Chapter 2: Enchanted Flower

1138 Words
Kairi's POV Kinabukasan, maaga akong gumising upang hindi ako buhusan ni Tita at para makapaglaba. Habang isinasampay ko ang mga nilabhan ko, ay nakatanggap ako ng sampal mula kay Tita. Hindi ko alam kung bakit. "PATI BA NAMAN PAGLALABA HINDI MO ALAM?! TIGNAN MO NGA YANG GINAWA MO SA DAMIT KO BAT NAGING RED YANG WHITE NYA HA?! NUH GINAWA MO!" sasabunutan na niya dapat ako pero dumating si Clyde at hinawakan ang mga kamay ni Tita sa planong pagsabunot sa akin. "Sorry po, hindi ko alam." nasabi ko. "Syempre, ano bang alam mo ha! Wala ka namang kwenta e! Bilisan mo diyan at ipagluluto mo pa kami!" Tinanggal ni Tita ang kamay niya sa pagkakahawak ni Clyde at agad na umalis. Tinulungan ako ni Clyde na magsampay at pinaalalahanan na next time ayusin ko na daw ang paglalaba para di na magalit si Tita. Tumango nalang ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising para maipagluto sina Tito at Tita ng umagahan. Pagkatapos naming kumain ay naglakad nako papunta sa palengke. Habang naglalakad ako, nakita ko ang isang restaurant at may nakita ako sa dish set este dessert na isang cake, chocolate cake either, pinakapaborito kong cake sa lahat. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa aking mga labi. "Happy Birthday Kairi." mahinang sabi ko sa sarili. Tumuloy na ako sa paglalakad at binilisan ang pagpunta sa palengke. Pagagalitan ako nila Tita if matatagalan na naman ako dito. Habang nasa banda ako ng fish, tinitignan ko sa listahan kung ano pa ang bibilhin ko, ngunit sa kasamaang palad may nakabunggo akong lalaki. "Patawad." nagmamadali niyang sabi. Nakatalikod siya sakin at mabilis siyang naglakad palayo. Nagkibit- balikat nalang ako at bumili ng sili at repolyo. Dumaan ulit ako sa nadaanan kong restaurant at andun padin ang cake na nakita ko, bumuntong-hininga ako at umuwi na. "Bat antagal mo ha?! Ano na namang ginawa mo?!" Bungad na sigaw ni Tita. Nagmano nalang ako sakanila at sinabing magluluto na ako. Pagkatapos naming kumain ay nagplano akong pumunta sa puntod ng aking inay. Kada birthday ko kasi, nakasanayan ko nang pumunta dito. Pero bago iyon, dumaan muna ako sa restaurant na nadaan ko kanina at binili ang murang cake, may naitago naman ako kahit konti pero sapat. Naiyak ako habang naglalakad dala-dala ang cake na binili ko. Dati rati kasi nagcecelebrate kami ng birthday ko e, pero since dito na ako nakatira kina Tita wala na, wala naman daw akong kwenta e, bat pa icecelebrate kaarawan ko. Andito na ako sa puntod ng aking inay, ang pangalan niya ay Kaira, lagi kong winiwish na buhay pa siya. Siguro kung buhay pa siya at kompleto pa kami kasama si papa, siguro di ako makakaranas ng pagmamalupit nila Tita. "Happy Birthday sakin, kahit hindi happy." sabay lagay ng cake sa lapida at sinindihan ang kandila. Pumikit ako at humiling tsaka hinipan ko ito at agad tumulo ang luha ko. "Ma? Kamusta ka po? Namimiss na po kita. Huwag ka po mag-alala sa akin, okay lang po ang anak niyo." pinunasan ko ang luha ko at pinilit na ngumiti. "Kinakaya ko naman po ang mga problema ko. Siyempre sabi niyo, kapag may problema, walang hindi kakayanin." Tumulo na naman ang luha ko. "Sorry po, Ma. Di ko mapigilang umiyak e. Nakakapagod na kasi. Pagod na pagod na ako, Ma. Ayoko na, pwede na ba sumunod sa iyo diyan?" Nagtagal muna ako sa sementeryo bago naisipang umuwi. Pagkauwi ko ay nagluto na ako ng hapunan, pagkatapos naming kumain at maghugas ng pinagkainan, ay agad na akong sumalampak sa kama. Napatingin ako sa litrato ng aking ama at inay. "Ama, bakit ka ba umalis? Bat mo ba kami iniwan ni inay? Anong dahilan? Di mo ba naisip na kailangan kita, kailangan ka namin araw-araw. Magpakita ka naman sakin kahit sa panaginip lang, para kahit papaano maramdaman kong andiyan ka." Hindi ako galit sayo Ama. Sana naman makilala at makita na kita. Sana makasama na din kita, para kahit paano may kakampi ako bukod kay Clyde. Naisipan kong pumunta sa library at ituloy ang naudlot kong pagbabasa sa libro ng nawawalang prinsesa. Sa kamalas-malasan nga naman, habang naglalakad ako nakita ko ung tatlong babaeng kinaiinisan ko na papunta sa akin at balak na naman atang asarin ako. "Oh, look who's here again!" unang asar ni Danica. "Saan ka naman pupunta, aber?" curious na tanong ni Sheryl. "Sa Library." walang emosyong sabi ko dahil wala akong ganang sagutin sila. "At ano naman ang gagawin mo doon? Magbabasa? Eh hindi ka naman na pinag-aaral ng Tita mo." sabi ni Monica sabay labas ng dila at tinawanan nila akong tatlo. Di ko nalang sila pinansin. Hinakbang ko ang paa ko ngunit inipit ni Monica ang likuran ng tsinelas ko at bigla akong napaupo, tumama ang puwetan ko sa isang bato. Ang sakit, grr. Pinilit ko nalang tumayo na tinitiis ang sakit sa puwetan ko. Magiging okay din to mamaya, siguro. Lumakad na ako at hinayaan na nila ako pero rinig kong tumatawa pa din sila. Hindi ko na kaya pang pumunta sa library dahil sobrang sakit talaga ng puwetan ko kaya umuwi nalang ako. Pagpasok ko sa bahay ay nahiga muna ako saglit para maipagpahinga ang p***t ko. Makalipas ang ilang minuto ay naisipan kong pumunta sa likod-bahay kung saan ang garden. Magaganda kasi doon ang mga tanim na bulaklak ni Tita. Agad akong tumayo at pumunta sa garden. Nagliwaliw ako sa mga bulaklak. Unang-unang nakakuha ng tingin ko ay ang nag-iisang pulang-pulang rosas na mahaba ang tangkay. Sarap siguro sa pakiramdam pag binigyan ka ng ganito ng isang lalaki. Pero wala pala akong manliligaw. Syempre, I'm just a trash. Tinititigan ko ang rosas pagkatapos ay inamoy amoy. Ang bango, sobra. Nakakaadik yung amoy niya. Para bang gusto ko nalang dito sa tabi niya habangbuhay. Habang nag-iisip ako ng malalim ay gumalaw ang bulaklak, sa mismong bud niya kaya napabitaw ako. Nagulat ako at napasigaw nang bumukadkad pa ito ng husto, at biglang lumiwanag ang paligid. Puti lang ang nakikita ko at tila ba hinihigop ako. Napapikit nalang ako ng mariin habang nararamdaman kong gumagalaw ako. Napadasal na rin ako dahil di ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Hanggang sa pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nakapikit, hinawak hawakan ko ang katawan ko kung buhay pa ako at unti-unting minulat ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nasa isang paraiso ako gaya ng nasa panaginip ko. May dagat, may mga paru-paro, at mayroon ang isang palasyo. 'Bakit ganito? Bakit gaya nito ng nasa panaginip ko? Or sadyang magkapareho lang?' Bumilis ang t***k ng puso ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko. "Sino ka? At bakit ka nandito?" Unti-unti akong pumihit patalikod at nabigla ako kung sino yun. "Bat ka andito?" Bat ka andito, Clyde?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD