PIERRE’S POV
“Nasaan si Clayton?” bungad na tanong ni Zephyr, ang lider ng Quartent Alliance pagpasok niya sa studio namin.
“Baka nasa mga chix niya na naman,” sagot naman ni Clyde, ang main dancer ng Quartent Alliance.
“Tawagan mo na yang bestfriend mo bago uminit ang ulo ko,” utos sa akin ni Zephyr.
“Chill, maaga pa naman. Saka kaya naman ni Clayton ang sarili niya,” sagot ko sa kaniya saka ininom ang alak na nasa wine glass ko.
“The last time you tell me that nagising ka na lang na walang saplot sa katawan,” naiinis na wika sa akin ni Zephyr kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“Kung galit ka sa mundo, huwag mo akong idamay,” inis kong wika saka binaba ang wine glass na hawak ko at padabog na kinuha ang susi ng kotse ko.
“Pierre san ka na naman pupunta?” tanong sa akin ni Clyde.
“Hahanapin ko muna si Clayton,” sagot ko saka pabagsak na isinara ang pinto ng studio namin.
Agad akong dumiretso sa sasakyan ko at idinial ang numero ni Clayton pero sa kasamaang palad ay hindi ito sumasagot. Padabog kong hinawakan ang manubela ko saka nagsimulang magmaneho. Aba kung akala nila hahanapin ko ang playboy kong bestfriend nagkakamali sila. Makapunta na nga lang muna sa mall.
SYNEA ALLISON’S POV
“Sige pa Levana, kumuha ka pa diyan. Kuhanan mo na rin pati ang kuya Blaze mo,” utos ni Luna kay Levana.
“Talaga po tita ninang?” inosenteng tanong ni Lev. Tumango naman si Luna, “yehey,” masayang wika ni Levana saka lumapit doon sa mga teddybear.
Andito kasi kami sa isang toyshop sa mall sapagkat gusto daw makabonding ni Luna ang mga bata. Kaso nga lang, nabigo siya kay Blaze dahil inis pa rin ang panganay ko sa kaniya dahil daw sa pagpapaiyak sa akin. Kaya naman hindi ito sumama ngayon sa amin.
“Luna baka masyado mong ma-spoil ang mga anak ko, hahanap-hanapin nila yan pag umuwi na kami sa probinsiya,” saway ko kay Luna na kasalukuyang aliw na aliw sa panonood kay Lev.
“Hayaan mo na ako saka ganito naman natin ini-magine ang mangyayari kung sakaling magka-anak na tayo diba? Madaya ka lang kasi nauna ka,” tugon niya ngunit na kay Lev pa rin ang atensyon niya.
Bumuntong hininga naman ako, “kaya nga hinahayaan kitang gawin ang gusto mo sa mga anak ko. Ang sa akin lang, wag masyado baka masanay sila at hanap-hanapin yan. Alam mo naman na simple lang ang buhay na pinangarap ko para sa magiging pamilya ko,” Mahabang lintiya ko sa kaniya.
“Yeah, yeah. Ang KJ mo talaga,” asik niya sa akin saka ako iniwan para lumapit kay Lev.
Napailing na lamang ako sa inasta ng bestfriend ko. Kung hindi ko lang yun bestfriend ay malamang binatukan ko na yun. Dahil iniwan ako ni Luna at kasama naman niya si Lev ay lumibot na rin ako rito sa toy shop upang maghanap ng pwedeng ibigay kay Blaze.
Hindi kasi gaya ni Lev na umaakto ayon sa kaniyang edad, si Blaze naman ay mas matured mag-isip. Kulang na nga lang ay maging tatay na siya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung ganoon din ba ang ugali ng tatay nila? Agad akong napailing dahil sa sumagi sa isip ko. Gosh, Allison, gusto mo ng payapang buhay diba? So don’t think about him.
“Mommy?” Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Lev at bahagyang hinila ang laylayan ng damit ko.
“Yes baby?” tanong ko sa kaniya.
“Nakapili ka na po ba ng toy for kuya? Ang hirap po kasing mag-isip ng para sa kaniya,”kakamot-kamot niyang tanong sa akin. Napangiti naman ako,
“Yes, ito oh,” wika ko saka pinakita ang rubiks cube.
“Paano po yan laruin, Mommy?” inosenteng tanong niya sa akin.
“Ganito oh…” Umupo ako upang maging ka-level niya at sinimulang guluhin ang rubiks cube. Pagkatapos ay sinimulan kong ipaliwanag kay Lev ang step by step procedure para mabuo muli ito.
“Ang hirap naman niyan Mommy. Hindi ko po magets,” nakangusong pagsuko ni Lev kaya naman natawa ako at ginulo ang buhok niya.
“Pero bagay po yan kay kuya Blaze,” sagot niya pagkatapos ayusin ang ginulo kong buhok niya.
“By the way Lev, where is your Tita Luna?” takang-tanong ko sa kaniya dahil hindi naman niya kasama si Luna kanina ng tawagin niya ako.
“Sabi niya po pupunta lang siya ng banyo kaya hinatid niya muna po ako rito,” sagot naman ni Lev kaya tumango-tango na ako.
“Nakapili ka na ba ng gusto mo? Should we go to the cashier na?” tanong ko sa kaniya.
Tumango naman ito kaya hinawakan ko ang kamay niya at saka kami pumunta sa cashier upang magbayad. Pagkatapos ay lumabas na kami ng toy shop ngunit hindi pa rin namin nakita si Luna. Kaya napagdesiyunan naming pumunta sa restroom upang silipin siya ngunit wala rin siya roon. Naglakad-lakad kami ni Lev baka sakaling nagkasalisi lang kami kanina.
“Mommy, that’s tita Luna po, oh,” masayang wika ni Lev saka tinuro si Luna na kasalukuyang busy sa pagchecheck ng mga poster.
“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ko sa kaniya paglapit namin ni Lev.
“Ay andyan na pala kayo. Tapos na ba kayong mamili?” tanong ni Luna saka binaliktad ang poster na hawak niya. Pero huli na siya dahil nakita ko na kung sino ang nagdistract na naman sa kaniya.
“Napakarami mo ng poster ni Clayton, Luna,” pahayag ko kaya napakamot ito ng ulo.
“Nakita mo na pala. Hindi ko na kailangan itago,” sagot niya saka nagpakawala ng pilit na tawa. Inirapan ko na lamang ito, Kung may hindi siguro magbabago kay Luna ay ayun ang pagfa-fangirl niya kay Clayton at sa Quartent Alliance.
“Mommy that’s the same poster kuya have,” komento ni Lev na tila ba may bombilyang umilaw sa ulo niya pagkatapos niyang titigan yung poster.
“Talaga? Fan din pala ng Quartent Alliance ang kuya Blaze mo?” tanong ni Luna.
Mabilis namang tumango si Lev, “yes po tita ninang.”
“Great…” wika niya saka pumalakpak. “Alam ko na ireregalo kay Blaze para hindi na siya magalit sa akin,” dagdag niya pa.
“Let’s go, Lev,” pag-aya ni Luna kay Lev.
Pinabayaan ko na lamang silang mauna maglakad dahil bitbit ko ang dalawang plastic ng laruang binili ni Lev para sa kanilang dalawa ng kuya niya saka napapagod na ako kaya napadesisyunan ko munang umupo. Alam ko namang di pababayaan ni Luna si Lev.
Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko ng sumunod sa kanila. Nang makita ko si Luna ay agad na kumunot ang noo ko dahil hindi ko makita si Lev. Mabilis kong nilapitan si Luna.
“Nasaan si Lev?” bungad na tanong ko sa kaniya.
“Andito la---” Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Luna ng makita niyang walang tao sa itinuturo niya.
“Luna, nasaan si Lev?” pag-uulit ko ngunit kinakabahan na ako.
“Ali…”
PIERRE’S POV
Bago ako pumasok sa loob ng mall ay siniguro ko munang walang makakakilala sa akin kaya naman agad akong nagsuot ng facemask, salamin at sombrero upang hindi makilala ng mga tao. Naging matiwasay naman ang pagpasok ko sa mall at tila hindi naman ako nakikilala ng mga tao. Minsan gusto kong maranasan na hindi ako kilala ng mga tao sa paligid ko na parang normal na tao lamang ako. Iba kasi ang expectation ng mga tao kapag sikat ka kaya naiintindihan ko din ang stress ni Zephyr.
Naisip kong pumunta sa isang shop dito sa mall na kakabukas lang. Dito kasi ididisplay ang mga merchandise ng grupo namin kaya gusto kong tingnan kung may mga fans na roon. Ngunit napakunot ang noo ko dahil imbes na dalaga ang makita ko ay isang batang umiiyak ang naabutan ko. Agad ko itong nilapitan.
“Bata, nawawala ka ba?” tanong ko sa kaniya. Sinilip lamang niya ako saka mas lalong umiyak.
“Waah…mommy,” iyak niya kaya naman pinagtitinginan kami ng mga tao.
Naku, delubyo ang mangyayari kapag napagkamalan ng mga tao na anak ko ang batang ito. Sigurado akong hindi lamang ako kay Zephyr masesermunan pati kay Ava na siyang manager namin.
“ Bata wag ka na umiiyak. Heto lollipop oh,” wika ko sa kaniya saka kinuha ang lollipop sa bulsa ko at saka inilahad ito sa kaniya.
Huminto naman ito sa pag-iyak saka kinuha ang lollipop, “salamat po,” wika niya na ikinagulat ko. Paano ba naman kasi parehas kami ng mga mata. Aish, ano ba itong pinasok ko. Kailangang walang makakilala sa akin dahil lagot talaga ako pag may pumutok na balita tungkol dito.
“Nawawala ka ba? Nasaan ang mga magulang mo?” tanong ko sa kaniya nang kalmado na siyang kumakain ng lollipop.
“Nahiwalay po ako sa Tita Luna ko at sa mommy ko,. This place is big kaya hindi ko sila makita,” pagkukwento niya. Tumango-tango naman ako.
“I know someone who can help us, tara na,” pag-aya ko sa kaniya saka hinawakan ang kaliwang kamay niya. Hindi ko alam ngunit may kakaibang tuwa sa puso ko ng makita ko ang batang ito. Nagtaka naman ako kasi ayaw niyang lumakad.
“Mommy said I should not come with a stranger,” wika niya. Napakamot naman ako ng ulo dahil may punto naman siya.
“If I gave you my name, hindi na ako stranger tama?” tanong ko sa kaniya tas agad siyang tumango.
“I am Claude…”
ITUTULOY!