Pagkatapos ihatid ni Viz si Nessa sa Hospicio Custodio ay bumalik din agad siya sa H-Precision. Pagpasok niya ng opisina ay sinalubong siya kaagad ni Alfonse. Mukha itong nababahala. “What happened? You look more worried than I am.” Siya itong dapat na nababahala ngayon kasi kapag wala siyang ginawang solidong plano ay baka mawala talaga sa kanya si Nessa. Kailangang may panghawakan siya. “Eh, Sir, may dumating po kayong bisita,” anito. Kumunot ang noo niya. “Bisita?” Wala siyang inaasahang bisita ngayon. “Sino at nasaan na?” “Nasa meeting room po, Sir. D’un ka na lang daw niya hihintayin.” “At sino itong bisita ko?” Lumunok si Alfonse. “Si Senador Santana po, Sir.” Nabitin ang akma niyang paghakbang. Pumihit siya paharap sa binata. “Did you say Senator Santana?” paniniyak niya. “