KABANATA 9: PAGKRUS NG KANILANG LANDAS

1780 Words
SYNEA ALLISON’S POV “Blaze are you ready sa audition mo bukas?” tanong ko kay Blaze na ang busy kumain. “Yes mommy,” tipid na sagot niya saka sumubong muli. Napatango naman ako. Hindi ko talaga alam kung tama ang desisyon ko pero hindi ko naman talaga pwedeng pigilan ang pangarap ni Blaze. “Mommy can I come too?” Napatingin ako kay Levana dahil sa sinabi neto. “No Lev. Maraming tao doon kaya mas better na dito ka na lang muna.” Tila naman nalungkot si Lev sa sinabi ko. Ngunit hindi ko pwedeng i-risk ang kalusugan niya. “But mommy, I want to support kuya. Saka kasama ka naman namin,” pagpopoprotesta ni Levana. Umiling naman ako, “I will not be there, Lev. May business meeting ako kasabay ng audition ng kuya mo,” sagot ko. Napahinto naman si Blaze sa pagkain dahil sa sinabi ko, “then who will come with me?” kunot noong tanong niya. “Hello madlang pamilya!!” Sasagot na sana ako ng malakas na bumati sa amin si Luna habang papasok sa dining room. Napailing naman ako, speaking of. “Tita Luna!” masayang wika ni Lev saka tumakbo kay Luna upang yakapin ito. “How are you my beautiful inaanak?” tanong niya kay Lev saka umupo upang mayakap ito. “I’m fine, Tita Luna,” masiglang sagot naman ni Lev saka bumitaw sa pagkakayakap kay Luna. “Pinag-uusapan ka pa lang namin bigla ka na agad sumulpot,” natatawang komento ko. “Oh? Ano na naman ang pinag-uusapan niyo about sa akin?” tanong ni Luna saka hinawakan si Lev sa kamay at sabay silang pumunta sa dining table. “Well nagtatanong si Blaze kung sino daw ang sasama sa kaniya bukas,” pagkukwento ko. Napatango naman ito. “No way,” reklamo ni Blaze kaya lihim akong natawa. Hindi pa rin ata niya napapatawad ang ginawa ni Luna na pagpapaiyak sa akin at pagkawala naman ni Lev. “Yes way, Blaze,” sagot naman ni Luna. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko upang pigilan ang paghagalpak ng tawa dahil sa panggagaya ni Luna kay Blaze. “Mommy,” tawag sa akin ni Blaze na tila nanghihingi ng saklolo. “Blaze, si Luna lang ang kilala ko na pwede kong pagkatiwalaan tungkol sa inyo ni Lev,” paliwanag ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sabay sabing, “but she lost Levana,” reklamo niya. Napatingin naman ako kay Luna dahil sa sinabi ni Blaze. Nakanguso ito ngunit ayaw umimik dahil alam naman niyang may punto si Blaze sa sinabi neto. “Blaze, show respect pa din to your Tita Luna,” pagsaway ko sa kaniya. “Sorry mommy,” paghingi ng paumanhin ni Blaze sa akin. “Don’t worry Blaze, my dear. Nadala na ako kaya for sure hindi ka na mawawala,” sabat naman ni Luna. “Saka baka masakal na ako ng mommy niyo pag nawala din kita,” natatawang dagdag niya kaya naman pabiro ko itong inirapan saka bumaling kay Blaze. “Blaze…” tawag ko sa kaniya. “Saka I will make bawi naman sa iyo. I brought you gift pa nga,” sabat muli ni Luna saka tumayo at pumunta kay Blaze. Iniabot niya yung isang paper bag. “What is this?” kunot noong tanong ni Blaze pero mukhang excited naman siya. “Woah!” tanging nasabi ni Blaze saka nilabas yung mga posters. Base sa reaksiyon ni Blaze, sigurado akong poster yan ng Quartent Alliance dahil ayun lang naman ang kayang magpakinang ng mata ng anak ko. Napabuntong-hininga naman ako. Sa dinami-dami naman ng pwedeng isuhol niya sa anak ko, ayan pa. “Thank you Tita Luna,” masayang wika ni Blaze. Aba, ang bilis magchange of heart ng anak ko, ah. “You’re welcome my inaanak. Bati na tayo, ha? Payag ka na ba na ako na ang sumama sa iyo?” wika naman ni Luna. Mabilis namang tumango si Blaze. “Perfect,” masayang wika ni Luna kaya naman natawa na lamang ako. “Blaze, itabi mo muna yan at tapusin mo na ang pagkain mo,” pahayag ko. Tumango naman si Blaze saka muling ibinalik ang mga posters sa paper bag. Pagkatapos ay pinagpatuloy na namin ang pagkain. *** “Luna, wag na wag mong aalisin ang mata mo kay Blaze, ha?” paalala kong muli kay Luna bago ito sumakay ng kotse niya. “You are so paulit-ulit, Ali ah,” reklamo niya. “ Don’t you worry, iingatan ko ang inaanak ko,” dagdag niya pa. “Fine, mag-iingat kayo,” wika ko saka bumaling ng tingin kay Blaze. “Do your best anak. Whatever happens, proud si mommy sa iyo,” wika ko saka siya hinalikan sa noo. “Thank you mommy,” wika ni Blaze saka humalik sa kotse. “Good luck kuya,” wika naman ni Levana saka niyakap ang kapatid. “Wag ka magpakapagod dito ha?” paalala ni Blaze kay Levana. Kung titingnan para bang hindi ilang minuto lang ang pagitan nilang dalawa dahil sa asta ni Blaze. “Yes kuya, galingan mo,” sagot ni Levana pagkatapos niyang bitawan ang kuya niya. “Sige na, umalis na kayo at baka mahuli kayo sa audition,” wika ko kay Luna at Blaze. Tumango naman si Blaze saka mabilis na pumasok sa kotse ni Luna. Bumeso lamang sa akin si Luna at hinalikan si Levana sa pisngi, pagkatapos ay sumakay na din siya ng kotse at pinaandar ito. Nang makaalis na sila Luna ay tumingin ako kay Levana. “Do you want to come with me in the office, Lev?” tanong ko sa kaniya. Kumislap naman ang mata neto saka ngumiti, “yes mommy!” “All right. Let’s go,” wika ko saka inaya siyang pumasok sa kotse ko. Mabilis namang pumasok si Levana sa kotse kaya naman nagpaalam na rin ako kay Manang Fe saka pumasok sa kotse at nagmaneho. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin kami sa opisina. Nagulat pa nga ang ibang empleyado dahil may kasama akong bata pero wala namang naglakas loob na magtanong. “Lev, you stay here, okay? Pupunta lang ako sa kabilang room for my meeting,” paalam ko kay Levana. Tumango lamang ito dahil busy siya sa paglalaro ng mga laruan niya. Dinala ko kasi ang mga ito upang hindi siya mabored. Ang balak ko kasi ay pagkatapos ng meeting ko ay pupuntahan namin sila Blaze. Hinayaan ko na lamang si Levana at lumabas na ako sa opisina. Pagpasok ko sa meeting room ay agad na rin naman itong nagsimula. Makalipas ang halos dalawang oras ay natapos na din ang meeting namin kaya naman bumalik na ako sa opisina ko. Nakita ko si Levana na mahimbing na natutulog sa sofa kaya naman napagdesisyunan kong umupo din doon upang magpahinga. Ang sakit na kasi ng ulo ko dahil sa sunod-sunod na meeting para muling ibangon ang kompanya namin. Ipinikit ko muna ang mga mata hanggang sa di ko na namalayang nakatulog ako. *** “Mommy wake up.” Nagising ako dahil sa boses ni Levana at sa pagpindot-pindot niya ng pisngi ko. Napaayos tuloy ako ng upo at hinarap ko siya habang kinukusot ang mata ko. “Gising ka na pala, Lev,” wika ko saka humikab. “Sorry mommy, you look so pagod po. But I’m hungry na,” malungkot na wika ni Lev. Napatingin ako sa orasan saka napatayo. Pasado ala-una na pala. Baka hindi na kami umabot sa audition ni Blaze. “Magdrive thru na lang tayo, Lev, okay?” wika ko sa kaniya saka inayos ang sarili ko. “Why mommy?” tanong niya sa akin. Kinuha ko muna ang bag at susi ng kotse ko bago siya sagutin, “ baka kasi di natin maabutan yung turn ni Kuya Blaze mo if kumain pa tayo sa restaurant,” paliwanag ko sa kaniya. Kuminang naman ang mata ni Lev sa sinabi ko, “talaga mommy? Pupuntahan natin si kuya?” tanong niya. Tumango naman ako. “Yehey!!!” masayang wika niya saka nagtatatalon. “Let’s go na,” pag-aya ko sa kaniya saka binuksan ang pinto. Mabilis naman itong lumapit sa akin at sabay na kaming lumabas ng opisina. Agad na akong nagmaneho papunta sa audition venue nila Blaze. Buti na nga lang ay may malapit na fastfood sa venue kaya nakapagdrive thru pa ako. Pagdating namin sa venue ay agad kong hinagilap si Luna habang sinisikap ko na hindi masiksik si Levana dahil baka mahirapan itong huminga. Makalipas ang higit sampung minuto ay natunton ko na si Luna malapit sa food booth. “Luna,” tawag ko sa kaniya ng makalapit na kami ni Levana. Tila naman nagulat si Luna sa pagdating namin, “oh? Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya sa akin. “Tapos na kasi yung meeting kaya naisipan kong panuorin ang anak ko,” paliwanag ko sa kaniya. “Nasan na pala siya?” tanong ko sa kaniya. “Nandun pa rin sa upuan para sa mga participants pero tapos na kasi siya sumalang kaya binilhan ko muna ng pagkain at baka magutom,” paliwanag naman ni Luna. May pagkadismaya naman akong naramdaman dahil sa sinabi niya. Nalungkot din si Levana dahil sa narinig niya. “Pero wag kayo mag-alala dahil nagvideo naman ako habang nagpeperform siya,” wika ni Luna. “Thanks Luna,” nakangiting wika ko. “Ano ka ba? Ako dapat ang magthank you sa iyo ‘no,” wika naman niya. “Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Yung documentary pala na ito is talambuhay ng Quartent Alliance, ayun nakita ko si Clayton,” kinikilig niyang kwento ngunit natulala ako sa sinabi niya. “Nasaan si Blaze?” tanong ko sa kaniya. “Doon sa pinakaharap na chair,” wika ni Luna habang itinuturo yung mini stage. “Bakit?” tanong niya. “Bantayan mo muna si Levana, pupuntahan ko lang si Blaze,” wika ko saka pinahawak sa kaniya si Levana. Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Luna at nagmamadali na akong umalis. Jusko, bakit hindi ko nabasa ang tungkol sa bagay na iyon?! Hindi sila pwedeng magkita. Hindi maaaring magkrus ang landas nila. Dahil sa iniisip ko ay hindi ko namalayan na may tao sa harap ko kaya naman nagkabungguan kami. Napaupo tuloy ako at napapikit sa sakit. Aray ko, ang sakit nun, ah. “Sorry Miss,” paghingi ng paumanhin ng nakabangga sa akin saka nilahad ang kamay niya. “Thank ---” Napahinto ako sa sasabihin ko ng magtama ang mata naming dalawa. Bakit naman sa lahat ng makakabangga ko si Pierre Claude Hiyashi pa talaga?! ITUTULOY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD