Chapter 5

1529 Words
Mas maayos na ang pakiramdam ko kinabukasan. Masakit pa rin ang katawan pero mabababa nalang ang lagnat ko. Nagawa ko ng magising at mahilamusan ang anak ko. Tulad ng mga nakaraang araw si Eugene ang nagluto ng pagkain para sa amin. Kahit anong pilit kong tumulong ay ayaw niya. Bagama't bumubuti na ang kondisyon ko ay hindi ko pa rin malasahan ang pagkain. Pero dahil sa kagustuhan kong gumaling na ay pinilit kong maubos ang pagkain ko. "Baka naman mabigla yang tiyan mo at magsuka ka. I can see you're forcing yourself." Hindi ko alam na pinagmamasdan pala ako ni Eugene. "Para gumaling ako agad. Sobra-sobra na ang hiya ko sa `yo sa pagpapatira mo sa amin dito. Ayoko ng makaistorbo pa." Iinom dapat siya ng kape pero natigilan siya at ibinaba niya uli ang tasa sa mesa. "Dito nalang kayo tumira." Isa sa mga bagay na nadiskubre ko kay Eugene ay yung masyadong siyang mabait para sa isang playboy. "Yang mga ganyang bagay pinag-iisipan nang mabuti." Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "Pinag-isipan ko namang mabuti iyon. Una, mapapadali ang lahat para sa inyong mag-ina. Pangalawa, masaya ako kapag nandito si Ian. Pangatlo, masaya ako kapag kasama kita." "Happy!" Sigaw ni Ian sabay pa sa pagtayo niya sa upuan at pagsayaw. Pareho kaming napangiti ni Eugene sa ginawang iyon ni Ian. Tapos ng kumain si Ian kaya inutusan ko ng mag toothbrush. Medyo lumalalim ang usapan namin ni Eugene at ayokong marinig ni Ian iyon. "Ilang araw palang kami rito kaya wala pang gaanong problema. Isa, dalawang buwan gugulo ang mundo mo." Walang pagdadalawang isip ay agad na sumagot si Eugene. "Alam ko." Saka siya ngumiti. Gusto ko pang ipaliwanag sa kanya na hindi dapat siya pabigla-bigla kung magdesisyon lalo na kung pagpapatira ng ibang tao sa bahay niya ang pinag-uusapan. Pero bumalik si Ian at hinila si Eugene papalabas ng bahay para bumili ng ice cream. Ilang araw palang kaming magkakasama pero na-spoil na niya agad ang anak ko. Babalik na sana ako sa higaan matapos nakapagligpit ng pinagkainan namin nang masilip ko ang entrance ng restaurant mula sa bintana. Nakakamiss magtrabaho. Kamusta na kaya sila? Hinawi ko ang kurtina para sumilip. Maraming ng taong naghihintay sa pagbubukas. Siguradong aligaga ang dalawa. Kaunting pagligpit lang ang ginawa ko pero naramdaman kong bumigat ang katawan ko kaya nagdesisyon akong humiga at magpahinga. Ngayon ko nalang ulit naramdaman iyong maraming oras para magpahinga. Pero dahil nasanay na akong may ginagawa ay nabuburyo naman ako. Ilang saglit lang narinig ko bumukas ang main door. Nakabalik na sila agad. Hinintay kong bumukas ang pinto ng kwarto. Alam kong magiging magiliw na naman ang anak ko dahil sa pang-iispoil ni Eugene. Pero nang bumukas ang pinto ay babae ang bumungad sa akin. "Oh s**t! Sorry." Nataranta ang babae at akma nang tatalikod at aalis. Tinignan kong mabuti ang mukha niya dahil namumukaan ko siya. "Sandali! `Di ba ikaw si Lea." Bumalik siya nang banggitin ko ang pangalan niya. Nagtataka kung bakit kilala ko siya. "Nagtatrabaho ako sa restaurant diyan sa tapat." Umupo ako para maayos siyang makausap. Tinitigan niya ako na para bang may malalim siyang iniisip. "I remember you. Wait. I thought Euge was dating someone from the office, from the resto pala." Dating? "H-hindi kami nagda-date. Tinutulungan niya ako. Mahabang kuwento." Tumango-tango siya pero alam kong may iba pa siyang iniisip. "So, there is nothing going on between the two of you? You know what I mean." "W-walang ganon." Ngayon ko lang naisip na may down side pa rin pala ang pagtira ko sa bahay ni Eugene. Baka iniisip na ng iba na side chick na rin niya ako. "Good then. Akala ko mawawalan na naman siya ng girlfriend dahil sa akin." Bahagya siyang ngumiti. "May kukunin lang akong gamit ah." Pumasok siya sa kuwarto at binuksan ang cabinet. "Bakit naman?" Hindi ko alam kung bakit pa ako nagtanong. Hindi ko na dapat iyon inaalam pero bigla nalang lumabas iyon sa bibig ko. Lea looked over her shoulders to look at me before she answered. "Palagi kasi ako pinagseselosan ng mga nagiging girlfriend niya. Ang ending, ako ang pinipili niya." I assumed na siya ang girlfriend niya kaya tumayo ako at humingi ng sorry. "Hindi ko alam na may girlfriend siya. Iba-iba kasi babae dinala niya sa restaurant. Please don't get me wrong. Tinutulungan lang niya talaga ako." "Woah! Stop right there. Ex na niya ako but we're friends. Childhood friends. Lumaki sa parehong ampunan." She smiled then went back to what she was doing. Ampunan? "Sobrang mahal ko si Eugene. Napilitan lang siyang jowain ako noon dahil sa pangungulit ko." Biglang nagbago ang tono ng boses niya. Parang naging malungkot. "But then we grew up and I realize he doesn't really love me as a lover. Kaya ako lumayo." "I'm sorry. Hindi ko alam." Honestly, hindi ko talaga alam kung ano sasabihin ko sa kanya. "Hindi ko naman inexpect na maghahanap siya ng mga part time companions. I sometimes think na hindi lang siya makahindi sa mga babaeng iyon dahil sobrang bait niya. Talo pa niya mga santo." I bit my lip. Hindi siya nakahindi nang makita akong nahihirapan sa sitwasyon ko. Isa rin ako sa mga nangabuso sa kabaitan niya. "Ah! Here it is." Kinuha niya ang kahon na kung saan nakasulat ang pangalan niya. May iilang kahon din akong nakita na naiwan doon at may iba't ibang pangalang pambabae. "I still don't know your name," sabi niya nang makaharap sa akin. "Ivy." "Okay." Tinignan niya ako mata sa mata saka siya huminga nang malalim. "Wala pa talagang nangyari sa inyo?" Nagtaka ako sa naging tanong niya. Parang imposibleng mag-uwi ng babae si Eugene na hindi niya nagagalaw. Umiling ako. "That's weird." Iniisip ko kung paano ako makakapagtanong sa kanya tungkol sa pag-uusisa niya sa aming dalawa ni Eugene nang hindi siya nawi-wirdohan. Nang bumukas ang main door at narinig kong tumakbo papasok ang anak ko. Sunod naming nakita ang nagtatakang mukha ni Eugene. "Hi! I'm here." Malaki ang ngiti ni Lea nang batiin niya si Eugene. Ngumiti lang ako nang ako naman ang nilingon niya. "May kinuha lang ako. Paalis na rin ako." "Milagro at aalis ka na nga. Umuuwi ka lang dito kapag nag-aaway kayo ng boyfriend mo." Pabirong sabi ni Eugene. "Dyosa ako sa paningin niya. Hindi `yon gagawa ng masama. He's different." Naging seryoso ang mukha ni Lea sa pagkakataong iyon. "That's why, I decided na tuluyan nang dumistansya sa `yo. Medyo seloso kasi siya. Ayoko na ring maka-istorbo sa `yo. Baka hindi ka pa makapag-asawa dahil sa `kin." They were both smiling na para bang walang namagitan sa kanila noon. Magkababata sila na naging magkasintahan. Naghiwalay pero naging magkaibigan uli, parang imposible. "Well then, I need to go. Naghihintay siya sa baba." Tumingin siya sa akin at nagpaalam saka muling tinignan si Eugene. "Nagmo-move on na ko sa `yo. Sana ikaw rin makahanap na ng mamahalin, yung seryoso." Niyakap ako ni Ian para kunin ang atensyon ko. Hindi ko napansin na may pinapabukas pala siyang pagkain. Hinatid ni Eugene si Lea sa may main door habang ako nakinig sa kuwento ng anak ko. Hindi nagtagal ay muling bumalik si Eugene. Tinawag niya si Ian at sinabihan na iwan na ako para makapagpahinga. Malugod na sumunod ang anak ko. "Nagulat ka siguro nung dumating siya. Dati siyang nakatira rito kaya dirediretso nalang siya kapag dumarating." Paliwanag niya nang makalabas na si Ian sa kuwarto. "Sigurado akong may sinabi siya. Madaldal kasi `yon." "Medyo marami siyang nasabi. Magkababata pala kayo." Nahihiya akong kompormahin sa kanya ang mga nalaman ko. "Oo. Sabay kaming dumating sa ampunan at pareho ring hindi nakahanap ng pamilyang kukukop sa amin. Kaya kami napadpad sa bahay na `to." Nakangiti siya habang inaalala ang mga kababata niya. "Marami kaming tumira rito dati, lahat kami galing ampunan. Pero hindi nagtagal, paisa-isa silang umaalis at nakakahanap ng bagong makakasama sa buhay." Ang kaninang ngiti sa mukha niya naging lungkot. Kahit ako nalungkot sa kwento niya. Naiwan siyang mag-isa. Gusto ko siya lapitan. Alam ko ang pakiramdam nang mag-isa. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya nang may awa sa mga mata. He cleared his throat. Napansin ko parang namumula ang mukha niya. Nahihiya ba siya? Akala ko naisip niyang unfit mother ako nang sabihin niya ang tungkol sa pagpapaampon kay Ian. Ngayon alam ko na, na ako ang may mali sa pagkakaintindi sa sinabi niya. I was so occupied with my mind at hindi ko napansin na lumapit siya sa akin. He brushed my forehead and carefully pinned his cheeks to feel my temperature. "W-wala akong lagnat." I tried to move backward but he held my torso, stopping me from moving. Naramdaman kong nalungkot siya sa mga alaala ng nakaraan. I thought he needed someone to be there. Kaya hinayaan ko siya. My hands felt tickly na para bang gusto nilang lumakad para yakapin si Eugene. I held them back. I cannot let my emotions go through my head again. Because the last time I did, I got pregnant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD