CHAPTER 48

2244 Words

“Nasaan si Viz?” Dinig na dinig ni Viz ang tinig ni Zeki sa labas. Maging ang mabilis nitong pag-akyat ng hagdan at mabigat na paglapat ng mga paa nito sa bawat baitang niyon ay malinaw sa kanya. Hindi nagtagal ay kinakatok na nito ang pinto ng kuwarto. Sinusubukan din nitong pihitin ang doorknob, pero naka-lock iyon. “Hoy, Vicencio, huwag kang magkulong diyan sa loob ng kuwarto mo. Lumabas ka riyan,” tawag nito sa kanya. Matigas ang boses nito, pero naroroon ang pag-aalala. Alam niya kung bakit. Itinawag dito ng personal driver niya na umuwi siyang may pasa sa mukha, at may maliit na hiwa sa isang gilid ng labi at sa dulo ng kaliwa niyang kilay. Paano’y nagpang-abot sila ni Cain Blanco at nagkasakitan. Nasaid ang pagtitimpi niya at sinuntok niya ito. Tumama ang kamao niya sa panga nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD