CHAPTER 2: ROLLER COASTER NIGHT

1839 Words
SYNEA ALLISON’S POV “Ahm, Miss?” Nabalik ako sa realidad ng muli siyang magsalita. “A-ah, o-okay lang po, Sir,” mabilis kong sagot saka mabilis na umupo upang kuhanin yung tray na bumagsak sa sahig. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang maraming pares ng mat ana nakatingin sa akin. Aish, ngayon ka pa kasi naging clumsy Synea! Marahil ay lumikha ng malakas na tunog ang pagbagsak ng tray at pagkabasag ng mga wine glass na dala ko kaya kumuha ito ng atensyon ng mga naroon. “Here, let me help you,” wika ng estranghero saka inaabot ang kamay niya. Nahihiya ko naman itong tinanggap. Hinila naman niya ako ng patayo. “S-salamat,” wika ko. Nais kong sapuin ang noo ko dahil kanina pa ako nauutal mula ng makita ko ang kanyang mga mata. “Sh!t,” mahinang bulong niya saka nagmamadaling hubarin ang suit jacket niya. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin iyon habang iniiwasan ang mga tingin ko. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko na ang suot ko ngayon ay manipis kaya naman pag nabasa ito ay siguradong makikita ang hinaharap ko. Agad akong umupo muli saka inabot ang suit jacket ng estranghero pagkatapos ay isinuot ito habang nakatingin sa sahig dahil sa kahihiyan. Nang i-angat ko muli ang ulo ko ay wala na ito sa harap ko. Iginala ko pa ang aking mga mata ngunit hindi ko na siya nakita pa. “Ali, ayos ka lang ba?” Nabaling ang atensyon ko kay Luna ng umupo ito sa harap ko. “A-ayos lang ako. Nakakahiya lang sa mga tao,” bulong ko sa kaniya. “Stay put ka lang diyan,” wika niya kaya naman kumunot ang noo ko. “3, 2,1” Pagkasabi niya nun ay biglang namatay ang mga ilaw sa buong function hall. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Luna sa kamay ko saka ako itinayo. Pagkatapos ay kinaladkad niya ako sa kung saang mang lugar. Hindi ko kasi makita sapagkat naging madilim ang buong lagar. Huminto lamang kami sa isang pinto saka pumasok. Doon ay bumulaga sa akin ang isang malawak na kwarto, “Nasaan tayo?” tanong ko kay Luna. “Don’t worry, this is my room dito sa loob ng hotel. Ako lang ang may access dito,” wika niya ngunit ang atensyon niya ay nasa isang cabinet. “Here, magbihis ka muna,” dagdag niya pa saka inabot sa akin ang isang purple gown. “Salamat,” wika ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin, “don’t worry, nakamaskara ka naman kanina kaya walang makakakilala sa iyo sa loob once na magpalit ka ng damit. Kaya magbihis ka na dahil hindi moa ko mase-seduce kasi hindi tayo talo,” biro niya sa akin. “Che!” malakas na sigaw ko saka binato sa kaniya yung suit ng estranghero kanina. Pagkatapos ay nagmartsa na ako papunta doon sa isa pang pinto. Ayun marahil ang banyo. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ay narinig ko pa ang tawa ni Luna. Pagkasara ko ng pinto ay napangiti ako. Alam niya talaga paano ako pangitiin kahit kailan, buti na lang may kaibigan akong tulad niya. Matapos kong isuot yung purple gown ay lumabas na din ako ng banyo. Paglabas ko ay saktong bumulaga sa akin si Luna kaya naman napaatras ako. “Bakit ka naman nandyan sa pintuan?” reklamo ko sa kaniya. “Ang tagal mo kasing lumabas. Akala ko na-flash ka na sa inidoro,” asik niya sa akin saka umupo sa kama. “Aba nagfreshen up ako para hindi ako amoy ng kung ano-anong wine,” paliwanag ko naman saka pumunta sa kaniya upang humiram ng make-up. Agad ko ng kinuha yung eye liner, maskara at lipstick sa bag niya at sinimulan itong gamitin. “Nga pala, kaninong suit jacket ba ito?” tanong niya saka winaygayway iyon. “Hmm… hindi ko siya kilala, eh. Siya yung nakabangga sa akin kaya natapon yung dala-dala ko,” pagkukwento ko sa kaniya. Excited namang tumingin ito sa akin, “Pogi ba? Maganda boses?” sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya napangiti ako. “Oy, ngumiti siya. May nakakuha na ba sa mailap mong puso?” pang-aasar niya sa akin saka sinundot ang baywang ko. “Luna, stop, naglilipstick ko, oh,” saway ko sa kaniya. Agad naman itong huminto. “Well, I must say his voice is so angelic saka his eyes is beautiful,” komento ko pagkatapos kong ibalik sa bag niya ang mga ginamit ko. “So type mo? Hanapin natin, tara,” wika niya saka hinatak ako upang tumayo. “Loka, his attractive pero hindi ko type, no,” wika ko saka binawi ang kamay ko. “Eh, saying naman. Akala ko pa naman may nakabihag na sa mailap pusong,” wika niya saka tumingin sa phone. “Oemgeee” tili niya kaya naman napatakip ako sa tainga. “What?” malakas na tanong ko sa kaniya. Gusto pa ata niya akong bingihin. “Sabi ng receptionist, nakapasok na daw ang Quartent Alliance sa function hall. Change mission tayo, need ko ng hanapin si honeybunch clayton ko bago ulit magblack out,” nagmamadaling wika niya ngunit hinatak ko siyang muli. “Ano bang meron kapag black out?” taking tanong ko sa kaniya. “It’s like a tradition here in the hotel na kapag nagblack out, you can kiss someone pero dapat pag bumukas uli ang ilaw, kung wala kang lakas ng loob na magpakilala sa kaniya ay need mo magdisappear,” mahabang paliwanag niya habang kinikilig pa. “So you mean yung nagblack out kanina, nagkaroon ng kiss? And kaya ka talaga pumayag ngayong gabi ay dahil humahanap ka ng chance na mahalikan si Clayton?!” tanong ko sa kaniya na parang may bumbilyang umilaw sa isip ko. “Tumpak ganern, Ali. Kaya tam ana ang chika, tara na,” wika niya saka ako hinatak. Wala na akong nagawa kung hindi magpatangay sa kaniya sapagkat hinatak na niya ako pabalik sa function hall. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung fangirling pa ba ginagawa niya or obsess na siya kay Clayton. Pagdating naming sa function hall ay walang sabi-sabing binitawan niya ako saka kumaripas ng alis. Hindi ko tuloy alam kung saan siya pumunta dahil inayos ko pa ang maskara ko. Pumunta muna ako sa buffet section upang kumuha ng inumin. Balak kong mag-ikot-ikot muna para hanapin si Luna. Nag-aalala kasi ako na baka may kalokohang gawin talaga yun kay Clayton. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Luna. Kahit may suot siyang maskara ay alam kong nakasimangot ito dahil na-stuck siya sa tabi ng tatay niya. Lihim akong napatawa. Mukhang sir ana ang plano niya. Nagsimula na din ako mag-serve pero maya’t maya ang tingin ko kay Luna para masiguro ko na hindi siya maalis sa paningin ko. *** Pasado alas-tres na natapos ang event sa hotel kaya naman isa-isa na ring umaalis ang mga tao sa loob ng function hall. Kaya naman napagdesisyunan kong pumunta na sa banyo upang magfreshen up para makauwi na. Medyo nahihilo na din kasi ako dahil sa epekto siguro ng alak na pinainom sa akin ni Luna. Kaloka kasi ang babaeng iyon. Naglasing dahil hindi niya mahanap si Clayton at dinamay pa ako. Pero dalawang baso lang naman ang ininom ko dahil alam ko na hindi pwedeng dalawa kaming lasing. Papasok na sana ako sa banyo ng mapansin ko na may lalaking nakamaskara na pagewang-gewang na palabas sa banyo ng boys kaya naman nilapitan ko ito. “Sir, ayos lang ho ba kayo?” tanong ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako. “Miss, a-alam mo ba yung room na ito? Nalelegew ata ako,” wika niya. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya. Marahil ay napasobra ito ng inom. “Sir, sasamahan ko na po kayo sa room niyo” wika ko saka siya inalalayang tumayo. Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko kaya mukha kaming magka-akbay. Kahit na antok na antok na ako at medyo nahihilo na din ako. Agad kong pinindot ang elevator saka pinindot ang palapag na nasa room number niya. Medyo naiilang nga lang ako dahil nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko. Pagdating naming sa tapat ng room ay ginamit ko ang room card niya upang buksan ang kwarto. Mukhang bigatin ang taong ito dahil naka VIP ang kwarto niya. Hindi ko na binuksan ang ilaw sapagkat ayaw ko na makitang muli nung lalaki ang mukha ko. Aba kung sino man ito ay ayaw ko ng g**o. Gusto ko ng tahimik na buhay kaya naman maganda na hindi kami magkakilala. Pagpasok naming ay automatic na nagsara ang pinto pero ayos lang dahil nabubuksan naman ito pag galing sa loob ang tao. Maingat kong inihiga yung lalaki saka akmang aalis na ng hatakin niya ako. Dahil sa lakas ng pagkakahatak niya ay napaupo ako sa ibabaw niya na naging dahilan upang matanggal ang maskara ko. “Ang ganda ng mga mata mo,” komento niya kaya napalunok ako. “Sir, aalis na po ako. Lasing ho kayo, matulog ka na,” wika ko saka umalis na sa ibabaw niya. Pagbaba ko sa kama ay naramdaman ko na umupo siya at sa pangalawang pagkakataon ay hinatak niya ako kaya naman napaupo ako sa hita niya. “Sir---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapusok niya akong hinalikan. Gumapang na din ang mga kamay niya sa katawan ko. Sinubukan kong manlaban ngunit tila nalulunod na ako sa mga halik niya. Umiikot na ang paningin ko at tila nawawala na ako sa sarili marahil dahil sa alak o dahil sa matinding sensayong unti-unting umaahon sa kaibuturan ko. *** Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa akin. Agad akong napabangon at napahawak sa ulo dahil sumasakit ito. Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit masakit din ang gitnang bahagi ng hita ko. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko ang nagkalat kong mga damit sa gilid ng kama. Agad akong napatayo ng maalala ko ang nangyari kaninang madaling araw. Halos murahin ko ang sarili ko dahil ibinigay ko ang pinaka-iingatan ko sa isang estranghero. Nagmamadali kong pinulot ang mga damit ko saka pumasok sa banyo upang magbihis. Iika-ika akong lumabas ng banyo dahil sobrang sakit pa rin talaga. Napagdesisyunan kong umalis ng tahimik at kalimutan ang araw na ito. Palabas na sana ako sa kwarto ng narinig ko ang bahagyang pagkilos nung lalaki kaya napatingin ako sa kama. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung sino ang nakakuha ng iniingatan ko. “Pierre Claude Hiyashi,” bulong ko sa sarili ko. Nais kong sabunutan ang sarili ko dahil sa malaking iskandalo na pwede ko kaharapin kapag lumabas ang tungkol sa nangyari sa amin. Paano ko haharapin ang iskandalo kasama ang pangunahing bokalista ng Quartent Alliance. Nabalik ako sa realidad ng muling gumalaw si Pierre kaya kahit masakit pa ang katawan ko ay nagmadali na akong lumabas ng kwarto. ITUTULOY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD