Chapter 11

1672 Words
Tatlong araw na puyat at pagod lang ang nararamdaman ng katawan ko. Hindi ko maalis sa isip ko kalagayan ni Ian. Kung kumain na ba siya o nakakatulog ba siya nang maayos o kung masaya ba siya. Sa bawat araw na pumapasok ako sa trabaho ay hindi ko maiwasan na marinig ulit sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Eugene. Laki sa ampunan si Eugene kaya tagos sa buto ang lahat ng sinabi niya. Sa lahat ng tao ay siya lang ang nakaalam ng pakiramdam ng maiwan ng magulang. Mukhang nasaktan ko rin siya nangyari. Maagang natapos ang trabaho dahil halos walang tao dahil sa pagbubukas ng amusement park sa kabilang bayan. Maaga rin akong nakapaghanda para makauwi. "Puwede ba tayong mag-usap?" Kumatok sa staff room si Chef C. Akma namang tapos na akong magpalit ng damit. "Naibalik ko na ang jacket ni Eugene." "Salamat at sorry rin sa dami ng problemang ginagawa ko. Nadamay pa kita." Pinitik niya ang ilong ko. "Nagtampo lang ako na hindi mo `ko nilapitan sa problema mo. Alam mo namang kapatid na turing ko sa `yo." Masuwerte pa rin ako kahit pa paano dahil kina Chef C at Kuya Eddie. Napapagaan nila ang loob ko kahit pa paano. "Nakausap mo na ba si Ian?" Sasagot na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan no Greg. Hindi ko alam pero bigla nalang kumabog ang dibdib ko. Unang salita palang ni Greg ay halos gumuho ang mundo ko. "Nawawala si Ian." Paulit-ulit na pumasok ang mga salitang iyon sa isip ko na halos mahilo ako. Nanghina ako dahilan kung bakit nabitawan ko ang cellphone ko. Inalalayan ako ni Chef C at ni-loud speaker niya ang tawag. "Dinala namin ang mga bata sa bagong bukas na park. Binilhan lang namin ng laruin si Yumi pagtingin ko, wala na si Ian." "N-nag-report na ba kayo sa pulis?" Nanginginginig ang panga ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit nawawala ang anak ko. Hinyaan ko siyang mapunta sa Papa niya at ngayon, nawawala siya. Paano nalang kung may masamang mangyari sa kanya? "Nakapag-report na kami at pinaghahanap na siya ng mga pulis. Tawagan mo ako kung sakaling umuwi siya sa inyo." Unang pumasok sa isip ko na kung uuwi siya sa amin ay tiyak na kay Eugene siya pupunta. Nagmadali akong pumunta sa condo unit ni Eugene. Nangako rin si Chef C na mag-iikot siya para hanapin si Ian. Ilang beses akong kumatok. Hindi ako tumigil hanggang walang sumasagot. "Si Ian? Pumunta ba rito? Nandyan ba siya?" Hingal kong tanong. "Paano naman siya mapupunta rito kung nandoon siya sa Papa niya. Teka. May problema ba?" "Nawawala si Ian. Isinama siya sa amusement park tapos bigla nalang daw siyang nawala." Para akong matutumba. Umiikot ang paningin ko sa labis na pag-aalala. "Paano nalang kung na-kidnapped siya? Kasalanan ko `to. Hindi ko dapat siya binitawan." I'm on the verge of breaking down when I felt his arms surrounded me. All of a sudden, I felt home. "Kumalma ka. Sa mga araw na nakasama ko si Ian. Isa lang ang masisigurado ko sa `yo. Matalino siyang bata. Malay mo, baka pauwi na iyon dito." Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at yumakap ako sa kanya. Binuhos ko ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko. Ang hirap palang mag-isa. Hindi ko pala kaya. Hinayaan niya akong umiyak hanggang sa magkalma ako. "Mas mabuting hanapin natin siya kaysa sa maghintay nalang. Sa park ako pupunta at hahanapin ko na rin siya sa mga tindahan na pinuntahan namin. Ikaw, hanapin mo rin siya sa mga lugar na madalas ninyong puntahan. Okay ba `yon?" I don't know what else to do. I needed him. I needed his direction to lead me to what I should do. "Tahan na ang iyak. Mahahanap natin siya. Magtiwala ka lang." Inikot ko lahat ng lugar na alam kong puwede niyabg puntahan. Dumaan ako sa Daycare maging sa laundry shop na pinupuntahan namin pero wala siya. Hindi na dapat ito nangyayari kung hindi ako bumitaw. Kung sanang humingi nalang ako ng tulong kay Chef C pati na kay Kuya Eddie. Kung sanang hindi ko inisip na madadamay ko lang si Eugene sa problema ko, hindi na sana nawala si Ian. Tears started to build up again. Umiling ako. No. This is not the right time to cry. Kailangan kong mahanap ang anak ko. Kailangan ako ni Ian. Naikot ko na halos lahat ng lugar na alam kong alam niya. Malapit ng dumilim. Takot si Ian sa dilim. I'm starting to lose hope. Nang tumunog ang cellphone ko. "Kasama ko na si Ian. Nasa condo kami. Huwag ka ng mag-alala." Para akong lumilipad sa libis ng takbo ko pabalik sa condo. Hindi ko alintana ang mga sasakyang nakakasabay ko sa daan. Isa lang ang nasa isip ko at iyon ay ang nakita at mayakap nang mahigpit ang anak ko. Wala akong sinayang na oras. Nang makarating ako sa condo unit ay binuksan ni Eugene ang pinto at si Ian agad ang hinanap ko. Mahigpit na yakap lang ang nagawa ko nang makita ko siya. "Mama, sorry." "Pinag-alala mo `ko." Yumakap siya sa akin at kinarga ko siya. Halatang pagod ang bata. May kalayuan din ang binyahe niya. Hindi ako makapaniwala na nakayang bumyahe mag-isa ng anak ko. Hinele ko siya katulad noong baby palang siya. Ilang beses akong magpasalamat sa Maykapal na ligtas na nakauwi ang anak ko. Nang tuluyang nakatulog si Ian ay hiniga ko siya sa kwarto. Noon ko lang natawagan ang Papa niya. Ang sabi niya tatawagan niya ang mga pulis para mag report na nasa akin na ang bata. Pero wala siyang nabanggit na pupuntahan niya si Ian. "Sobrang napagod dahil siguro sa kakaiyak," sabi ni Eugene. Pabagsak akong umupo sa sofa na para bang biglang bumigat ang katawan ko. Pagod na pagod na rin pala ako pero ngayon ko lang naramdaman. "May naikuwento na ba siya sa `yo?" Gusto ko pa sanang makausap si Ian pero pagod siya. Kinuha ni Eugene ang sirang action figure mula sa lapis na bigay niya kay Ian. "Mukhang pilyo ang kinakapatid niya at ang sabi pa niya, hindi raw hawak ang kamay niya. Hindi ko na masyadong inalam kung bakit o paano. Halos umiyak ulit ang bata nang magkuwento." "Mali ba ako ng naging desisyon, Eugene?" "Sila ang nagkamali at nagpabaya. Isipin mo, tinawagan mo na sila kanina pero hindi man sila pumunta rito para siguraduhin ang kalagayan ni Ian. Walang sense of urgency." Kunot noong sabi ni Eugene. "I changed my mind. Gusto kong sa akin lumaki si Ian." I know Eugene was relieved with my decision. He was smiling like he used to. "Tutulungan kitang kausapin ulit sila." "Okay. Aasahan ko `yan." I felt light as I let myself accept his offer. Maging siya nagulat nang hindi ako tumanggi. I'm used to do everything by myself. Muntik ko ng nakalimutan ang pakiramdam ng umasa ng tulong sa iba. "That's a first." I don't know why but I felt warm on the face. "It's been a while." I smiled. Blushing. Tinitigan niya ako nang nakangiting na lalong napa-pula sa mga pisngi ko. "You know what, I really like you." Ilang beses na siyang nagpakita ng intensyon sa akin. Hindi ako masanay-sanay. My heart still jumps when he tells me he likes me. "I like the fact that you're the only one who can tame me." "I didn't do anything to tame you." "Exactly! Hindi ko rin maintindihan." Nagtawanan kami. It feels good to laugh again. It felt good to laugh with him. "Matagal ko ng gustong sabihin sa `yo na na-impressed ako nang malaman kong single mom ka. Nakita ko kung gaano mo kamahal si Ian. That's the reason I helped you that day." Paunti-unti humihina ang boses niya. "I felt like, by helping you, I'm helping the younger me." Natameme ako. All this time I thought ako lang ang tinutulungan niya. Eugene became that person I can depend on. I say no as much as I can before but now it's diffrent. "S-simula ngayon magtitiwala na ako sa `yo." Biglang napatayo si Eugene na tinignan pa ako nang malapitan. "Tama ba `yong narinig ko? Pakiulit nga." Noong una inakala kong niloloko ako ni Eugene nang magtanong siya pero nang makita ko ang mukha niya ay seryoso ito. "Natuto na ako sa nangyari. Hindi na ako tatanggi sa ano mang tulong na ibibigay mo. Iyon ay kung tatanggapin mo pa kami." Mahigpit na yakap ang naging sagot niya sa sinabi ko. Yakap na matagal ko na ring gustong maramdaman. Pinipigilan kong mahulog sa kanya dahil sa maraming dahilan pero sa bandang huli, hindi ko na rin napigilan. "Ivy, hindi nagsara ang pinto ng bahay ko para sa inyo ni Ian. Tutulungan kitang makuha siya. Titira tayong tatlo rito bilang isang pamilya." I said yes. I felt like everything is at its place. Lahat nagkakaroon ng saysay. Parang lahat nagiging maayos dahil si Eugene ang makakasama ko sa pagpapalaki kay Ian. Hindi ko napigilang ngumiti nang yumakap ako sa kanya. He is muscular yet soft when I touched him. Parang namamanhid ang buong katawan ko. I tried laughing to brush the tension off my body. "Bakit?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at tinignan ako. "Hindi lang ako makapaniwala na `yong customer ko na chick magnet ay nabingwit din ako." He pouted. Bago ang reaksyon niyang iyon. I was suprised to see that face. I stopped and looked at him. "What are you--" I couldn't talk for his soft lips was pressed against mine. I could move if I wanted to. Kaya kong itulak siya tulad ng mga pagkakataon na pinipigilan kong mahulog sa kanya. Pero hindi ko ginawa. I never knew I wanted that kiss until I felt it. "H-hindi ka tumutol." Hindi ako sigurado kung tanong ba `yon basta ngumiti nalang ako. Eugene wasy so happy to see me smile. Sa sobrang saya niya ay muli niya akong nilapitan at marahang na hinalikan. Halik na paunti-unting dumidiin. Paunti-unting tumatagal. Lumalalim. I started touching his face. Nararamdaman ko ang bawat galaw ng panga niya. That made my heart beat so fast like crazy. Until that kiss losses its innocence. Our tongue tied feeling every inch of our mouth. Both our breaths were shaking. I want to pull away before I lose my senses but I can't think straight. Hinila ko ang mangas ng damit niya. I couldn't talk and I wanted him to stop for a bit. I needed to think for I know where this was going.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD