Chapter 8

1271 Words
Hindi tumatanggi si Eugene sa kahit na anong pabor na hingin sa kanya lalo kung manggagaling sa mga nakarelasyon niya. I was awkwardly staring at them kaya naman nagpanggap ako na may ginagawa. Yumuko ako pero sa kanila pa rin nakatuon ang atensyon ko. Please say no. You have to say no. Kahit ngayon lang. I shouted in my mind. "Hindi na puwede. May hinihintay na akong uuwi sa bahay." I was relieved. "That's new. Who's the lucky girl?" Ngumiti silang dalawa. She just knew that he wouldn't say anything. Hindi ako makapaniwala na tumanggi siya. Bakit pakiramdam ko kami ni Ian ang hinihintay niyang umuwi? Kailangan na niyang malaman ang problema ko. Pero paano? "Magtrabaho ka na. Nakatulala ka." Pinisil ni Chef C ang braso ko. Hindi ko napansin na nakatulala ako. Agad kong kinuha ang mga order nila at nagtrabaho. I must be professional. I can't help but to look at them. Hindi gaanong nakangiti si Eugene. He looked tired. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nila na maging magkaibigan kahit pa dati na silang nagkarelasyon. Napapaisip tuloy ako, gaano ba kalalim ang naging relasyon nila? "Ivy. Ivy!" Nakatulala na naman ako. Hindi ko narinig ang tawag ni Eugene. "`Di ba may sasabihin ka?" Hindi ko maipapaliwanag nang mabuti kay Eugene kung sasabihin ko na ngayon. Ipagpapaliban ko na muna. "Ah wala. Hindi naman `yon mahalaga. Sa susunod nalang." Iba tumingin sa amin si Jessa. She was looking back and forth at us. Parang may nalalaman siya na hindi ko maintindihan. I wasn't doing anything wrong so I didn't mind. Jessa got drunk after the long night. Hinatid ni Eugene ang kasama sa labas kung saan naghihintay ang taxi niya. Hindi ko maiwasang isipin na sinadyang magpakalasing ni Jessa. Baka umaasa siyang iuuwi siya sa condo ni Eugene. Not that I care... well, I do. Maybe just a little. Gusto ko sana siyang habulin para makausap ko tungkol kay Ian. But my conscience is holding me back. Nagdadalawang isip ako na isama na naman siya sa problema ko. But I honestly don't know what to do. I need someone I could rely on. Lasing siya kaya minarapat ko ng ipagpabukas nalang. Pupunta naman siya sigurado sa restaurant. I waited for him to come the next day. Kadalasan, bubuksan ko palang ang restaurant ay nandoon na siya at naghihintay. Pero wala siya. Baka may inaasikaso lang. Umaasa ako na sa bawat tao na pumasok sa restaurant ay mukha ni Eugene ang makita ko. Hindi na makakapaghintay ang sasabihin ko. Lumalakad ang araw at wala pa akong desisyon. I want to be with my son yet I want him to have a good future. Sa estado ko ngayon, malabong maibigay ko iyon sa kanya. "Hey! Ivy, right?" Kinuha ang atensyon ko ng babaeng pamilyar ang boses. It was Jessa. Tumango ko. "Nandito ba si Eugene?" "Hindi pa siya dumating ngayon." "Hindi ko na naibigay `to sa kanya kagabi. I thought, iuuwi niya ako sa condo niya." She was pouting as she lay a key on the table. "Can you give this to him? I literaly offered myself to him yesterday. Wala pa akong lakas ng loob na harapin siya. He dumped me afterall. Thanks!" Umalis si Jessa na hindi man lang hinintay ang sagot ko. Iaabot ko nalang ito sa kanya mamaya. Agad ko tinapos ang mga kailangan linisin para agad akong makaalis ng restaurant. Chef C warned me again. Alam niya kung saan ang punta ko. Iaabot ko lang naman ang susi. Wala naman akong balak magtagal doon. Umakyat ako sa unit niya at nag-doorbell. Hindi naman tama na gamitin ko nalang ang susi nang ganoon nalang. Nakatatlong doorbell na ako pero wala na pa ring sumasagot. Baka wala pa siya. Tinignan ko ang relo ko at maghahating gabi na. Maybe he's with someone else. Napahawak ako sa dibdib ko. May sakit na bigla nalang pumitik sa akin. Akmang aalis na ako nang bumukas ang pinto. I was relieved to see him there. Pero agad ring napalitan ng pag-aalala ang mukha ko. Namumutla siya at namamawis. "Ang init mo!" His forehead was scorching hot. "Nahawa ka na sa akin. Siraulo ka kasi." Kahit pa may sakit ay napangiti ko siya. I know that smile. It was the same smile after he kissed me. Ngiting sa isang saglit lang parang umaayos ang lahat. I went in without asking, pushing him gently. Mariin ang tingin niya sa akin na para bang iba ang nangyayari sa isip niya. "Aggresive. I like!" Pinitik ko ang noo niya, which made him laugh more. "Magpahinga ka sabay mo na rin `yang isip mo. Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba?" Hindi siya sumagot. Alam ko ng wala siyang ginawa sa mga sinabi ko. "I'll make something fast. Kainin mo at inumin mo ang gamot mo. Susunduin ko lang si Ian saka kami babalik." Para akong sinalinan ng andrenaline medicine. Hindi ko na nararamdaman ang pagod marahil sa sobrang focus sa mga dapat kong gawin. At dahil disoras ng gabi ay mabilis akong nakarating sa day care at mabilis rin kaming nakabalik ng condo. Hinabilinan ko si Ian na nagmamadali kami dahil kailangan naming tulungan si Eugene dahil may lagnat siya. Matalinong bata si Ian kahit pa walang imik masyado. Alam niya kung alin ang mas mahalaga at alam niya kung anong gagawin depende sa sitwasyon. "Magpahinga ka na at kailangan kong i-check si Eugene ulit." I'm lucky na maintindihin si Ian. Minsan para pa siyang matanda kesa sa akin. Pagpasok ng kwarto ni Eugene ay bumukas ang mga mata niya. "S-sorry nagising ba kita? Kababalik lang namin. I need to check on you." "G-gising ako. Tulog na ba si Ian?" He looks sleepy dahil sa gamot iyon panigurado. "Oo. Magpagaling ka raw agad. Bumababa na ang lagnat mo. Magpalit ka ng damit. Basang-basa ka ng pawis." Kumuha ako ng damit sa drawer niya. I already know where are his things. Sinunod naman ang mga sinabi ko. "Matulog ka na ulit. Patayin ko ng itong ilaw para madali kang makatulog." Pero pinigilan niya ako. "Takot ka ba sa dilim?" "Ayaw ko lang na walang ilaw na nakikita." I switched it to the lowest setting. Akmang aalis na ako nang hawakan niya ako sa kamay. "P-puwedeng samahan mo ako kahit hanggang makatulog lang ako." Para pala siyang bata kapag may sakit. Hindi na ako nagreklamo at sinamahan ko siya. I pulled a chair next to his bed. "Try to go to sleep. Andito lang ako." The days are quickly fading and my time with Ian is getting shorter by the minute. Kung wala lang sakit si Eugene ay tatabihan ko si Ian. I want to spend as much time as I can with him. Siguro hindi naman magtatagal at makakatulog na si Eugene. I patted his arms making him feel comfortable. Ngayon, settled na ang dalawa, saka ko lang naramdaman ang pagod. Wala na ng tila andrenaline shot na dumadaloy sa katawan ko. I layed my head on the bed, still patting Eugene's arm. Pilit ko nilalaban ang antok. But mind was alert somehow but my body is fading to sleep. "Ivy, sasakit ang katawan mo kung diyan ka matutulog." I heard Eugene said but I was too tired to answer or even to look at him. I dozed off like I was being lifted into the air, laying me on the soft clouds where I can lay. "Things would've end differently if I were'nt sick. I want to kiss you so bad, Ivy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD