Chapter 4

1247 Words
Sobrang abuso ng katawan at pagod ng isipan ang humina sa resistensya ko na nagdala ng natinding trangkasong nararanasan ko. Itinawag ni Eugene sa kaibigan na doktor ang mga nangyari sa akin at may mga hinabilin na rin siyang mga gamot. Ayoko man pero hindi ako hinahayaan ni Eugene na tumayo mula sa kama. "Nakausap ko na si Chef Carmelo. Magpagaling ka raw at huwag mo ng alalaahin ang restaurant." Heto na naman ako, umaasa sa tulong ni Eugene. Ayoko man, napilitan akong sumunod dahil wala rin akong magawa. Masyadong mabigat ang katawan ko't masakit ang ulo ko. Kagagaling lang ni Eugene na mamili sa malapit na convenience store ng gamot at pagkain. Isinama niya si Ian na tuluyan ng gumaling sa lagnat. Lumapit sa akin si Eugene para kunin ang body temperature ko. Ngayon lang ako nagkasakit ulit simula ng bumukod kami ng anak ko. O baka nagkasakit na ako pero ininda ko lang dahil wala akong ibang maaasahan. Para namang nananadya ang katawan ko. Porque ba nandito si Eugene e bigla nalang akong nagkasakit. "Mataas pa rin ang lagnat mo. Inumin mo `tong gamot." Inabot niya sa akin ang gamot habang si Ian naman ay inabot ang baso ng tubig. "Kumain kang mabuti atsaka inumin mo mga vitamins mo." Paalala ko kay Ian. "Hindi ka na ba nilagnat?" Umiling siya. Magaling na si Ian. Ang sabi ko sa oras na gumaling na si Ian ay uuwi na kami. Kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang mga kasukasuhan ko pero pinigilan ako ni Eugene. "Saan ka pupunta?" "Magaling na si Ian. Uuwi na kami tulad ng napag-usapan natin. Kaya ko na ang sarili ko." Pabagsak na huminga si Eugene saka nagkamot ng ulo. Halatang nainis siya sa sinabi ko. "Hindi ako papayag na umuwi ka nang ganyan. Tanggapin mo nalang kasi ang tulong ko..." Lumapit siya sa mukha ko at sandali ako tinitigan. "...kapag nagpumilit ka pa, hahalikan kita." Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawa niya. Nararamdaman ko naman na concern siya sa akin, sa amin ni Ian pero walang namamagitan sa amin. Sobra-sobra ng pang-aabala ang ginawa ko sa kanya lalo na't customer ko lang siya. Nang makita ko ang labi niya ay bigla nalang pumasok sa isip ko ang nangyari sa banyo. Ganoon kami kalapit sa isa't isa nang buhatin niya ako. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya. There is something certain about this breath that I love to smell. No, Ivy! Tumigil ka! I distanced myself. Tumingin ako kay Ian na nasa pintuan pa rin pala at nakatingin sa amin. Kailangan kong lumayo kay Eugene. "Okay lang ba anak na dito muna tayo habang nagpapagaling si Mama?" Malapad na ngiti ang sagot ni Ian sa akin matapos ay naghigh-five pa ang dalawa. "Ian, hindi kita maihahatid sa Papa mo. Sorry." Halos hindi man niya ako pansinin sa sinabi ko. Mas nakatuon ang atensiyon niya sa senyasan nila ni Eugene. "Magluluto na ako para makakain ka na rin." Isinama niya si Ian sa labas para hayaan ako makapagpahinga nang mabuti. Nakahinga ako nang maluwag pagsara niya sa pinto. Kanina pa ako ilang na tumingin sa kanya matapos ang nangyari kagabi. Pumasok siya sa banyo para tulungan ako. Bagama't humingi ako ng tulong ay ayoko siyang patuluyin dahil wala akong kahit na anong salot sa katawan. Maging siya ay nagdadalawang isip sa gagawin pero nang biglang bumagsak ang katawan ko mabilis siyang lumapit para saklolohan ako. Buhat-buhat niya ako pero nakatingala siya nang huli kong makita bago pumikit ang mga mata ko. Paggising ko ay nakahiga na ako sa kama. Naka-boxer's shorts ako at oversize tshirt. Mga damit na halatang sa kanya. Nakapagpalit nalang ako ng damit nang bumuti na ang pakiramdam ko. Hindi malinaw pero nagpaalam siya sa akin na pupunasan at bibihisan niya ako. Hindi ko na maalala kung nakasagot ba ako. Bakit parang wala lang sa kaya? Hindi man siya mukhang nailang sa akin. Malamang dahil sanay na siyang makakita ng hubad na katawan ng babae. Maybe I'm overthinking. Ako lang ata ang nagbibigay ng malisya sa nangyari. He was just trying to help. Bumaba ang lagnat ko kahit pa paano kaya nakasama ako sa pagkain sa mesa. Sarap na sarap si Ian sa pagkaing nakahanda habang ako walang maamoy at walang malasahan. Sinubukan kong kumain nang marami pero ayaw tanggapin ng lalamunan ko. "Halos hindi mo man ginalaw ang pagkain mo." May bahid ng pagkadismaya sa mukha ni Eugene. "Sorry. Wala akong ganang kumain." "Hindi bale na, magpahinga ka na ulit. Dadalhin ko mamaya ang gamot mo." Ayoko ng maging pabigat para kay Eugene. Masyado na akong nakakaabala. "H-hindi na. Ako nalang ang kukuha." Tumingin ako sa mesa na malapit sa main door kung saan nakapatong ang supot ng gamot. Marahan akong tumayo at humakbang palayo sa mesa. "Ako na nga sabi eh." Naramdaman ko nalang na buhat na ako ni Eugene at dadalhin niya ako pabalik sa kuwarto. Marahan niya akong hiniga saka kinumutan. Nakita kong pinagpapawisan ang noo niya. Mukhang lalo lang ako nakakaabala sa kanya sa pagsuway sa kanya. "Huwag ka ng makulit." Tinanggap ko na sa sarili ko na hayaan siya sa pag-aalaga sa akin. Mas mabuti na iyon para hindi ko na siya mapagod pa. Nang akma tatayo na siya para lumabas uli ay hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Kumuha ako ng malinis na tissue saka idimanpi iyon sa pawisan niyang noo. This is the least I could do. Maliit lang na bagay pero pasasalamat ko iyon sa kanya. Kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya ay nakikita ko na nakatitig siya sa mukha ko. Nararamdaman ko na parang may gusto siyang sabihin. Hindi ko na sana iyon papansinin pero nang matapos ako sa pagpunas sa pawis niya ay siya naman ang humawak sa kamay ko. Sa ilang segundong nagkatitigan kami ay parang mahabang oras na paghihintay ko sa sasabihin niya. At nang magsasalita na siya ay siyang sulpot naman ni Ian sa may pintuan. Mabilis kaming dumistansya ni Eugene sa isa't isa. Tumapon ang tubig sa damit ni Ian at humihingi siya ng tulong para magpalit. "Magpahinga ka na. Bibihisan ko na muna si Ian." Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ba iyong naramdaman ko sa nangyari pero para hindi lang si Ian ang gustong mapalapit sa kanya. Tinatamaan na rin ata ako. Pumasok si Eugene sa trabaho at naiwan si Ian sa bahay kasama ako. Pinaiwan kong bukas ang pinto ng kwarto para nakikita ko si Ian na abala sa mga art materials na ibinili sa kanya ni Eugene. Maganda ang naging impluwensya ni Eugene kay Ian. Naging masigla siya at palatawa na. Sadyang may mga bagay na hindi ko kayang punan kahit anong gawin ko. Mabuti nalang nahanap niya iyon kay Eugene. "Ma! Look!" Tuwang-tuwa siya nang ipakita sa akin ang ginuhit niyang tau-tauhan. Tatlong tao na magkakadikit ang mga kamay na nakapaloob sa isang bahay. Isang pamilya. Kumirot ang puso ko sa nakita pero bakit malapad pa ngiti ni Ian? "Sino ang mga `yan, Anak?" 'Mama, Ian, and Eugene." Sabik sa isang buong pamilya ang anak ko kahit hindi pa niya alam sabihin. Nararamdaman ko iyon bilang ina niya. Ngumiti ako pero sa loob ko ay nagpupumilit kumawala ang sakit. Bumalik sa pagdo-drawing si Ian at habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko na napigilang maluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD