent Alliance. “Blaze,” tawag ko sa kaniya. Tumingin naman ito sa akin saka pinatay yung music. “Bakit po mommy?” tanong niya sa akin. Lumapit muna ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. “Nasaan si Levana?” tanong ko sa kaniya. “Sumama po siya kay Manang Fe sa garden,” sagot naman ni Blaze. “Bakit hindi ka sumama sa kanila?” tanong kong muli. Kumunot naman ang noo neto. “That’s for girls only,” sagot naman niya. Natawa naman ako, “that’s not true. I knew some male friends na mahilig sa gardening,” sagot ko naman sa kaniya. Ngunit hindi na ito muling sumagot dahil ang focus niya ay nasa hawak niyang tablet. “My secretary called at sabi niya na may gusto ka daw salihan na audition?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siyang muli sabay sabing, “yes mommy. But I thought hindi na po yun na push through,” sagot naman niya. “Do you like that project? Gusto mo ba talaga mag-artista anak?” tanong ko sa kaniya. Ibinaba niya muna ang tablet niya saka tumingin sa akin, “yes po. Baka sumikat ako at hindi na kailanganin ni Dad na magwork. Para makasama namin siya.” Nagulat naman ako sa sinabi neto dahil sa murang edad ay malawak na siya mag-isip. Hindi ko tuloy alam kong kanino siya nagmana. Lihim naman akong nalungkot sa sinabi niya. Kagaya din pala ni Levana ay naghahanap siya ng kalinga ng ama. “Anak, ang gusto namin kung mangangarap ka, mangarap ka para sa sarili mo,” paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti naman ito, “gusto ko din naman pong maging idol kagaya ni Pierre Claude Hiyashi.” Ang pangalang binigkas niya ang nagpabingi sa akin. Hindi ko alam kung biro lang ba ito ng tadhana o sinasadya niya ito. *** Pagkatapos naming mag-usap ni Blaze ay kumain na rin kami saka ako nagpaaalam sa kanila na papasok na sa opisina. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papayagan ko si Blaze na mag-audition. Na-review ko na rin naman yung mismong role niya at sa tingin ko ay swak naman ito kay Blaze. Isa itong documentary kung saan gaganap na child persona si Blaze ng isang artista. Kung tutuosin ay wala namang mahirap doon dahil hindi naman mahaba ang exposure ni Blaze pero nagdadalawang isip pa rin ako. “Ang lalim naman ata ng iniisip mo diyan?” Nabalik ako sa realidad ng may magsalita. Napatingala ako at nakita ko si Luna na nakangiti sa akin. “Andyan ka na pala,” tanging nasabi ko. “Duh, pagkatapos mo akong iwan sa hotel ayun lang ang sasabihin mo?” pagalit niya sa akin. “Nagtext naman ako sa iyo. Iniisip ko lang na pag masyado akong nagtagal ay hanapin ako ni Blaze at Levana. Hindi naman sila sanay na wala ako sa tabi nila,” paliwanag ko. Syempre totoo naman yun pero hindi yun ang kabuoang kwento. Hindi ko pa kasi talaga alam kung paano ko sasabihin kay Luna na ang ama ng mga anak ko ay si Pierre. “Yeah right,” wika niya saka umirap. “Anyway, what are you thinking ba?” tanong niya, “ May natanggap kasi na audition invitation si Blaze,” panimula ko. “Yeah, I’ve heard that sa board members,” wika niya. “Don’t tell me pinadala ka nila dito to convince me?” kunot noong tanong ko sa kaniya. “Yeah, but I disagree. Ikaw ang ina ni Blaze. Ikaw ang nakakaalam sa nais ng anak mo at sa makakabuti sa kaniya. Hindi pwedeng Haluan ng business ang decision mo,” sagot naman niya saka umupo sa upuan sa gilid ng table ko. “So anong balak mo?” dagdag na tanong niya sa akin. “Well sabi ni Blaze gusto niya daw subukan,” malumanay na sagot ko sa kaniya. “Eh bakit parang nagdadalawang isip ka?” tanong ni Luna. Bumuntong hininga naman ako, “if makapasok kasi si Blaze doon sa audition. Hindi kami makakauwi ng province,” sagot ko. “Eh ano naman?” takang tanong niya. “Hindi sila makakapag-aral,” paliwanag ko. Tumawa naman si Luna kaya kumunot ang noo ko. “Edi dito mo sila pag-aralin. Besides mas maganda ang education here kaysa sa probinsya,” suhestiyon naman niya. “Mas tahimik ang buhay namin sa probinsya,” saad ko naman. “Nandito ang trabaho mo, hindi naman pwedeng luwas ka ng luwas. Isa pa, opportunity na yung lumalapit sa anak mo, oh. Saka, mas sanay ka naman dito manirahan ah. Unless you are hiding from someone?” ITUTULOY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD