Chapter 07
3rd Person's POV
"Anong nangyayari? Nandito pa din ang pagkain ni C-que," ani ni Chartreuse na may dala pa na isang tray. Kinatok ni Chartreuse ang pinto ng room ni Coquelicot.
"Honey! Nandiyan ka pa ba sa loob? May mga dala akong chocolates!" sigaw ni Chartreuse. Walang sumasagot. Napatigil ang lalaki.
"Mom! Dad! Iyong key sa room ni C-que!" sigaw ni Chartreuse. Lumabas si Graphite sa sarili nitong room at tinanong kung bakit ang aga-aga nasigaw si Chartreuse.
"Past lunch na kuya. Hindi nasagot ni C-que. Nandito pa din ang breakfast niya," ani ni Chartreuse. Kumunot ang noo ni Graphite. Basta pagkain hindi pwedeng hindi pansinin iyon ng kapatid nila.
Umalis si Graphite. Bumaba siya at tinawag ang mommy nila para kuhanin ang room key ni Coquelicot.
Kalaunan naglalakad si Coquelicot. Malayo na siya sa village kung saan temporary na nagi-stay ang pamilya nila. Kinuha ni Coquelicot ang phone niya. Nagbago siya ng number incase na bigla siyang tawagan ng mga kapatid niya.
Hindi niya pa din maiwasan na tingnan iyon out of instinct. Bumuga ng hangin si Coquelicot at tumingin sa langit. Malas dahil mukhang uulan.
Hindi alam ni Coquelicot kung saan siya pupunta basta wala siyang ibang iniisip ngayon kung hindi magpakalayo-layo.
May nakita siyang matandang babae. May taxi na huminto sa harapan nito. Sumakay din si Coquelicot— napatingin ang matandang babae.
Alam ni Coquelicot ay dadalhin siya ng taxi kung saan nito gusto pumunta pero dahil nga wala naman siyang mapupuntahan. Sinabi ni Coquelicot na pupunta siya kung saan pupunta ang matandang babae.
Ngumiti pa ng matamis si Coquelicot matapos siya tingnan ng driver at ng babae.
Hindi na narinig ni Coquelicot ang sinabi ng matanda na lugar. Bigla kasing may dumaan na ambulansya.
Umandar na ang taxi. Naha-humming lang si Coquelicot at sinasabayan ang tugtog sa loob ng taxi habang sa loob ng mansion ng mga Blood— lahat ay nagkakagulo.
Lumayas si Coquelicot. Walang sulat o ano. Umalis ito at walang nakakaalam kung nasaan ang babae.
Mula sa village nasa labing dalawang itim na sasakyan ang umalis para halughugin ang buong city.
"Damn it! Saan pupunta si C-que!" sigaw ni Juniper. Hindi alam ng triplets ang gagawin. Sobrang gulo ng living room. Wala pang isang oras noong nalaman nila na nawawala si Coquelicot ay halos baliktarin na ng triplets at ni Silver ang buong mansion.
"Wala bang kaibigan si C-que na maaring puntahan, Chart?" tanong ni Adara na nakatayo sa ibaba ng hagdan. Pilit din nito pinakakalma ang sarili.
"Walang kaibigan si C-que. They are not even dare," sagot ni Chartreuse na kinakagat ang daliri habang nakatalikod sa ina.
Mapababae o lalaki iwas kay Coquelicot. Hinaharang ang mga ito hg triplets at binabantaan.
"Then saan maaring pumunta si ate? Hindi siya marunong mag-commute either nga sumakay sa elevator," tanong ni Turquoise. Naalala niya noong sinama sila ng mommy nila sa company ng daddy nila— lahat ng button sa elevator pinindot ni Coquelicot sa pag-aakalang kailangan iyon.
"Walang mangyayari kung magtatanungan lang tayo dito," ani ni Pirouette at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Pette saan ka pupunta?" tanong ni Turquoise at tumago. Sinundan niya ang kakambal.
"Hindi marunong mag-commute si ate. Hindi niya din nadala mga I.D niya kaya siguradong nasa kalsada lang siya ngayon," ani ni Pirouette. Nagpapasalamat na lang sina Turquoise na may pagka-engot ang kapatid nila. Wala itong mga dalang I.D ibig sabihin 'non hindi ito makakapagpa-book sa hotel or sa kahit na saan na apartment.
"Ano iyon! Mga lokong driver iyon ah!"
Sumigaw iyong taxi driver. May isang sasakyan kasi na sobrang bilis ang pagpapaandar. Muntikan na nito matamaan ang side mirror ng taxi.
Hininto ng driver ang taxi. Binulyawan nito ang sasakyan na nasa malayo na. Nagulat ang driver at pinasok ang ulo sa loob ng sasakyan matapos amy makita pa na limang sasakyan na tila mga may hinahabol.
Napatingin si Coquelicot. Pamilyar ang itim na sasakyan. May family crest nila ang gilid ng sasakyan.
Crestmoon iyon na magkabaliktad. Sinuot ni Coquelicot ang hood. Hinahanap na siya ng mga kapatid niya.
Maya-maya tumigil na ang sasakyan. Lumabas ang babae kaya sumunod si Coquelicot. Nasa harapan sila ng hospital. Pagtingin niya sa itaas nakita niya ang pangalan ng hospital.
"St.Rosa Mental Hospital," basa ni Coquelicot. Tiningnan siya ng matanda.
"Iha, may dadalawin ka ba dito o papa-admit ka?" tanong ng ginang. Napakamot si Coquelicot sa ulo at sinabing wala siyang dadalawin doon.
Tumakbo ang babae paalis. Napatanong si Coquelicot sa sarili kung mukha ba siyang may sira sa ulo. Inayos ni Coquelicot ang dala niyang bag at tumingin sa paligid.
Puro puno ang paligid. Iilan lang ang tao. Nilingon niya ang matanda— wala na doon iyong matanda na nakita niya pati ang taxi.
Naglakad na paalis si Coquelicot. Masasabi ni Coquelicot na maganda ang lugar— maraming puno at maaliwalas isama pa na tahimik.
"Ngunit saan ako matutulog? Maya-maya didilim na," ani ng babae. Tumingin siya sa paligid. Mukhang wala din siya matutuluyan doon.
Napatigil si Coquelicot sa paglalakad. May nakita siyang mukhang maliit ma hotel. Natutuwang tumungo doon ang babae. Pumasok ang babae sa loob at sinabing kukuha siya ng isang room.
"I.D ma'am? Credit card ba or cash," tanong receptionist kaharap ang isang computer.
Napatigil si Coquelicot. Hindi niya nadala ang I.D niya kahit school I.D kailangan niya ba iyon? Inalis niya ang bag niya sa pagkakasabit sa likod niya at hinalungkat iyon.
"Ha! Wala akong I.D," ani ni Coquelicot. Mga damit at pagkain lang dala niya. Sinabi ng receptionist na hindi pwede pumasok doon si Coquelicot ng walang kahit anong I.D.
Bagsak ang balikat na lumabas ng maliit na building si Coquelicot. Napatigil si Coquelicot matapos may batang humila ng bag niya.
"Oy bag ko!" sigaw ni Coquelicot. Hinabol niya ang bata. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa makarating sila sa main street.
Marami ng sasakyan. Tumawid si Coquelicot at hinahabol pa din ang bata.
"Oy ibalik mo iyang bag ko!" sigaw ni Coquelicot. Kahit napapagod na si Coquelicot ay patuloy pa din ito sa pagtakbo. Hanggang sa naisipan niya gumamit ng shortcut para hulihin ang bata.
Tumingin-tingin siya sa paligid. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ng kuya Graphite niya.
"Kung mas mabilis tumakbo sa iyo iyong target mo humanap ka ng paraan para mahabol mo siya. Humanap ka ng shortcut. Gamitin mo ang mata mo."
May nakita si Coquelicot si Coquelicot na limang eskinita na dadaanan ng bata. Lumiko so Coquelicot. May nakita siyang pader at sumampa siya doon.
Tumakbo ang babae at mula sa itaas nakikita niya ang bata na luminga-linga para tinitingnan kung nakasunod pa siya.
Pumasok ang bata sa pangalawang eskinita. Tumakbo si Coquelicot ngunit— inatake na naman siya ng kalampahan.
Natalisod siya sa naka-usli na bakal at nahulog.
"Kyahh!"
May naupuan siya at napatigil siya matapos makitang tao iyon. Nanlaki ang mata ni Coquelicot.
Napatigil din ang babae matapos mapansin na hindi lang din siya ang tao doon. Marami siyang nakita na pares ng sapatos.
Dahan-dahan inangat ni Coquelicot ang tingin. Lahat ang mga ito naka-suit at may mga baril except doon sa pinaka-gwapong guy na nakita niya.
Naka-pula itong longsleeve. Deep gold ang eye color. Natulala si Coquelicot matapos magtama nag mata nila.
Akala niya immune na siya sa mga gwapong lalaki dahil sa mga kapatid niya ngunit hindi pa pala. Iba kasi ang level ng lalaking ngayon ay nasa harap niya at walang buhay ang mga mata na nakatingin sa kaniya.