Chapter 7

996 Words
Umikot ang dalawang araw sa nakasanayang routine namin ni Ian. I almost don't have the time to think about my problem. Sinadya kong abalahin ang sarili sa trabaho at pag-aalaga sa anak ko. I want to spend as much time as I can with him. Ayokong mawala ang anak ko sa akin. Pero sa sitwasyon ko financially, alam ko sa sarili ko na kapag lumaki si Ian ay hindi ko na siya kayang suportahan. Lumalaki rin ang gastos kasabay ng paglaki ng bata. Remembering what they said to me makes me think about considering. It pains me as a mother. Walang ina na gustong mawalay sa anak. Pero wala ring ina na gustong makitang nahihirapan ang anak. Mahal na mahal ni Ian ang tatay niya. Kampate ako na hindi siya mapapabayaan. Naglalaban ang puso at isipan ko. Hindi ko siya puwedeng ibigay nang hindi ko man lang sinusubukang ipaglaban siya. May ilang araw pa ako para makagawa ng paraan. May iba pa naman sigurong paraan `di ba? Bumalik ako sa trabaho. Nakakamiss ang amoy ng restaurant. Iba pa rin kapag nasa trabaho ako. Dito ko nararamdaman na kailangan ako at hindi pabigat. "Natapos mo lahat ng kailangan? Talagang magaling ka na nga." Puna ni Chef Carmelo. "Magaling kasi ang nag-alaga." I didn't mean anything with what I said. Pero ang dalawang kasama ko parang iba ang pagkakaintindi. "Anong ginawa niya sa `yo?" Chef Carmelo zoomed in me. Eager to know my answer. Hindi ako nakasagot agad. Iniisip ko kung kailangan ko pang ipaalam ang paghalik ni Eugene sa akin. "W-wala." "Hindi siya agad nakasagot. Bakit hindi ka agad nakasagot? Anong nangyari?" Sunod-sunod na paguusisa ni Kuya Eddie na nakikinig pala sa usapan namin. "Wala nga kasi. Magtrabaho na tayo. Magbubukas na `ko." Agad akong umalis para makaiwas sa kanila. Alam kong uusisain pa rin nila ako kung hindi ako umalis. Naalala ko noong unang araw na nakilala ko si Eugene. Si Chef Carmelo pa nga ang nagpakilala sa amin. He warned me not to get involved with him no matter what. Weird. They were high school friends but enemies at the same time. Para silang magjowa na may love-hate relationship. "Darating ba siya?" Nasa likod ako para linisin ang mga gulay nang bigla nalang sumulpot si Chef Carmelo. He never leaves his station, ngayon lang. "Hindi ako sigurado. Chef, walang nangyari. Kung `yan ang inaalala mo." I reassured him. "Hanggang ngayon nasisisi ako bakit pinakilala kita sa kanya." Pamilya ang turing sa akin ni Chef C at sobrang ipinagpapasalamat ko iyon. "Magkaaway ba talaga kayo? Ang gulo kasi ng friendship ninyo." "Hindi ko gusto ang ugali niyang sobrang bait. Maraming masasaktan sa maling interpretasyon dala ng kabaitan." Ngayon ko lang siya nakitang seryoso sa isang bagay liban sa pagluluto. Alam kong concern siya sa akin. Parang kuya na ang turing ko sa kanya. Pero wala akong ginagawang masama. Wala kaming ginawang masama ni Eugene. "Siraulo kasi si Eugene. Sobrang bait niya, lahat gagawin niya makatulong lang. Pero sa oras naman na siya ang mangailangan, itataboy ka niya. Ayaw niyang dumepende sa iba. Masyadong pabibo ang gago." Kahit ganoon magsalita si Chef alam kong concern lang siya sa aming dalawa ni Eugene. Kahit pa paano naiintidihan ko kung bakit ganoon si Eugene. Lumaki siyang mag-isa at walang ibang inaasahan kundi ang sarili. Dapat na ba akong humingi ng tulong sa problema ko? Kanino? "Welcome!" Bati namin sa unang customer. Dumating siya tulad ng sinabi niya. Si Eugene ang una naming customer. "It's nice to see you all better, Ivy," sabi niya nang makaupo sa mesa. "Salamat ulit sa pag-aalaga mo." I was smiling but wider than before. May kung ano sa sarili ko na hinahanap ko at kay Eugene ko lang iyon nararamdaman. Nalungkot ako nang mga nakaraang araw na hindi siya pumunta ng restaurant. But I held on to his words and he did came. "Hoy. Anong ginawa mo kay Ivy?" Biglang sumulpot si Chef C sa tabi ko. Nilakihan ko ng mata si Eugene. Hindi ako sigurado kung nakita niya ako. Chef C was blocking my sight. "W-wala." Nakahinga ako nang maluwag nang pareho kami ng naging sagot. "Ang tagal sumagot!" Sigaw ni Kuya Eddie habang papalapit na rin sa amin. "Eugene!" Pinipigilan lang ni Kuya Eddie si Chef C na gustong sumugod kay Eugene. Napakamot nalang ako ng ulo sa inaasal nila. "We respect our customers. Mamaya na yang ipinaglalaban n`yo. Please, let me do my job." Napasunod ko ang dalawa at hindi nagtagal ay iniwan nila kami. As I took Eugene's order he mentioned Ian. "Kailan kayo dadalaw ni Ian sa bahay? Ang tahimik simula nang umalis kayo. Can you reconsider my offer? I really want you two to back home." Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang nanlamig ang mga kamay ko. My heart pounded so fast as if it was waiting for him to comfort me. "Baka nakaalis na siya n`on." He just sat there staring at me. Siguro iniisip niya anong pinagsasabi ko. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag na siyang idamay pero bigo ako. Nang akma akong magsasalita para sana magpaliwanag ay bumukas ang pinto sa isang magandang babae. I remember her. It's Jessa. Isa sa mga sidechick niya. As usual kahit na wala ng namamagitan sa kanila ay casual pa rin sila sa isa't isa. "Just like before, dito ka pa rin kumakain." Pumasok ang babae at umupo sa tabi ni Eugene. "May kailangan ka ba sa akin?" Nagtatakang tanong ni Eugene. "Graba naman `to. Hindi mo man lang ako kinomusta muna. But yes, I came here to see you. You're single right?" Nanlamig ang buong katawan ko sa huling sinabi ng babae. I stood right in front of them. Frozen. Humagikgik ang babae. Obvious na may pabor siya para kay Eugene. He was flirting him. "Can I live with you? Wala namang magagalit `di ba? Just like the old times. You know what I mean."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD