KABANATA 4: PAGKIKITA NG DATING MAGKAIBIGAN

1666 Words
SYNEA ALLISON’S POV “Synea Allison Gomez!!!” Kahit hindi ko lingunin ay kilalang-kilala ko na kung sino ang tumawag sa akin. Limang taon man ang lumipas ay hindi nagbago ang boses niya. Unti-unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at tama nga ako. Siya nga ang tumawag sa akin. “L-Luna,” naiilang na tawag ko sa pangalan niya. Tumakbo naman ito papunta sa akin saka ako binatukan, “pagkatapos mong mawala ng limang taon, pangalan ko lang ang lalabas sa bibig mo?!” medyo galit na wika niya sa akin. Napayuko naman ako dahil nahihiya ako at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, “sorry,” tanging nasambit ko. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Luna kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nang magtama ang mata naming dalawa ay ramdam ko ang tampo, pag-aalala at madaming katanungan sa mata niya. Ngunit, wala akong nakitang galit roon. “Hindi ko alam kung bakit mas pinili mong wag sabihin sa akin ang pag-alis mo. Pero alam ko na may malalim kang dahilan kung bakit mo yun ginawa,” malumanay na sagot niya sa akin. “I’m sorry, Luna,” sinserong saad ko saka hinawakan ang kamay niya. “Don’t cry nga, Ali. Naiiyak tuloy ako,” wika niya saka pinunasan yung mga luha na dumaloy sa pisngi ko. “Ikaw kasi, eh,” wika ko saka pinunasan din ang luha sa pisngi niya. “Why ako ang may kasalanan?” tanong niya saka bahagya akong pinalo. Natawa naman ako. “Halika nga dito,” wika ko saka siya hinila upang yakapin. Tinugunan naman niya ito. Masaya ako na hindi siya nagalit sa akin kahit na iniwan ko siya sa ere limang taon na ang nakakalipas. Ayaw ko lang kasi siyang madamay sa problema ko. Napabitaw lamang ako kay Luna ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong itong kinuha sa bulsa ko at binasa ang text message na galing sa sekretarya ko. Sent by Secretary: Good afternoon, Ms. Synea. The board of directors is waiting for you po. Are you nearing the area? Nagreply lamang ako ng papunta na ako saka ko ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko. Pagkatapos ay tiningnan si Luna. “Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa iyo, but I have a board meeting kaya I have to go,” paalam ko sa kaniya. “Duh, what do you think I am doing here? I am part of the board kaya,” wika niya. Nagulat naman ako sa sinabi neto, “what?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. How did it happen? “Well technically, I am not yet part of it. But I will buy some share kaya I am here,” wika niya. “Ibig sabihin ikaw ang sinasabing bumili ng share ni Mr. Anderson?” pagkumpirma ko sa kaniya. “Yes, the one and only. When I hear na pa-lugi na ang company mo, kinulit ko si Dad to let me invest sa iyong company,” paliwanag niya sa akin kaya naman naluluha ko siyang tiningnan. How blessed I am to have this kind of friend. “Don’t look at me like that. Alam ko kung gaano ka-importante ang kompanyang ito sa iyo kaya I’ll help. Dad said na make sure ko daw na may babalik sa investment ko kaya we have to plan this out,” wika niya kaya muli ko itong niyakap. “Sobrang salamat talaga, Luna,” mangiyak-ngiyak kong wika sa kaniya. “Don’t be so dramatic nga diyan, Ali. That’s what friends are for, no.” saway niya sa akin. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap saka sinsero siyang tiningnan, “maraming salamat talaga, Luna.” “Walang anuman, Ali. So let’s go na sa ating board meeting,” wika niya kaya naman tumango ako saka umangkla sa kaniya. Pagkatapos ay sabay na naming tinungo ang meeting room. *** Naging matiwasay naman ang naging meeting ng board pero gaya ng inaasahan ay napagalitan nila ako dahil kung kailan lumala na ang sitwasyon ay saka lamang akong nagpakita. Nagpaliwanag naman ako na may mga bagay akong inaasikaso noon kaya ganun. Isa pa sa mga napag-usapan ay ang pagbili ni Luna ng shares sa kompanya. Bagamat malaki ang tulong neto ay kung hindi rin kami makakahawak muli ng artista na magkakaroon ng break ay uulit at uulit lamang kami kaya magkakaroon muli kami ng meeting sa mga susunod na araw para naman sa marketing ng kompanya. Nanghihinang sumandal ako sa aking swivel chair at hinilot ang aking sentido saka pumikit. Ngunit agad din akong napadilat ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa mesa at napangiti ng makita ko kung sino ang caller. “Hey babies,” pagtawag ko sa kanila matapos ko sagutin ang tawag. [Mommy] sabay na tawag sa akin ni Blaze at Lev. [Where are you, Mom?] “I am here at work pero pauwi din ako, sweeties,” sagot ko saka inikot ang swivel chair upang makita ang view sa loob ng opisina ko. [But your work is in our home, right?] “Yes, baby. However, may work din here si mommy,” paliwanag ko kay Lev. [You trick us, Mom.] Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi ni Lev, “I’ll explain to you guys later. Blaze, take care of your sister, okay? Lev, listen to your kuya while Mommy is gone, okay?” sunod-sunod kong paliwanag sa mga anak ko. “Mommy?” Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Luna at makita ang repleksyon niya sa salamin. “Babies, I’ll have to go. May need pa ako tapusin. I’ll be home soon,” wika ko kila Lev at Blaze kahit na kay Luna ako nakatingin. Hindi ko na hinintay pa na sumagot ang mga anak ko at agad na pinatay ang tawag. “Luna,” tawag ko sa kaniya. Halata pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. “Babies? Mommy?” Puno ng pagtatanong ang mata ni Luna habang papalapit siya sa kinaroroonan ko. Napabuntong-hininga ako, “hindi sa ganitong paraan ko sanang gusto malaman mo ang tungkol sa kanila,” malumanay na wika ko. “You have a lot of secrets now, Ali,” wika niya sa akin. “I am just protecting them,” paliwanag ko sa kaniya. “You have two children already? Why did I not meet them? Why did I not meet their father? And most of all, bakit hindi mo ko inimbitahan sa kasal mo?!” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napahawak tuloy ako sa batok dahil sa mga tanong niya, “Okay, listen, they are twins. At ipapakilala ko pa lang sana sila sayo once I settled all the problem here. Pero wala na, nalaman mo na rin,” sagot ko sa kaniya. “And their father?” tanong niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. Ayun ang tanong na hindi ko pa kayang sagutin ngayon. “It doesn’t matter, and I am not married kaya ayaw ko ng pag-usapan pa,” seryosong sagot ko sa kaniya, Tumango-tango naman si Luna, “I won’t insist kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa ama ng mga anak mo. Pero I wanna meet them,” wika niya. “But---” “No buts, I wanna meet my pamangkins,” mabilis na wika niya at hindi na ako hinintay pa na matapos sa sasabihin ko. “Fine.” Wala na akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto niya sapagkat nakita ko na sa mga mata niya ang excitement na makita ang mga anak. “Let’s go na,” wika niya saka ako hinatak. Nagmamadali ko tuloy kinuha ang cellphone ko bago ko hayaang tangayin niya ako papunta sa parking lot. Pagdating namin doon ay sumakay na kami sa aming kani-kaniyang kotse at saka ako nagmaneho papunta sa mansion habang nakasunod sa akin si Luna. *** “Lev, Blaze,” tawag ko sa mga anak ko ng makapasok ako sa mansion kasama si Luna. “Oh, Synea andito ka na pala,” wika ni Manang Fe sa akin, “Opo, kasama ko po si ---” “Manag Fe!!!” masayang tawag ni Luna kay Manang saka patakbong yumakap rito. At gaya kanina ay hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin ko. “Nakung bata ka. Kahit kailan ay ang ingay mo pa din,” pahayag ni Manang pagkatapos siyang bitawan ni Luna. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Manang habang ngumuso naman si Luna. “Grabe ka sa akin, Manang. Parang hindi mo naman ako na-miss niyan,” nakangusong wika ni Luna. “Paano ba naman kita ma-mimiss Luna, eh halos sa loob ng limang taon ay araw-arawin mo na ang pagbisita dito kakahanap mo kay Synea,” pahayag ni Manang na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Luna. “Oh iiyak ka na naman. Ikaw yung nagtago tapos ikaw pa iiyak?” saway sa akin ni Luna. “Ano ba naman yang alaga mo Manang, kahit kailan ay napaka iyakin,” dagdag pa ni Luna. “L-Luna,” naiiyak kong wika saka pumunta sa kaniya upang yakapin. “S-sorry, s-sorry, magulo lang talaga isip ko nun,” umiiyak na wika ko habang yakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik. “Alam ko, no. Kaya wag ka na manghingi ng sorry diyan, naiintindihan kita. Saka hindi ko naman kayang magalit sa iyo,” wika niya habang hinihimas ang likuran ko. “Kaya mahal kita, eh,” wika ko sa kaniya saka umiyak sa may balikat niya. “Yuck! Umayos ka nga. Baka mamaya sinisingahan mo ang damit ko, ha,” saway niya sa akin kaya naman napaayos ako ng tayo. “Ikaw lang naman ang dugyot sa ating dalawa,” natatawang wika ko habang pinupunasan ang luha ko. “Mommy, why are you crying?” Sabay-sabay kaming napalingon ng marinig ko ang boses ni Lev. Nakita ko silang nakatayo ni Blaze sa may hagdanan. Si Lev ay mukhang nag-aalala sa akin habang si Blaze ay masamang nakatingin kay Luna. “Kyaaaaaaaah!!!” ITUTULOY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD