Chapter 10

1362 Words
Maagang tumawag si Greg para ipaalam sa akin na sila na ang magsusundo kay Ian pagkatapos ng klase niya. Pikit-mata akong um-oo. Hindi maganda ang gising ko dahil halos kakatulog ko lang. Buong gabi kong pinagmasdan si Ian. Kung pwede ko lang pigilan ang oras ay ginawa ko na. Pero hindi, kailangan kong harapin ang isang malaking pagsubok sa buhay naming mag-ina. Sinubukan kong sabihin kay Ian ang mangyayari pero sa tuwing maiisip kong iiyak siya ay pinanghihinaan ako ng loob. Mas pipiliin ko ng maghiwalay kami nang nakangiti siya. "Hindi ata maganda ang gising mo?" sabi ni Eugene nang aktong magpupunas ako ng luha. Halos katatapos ko lang magluto para sa babaunin nilang pagkain. "Hindi ako makatulog kagabi." "Kung sa kwarto ko ka natulog edi sana mahimbing ang tulog mo." Pilyong ngisi ang nakita ko sa mukha niya nang lingunin ko. Nasanay na ako sa kapilyuhan niya at mukhang hindi na ako naapektuhan. Kinuha ko ang baon at ibinigay ko iyon sa kanya. "Ako na ang maghahatid kay Ian sa Daycare. May sasabihin kasi ako sa teacher niya." Pinitik ni Eugene ang ilong ko dahil natutulala na naman ako. Nakaka-guilty kasi na hindi ko man lang masabi sa kanya na aalis na si Ian. Hindi naipagkakailang naging close na ang dalawa. Lumabas si Ian na naka-uniform na. Nabihisan na pala siya ni Eugene. Sorry. Pilit-ngiti akong lumingon sa kanilang dalawa habang nakangiti sa isa't isa. Humingi ako ng tawad dahil naging makasarili ako. Mas pinili kong makita silang dalawa na nakangiti. Mga ngiting babaunin ko sa pag-uwi ko sa amin nang mag-isa. Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Ian papunta sa Daycare. Hinayaan ko siyang magkuwento. Nakaaaliw na makita siyang kumikinang ang mga mata kapag si Eugene ang ikinukwento niya. Sa ilang araw na si Eugene ang naghahatid sa kanya ay marami na pala silang nagawa. Noong isang araw daw ay may kumausap na babae sa kanya at bigla nalang daw siyang binuhat ni Eugene saka pinakilalang anak. Sabi raw ay tawagin niyang tatay. Ewan ko pero parang masaya si Ian na tawaging tatay si Eugene. Minsan naman daw ay muntikan na silang ma-late sa klase dahil hinabol nila `yong nagtitinda ng cotton candy na ang bilis magmaneho ng bisikleta. Kitang-kita ko na nage-enjoy siyang kasama si Eugene. Nakakalungkot na hindi man lang sila nakapagpaalam nang maayos sa isa't isa. Sinalubong kami ng teacher niya at nasabihan ko na rin siya na ang tatay niya ang magsusundo sa kanya. "Gusto kang makasama ng Papa mo. Okay lang ba iyon sa `yo?" Masayang tumango si Ian. "Bye-bye, Mama." Bago siya tuluyang tumalikod at niyakap ko siya nang mahigpit. Yakap na ayaw kong bumitaw. Napakasama kong ina dahil hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya ang katotohanan. "Ubusin mo `yong pagkain mo ah. Makinig kang mabuti kay teacher." Ang dami ko pang gustong sabihin pero nanginginig ang boses ko dahil sa luhang gustong tumulo. Ayokong bumitaw. "Mama, pasok na po ako." Bago pa siya makahalata ay bumitaw ako. Masaya siyang kumaway bago tuluyang pumasok sa loob ng klase. Paulit-ulit kong inaalala ang mga ngiti niya. Nagsisisi ako nang bumitaw ako sa pagkakayap sa kanya. Marami pa akong puwedeng magawa para sa kanya. Sinubukan ko naman hindi ba? Nagkulang ba ako? Masama ba akong ina? "Si Eugene ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" Napatingin ako kay Chef C na hindi ko alam kung kanina pa ba nakatitig sa akin. "Sabihin mo lang, ako na bahala sa gagong iyon." Umiling nalang ako. Wala akong lakas para sa ibang bagay. Pinipilit ko nalang na tapusin ang trabaho ko para makauwi na. Gusto kong mapag-isa. "Sinagot mo na ba si Eugene?" Teka. Nanligaw man lang ba siya? Eh kung kayo na nga, nag-aaway na nga kayo? Aba! Gago nga!" Walang tigil na sabi ni Kuya Eddie na tila naghahanda pa na saktan si Eugene. "Hindi. Mali kayo sa iniisip ninyo." Tumalikod ako sa kanila para iparating na ayaw kong makipag-usap. Hindi muna ngayon. "Ako nalang ang magtatanong kay Eugene. Sigurado namang pupunta siya rito." Siniko ni Chef C si Kuya Eddie nang marinig iyon. "Matanda na si Ivy. Kaya na niyang solusyunan iyan. Kung kailangan niya ng tulong, sigurado namang sasabihan niya tayo." Nanlambot ako sa sinabi ni Chef C. Nagtatapang-tapangan lang ako. Hindi ko naman talaga kaya. Ayoko lang makadagdag pa sa problema nila. Akmang lilingunin ko sana sila nang nay pumasok sa shop. Si Eugene. Basa ang damit niya. Hindi ko na napansin na umaambon pala sa labas. "Nagmadali akong pumunta rito para sabihin sa 'yo na ako nalang ang magsusundo kay Ian. May promise kasi ako sa kanya." Tinanggal niya ang suot na jacket at ipinatong iyon sa bangko. "M-may magsusundo sa kanya ngayon." Sinubukan kong magsalita nang maayos pero para akong may bara sa lalamunan. "Ah oo nga pala. Susunduin siya ng Papa niya." `Yong bara sa lalamunan ko pilit kong nilunok. Hanggang sa para ang dibdib ko naman ang nagbara at sumakit. Gusto kong sabihin na sa kanya ang lahat pero bakit ang hirap? "Ivy! Sabihin mo na kasi. Halata naman na may problema. Kung anuman `yan, handa akong tumulong," sabi ni Chef C. Sandaling natahimik ang mga kasama ko. Inipon ko alng lahat ng lakas ng loob na meron ako. Pinilit kong lagpasan ang takot sa dibdib ko. "Ikakasal na si Greg ulit." Pikit-mata akong nagsalita. "Nagpag-usapan na namin na sa kanila na titira si Ian. Nakilala ko na ang magiging mama niya. Mukhang mabait naman. Kumpletong pamilya sila roon, siguradong magiging masaya si Ian." Parang tinik na nabunot ang problema sa lalamunan ko. Tumingin ako kay Eugene na halatang nagulat sa mga sinabi ko. Sa bandang likuran niya nakita ko ang orasan. Tiyak akong nasundo na si Ian ng bago niyang pamilya. "Kailan ka pa nagdesisyon?" Nakuha ni Eugene ang atensyon ko nang medyo tumaas ang boses niya. "Noong isang araw pa." "B-bakit wala kang sinabi sa akin? Dahil wala lang ako sa buhay n`yo, gan`on?" Napalunok ako sa nakita kong lungkot sa mukha ni Eugene. Isa ito sa mga iniiwasan kong mangyari. "Nakapagdesisyon na ako, Eugene." Nagulat ako nang biglang tumayo si Eugene at himampas pa ang dalawang palad sa mesa. "Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi mo siyang ipagkakatiwala sa iba. So, nagsisinungaling ka lang?" "H-hindi `yon gano`n." Yumuko si Eugene at nagkamao sa dalawang kamay. "Problema na lang ba sa `yo si Ian kaya perfect timing na may bagong pamilya ang tatay niya kaya mo siya ipinamigay?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. "Magiging mabuti ang buhay niya roon! Buhay na hinding-hindi ko kayang ibigay!" "Paano mo nasasabi `yan? Kilala mo na ba ang babaeng iyon? Sigurado ka bang mamahalin niya si Ian katulad ng pagmamahal mo?" "Minsan ko ng nakita `yong babae. Mukha naman siyang mabait atsaka--" Hindi ako pinatapos ni Eugene. "Hindi makikita sa mukha ang tunay na ugali." "Nandoon ang Papa niya. Sigurado naman akong hindi niya pababayaan si Ian." Pilit kong ipinaglalaban ang naging desisyon ko kahit pa parang nakikita kong mali. Ngumisi si Eugene saka ako tinignan sa mata. "Ang Papa niya na minsan ng nag-iwan sa kanya." Parang bumuhos ang malamig na ulan sa akin. Natulala ako sa mga huling sinabi ni Eugene. "A-ayokong bitawan siya." "Hinayaan mo nalang sana na ang korte ang magdesisyon kung kanino dapat mapunta ang bata." Dismayadong sabi ni Eugene. "A-ayoko ng maulit `yong ayaw namin ng Papa niya bago kami maghiwalay. Ayokong makita niya ulit na nag-aaway kami. Pakiramdam ko, nang dahil sa away namin ng Papa niya kaya siya ilang sa tao." Natahimik si Eugene. Alam kong may tama naman kahit pa paano sa dahilan ko. Marami ang mali pero mas pinili kong tumingin sa kahit isa lang na tama. "Sinabi mo na sa kanya?" Seryosong tanong niya. Hindi ako nakasagot. "Hindi ka nagpaliwanag? Baka isipin niyang, ayaw mo na sa kanya kaya ipinamigay mo siya." Nagdesisyon na ako kaya wala ng mababago pa. Wala na ring kwenta kahit mag-away pa namin ni Eugene. "Sino ka ba para makialam sa buhay namin? Baka nakakalimutan mo, bayad na ako sa utang na loob ko sa 'yo. Kaya sana huwag ka ng makialam pa." Ngumisi si Eugene at unti-unti tumawa. "Oo nga pala. Akala ko lang kasi naging masaya kayong dalawa kasama ako. Ako lang pala `yong masaya." Hindi ko na pinigilan si Eugene nang lumabas siya ng shop. Mabigat sa dibdiv ko na mag-away kami. Kaibigan ang kailangan ko sa panahon ngayon. Karamay sa bigat ng pinagdaraanan ko. Pero wala, iniwan din ako ng isang taong itinuring akong tunay na kaibigan. Wala na nga si Ian. Iwanan na rin ako ni Eugene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD