Chapter 9

1150 Words
Nagising ako kahit pa parang mabigat pa rin ang mga mata ko. Agad kong hinanap ang cellphone ko para tignan ang oras. Nang pagbaling ko ay nakangising mukha ni Eugene ang bumungad sa akin. Dali-dali akong tumayo sa kama at tinignan ang sarili ko. M-may damit pa ba ako? May nangyari ba? "May sakit ako. I wouldn't do that." Napansin niya na nag-aalala ako. He laugh upon seeing my worried face. "Sayang nga eh." "Siraulo!" I quickly grabbed the pillow near me and smash it on him. "Gusto mo bang kalimutan kong may lagnat ka." Ilang beses ko pa siyang pinalo. "Yes!" Natigil ako para isipin ang tanong ko at sagot niya. Upon realising what he meant, I grabbed another pillow and threw it at him. "Joke lang, ito naman." Pasalamat siya at may lagnat siya dahil kung hindi baka hindi lang unan ang hinampas ko sa kanya. Pinagpawisan ako sa ginawa ko at nang tingnan ko ang damit ni Eugene ay mas basa ang damit niya. "Magpalit ka na ng damit. Ikukuha kita ng panghilamos." May utang na loob ako sa kanya kaya kahit na umagang-umaga ay iniinis niya ako ay kailangan ko siyang alagaan. Tinignan ko muna si Ian bago ako bumalik sa kwarto ni Eugene dala ang bimpo at palangganang may maligamgam na tubig. "Magpalit ka na ng damit para malabhan ko na rin bago ako pumasok sa trabaho." Pagpasok ko sa kwarto ay saktong inaalis niya ang damit pang-itaas. What do you expect from a chick magnet? Hindi magkakadarapa ang mga babae sa kanya kung wala siyang magandang katawan. I became speechless. Sobrang subsob ko sa trabaho hindi ko na naisip na magkaroon ng boyfriend. It's been a while since I've seen a naked man. I swiftly changed my view. Itinuon ko ang pansin ko sa kama. I tried so hard not to look back, although I want to. Parang habang tumatagal tumatalab ang magic charm ni Eugene sa akin. No! Ivy. No! "Pagpahinga ka na ulit. Ilalagay ko na to sa wash at maghahanda na rin ako ng pagkain." I kept on counting the days since I talked to Greg. Ang bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko na namalayan na bukas na araw na napagusapan namin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko o kung may magagawa ba ako. Ayokong matraumatize si Ian kung dadalhin pa namin sa korte ang lahat. Ipilit ko mang kunin si Ian ay wala rin akong maganda buhay na maibibigay sa kanya. My heart breaks on that thought. Kung mas nagpursige pa ako noon edi sana kaya kong ipaglaban si Ian. But I don't have anything or anyone. Ppagkatapos kong magluto ay inihanda namin ni Ian ang mesa. Kahit hindi ko na ituro ay alam na alam na niya kung saan kukunin ang plato at mga kutsara. Parang bahay na namin ang lugar. Eugene sat there looking at us smiling. Tuwang-tuwa na nasa bahay niya kami ulit. "Have you thought about moving here?" I let out a heavy sigh. "Hindi na. Maaabala ka lang." The thought of Ian leaving came over me. Kaya ko ba talaga na wala siya? "Tapos ka na bang kumain, Ian? Magready ka na." Tumango si Ian saka bumalik ng kwarto para mag-ready na para pumasok sa daycare. I stood up para ayusin ang pinagkainan ni Ian. I wasn't paying attention to Eugene but I feel like he is looking at me. "Please, move in here. Everything is so much better when you're here. I mean it." Eugene grabbed my hand and pull me a little. Alam kong gusto niyang makita ko kung gaano siya kapursigido sa alok niya. Everything is better when he's around but what's the point after Ian is gone? I must admit na pumasok na sa isip ko na pumasok sa relasyon kasama siya. Baka sakaling may magbago. Baka sakaling maayos ang lahat. But I doubt it. "Ready na po ako." Lumabas si Ian na suot na ang uniform at bag niya. But the buttons were not properly done. Tinawag siya ni Eugene at inayos iyon. Iba ang ngiti ni Ian sa tuwing aasikasuhin siya ni Eugene. Father figure. I may have found it. But it's too late for that. "May regalo nga pala ako sa `yo." Eugene stood and went to his work table. Nginitian niya ako habang itinatago ang regalo sa likuran niya. "Nakita kitang pinagmamasdan `to nung namili tayo." Ian smiled from ear to ear. Agad niyang kinuha ang lapis na may action figure sa dulo nito na puwedeng laruin. I knew Ian would love that. Matagal na siyang nagpapabili ng ganoon sa akin. But it was a bit expensive at baka hindi na siya makinig sa teacher niya at laruin nalang iyon. "Salamat po, Tito!" Sa sobrang tuwa ni Ian ay napayakap siya kay Eugene. I guess, wala ng point para sabihin ko pa kay Eugene ang pag-alis ni Ian. Ayokong maghiwalay kaming tatlo na problema ang iiwan ko sa kanila. Lutang ako habang nasa trabaho. Napansin din ni Chef C na parang wala ako sa sarili. Ano bang ginagawa ko? Bakit hinayaan kong kunin nalang nila si Ian nang ganon-ganon nalang? Sa sobrang dami ng natapon kong order at nabasag kong pinggan ay pinag-break muna ako ni Chef C. Sobrang dami ng tao at hindi ko pa magawa nang maayos ang trabaho ko. I have to get this thing out of my head. Mayroon akong nakilalang lawyer na co-parent ko sa daycare. Na sa akin nga pala ang cellphone number niya. I tried calling her multiple times but no answer. Sinubukan kong mag-search online. Napakaraming lumilitaw. Bata pa si Ian at kung tutuusin dapat sa akin talaga siya pero may laban sina Greg under the grounds of my financial stability. Baka pati ang naging post partum depression ko noong baby palang si Ian ay isama pa nila. I'm starting to lose hope. Tumingin ako sa langit. What more can I do? Lord, kayo na po ang bahala sa amin ng anak ko. I prayed for Ian's wellness. Hindi naman siguro siya pababayaan ng magiging step-mom niya. Narinig kong natataranta na si Kuya Eddie sa sigaw ni Chef C. Hindi ko na pinatapos ang break ko at pumalik ako sa trabaho. One step at a time is what's on my mind. Nag-focus ako sa trabaho ko. Pinilit kong huwag na munang isipin ang kung anong mangyayari. I couldn't help but to tear when I saw a happy family eating together. Ganoon sana kami kung nagtiis nalang ako noon kay Greg. Oo. Hindi ako magiging masaya pero maayos ang buhay ni Ian. Tinapik ni Chef C ang balikat ko nang makitang natutulala na naman ako. "Kung ano man `yang problema mo. Pwede nating pag-usapan. At kung si Eugene man `yan, sabihin mo agad." Naka-kamao na si Chef C na alam kong pampalubag-loob niya para sa akin. Sumaglit si Kuya Eddi na lapitan ako habang abala si Chef C. "May rason ang Maykapal kung bakit tao nagkakaproblema. Alam mo kung ano iyon? Para mas magtiwala sa Kanya." Huminga ako nang malalim at ibinuga ko lahat ng mga alalahanin. Tama si Kuya Eddie. Ang magtiwala ang dapat kong gawin. Iyon nalang din naman ang magagawa ko dahil bukas na ang huling araw na nakakasama ko si Ian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD