Chapter 1: Harsh Existence

1704 Words
Kairi's POV Nakatulala at manghang-mangha ako ngayon sa mga nakikita ko. "Napakaganda." bulong ko nang nakita ko ang dagat na animo'y alagang-alaga dahil napaka-asul at wala kang makikitang basura o kahit ano pa man. Napakaganda talaga. Inilibot ko ang aking tingin, at nakita ko ang isang hardin na maraming bulaklak at nagliliparang mga makukulay na paru-paro. Sana gaya din ako ng paru-paro no, malaya at kung saan-saan lang pumupunta. Nakita ko din ang isang malaking bahay, sobrang laking bahay na mistulang palasyo na sa laki, at kumikinang. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay. Sino kayang nakatira doon? May gold kaya sila? Ang ganda talaga shemays. Nagising ako sa sigaw ni Tita at pagbuhos niya sa akin ng malamig na tubig. Buti hindi ako sa kama natulog kundi basa na yun paggising ko at lalabhan ko na naman. "Hoy bata ka! Kanina pa kita ginigising! Alas otso na! Magluto ka na ng umagahan natin! Jusmiyo puyat pa!" "Hindi naman po ako nagpuyat e." malumanay na sabi ko habang kinukuskos ang mata ko at tinanggal muta ko. "At sumasagot ka pa ha?! Halika na sa kusina at magluto kundi malilintikan ka sakin!" Umalis na si Tita at naligo muna, binilisan ko ang galaw ko at pumunta sa kusina. Ganito lagi ang buhay ko. Paggising palang bibigwasan na, bubuhusan na ng malamig na tubig, tas pag nagsalita ako sasabihin nilang sumasagot na ako at bastos daw ako. Habang nagpri-prito ako ng itlog ay naisip kong bakit pa ba ako nabuhay? Ano pa bang silbi ko dito? Ano yun? Nabuhay lang ako para apihin? Saktan? Pagsabihan ng masasakit na salita? Siguro nga ganun. Para sa kanila, wala akong kwenta. Wala akong magawa kundi tumahimik at umiyak kapag mag-isa lang ako. Mas masakit pa doon, hindi nila ako pinatuloy ng pag-aaral. Si Tita at Tito at ang kanilang anak na lalaki nalang kasi ang kasama ko sa buhay. Wala na ang inay. Namatay siya nung kakasilang palang niya sa akin. How I wish na ako nalang ang namatay e para wala silang pabigat na kasama at para hindi ako nasasaktan ng ganito. Ang ama ko naman, wala daw silang alam kung asan siya. Basta ang sabi ng inay sa kanila noon ay iniwan na daw kami ni ama. Hindi daw alam ni inay kung saan siya nagpunta. Hay, bat ganito kalungkot ang buhay ko? Bat wala man lang akong kasuwerte-suwerte kahit konti lang? Kumawala ang luha ko. Kawawa naman ang mata ko, lagi nalang umiiyak. Di ba pwedeng kahit isang araw lang ay ngumiti naman ako? Yung totoong saya ha, di yung peke. Nakakapagod na din magpanggap na masaya e. "Wala kang kwenta, pwede ka nang mamatay Kairi." bulong ko sa sarili ko. Totoo naman e. Hindi ko napansin na sunog na ang itlog na niluluto ko dahil sa mga iniisip ko. Sakto namang paparating si Tita at nagsisisigaw na naman. Paktay! "Ano yung amoy suno-- Hoy bata ka! Pati pagluto ng itlog hindi mo alam! Ano bang gagawin ko sayo! Lagi nalang ha! Lagi nalang!" sigaw sa akin ni Tita at dinuduro-duro ako. Hindi nalang ako nagsalita. Hindi na bago sakin to. Actually, sanay na ako. Kahit ilang ulit pa, kahit ano pa, kahit sampal pa yan, sabunot, oh ano okay lang. It's okay. Pagkatapos akong sigawan ni Tita ay dumating si Clyde. "Ma, tama na yan. Ano ba? Lagi mo nalang ba pagagalitan si Kairi? Edi magmumukha kang matanda niyan pag lagi kang galit." "Eh kasi naman wala na yang ginawang tama e! Lahat nalang palpak! Kaya nga di ko na pinag-aral para tumulong dito e, tas pagluluto di pa niya kaya? Jusmiyo naman!" "Kalma, Ma. Ako na muna ang magluluto. Panoorin mo na lang muna, Kairi." sabi ni Clyde at umalis na si Tita. "Alam ko naman e kaya lang madami lang akong iniisip kanina kaya di ko napansing sunog na." pagpapaliwanag ko. "Minsan kasi, kung ganun, ako nalang ang isipin mo, para gumanda ang luto mo." sabi niya with matching smirk, pagkatapos ay tumawa. Kumuha nalang ulit siya ng itlog at niluto. Hindi ko alam kung bakit kapag pinapagalitan ako ni Tita ay lagi ako pinagtatanggol nitong Clyde na to e hindi ko naman siya kadugo. Tsaka ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Ewan ko ba. Siguro dahil mabait siya sakin kaya magaan loob ko. Napaisip ako, nasaan kaya si Ama? Ano kaya dahilan niya bat niya kami iniwan? Iniwan nga ba niya kami? O baka naman may kailangan lang siyang gawin? Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa kwarto ko, sa kama. Sa tabi nito may durabox, dito nakalagay ang pictures ni ama at inay. Tinitignan ko ang mga ito kapag nalulungkot ako, o kapag pagkatapos akong pagalitan ni Tita at ipagtanggol ni Clyde. Ang saya saya nila dito o. Kaya bakit kaya iniwan ni ama si inay? Ito ang dahilan kung bat ako ngumingiti kahit pilit lang, yung para bang kapag nakikita ko lang larawan nila napapasaya nito ako kahit papaano. Damang-dama ko na andito sila gamit lang ang mga larawang ito. Isa din sa nakakapagpangiti sa akin ay ang mga panaginip ko gabi-gabi. Nasa isang magandang lugar daw ako na makulay, masaya, at maganda. Napakaganda daw doon, may nagliliparang paru-paro na ang gagandang tignan. Nakakakalma din pag pinagmamasdan ang dagat. "Sana andun nalang talaga ako." bulong ko habang naiisip ang panaginip ko. I just want to go far away here. I just want to escape this painful existence. I just want to live a normal life with no harsh people. Inayos ko ang sarili ko at nagmadaling pumunta sa library malapit dito sa amin. Bukod sa dagat, pampakalma ko din ang library, ang books. Yung tipong pag nakakahawak ako ng libro at pag nabuklat at binabasa ko na ito ay para bang andun ako sa istoryang iyon. Pinakagusto ko ang fantasy na genre kaya siguro nakakapanaginip ako ng ganun. Napili kong basahin ay tungkol sa nawawalang prinsesa. Hindi ko pa man nababasa ang unang sentence ay biglang may tumunog sa kabilang shelf. Tatayo na dapat ako at titignan iyon ngunit bigla akong tinawag ng librarian at sinabing magsasara na daw sila. Magsasara na? E ang aga aga palang ha. Tsaka diba hindi nagsasara ang library na ito? Nagulat ako ng may nagsalitang lalaki sa kabilang shelf. "Manahimik nga kayo, nagbabasa ako e!" Titignan ko na sana ang mukha niya pero hinawakan ako ng librarian sa balikat at sinabing umalis na daw ako dahil rush hour na. Nagtataka man ay dali dali akong tumayo at binalik ang libro sa shelf at naglakad patungo sa pinto. "Umalis kana!" akala ko ako ang sinabihan ng librarian pero hindi pala, ang lalaki pala sa susunod na shelf. Tumayo na siya at agad na pumunta sa pintuan, kung asan ako. Napaka-amo ng mukha niya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit inunahan niya ako at dali dali siyang tumakbo't umalis. Sa kamalas-malasan nga naman, habang naglalakad ako pauwi ay nakita ako nina Danica, Sheryl at Monica. Yung dating classmates ko nung high school. Sila yung parating nambubully sa akin, kung ano-ano ang ginagawa nila sakin. Hanggang ngayon kapag nakikita nila ako ay inaasar nila ako. "Oww, look who's here, girls!" sabi ni Danica sa dalawa. "Ang kawawang babae." asar naman ni Monica. "Ang walang hiyang babae na nang-ahas sa Prince natin!" sabi naman ni Sheryl. Dati kasi, akala nila inaahas ko daw si Prince, pero hindi. Nagpapaturo lang naman ako sa kanya sa Math kasi di ko maintindihan. Ako kasi pinapansin niya. Kaya naiinggit tong tatlo at kung ano-ano na ang pinagkakalat noon sa school namin about sa min ni Prince. May maganda din palang naidulot kahit papaano ang pagtigil ko ng pag-aaral kasi hindi ko na nararanasang ma-bully sa kanilang tatlo, pero minsan pag ganitong umuuwi ako galing library ay mararanasan ko na naman. "BYE GIRL!" Naka-kotse sila at ako naman ay naglalakad. Nang pinaharurot na niya ang kotse ay agad tumilamsik ang putik sa damit ko at may konting nalagay sa mukha ko. Di ba sila titigil? Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang bigla akong bigyan ni Clyde ng towel mula sa likod ko. "Bakit hindi ka man lang lumaban?" "Di ko kaya e." sabi ko nalang. Sabay kaming umuwi. Nadatnan namin si Tita at Tito sa dining. Mukhang kanina pa sila nag-aantay na umuwi ako. Nagmano ako sa kanila. "Saan kana naman bang nagpuntang bata ka ha! Sa library na naman ba!" bungad sakin ni Tita. "Ma..." Clyde. "Oh siya, siya magluto kana! Dapat MAGANDA na ha!" Umoo nalang ako. Tumingin ako ng maluluto sa ref. Wala akong pwedeng lutuin kundi ang itlog. Kaya itlog nalang ulit. Pagkatapos kong magluto at ihanda ang lamesa ay tinawag ko na sila upang kumain. Pagdating palang ni Tito sa kusina ay sinabi na niya agad na "ITLOG NA NAMAN!?" at narinig iyon ni Tita kaya pumunta na siya dito kasunod si Clyde. "Ayan! Puro ka library! Di ka man lang namalengke para bumili ng ulam!" "Ma, ano ba? Eh iyan nga lang ang meron e. Kelangan talagang sigawan si Kairi? Atleast nagluto siya diba at maganda yung kinalabasan o? Masarap." Clyde. Di na sila nagsalita at kumain na kami. Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Tito na maglaba daw ako bukas kasi wala na silang maisuot ni Tita. Tumango nalang ako at dumiretso na sa paghuhugas ng plato. Pagkatapos kong ayusin ang lababo ay sumalampak na ako sa kama at tumulo na naman ang luha ko. Hinawakan ko ang bracelet ko, ito daw ang alaala ng inay sa akin bago siya nawala. Ito ang nagbibigay ng lakas sa akin kapag sinasabihan ako ng masasakit o kapag sinasaktan ako physically, sabi ni Clyde dati sakin, na wag ako susuko. Strong daw ako e. May disenyo itong dalawang maliliit na hugis puso, gold ito. At may parang roses sa magkabilang gilid. Buti hindi pinagkakainteresan nila Tita kundi baka mawalan ako ng gana sa araw-araw na pagbibigwas nila sa akin. "Sana totoo nalang ang nasa panaginip ko." bulong ko at pumatak na naman ang taksil na luha ko. I JUST WANT TO ESCAPE THIS HARSH AND PAINFUL EXISTENCE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD