Viz Hezron, CEO of Hezron Precision (H-Precision)—a multinational electronics manufacturer. H-Precision produced electronics and electronic components that’re used in the information technology, precision molding, communications, automotive, and other consumer electronics industries. His Company was also a key supplier for Castoldi tech products.
The CEO of Castoldi Labs and Technologies, Zeki Castoldi, who was one of the most respected and widely known businessman, was his half-brother. Pareho sila ng ama pero magkaiba sila ng ina. Maganda ang relasyon nila ni Zeki bilang magkapatid, subalit kakaunti lang ang nakakaalam na isa rin siyang Castoldi at na magkapatid sila ni Zeki Castoldi.
Their father wasn’t exactly a good person. Ang ina ni Zeki ang lehitimong asawa. Ang ina naman niya na guro noon sa isang pampublikong paaralan ay aksidenteng nabuntis ni Zaldy Castoldi. Zaldy sent his mother to the US. Dahil walang dapat makaalam ng tungkol sa pagbubuntis nito. Nanatili sa Amerika ang ina niya hanggang sa manganak ito. Pagkasilang sa kanya ay hindi na nagtagal sa Amerika ang ina niya at umuwi ito ng Pilipinas. Iniwan siya nito sa pangangalaga ng dalawang matandang katiwala ng mga Castoldi sa Amerika.
Ang apelidong gamit niya ay ang apelido ng Mama niya—Hezron. Hindi isinulat ang pangalan ng ama niya sa live birth. Utos iyon mismo ni Zaldy, sapagkat gusto nitong ilihim ang tungkol sa pagkakaroon ng anak sa ibang babae.
Pabor iyon sa kanya.
Mas masaya siya sa poder ng dalawang matanda—sina Nana Ising at Nana Nita. They were warm and they showered him with love as if he was their very own grandson. Si Nana Nita na may pamilya sa Pilipinas ay ang palaging kakuwentuhan niya. Palagi itong may natatanggap na sulat mula sa apo nito sa Pilipinas. Ginagabayan marahil ang bata ng ina nito para maayos nitong mabuo ang liham at maipadala sa matanda.
Sa mga kuwento ni Nana Nita ay mabait ang apo nito, malambing, at masayahin. Hindi mahirap paniwalaan iyon dahil kung titignan si Nana Nita ay ganoon mismo ang personalidad nito. The old woman was warm, kind, and was always in good spirits. Isang beses niya lamang nakitang malungkot si Nana Nita at iyon ay noong sinabi nito sa kanya na hindi na nito nakakausap ang anak nito. Ayaw daw kasi nito sa lalaking gustong pakasalan ng anak. Tumutol ito, pero sumige pa rin ang anak nito at pinakasalan ang lalaki. Nagkaroon ng isang supling ang mag-asawa. Hindi raw maganda ang naging buhay ng anak ni Nana Nita sa lalaking napangasawa nito, at makailang beses na sumubok ang matanda na kunin ang anak pero tumanggi ang huli. Ang higit nitong ipinag-aalala ay ang apo nito.
Nangako siya kay Nana Nita na kapag nasa tamang edad na siya at handa nang bumuo ng sariling pamilya ay hahanapin niya ang apo nito at kung wala pa itong asawa ay pakakasalan niya ito. Bibigyan niya ito ng masaya at magandang buhay.
But then his mother died. Lupus. Hindi ang mismong sakit ang pumatay dito kundi ang komplikasyon ng sakit nito. She died of kidney failure. Nang malaman ni Zaldy Castoldi na pumanaw na ang ina niya ay kinuha siya nito sa Amerika at dinala sa Pilipinas. Nasa elementarya siya n’un. Legal siyang kinupkop ni Zaldy. Pinalabas nito na anak siya ng isa sa dalawang katiwala ng mga ito sa Amerika.
He hated his father’s lies.
He hated his father so much, so he refused to use the family name ‘Castoldi.’ Subalit sa mga legal na papel ay lehitimo na siyang Castoldi.
He hated being lied to. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang niloloko siya. Ayaw na ayaw niya sa mga taong sinungaling.
Sinungaling na kagaya ng ama niya.
At kagaya ng babaeng pinakasalan niya.
Nagtungo siya noon sa Hospicio Custodio dahil kay Neza. Ang apo ni Nana Nita. Noong nasa Amerika siya ay nakikibasa lang siya sa mga sulat na ipinapadala ni Neza sa lola nito. Alam niyang ikinukuwento siya ni Nana Nita sa apo nito, kaya kinukumusta rin siya nito tuwing nagpapadala ito ng liham.
Nang umuwi siya ng Pilipinas ay naging madalang na ang pakikipag-ugnayan niya sa dalawang matanda, dahil pinagbabawalan siya ng kanyang ama na sumulat o tumawag sa mga ito. Isa na raw siyang lehitimong Castoldi at dapat ang mga kilos niya ay naaayon sa apelidong Castoldi. Kalimutan na raw niya ang naging buhay niya sa Amerika kasama ang dalawang katiwala.
Gayunman ay nagpapadala pa rin siya ng sulat sa dalawang matanda paminsan-minsan. Ipinupuslit niya lang. Mas madali sanang magpadala ng elektronikong mensahe, kaso ay hindi mahilig sa modernong aparato sina Nana Ising at Nana Nita.
Isang araw ay ipinaalam na lamang sa kanya ni Nana Ising na nakaratay na sa higaan si Nana Nita at may malubhang sakit. Napakabilis daw ng pagbagsak ng katawan nito. Baka raw hindi na ito magtagal at ang paulit-ulit nitong sinasambit ay ang pangalan ng apo nito. Nag-aalala diumano ang matanda dahil wala nang kasama sa buhay ang apo.
Tumungo agad siya ng Amerika. Nanlumo siya sa nakitang kundisyon ni Nana Nita. Hindi na ito kayang gamutin pa. Hindi na ito nagsasalita. Halos hindi na nga nito iminumulat ang mga mata. Nakahiga na lang ito sa kama.
Napakalaki ng utang na loob niya sa dalawang matanda, lalo na kay Nana Nita, kaya nangako siya ritong hahanapin niya ang apo nito. Gusto niyang mapanatag ang loob nito, at kung ang tanging paraan lang para mapanatag ito ay ang pakasalan niya si Neza, despues nakahanda siyang gawin iyon. Tinutupad lang din naman niya ang binitiwan niyang pangako noon.
Nahirapan pa siyang hanapin ang apo ng matanda dahil wala na ito sa dati nitong tirahan. Kalaunan ay nalaman niyang dinala pala ito sa bahay-ampunan. Hindi iyon nabanggit sa kanya noon ni Nana Nita.
Hinanap niya ang bahay-ampunan hanggang sa nakarating siya ng Hospicio Custodio.
And there, he saw 'Nessa.'
He could still remember the moment when his eyes met hers as she gazed into his. Itim din ang kulay ng buhok at mga mata nito, katulad ng sa kanya. He recalled how her eyes sparkled with a hint of admiration. Those same eyes were framed by long, dark lashes that moved beautifully with every blink.
Balingkinitan ito at matangkad na sa pamantayan niya. She stood five feet and five inches tall. Gayunman ay mas maliit pa rin ito kung ikukumpara sa kanya na lampas anim na talampakan ang taas. He’s really tall and ripped.
Ang dalaga ang naunang lumapit sa kanya at ang nauna ring yumapos nang mahigpit. Nagulat pa siya n’un. Sinabi nito na ito raw ang taong hinahanap niya. Ang sabi nito ay ‘Nessa’ talaga ang pangalan nito, pero dahil ‘Neza’ ang tawag dito ng Lola Nita nito ay iyon na ang nakasanayan nitong gamitin kapag nakikipagsulatan sa matanda.
Iba ang apelido nito kay Nana Nita dahil gamit nito ang apelido ng Tatay nito. And Nessa said that her full name was Nessa Gayla.
Nessa knew everything about him. Lahat-lahat alam nito. Lahat ng detalye. Ang alam niya’y patuloy na nagsusulatan ang mag-lola kahit noong nasa Pilipinas na siya.
Paniwalang-paniwala siyang natagpuan na niya ang apo ni Nana Nita. Ikinuwento nito sa kanya ang naging buhay nito sa poder ng ama nito. Sinabi nitong binubugbog ito ng ama nito noon matapos pumanaw ang ina nito. Kaya walang kahirap-hirap nitong nakuha ang simpatya niya.
Nessa was so warm and so kind. She was so friendly. Katulad na katulad ito ni Nana Nita.
As promised, he asked her to be his wife. And she said yes. Naisip niyang matutupad na niya ang pangako niya kay Nana Nita. Mapapanatag na rin ang loob nito. Tumawag pa siya sa Amerika at kahit hindi na dumidilat ang matanda ay nakiusap pa rin siya kay Nana Ising na ilapit sa tainga ni Nana Nita ang telepono. Tapos ay sinabi niya ritong ikakasal na siya sa apo nito. Ang sabi ni Nana Ising ay gumuhit daw ang matiwasay na ngiti sa mga labi ng matanda dahil sa sinabi niya.
Sinabi niya rin ditong isasama niya sa Amerika si Nessa. Gusto sana niya ay bago ang kasal, pero nagpumilit ang dalaga na unahin na nila ang kasal dahil iyon din daw ang gugustuhin ng lola nito. Pumayag na siya dahil marami pang papeles ang kailangang iproseso bago ito makapunta ng ibang bansa.
He and Nessa got married and they were happy. Hanggang sa natuklasan niya ang kasinungalingan nito. She wasn’t the warm and kind person that he thought she was. Nessa was a fraud. A liar. She deceived him. She pretended to be someone she’s not.
Nalaman pa niyang ito ang matalik na kaibigan ng totoong Neza.
She f*cking betrayed her own best friend!
Nagtiwala siya kay Nessa. Tikom ang bibig nito kapag tinatanong niya ito tungkol sa tunay na apo ni Nana Nita. Ang pinakamasakit pa sa lahat ay pumanaw si Nana Nita. Wala itong kaalam-alam na hindi pala ang apo nito ang pinakasalan niya. He felt like he was a failure. He failed to fulfill his promise.
Lahat iyon ay dahil sa kagagawan ni Nessa.
And he was so stupid for trusting her right away. Ni hindi niya ito pinaimbestigahan. Paniwalang-paniwala siya dahil alam nito ang lahat-lahat.
Kumuyom ang mga palad ni Viz nang lumitaw sa balintataw niya ang imahe ni Nessa. Ipinilig niya ang ulo at humugot ng malalim na paghinga. Nakatayo siya sa tabi ng salaming pader ng kanyang malapad na opisina at nakatunghay sa mga istruktura sa ibaba, at sa abalang kalsada ng siyudad.
His gaze fell on his ring finger. Suot niya ang wedding ring sa kanyang daliri. Alam naman ng lahat na may asawa siya. Marami pa ang dumalo sa kasal nila. He married Nessa six months ago. Even Zeki and the other CEOs with their wives were present at the wedding ceremony. Kaya hindi niya maaaring ilihim ang tungkol dito. Ang plano niya ay maayos na makipaghiwalay dito at ipawalambisa ang kasal nila.
Pero matigas ang pagtanggi ni Nessa sa ideyang iyon.
She clung to him every chance she got.
Araw-araw itong nagmamakaawa sa kanya na ituloy na lang nila ang pagiging mag-asawa nila. His answer was always ‘no.’ But she wouldn’t budge. Hindi raw ito aalis ng bahay niya. God, the woman he wanted to truly marry was Neza, not her.
Katok sa pinto ang nagpalingon sa kanya. “Come in.”
Pumasok ang kanyang sekretarya, kipkip nito ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito, kaya tipid niya itong tinanguan. “Ilapag mo lang diyan, Sassa,” aniya. Nasa beinte-singko palang marahil ang edad ni Sassa. Samantalang siya ay Treinta y uno anyos na. Mas bata naman sa kanya ng tatlong taon ang asawang si Nessa.
Tumalima naman agad ang babae. “Sir, gusto mo bang magkape?” masigla nitong tanong. “Ipagtitimpla po kita.”
Magalang siyang umiling. “No, you don’t have to, but thank you nonetheless.”
“Sige po, Sir, pero kapag gusto mo ng magkape, nasa labas lang ho ako.”
“Sure, I’ll bear that in mind.”
Nakangiti nang lumabas ang sekretarya niya. He sat on his black leather chair behind the massive executive table. It was time for him to get back to work. Pero bago pa niya magawang iangat ang pansulat ay dumako ang mga mata niya sa name plate na nasa mesa niya.
Viz Hezron / Chief Executive Officer
Umalsa ang isang sulok ng kanyang mga labi. Hindi niya akalaing maaabot niya kaagad ang posisyong iyon. He used to work at Castoldi Labs and Technologies as the Executive Assistant to the CEO. May shares din siya sa naturang kompanya. And as the Executive Assistant, he had met a lot of CEOs from various businesses.
Ngayon ay ganoon na rin ang posisyon niya.
But he was not as stiff and as elusive as the CEO of Sandrid Ventures, Alpheus San Madrid. Kaibigan ito ni Zeki. He also would never run around breaking hearts like Cazcoe Vizcarra, the CEO of CoeWrite Printing and Publishing. Pero balita naman niya ay nagbago na ang huli.
As for himself, he could say that he’s just an ‘appropriate’ CEO. Not ruthless, not cruel, not too friendly either, just well-suited for the role. Mabait siya sa mga taong maayos magtrabaho at walang atraso sa kanya. Ngunit ang kabaitang ipinapakita niya ay tama lang at walang ibang kahulugan.
Pero nag-iibang tao siya sa kanyang asawa.
He couldn’t just afford to be warm to her. His wife didn’t deserve to be treated kindly.
Naniniwala siyang kapag ipinaramdam niya ritong walang patutunguhan ang ipinipilit nitong damdamin sa kanya ay baka sumuko na rin ito.
Kaya patuloy na magiging malamig ang pakikitungo niya rito.
Hanggang sa ito na mismo ang kusang umalis.