CHAPTER 3: PAGBABALIK

1659 Words
SYNEA ALLISON’S POV *5 YEARS LATER * Tahimik kong pinagmamasdan ang mga nagtataasang building sa aming dinadaanan. Hindi ko akalain na babalik pa ako sa Maynila pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin limang taon na ang nakakaraan. “Mommy, where are we going?” Napunta ang atensyon ko sa anak kong si Levana dahil sa tanong nito. Kinusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata. Halatang kagigising lamang neto. “We are just having a vacation here, sweetie,” sagot ko sa kaniya saka inayos ang buhok niya. “Yay! Family bonding,” masayang wika ni Levana. “Kuya, do you hear that?” pangungulit ni Levana kay Blaze ngunit nasa labas ng bintana ang atensyon nito. “Blaze?” tawag ko sa kaniya. “Yes, mommy?” tanong niya sa akin pagkaharap niya. “May sinasabi si Levana sa iyo,” malambing kong wika sa kaniya. Tumingin naman si Blaze kay Levana. “Ano yun, Lev?” tanong niya. “I said if you hear what mommy said. But I think you wasn’t because you are too focused outside,” nakangusong wika ni Levana. Mahihimigan ang pagtatampo sa boses neto. “I’m sorry, Lev. I just saw a big picture of Quartent Alliance, so I was distracted,” paliwanag naman ni Blaze. Itinago ko ang gulat na naramdaman ko ng marinig ko ang sinabi ni Blaze. “You love them more than me,” reklamo naman ni Levana saka naghalukipkip. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa ka-cute-an ng mga anak ko. “Wag ka na magtampo. I’ll give you my lollipop, here,” wika niya saka inabot kay Levana ang tatlong lollipop. “Why is it three lollipops?” tanong ni Levana ngunit agad din niya itong kinuha sa kamay ng kuya niya. “Because I love you,” wika ni Blaze at nagfinger heart po. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa ginawa niya. Mukhang pasasakitin ni Blaze ang ulo ko kapag nagbinata na siya. Sabay namang tumingin si Levana at Blaze sa akin. “Mommy why are you laughing?” inosenteng tanong sa akin ni Levana. “Because you guys are so cute,” wika ko saka sila niyakap. Silang dalawa na lang talaga ang nagiging kaligayahan ko. *** Pasado alas dose na kami nakarating sa mansion na pinagawa ko. Ito ang nagiging bahay-bakasyunan ko dahil mas nais ko na manirahan sa probinsya. Panalangin ko na lang sana na mabilis kong maayos ang problema sa talent agency na namana ko pa sa ama ko para naman makauwi na kami ulit sa probinsya. “Magandang tanghali Ma’am Synea. Kamusta po ang byahe?” tanong sa akin ni Manang Fe, ang caretaker ng mansion na ito. Sinenyasan niya ang ibang katulong na kunin ang mga bagahe namin. “Manang naman, sabi ko po sa iyo Synea na lang ang itawag niyo sa akin,” pagpapaalala ko sa kaniya. Napakamot naman ito ng ulo dahil sa sinabi ka, “Synea iha, syempre hindi pa rin naman ako sanay na hindi ka tinatawag na Ma’am,” saad niya. “Ito naman si manang parang others. Ikaw na po nag-alaga mula pagkabata ko kaya Synea na lang,” wika ko sa kaniya. “Kuya did you hear that? She is mommy’s nanny,” wika ni Lev saka lumabas sa pagkakatago sa likuran ko mula pa kanina. Nakita ko naman ang pagkinang ng mata ni Manang Fe ng makita si Lev at Blaze, “ito na ba ang mga bago kong alaga?” masiglang tanong ni manang kaya naman nagtago muli si Lev sa likuran ko habang nakatingin lamang si Blaze kay Manang. “Lev don’t be scared. Manang Fe is so nice para ko na siyang nanay,” wika ko kay Lev. “Really, so you are like our lola?” hindi siguradong tanong ni Lev saka tumabi sa kuya niya. Masaya namang tumango si Manang Fe. “Come on, magmano na kayo kay Manang Fe,” wika ko kay Lev at Blaze. Naunang lumapit si Blaze saka nagmano kay Manang Fe habang si Lev naman ay nahihiyang lumapit kaya naman niyakap siya ni Manang at hinalikan sa pisngi. Namula tuloy si Lev. Siguro nahiya ito sa nangyari. Pagkatapos pakawalan ni Manang si Lev ay tumingin ito sa akin. “Pumasok na tayo sa loob. Naghanda ako ng paborito mo,” wika niya kaya napangiti ako. “Thanks, Manang. Tara na kids sa loob,” pag-aya ko sa kanila. Sabay-sabay na kaming pumunta sa loob ng mansion. Pagdating namin sa dining table ay kuminang ang mata ni Lev at Blaze sa dami ng pagkaing nakahanda sa lamesa. “Wow! Fiestaaaa,” masayang wika ni Lev saka tumakbo sa hapag at kumuha ng hotdog. Hindi makapaniwala kong tiningnan si Manang, “ang dami niyo naman po atang niluto.” “Hindi ko kasi alam ang pagkaing magugustuhan ng mga anak mo kaya nagpaluto ako ng madami,” sagot naman niya sa akin saka tumingin kay Lev at Blaze na masayang kumakain. “Hindi naman po maarte ang mga anak ko kaya hindi na sana po kayo nag-abala pero salamat,” wika ko sa kaniya. Talagang maaasahan ko si Manang Fe. Simula ng mamatay ang mga aking ina ay siya na talaga ang tumayong ina sa akin. “Walang anuman iha. Samahan mo na ang mga anak mo at kumain ka na. Titingnan ko lamang kung nailagay na ba ng mga katulong ang gamit niyong mag-iina sa master’s bedroom,” wika niya Tumango na lamang ako kaya naman umalis na ito sa harapan. Pag-alis ni Manang Fe ay pumunta na rin ako sa pwesto ng mga anak ko upang sabayan silang kumain. Makalipas ang halos bente minuto ay natapos na din kami kumain kaya pumanhik na kami sa masters bedroom. Pagdating namin doon ay maayos na ang mga gamit namin pati ang higaan kaya naman nagmamadaling pumunta si Lev at Blaze sa higaan. “Mom hanggang kelan tayo rito?” biglang tanong sa akin ni Blaze ng umupo ako sa gilid ng kama. Unlike Lev, Blaze is matured. Parang tatay nga ito magsalita minsan. “Hmm, a week or two, bakit anak?” tanong ko sa kaniya. “Malapit na kasi magpasukan Mom baka hindi kami makapag-enroll,” wika niya. Natatawang ginulo ko naman ang buhok niya kaya naman sumimangot ito. “What’s that for?” tanong niya sa akin. “You are still young kaya wag ka magsalita na parang tatay…” Narinig ko ang pagtawa ni Lev dahil sa sinabi ko. “ Don’t worry aabot kayo sa enrollment sa probinsiya,” “Mommy is right. Daddy will be shocked once we met him kapag ganiyan ka magsalita,” pahayag neto na naging dahilan upang matahimik ako. “What’s wrong mommy?” takang tanong ni Blaze sa akin. Umiling naman ako at ngumiti, “wala naman. Napagod lang siguro ako sa byahe tas busog pa kaya medyo inaantok ako,” palusot ko rito. “Come mommy sleep beside me,” yaya sa akin ni Lev saka tinapik ang kutson. Nakangiting lumapit naman ako sa kaniya at humiga sa tabi neto. Pagkatapos ay tumabi na din sa amin si Blaze. Niyakap ko silang dalawa at kinantahan upang makatulog din. Napatingin ako sa malayo sa naalala ko. Sana hindi ako nagkamaling dalhin sila dito. *** Nagising ako dahil sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Papikit pikit kong kinapa ang cellphone ko sa bag saka tiningnan ang oras. Pasado als tres na pala kaya bumangon na ako saka sinagot ang tawag ko. “Hello?” inaantok na sagot ko sa tawag. [Ma’am Synea ipapaalala ko lang po ang board meeting mo sa Twin Dreams Agency ng 4PM] “Yeah, thanks for reminding. Mag-aasikaso na ako. Bye!” wika ko saka pinatay ang tawag. Pagkatapos ay tumayo na ako sa higaan at kumuha ng maisusuot sa maleta ko. Nang makahanap na ako ay dumiretso na ako sa banyo upang magfreshen up at magbihis. Makalipas ang sampung minuto ay nakapagbihis na ako. Paglabas ko ng banyo ay pinuntahan ko muna si Lev at Blaze na magkayakap na natutulog. Kinumotan ko lamang sila saka hinalikan sa noo bago ako lumabas ng kwarto. “Gising ka na pala, Synea,” bungad na pahayag sa akin ni Manang paglabas ko ng kwarto. “Opo manang. Aalis lang po ako saglit. Paki-bantayan po muna ang mga bata,” wika ko kay Manang. “Huwag ka masyadong magpakastress, Synea ah,” paalala niya sa akin. Ngumiti naman ako, “opo Manang. Gusto ko lang maagang matapos ito para makabalik na kami sa probinsiya,” sagot ko sa kaniya. “Bakit ba tila nagmamadali kang bumalik sa probinsya? May tinataguan ka ba, iha?” takang tanong ni Manang. Bahagya akong nagulat sa tanong niya ngunit hindi ko na lamang ito pinahalata. “Pasensya na, Manang. Magpapasukan na kasi kaya kailangan naming bumalik agad doon,” palusot ko. "Bakit hindi na lamang dito mo pag-aralin ang iyong mga anak?” tanong niya sa akin. “Gusto ko pa kasi silang lumaki sa probinsiya na may simpleng buhay kahit na ano pa ang estado namin,” sagot ko. Well, totoo naman ang sinabi kong ito. “Kung sabagay ay may punto ka naman. Saka ikaw naman ang kanilang ina kaya alam mo kung ano ang pinakamakakabuti sa kanila. Kung may nais kang pag-usapan, puntahan mo lang ako sa kwarto ko anytime,” makahulugang turan niya sa akin. “Sige po, Manang. Pero ngayon ay kailangan ko ng umalis at baka mahuli pa ako sa meeting namin,” wika ko sa kaniya. “Oh siya at pumanhik ka na. Wag ka mag-alala sa mga anak mo, ako na muna ang bahala sa kanila. Mag-iingat ka,” wika niya. Tumango na lamang ako saka nagmamadaling pumunta sa sasakyan ko. Pagkatapos ay agad na din akong nagmaneho papunta sa Twin Dreams Agency. Nagpark lamang ako sa parking lot saka pumunta sa elevator. Akmang sasakay na ako ng may tumawag sa akin. “Synea Allison Gomez!!!” ITUTULOY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD