Sa ilang araw kong pagtira kasama si Eugene. Nagbago ang tingin ko sa kanya. Hindi na playboy o chick magnet ang nakikita ko sa tuwing titignan ko siya kundi mabait, maalaga, at reponsableng tao na. Sa kabila ng paglaki niya nang walang mga magulang ay lumaki siyang mabuting tao. Gayunpaman, parang may pumipigil pa rin sa kanya.
Mas mabuti na ang pakiramdam ko kaya nakatayo na ako nakapaglinis sa kusina. Maging mga damit na nakasampay ay nakuha at itinutupi ko na.
"Maayos na ba pakiramdam mo?"
Sandali akong natigilan sa pagtutupi nang makita ko ang bagong gising na si Eugene. Madalas kasi nauuna pa siyang gumising sa akin kaya hindi ko inaasahan ang nakita. Naging mas maamo pala ang mukha niya kapag hindi niya suot ang salamin niya. Bagong hilamos man ay tuyo pa rin ang mga labi niya na hinahawak-hawakan pa niya. Something in me changed since last night and so far, I'm not liking it.
Tumango nalang ako nang mapansin kong hinihintay pa rin pala niya ang sagot ko. "Tulungan na kita para agad kang matapos. Hindi kapa magaling, pagaling palang."
Hindi ko inaasahan na sa isang lalaking tulad niya ay magaling siya sa mga gawaing bahay. Siguro natutunan niya habang lumalaki sa ampunan. Mabilis kaming natapos sa mga damit na itinutupi.
Maayos na ang pakiramdam ko at bilang pagtupad sa usapan namin, balak kong umuwi na. Tumingala ako sa kanya at tumitig. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan magpaalam.
"Dito nalang kayo tumira." As if a mind reader, alam ni Eugene ang nasa isip ko. "Malapit dito ang trabaho mo, mas malapit din sa child care, at malapit ang ospital at iba pang lugar."
I stuttered. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayoko ng umasa sa kanya. Ayoko ng abalahin pa siya.
"Ako na magsusundo kay Ian para pag-uwi mo, magkakasama tayong maghahapunan." He was eager to make us stay.
"Hindi madaling pagdesisyonan ang ganyang bagay, Eugene."
"Paano ba magiging madali?" Yumuko siya sandali at mukhang nag-isip. Ayaw talaga niya kaming paalisin. "Be my girlfriend then." He got excited with his idea but quickly took it back.
"Nagpapasalamat ako sa `yo sa lahat ng kabaitan ipinakita mo sa amin. Alam ko na alam mo na hindi madali yang gusto mo." Tila natauhan siya sa sinabi ko. Ngumiti siya para pagtakpan ang hiya niya.
"Well, I guess I have no choice but to tell you the real reason." He was avoiding my eyes. "Nakakalungkot din kasi minsan ang mag-isa." Ngumiti siya sandali pero agad ring nawala. "Kaya sana pag-isipan mo."
I don't want to give him false hope. Hindi niya deserve na paasahin sa wala. "Uuwi na kami bukas kung hindi na ako lalagnatin pa."
He looked at me and waited for me to say something again. Para bang hinihintay niya na bawiin ko ang sinabi ko. But I was sure with my decision. He smiled again.
"Kung `yan ang decision mo, irerespeto ko."
Pinaghanda ko ng baon si Ian dahil papasok na uli siya sa child care. Ginawan ko na rin ng makakain si Eugene sa opisina. Ako nalang sana ang maghahatid kay Ian pero pinilit ni Eugene na kailangan ko pang magpahinga. Pumayag na ako dahil on the way naman ang child care papuntang trabaho niya.
"Heto baon mo anak. Huwag masyadong malikot at baka mabalikan ka ng lagnat." Inabot ko ang baonan niya na masaya niyang kinuha.
"Eugene, I made this. Sana kainin mo." Mukhang hindi niya inasahan na pati siya ay ipinaghanda ko ng baon. It took a few seconds bago niya kinuha ang baonan.
"Wala na bang ibang pabaon? Baka may nakalimutan ka pa." Itinuro niya ang pisngi niya. Humagikgik naman si Ian at ginaya siya.
"Syempre may kiss para sa anak ko." Humalik ako sa pisngi niya. Wala na dapat ako gagawin pero hinihintay niya ang kiss ko para kay Eugene.
"Kasalanan mo `to." Bulong ko kay Eugene.
Maharan akong lumapit sa kanya. His eyes widened. Pero hindi halik kundi pitik sa pisngi niya ang ginawa ko. I was expecting Eugene to be dissapointed but when I looked at him, he was smiling from ear to ear.
I was feeling a whole lot better kaya naman nakapaglinis ako sa bahay pag-alis nila. It felt to good be able to move around. Ilang araw rin akong nakahiga lang. Atleast nakagawa ako para kay Eugene bago man lang kami umuwi ni Ian.
I was planning on making dinner. Naghanap ako ng mga magagamit na ingredients sa refrigerator nang mag-ring ang cellphone ko.
It was Greg.
Kinabahan ako nang makita ko ang pangalan niya. Hindi siya tumatawag kung hindi importante.
"Hello? Puwede ba tayong magkita?"
Mahalaga raw ang sasabihin niya kaya agad ako nakipagkita sa kanya. Hindi ko inaasahan na pagdating ko sa lugar na pinag-usapan ay kasama niya ang isang babae. Nakatalikod palang ay alam ko kung sino siya. Siya ang babae na katrabaho niya. Matagal na silang naglalandian. Nagsasama pa kami alam kong may namamagitan na sa kanila.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong tumira si Ian sa amin. Malapit na kaming magpakasal at gusto kong isama si Ian sa Australia."
Para akong nabingi sa mahaba at matinis na tulog na hindi ko alam kung saan nanggagaling. May sinasabi pa si Greg pero hindi na iyon masyadong marinig.
"Huwag na nating hintayin na mamagitan pa ang batas. Dehado ka rito, Ivy. Wala kang kakayahang palakihin ang bata. Alam mo naman `yon `di ba?"
Tumayo ako para matigilan siya sa pagsasalita. Ang kapal ng mukha nilang magpakita sa akin. Ang kapal ng mukha niyang mag-demand. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na magwala.
Humakbang ako palayo sa mesang kinauupuan namin nang magsalita ang babae.
"Kailangan na namin ng sagot mo ngayon darating na Biyernes. Alalahanin mo, kinabukasan ng bata ang nakasalalay rito."
Galit ang umaapaw sa dibdib ko. Hindi ko napigilan na tignan siya nang masama. Nasa dulo na ako ng pasensya ko nang makita ko kung paano hawakan ni Greg ang kamay niya. Ang galit ay nahaluan ng inggit. Na hindi naglaon ay naging takot. Umalis ako roon na parang lutang ako. Hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang gawin iyon? Bakit hanggang ngayon pinapahirapan niya ang buhay ko?
Kinabukasan nga ni Ian ang pinag-uusapan at kaya kong ibigay ang magandang buhay sa kanya. Kailangan ko lang ng kaunti pang panahon para magawa iyon. Mahirap ang buhay lalo na bagsak ang ekonomiya. Lahat-lahat naman ginagawa ko para sa anak ko. Pero bakit parang hindi pa rin sapat?
Akala ko hindi darating ang araw na kinatatakutan ko.
May limang araw pa ako para makapag-isip ng paraan kung ano ang gagawin ko. Ayokong makuha niya si Ian.
Nakabalik ako sa bahay at inabala ko ang sarili sa paghahanda ng hapunan. Ayoko munang isipin ang problema. Kailangan kong dahan-dahanin ang bawat magiging hakbang ko simula ngayon. At uumpisahan ko sa pag-alis namin ni Ian sa pangangalaga ni Eugene.
Kahit pa pinilit ko libangin ang sarili sa pagluluto ay hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang nangyari.
Paano kaya kung tanggapin ko ang alok ni Eugene?
Umiling ako. Mali kung gagawin ko iyon. Kung anu-ano na naiisip ko. Kailangan na naming umuwi ni Ian. Baka roon makakaiisip ako ng mas magandang paraan para masolusyunan ang problema ko.
Pagkatapos kong maluto ang hapunan ay sinundo ko na si Ian. Nakita ko siyang tahimik na nakaupo sa loob ng classroom habang tinitignan ang kaklase niyang sinundo ng mga magulang niya. Alam kong miss na miss na niya ang Papa niya. Hindi pa niya lubusang naiintindihan ang nangyari dahil bata pa. Wala siyang galit para sa ama.
Masayang tumakbo papuntang main door si Ian nang dumating si Eugene. Ipinagmalaki niya na tumulong siya sa paghanda sa mesa.
"Napano ka? Masama na naman ba pakiramdam mo?" Bungad niya nang makita ako.
"W-wala. Okay lang ako."
Hindi ko nakayang itago ang labis na lungkot sa mukha ko. Nilulunok ko lang ang sakit sa tuwing maiisip ko mahihiwalay sa akin si Ian.
"Magpalit ka ng damit. Nakahanda ang pagkain." Agad akong umiwas baka lalong makahalata ni Eugene.
Tahimik ako at nakatulala sa pagkain. Walang ibang pumapasok sa isip kundi ang problemang kinakaharap ko. Nakaligtaan kong may kasama pala ako sa pagkain liban kay Ian. Napansin ko na lang na pinagmamasdan na pala niya ako.
"Salamat nga pala sa baon ko kanina." Tumingala ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Pihikan ako sa pagkain pero nasarapan ako sa luto mo."
Sa tuwing sasabihan ako ni Eugene ng ganoon ay nabubuhayan ako ng loob. Kahit pa paano ay napangiti ako nang hindi pinipilit.
Ang sabi ko bukas pa kami aalis pero hindi ko na kayang itago ang problema. Kailangan na naming makauwi para makapag-isip ako. Nagdesisyon akong isantabi na muna ang iniisip ko at nakipagkwentuhan at tawanan ako kina Ian at Eugene. Ayokong umalis na problema ang iiwan ko.
Nang matapos kaming kumain ay tumulong si Eugene sa paglipit ng mga pinagkain. Sinabihan ko na si Ian na ilagay na bag niya lahat ng gamit niya dahil uuwi na kami.
"What's going on?" Sabi ni Eugene nang makaalis si Ian. "Kanina ko pa napapansin na parang hindi ka makapali."
"Kailangan na naming umuwi ngayong gabi." Hindi ako makatingin sa mga mata niya. "May kailangan kasing ayusin na hindi na puwedeng ipagpabukas."
"Ganon ba."
Sa boses palang niya alam kong nalungkot siya sa desisyon ko. Bumalik siya sa mesa para kunin ang iba pang pinggan.
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Nakatalikod siya nang tanungin ako. Gusto kong makita ang mukha niya.
"K-kailangan na kasi. Salamat sa lahat, Eugene."
Pagharap niya sa akin ay maaliwas na ngiti ang naging sagot niya. Palangiti si Archer dahilan kaya hindi ko mabasa kung totoo ba iyon o pagpapanggap lang.
"Nagpaalam ka na ba kay Eugene, anak? Huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya." Paalala ko kay Ian. Nasa main door na kami at handa na lahat ng gamit namin.
Yumakap nang mahigpit si Ian kay Eugene at nagpasalamat. "Dalawin mo ako kapag wala kang pasok ah. Sige, isuot mo na ang sapatos mo. Tinuruan na kita `di ba?"
Umupo si Ian at inumpisahang isuot ang sapatos niya nang mag-isa.
"Makakabawi rin ako sa lahat ng tulong mo sa amin." Humarap siya sa akin at bahagyang lumapit.
"Wala naman akong ibang kailangan kundi ikaw."
Nanigas ako nang makita kong lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. It was so sudden I couldn't move. Until his soft lips brushes mine. I was completely unprepared.
I didn't have the time to move or even object. He quickly pulled away when Ian stood up showing off what he did.
"Aba! Talagang magaling ka ng magsapatos mag-isa. Good job!" Tuwang-tuwa si Ian sa papuri ni Eugene.
Sa kaunting panahon na nagkasama sila masasabi kong may pagkakaibigang nabuo sa pagitan nila. It feels nice that Ian is trusting other people.
Wait. Did Eugene really kissed me?
Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin. At nang tumingala ako para tingnan siya ay ngumiti siya na parang may ibig sabihin.
"I'll see you soon. Salamat sa pabaon."
Anak ng tupa. We really kissed. Bakit hindi ko siya napigilan? Did he tricked me?
"Bye-bye!" Hinila ako ni Ian na sobrang excited ng makauwi.
I grinned at him as I walk away. Nabudol niya ako nang hindi ko namamalayan. He was smiling as we left. That smile didn't mean anything to me before. Things have changed.