Chapter 06
3rd Person's POV
Ipinasok ni Coquelicot sa bag niya na may design na puppy ang mga foods na binibigay sa kaniya ni Chartreuse. Water, tinapay— maraming junkfoods at chocolate.
"Sorry baby Peridot. Need kita ngayon basagin para sa future ni mommy," ani ni Coquelicot habang nasa ibabaw ng kama. May apat na piggy bank sa harapan niya. May hawak ngayon si Coquelicot na maliit na hammer.
Nakapikit na pinukpok ni Coquelicot ang unang piggy bank. Agad iyon na nabasag. Binuksan ni Coquelicot ang isang mata.
Bumungad sa kaniya ang napakaraming pera na papel at bariya. Tiningnan niya iyon at agad na kinuha.
Nilagay niya iyon sa wallet niya at nilagay lahat doon ng ipon niya. Balak niya umalis sa mansion ng mga Blood.
"Tama pupunta ako sa malayo. Adventure," ani ni Coquelicot at tinaas ang kamay. Sinuntok ang hangin hanggang sa mapako ang tingin niya sa family picture nila na nasa study table niya.
Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa table. Inabot niya ang picture frame. Tiningnan iyon at tinitigan ang mga kapatid.
Sinira niya iyong frame. Kinuha ang family picture nila at lumapit sa bag niya. Nilagay niya ang picture sa bulsa ng suot niya na coat. Kinuha na ang bag niya.
"Babalik ako dito kapag alam ko na ang gusto ko gawin in future," ani ni Coquelicot. Lumingon ang babae sa pinto bago tinahak ang daan patungo sa veranda.
Malalim na ang gabi 'non at papasikat pa lang ang araw. Lumapit siya sa railing at tiningnan ang ibaba ng palapag.
—
"Pinuno?"
Nahila ng lalaki ang hininga matapos tumayo ng ayos mula sa pagkakatayo nito sa gitna ng madilim na abandonadong gusali.
Yumuko ang lalaki at sinabing pinatatawag ang lalaki ng ina nito. Dalawa lang ang nanatiling nakatayo ss pwesto.
Iyong iba pang tauhan ay napaatras. Walang naririnig na ingay except sa hinihilang bakal na tubo ng lalaki ngayon ay unti-unting minulat ang mga mata.
Deep gold eye color— napuno ng takot ang mga tauhan na nandoon at yumuko. May lalaking nasa 28 years old ang lumabas galing sa madilim na bahagi ng gusali.
Gumuhit ang liwanag mula sa kalangitan— nakita nila ngayon ang binata na naliligo sa dugo.
Tambak na katawan sa paligid ng gusali. Umaagos na dugo galing sa direksyon na pinanggalingan ng lalaki na sumasama sa tubig ulan na galing sa labas.
"Pinauuwi kayo ngayon ni madam. Sumabay na daw kayo sa dinner mamaya," ani ng lalaki. Binitawan ng lalaki ang hawak na tubo. Nilampasan niya ang lalaki.
"Sabihin mo na busy ako," malamig na sambit ng lalaki. Sumunod ang lalaki.
"Citroen Zoldic! Kapag hindi ka pumunta ngayon dito sa mansion within 30 minutes isa sa mga alaga mo ang gagawin kong leather shoes."
Napatigil si Citroen matapos marinig iyon. Lumingon si Citroen— napangiwi ang isa sa dalawang tauhan. Nagkakamot ito sa ulo. Record iyon ng call nila kanina ng ina ni Citroen.
Mula sa itim na kotse— lumabas si Citroen. Balot pa din ito ng dugo at para asarin ang ina dala pa din nito ang murder weapon.
Napasinghap ang mga katulong at mga taong nasa loob ng mansion matapos makit si Citroen. Ang isa sa anim na tagapagmana ng mga Zoldic.
May mga bisita. Nakaupo doon ang limang kapatid ni Citroen na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin.
"Nasaan ang manners mo Citroen?" tanong ng ginang. Lumapit si Citroen at hinagis ang hawak niya na tubo na puno ng dugo.
"Mom, dog doesn't know the word manner. I don't have any," sagot ni Citroen. Naiyukom ng ginang ang kamao. Umupo si Citroen sa upuan. Sinabi ni Citroen na kumain na sila.
Lahat ay nakatingin sa kaniya. Nag-excuse iyong babae habang nakatakip ang ilong. Dahil sa natutuyong dugo na nasa katawan ni Citroen— masangsang ang amoy 'non.
Hindi nag-abala si Citroen na gumamit ng kubyertos. Kinuha nito ang karne sa plato at kumain.
Tumayo ang ginang. Sinampal si Citroen. Nahulog sa table ang hawak na karne ni Citroen. Ngumuya si Citroen at tiningnan ang ina.
"Hindi mo ba talaga ako bibigyan ng kahit kaunting kahihiyan Citroen?" tanong ng ginang. Tumayo si Citroen at madilim ang anyo na tiningnan ang ina.
"Hiya? Meron ka ba 'non mom? Pagkatapos mo kami iwan ng ilang taon babalik ka dito na parang walang nangyari? Maga-act ka na parang napakabuti mong ina. Ipapakasal ako kung kanino— para saan? Magmukha kang may pake sa future ko?" tanong ni Citroen. Nagsukatan ng tingin ang mag-ina.
"Ganito ako mula pa 'nong una at pinanganak ako mom. Huwag ka ng mag-expect na magbabago katulad ng sa mga novel or fairytale na kapag nakatagpo ng prinsesa, woman or whatever about— magbabago ako at maiintindihan kita."
Umalis si Citroen. Umakyat ng hagdan at sumigaw mula sa itaas. Sinabing ihanda na ang room niya.
Tiningnan ng ginang ang iba pang mga anak na tumayo. Hindi nito ginalaw ang mga nasa plato kahit pa halos 40 minutes na din nandoon ang mga ito. Umalis ang mga ito sa dining area na para bang walang nangyari— hindi siya nage-exist.
Lumabas ang mga ito ng mansion kasunod ang mga tauhan. Nanatili sa table ang mga nakausap na pamilya ng ginang para ipakasundo ang anak sa isa sa mga anak niyang lalaki.
"I think kailangan natin mas i-consider pa iyong sa wedding ng mga anak natin. Iisa naming anak si Hannah," ani ng ginang na medyo worried at nagdadalawang isip na sa aggreement nila ng ginang.
Matapos mag-shower ni Citroen— lumabas siya ng bathroom. Nakaipit ang maliit na towel sa bewang niya. Tinatakpan ang ibabang bahagi ng katawan niya.
Tiningnan ni Citroen ang kabuuan ng katawan niya sa full size mirror na nasa gilid lang ng kama.
May tattoo na mga bulaklak sa kaliwang bahagi ng katawan ni Citroen— may nakapulupot na ahas sa bulaklak.
Puno ng maliliit na cut ang katawan ni Citroen hanggang sa mga braso. Tumalikod siya at lumapit sa closet. Sa likod ni Citroen may napakaraming bakas ng latigo.
Binuksan ni Citroen ang closet at kumuha ng itim na longsleeve at jeans. Sinuot niya iyon at iniwang bukas ang tatlong butones ng longsleeve. Inangat ni Citroen ang tingin— sinara ng lalaki ang closet.