Kumalat ang mapait na lasa sa dila ni Viz nang mabasa ang mensaheng nakapaloob sa email. Mariin niyang pinindot ang numero ng extension line ni Alfonse. “Pakidala ang phone ko rito sa loob,” matigas ang boses niyang utos dito. Sa totoo lang ay hindi pa rin humuhupa ang inis niya rito. Ang primerang dahilan pa naman kaya ito ang pinili niyang pumalit sa puwestong binakante ng dating sekretarya ay dahil wala itong interes sa pakikipagrelasyon at determinado itong maabot ang matibay na estado sa karera nito bago ito mag-treinta anyos. Kaya naiinis siya na nagkainteres agad ito sa ‘asawa’ niya. Ang dami niyang natutuklasang bago sa sarili niya. Kakatuklas niya lang na kaya niya palang lumandi. Tapos ngayon niya napatunayang seloso pala talaga siya. Hindi pa siya tuluyang nakumbinsi noong n