Chapter 3: Unique Living/World

1349 Words
"Inuulit ko, sino ka? bat ka andito?" pag-uulit niya. Hindi niya ba ako nakikilala? Anong dahilan at bakit ni isang kusing na expression sa kanyang mukha ay hindi ko makitaan ng dahilan bat hindi niya ako namumukhaan? Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang mga braso ko habang seryoso siyang nakakunot-noo. "Saan ka galing? Isa ka rin ba sa naghahanap sa nawawalang anak na prinsesa ng Haring Grover na nagngangalang Grace?" Nakatingin ako sa kanyang mga seryosong mata na nakatingin sa akin. "h-hindi ko po al--" "Isa kang tao! Paano ka nakapunta sa mundo naming ito?" tanong niya habang hinihigpitan ang hawak niya sa braso ko. "N-nasasaktan a-ako!" giit ko. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa braso ko ngunit hindi ko magawa dahil mas malakas siya kaysa sa akin. "Sagutin mo ang tanong ko! Paano ka nakapunta rito?" sigaw niya. Hinigit niya ako palapit sakanya kaya hindi ko sinadyang mapalapit sa dibdib niya. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. This time, nakakapangilabot ang kanyang mga mata. Wala namang kahit ano na nakakatakot doon ngunit sa aking palagay, sa aking kaloob-looban natatakot ako. Nanginginig akong sumagot habang nakatingin sa kaniyang mga mata. "H-hindi k-ko n-nga a-lam kung paano ako n-nakapunta rito. Ang natatandaan k-ko l-lang n-nasa garden ako at bigla akong hinigop ng bulaklak p-papunta rito." Hindi siya sumagkot bagkus ay tinitigan niya ng mabuti ang aking mga mata na tila ba sinisigurado kung totoo ang mga sinasabi ko at walang halong biro. Napaiwas ako sa ginawa niya. Binitawan niya ang aking mga braso at humakbang patalikod. "Hindi ka dapat naririto. Isa kang tao, ibang-iba ka sa amin. Bumalik kana ngayon din sa mundo niyo." Tumalikod siya sa akin." Kahit nalilito ako sa mga sinabi niya ay hindi ko nalang iyon prinoblema. "Sandali!" tumingin siya sa akin. "Puwede mo ba akong tulungan kung paano makabalik sa mundo namin?" Nahihiya kong pabor habang nakatingin sa baba. "Hindi ko kasi alam kung paano at saan." "Ano kala mo sa akin? Ganun kadali magtiwala? Bat kita tutulungan hindi naman kita kauri." Seryosong sabi niya. Wala akong masagot sa sinabi niya. Kung hindi niya ako matutulungan, paano ako makakauwi sa mundo namin? Sino ang maaring makatulong sa akin? Hindi ko parin lubusang maintindihan o maunawaan kung anong nangyayari. Nananaginip ba ako? Ganitong ganito din kasi ang nasa panaginip ko lagi e. Talaga kayang andito ako? Wala man lang akong ideya kung saan ang lugar na ito. May naririnig kaming yabag mula sa di kalayuan, mabilis akong nilapitan ng lalaki at hinigit ako papunta sa garden. Nagulat ako at namangha sa mga nagliliparang mga paru-paro, makukulay sila at nakadapo ang iba sa mga halamang kaygaganda rin. Nagulat din ako ng may narinig akong nagsalita sa labas ng garden. "Asan kaya ang bwisita nating iyon? Kailangan natin siyang mahanap upang makakuha tayo ng gantimpala sa ating Hari!" Nagulat ako ng gumalaw ang mga halaman pati ang lahat ng paru-paro at tinakluban kami upang hindi nila kami makita. "Huwag kang gagawa ng kahit ano mang ingay kung gusto mong makauwi pa sa mundo niyo." Pagtatangka niya sa akin. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay tumango-tango nalang ako. Narinig ko ang kanilang yabag malapit na sa amin. "Nasaan na kaya yun? Pahihirapan pa tayo e mahahanap din naman natin." sabi ng isang lalaki. "Panigurado, nag aantay na satin ang Mahal na Hari." sagot ng isa pang boses. "Tiyak kong ikaw ang tinutukoy nila." bulong na sabi ng estrangherong lalaki. Ilang segundo lang ay nakarinig na kami ng yabag na papalayo. Mukhang paalis na sila. At nang wala na kaming naririnig na yabag ay bumalik na sa dati ang mga halaman at paru-paro. Oh kay ganda talaga itong pagmasdan. "Umalis kana." sabi niya at hinawakan ang kwintas niyang may asul na pendant. Nagulat ako ng biglang may dumating na isang kabayo sa harapan namin. Sumakay siya roon, tinignan niya muna ako at umalis. Wala akong magawa kaya lumabas ako sa garden at tinignan ko ang paligid. Ganitong-ganito talaga ang nasa panaginip ko ngunit ang pagkakaiba lang nila, dito ay mas madaming paru-paro at may magic dito, meron ding kabayo dito, kumikinang pa ang malawak na dagat hindi katulad sa panaginip ko. Napansin kong mas maganda ito kaysa sa panaginip ko. Bat ganito? Bat ibang-iba to? Is this really the unique living/world that I've been dreaming every night? Habang malalim ang aking iniisip, nakarinig na naman ako ng yabag malapit sakin. Habang papalapit ito ng papalapit ay nagsimula na naman ang takot na nararamdaman ko. Nilibot ko ang paligid ngunit wala akong nakita. "Sino ka!" Napasigaw ako nang bigla akong umangat mula sa lupa. Pumikit ako dahil nararamdaman kong nahuhulog ako. Pagbukas ko ng aking mata ay nakahiga na ako sa isang kamang kumikinang at nagulat ako ng nakita ko ang isang babaeng ubod ng ganda sa harapan ko, nakangisi siya na may hawak na mahabang sandata na kung tawagin ay espada. Tatagain na niya dapat ako nang...... ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "KAIRI!" Napabalikwas ako sa paghiga nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Tita. "Ang galing! Natutulog!" "Pasensiya na po, di ko namalayan, nakatulog pala ako dito, masakit po kasi kanina puwetan ko." "Dami mong arte! Halika na sa kusina at magluto kana!" Tumayo na ako. May nakita akong isang pitas na dahon ng bulaklak sa tabi ko. Totoo ba yun? Nagkibit-balikat nalang ako at itinago sa punda ng unan ko ang pitas na dahon. Anong oras na ba? Panaginip ba talaga iyon? Mukha kasing totoo. Nagluto na ako at ginawa ang mga dapat gawin at sumalampak na sa kama ko. Hinawakan ko ang dahon. "Mukhang totoo yon." Bulong ko. Naalala ko yung lalaki kanina. Di ako nagkakamali, si Clyde 'yon. Napapatanong ako, bakit hindi niya ako nakikilala doon? Ano ba talaga siya? at bakit siya naroroon? Napansin ko ang orasan sa dingding. Malalim na ng gabi. Kailangan ko ng matulog, inilagay ko ang pitas na dahon sa durabox ko at saka nahiga at nagpasyang matulog. Ngunit bago ako natulog, inisip ko pa ang magandang lugar kanina saka pumikit na. Clyde's POV Kinabukasan, inalok ko si Kairi na kumain kami sa labas dahil wala naman sila Mama. "Libre mo?" Tanong niya. "Aba, oo. Ayaw mo?" Bigla niya akong sinuntok sa braso at nagmaktol na parang bata. "Gusto ko syempre!" Tapos na kong maligo at magbihis, hinihintay ko nalang siyang makaligo at makapag-ayos. Pagkatapos ay andito na kami sa restaurant malapit sa amin at nag-order na ako. Tinanong ko siya kung napaano yung puwetan niya kahapon. "Ah, kasi ano papunta ako sa Library nun nang biglang nakasalubong ko na naman ang tatlong hipokritang iyon tas ayun. Ng hahakbang ako, tinapakan nila yung likod ng tsinelas ko at napaupo ako." "Sumusobra na mga iyon a." "Hayaan mo na, di na ako tumuloy nun sa Library. Pag uwi ko, nahiga ako, sabi ko papahinga ko lang puwetan ko saglit pero nakatulog na pala ako." "Tas pinagalitan ka na naman ni Mama, lakas ng sigaw e." napangiti ako. "Yaan mo na, sanay naman na ako kay Tita." Nagtawanan nalang kami at pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami sa restaurant. "Clyde! Tutal libre mo naman, palibre nga nung ice cream doon oh!" nakangusong sabi sa'kin ni Kairi. "O, sige." nasabi ko nalang. Habang kumakain kami ng ice cream sa isang bench malapit sa bahay namin, may nakita akong sobrang liwanag. Napatingin din si Kairi doon. Sinundan ko ng tingin kung saan nagmumula ang liwanag at nakita kong sa mismong bahay namin iyon. "Shet! yung bulaklak!" Mahinang sigaw niya ngunit di ko narinig. Tumakbo siya papunta sa bahay, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Pinanood ko lang siyang pumunta sa bahay. Nang tumingin ako sa part kung saan ang liwanag kanina biglang may lumabas na babae mula roon at luminga-linga sa paligid at umalis. Saktong andun na si Kairi at mistulang may hinahanap. Sino ang estrangherong babaeng iyon? Kilala ba niya si Kairi? Kilala din kaya ni Kairi ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD