III: The Permitted

2375 Words
Trisha's POV: Hindi ko mapigilang hindi mainggit kay Venus sa sitwasyon namin ngayon. Simula pa kanina nang iwan ako ni bhie hanggang ngayon na magkakaharap na kami dito sa may tapat ng kotse nya ay hindi na naalis ang mata niya sa kanya. Para lang hindi ko sila mapansin ay ginawa kong busy ang sarili ko sa cellphone ko, ngunit hindi ko magawang makapag focus dahil naririnig ko pa din ang malambing nilang pag-uusap. Na kahit ng tanungin ako ni Venus kung may dala akong kotse ay dito pa din sya nakatingin. Hindi ko man sya tinitingnan ay alam ko kung saan at kanino sya nakatingin na kahit ang nakakagulat nyang pagyakap at paghalik niya dito ay aking nasaksihan kaya hindi ko naiwasan ang panlakihan sila ng mata. “Hooh…” Isang buntong hininga ang aking pinakawalan ng nagsimula na silang maglakad papunta sa kotse ni Venus. Akin silang pinagmasdan at ako’y nanatiling nasa likod ni bhie hanggang sa makaalis sina Venus. "Tara na!" Walang ganang yaya ko sa kanya dahil nananatili syang nakatingin sa nilabasan ng kotse ni Venus kahit ilang minuto na itong nakaalis. "Tara!" Halata mang hindi nya ako inaasahan sa likoran nya ay mukhang excited nya pa ding yaya pabalik bago hinawakan ang kamay ko papunta sa kotse nya at inalalayan akong makasakay dito. "Gutom ka na ba?" May pag-aalala nyang tanong sakin habang inaayos ang aking seatbelt. “Ang sweet niya talaga” "medyo….” Nahihiya kong tungon sa kanya at di ko naiwasang tumungo dahil ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi. “Saan tayo kakain? Sabi mo sabay tayo mag snack diba?" Agad kong sabi ng mapansin kong aasarin nya na ako bago ko itinuon sa daan ang aking paningin. Marahil ay napansin nya ang pamumula ng mukha ko kanina. "oo nga, so saan mo gusto kumain?" ngingiti-ngiting sabi nya pa bago nagsimulang magdrive palabas ng school. Mahahalata mo sa mga ngiti nya ang nais na pang-iinis pero pilit na iniiwasang gawin. “tssskk” Sa halip na ituon sa kanya ang aking atensyon ay agad akong nagcheck sa google map ng malapit na korean restaurant at….. ayuun..... "Samgyupsalamat na lamang tayo bhie... please!!!!" pagpapacute kong sabi sa kanya. "Okay." Nakangiting sagot nya, saka nagfocus na sa pagmamaneho. "bhie pwede daan tayo Sarang Mart Kalayaan Branch? Bibili lang ako ingredients sa Kimbap na gagawin ko.. please...." muli kong pagpapacute sa kanya ng maalala kong gagawa akong kimbap mamaya for dinner. Tumango lang sya at ngumiti nang pagkatamis-tamis... (Nakakainlove talaga sya) Pagkadating namin sa restaurant ay nauna syang bumaba, pinagbuksan ako ng pinto at inalalayang bumaba. (ang gentleman nya talaga... MY GHAAAADDD!!) Sabay kaming pumasok sa restaurant ay agad akong naghanap ng puwesto namina at naupo doon. Agad naman kaming sinundan ng waitress para bigyan ng menu. Ako ang pumili ng kakainin namin at nananatiling nakangiti lang si bhie habang pinagmamasdan ak, naiilang man ay nagsimula ko na ding sabihin sa waitress ang order namin. “Ate, isang unli samgyupsal set.” Nakangiting sabi k okay ate. “Anu pong flavor ng meet and side dishes?” tanong nya pa. “Gochujang (sliced pork belly with sweet & spicy sauce); Bulgogi (Korean BBQ beef in sweet soy sauce); Sarsa beef (beef with sweet-style Filipino sauce) para sa meat tapos para sa side dishes umorder ako ng Lettuce; spinach; Steamed egg; pan fried korean zucchini (Hobak Jeon); Gamja Jorim (korean Braised potatoes); Korean macaroni Salad and Kimchi.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lamang sya bago umalis para ihanda ang inorder ko. Maya-maya pa’y unti-unti nang inihilera ng waitress ang mga side dishes, meat at saka binuksan ang kalan para sa paglulutuan ng mga ito. "dami naman nyan? Kaya ba natin ubusin yan? Your teacher is waiting in class. " natatawang tanong sakin ni bhie habang isa-isang tinitingnan ang mga ito. Nang malagay sa mesa yung order namin natawa talaga siya kase ang dami nung side dishes pa lang. hahaha....... pero sulit naman. Sinusubuan nya pa ko tapos sya yung nagpiprito ng meat tapos kain lang talaga ako. Ang dami naming pictures together kaya tawa ako nang tawa sa kaniya. "Saan na tayo?" tanong nya nang matapos kaming kumain at naglalakad na palapit sa kotse nya. "Sa Korean mart bhie. Promise madali lamang tayo. " sabi ko sabay taas nang kamay. "Okay, okay, kahit magtagal ka pa. Alam mo namang basta kasama kita kahit na gabihin pa ako , e okay lang. hahahah" sabi nya pa bago pinaandar ang sasakyan at nagfocus sa daan.. “namula naman ako dun. Hihihihi” Nang makarating kami sa Korean mart ay sa likod kami nagpark kase wala ng space sa unahan. Syempre nauna na naman siyang bumaba tapos inalalayan nya ko ulit makababa at magkahawak kamay kami pumasok dito. Sya pa ang kumuha nang cart ko at nagtulak nito kaya nakangiti akong umuna na paglalakad at nakangiti din syang nakasunod sa akin. Venus' POV: "Uwi ka na ba o samahan mo ko mag grocery?" tanong ko kay Fatima habang nakatingin sa kalsada. "gutom na ko Reighn. Jollibee muna tayo tapos daan tayo grocery bago ako uwe. Okay yun diba?" sabi nya pa habang ngi-ngisi-ngisi nang tumingin ako sa kanya saglit. "Langhiyang ito, hindi pa pala uuwe, akala ko naman ay nagmamadali. Hindi pa naman ako sumama kay Love mag-snack, baka tampo na naman yun." "tsskkk.... anu pa nga ba.." yamot na sabi ko sa kanya kaya nagderetso kami sa Jollibee which is sa tapat nang sangyupsalamat. "Ayaw mo magsangyup?" tanong ko sa kaniya nang makapark kami sa Jollibee. "tag-tipid ako ngayon e pero kung libre mo ko e di sige." Wala sa sariling sagot nya habang nagkakalikot ng phone nya. “Anu kaya naming kinakalikot nito?” “Anu kaya naming kinakalikot nito?” "abusado ka huh. Tara na nga. Iwanan kita dito e" kunyaring yamot na sagot ko sa kanya bago nauna nang bumaba ng kotse ko. Tatawa- tawa syang sumunod sakin at sya na din ang umorder ng food naming pagkapasok namin sa loob. Pagka-upong pagka-upo pa lang nya e ang dami na nyang kwento tungkol sa kung anu-ano at ako ay kunyaring nakikinig pero may ibang sumasagi sa aking isip. (Wag kayong ano dyan. Sanay na sakin iyan!) "Reighn, may napapansin ka kay jowa mo at kay Trish?" biglang tanong nya pa kaya napalingon ako sa kanya. "Gaya nang???" walang ganang tanong ko bago muling kumagat ng burger. "Masyado silang close nuh?" -- "Talaga? Parang hindi naman..” walang ganang sabat ko sa kanya bago pa ko may marinig na hindi ka aya-aya sa pandinig ko, saka ko inubos ang burger ko. "Manhid ka talaga!" Sabi nya habang nag- aayos na at waring tapos nang kumain. "Hindi ako manhid, Malisyosa ka lang talaga! Tara na nga, gagabihin tayo e.” walang ganang sabi ko bago pinunasan ng tissue ang labi ko at dinampot ang bag ko saka nagpatiuna na paglabas. “Kung anu-ano napapansin.. tssskk” "Kapag lang talaga naagaw yang jowa mo, wag kang iiyak- iyak sakin huh. Kung hindi...." natigilan sya kaya napatingin ako sa kanya at sa tinitningnan nya which is sa may sangyupsalamat. “Parang kotse yun ni love ah” "Ano yon?~~~” nagtataka kong tanong sa kanya kahit may napansin ako pero hindi ko sigurado kung tama yung nakita ko, baka kase kaparehas lang. "Wala, tara na at mamimili ka pa diba." Sabi nya sabay sakay sa kotse na hindi ko napansing nabuksan na pala nya. “Wow! kotse mo teh? Lintek na to!” Fatima's POV: Pagkasakay nya ay agad kaming nagderetso sa favorite Korean mart nya dito sa Kalayaan. Mahilig kase syang magluto at isa yun sa isinusulat nya ngayon sa blogs nya kaya malimit kami dito. Hindi nya ata napansin yung kotse ni Kurt sa tapat kaya hindi ko na din inusisa. Sana lang mali ang hinala ko na kasama nya si Trisha. "My ghadddd Kurt isa kang malaking gago, pag tama ako." "bakit tayo palikod? e may space pa dun sa bukana kita ko" taka kong tanong sa kanya ng mapansin kong dederetso sya sa parking lot sa likod ng store. "Meron ba? sorry naman hindi ko nakita e.." sabi nya na napakamot pa sa ulo at saka muling ipinihit ang kotse sa space na tinuro ko at agad na nag park doon. Pagkababa namin sa kotse ay agad kaming pumasok sa store. Kumuha kami nang sariling push cart at naghiwalay nang way dahil may balak akong bilhin kaya humiwalay ako sa kanya. "Kita na lang tayo sa counter huh may ichecheck lang ako dito." sabi nya pa at saka nagderetso sa aisle ng mga frozen goods at ako naman ay dumiretso na din sa aisle ng mga noodles and snacks. "plaank!!!!.............. “hm..” Napalingon ako sa kabilang rack ng noodles dahil sa lakas nang tunog na parang may nabasag. "ano yun?" rinig kong sabi ng guard na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad. "bhie okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" Narinig ko pang sabi nang isang lalaki mula duon na kaboses ni………. "aay........" Bago ko pa makita kung sino yung nagsalita ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Reighn kaya napatakbo ako kung nasaan sya. "Sorry miss, I didn't see you." sabi ng isang lalaki sa kanya. Rinig kong sabi sa kanya ng lalaki na kasalubong ko sa pwesto nya at nang Makita ko syang hirap sa pagtayo ay agad ko syang dinaluhan. "Okay ka lang ba? Ano nangyari sayo?" agad kong tanong sa kanya at inalalayan pa syang maglakad. "Nagulat kase ako dun sa nabasag ba yun e hindi ko napansin may tao pala sa likod ko e di nya rin ata ako kita ayun natumba ako. Sakit ahhhh... tssskkk!" mahabang litanya nya habang nakahawak sa puwitan nya, pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi sa dalawang taong mabilis na nagbabayad sa counter. Gustuhin ko mang tanungin si Reighn about sa dalawa ay hindi ko magawa dahil siguradong sigurado ako na masasaktan sya kapag nakita nya ang mga ito. "Anu nga ba yun, nakita mo ba? Dun ka sa part na yun diba kanina dumaan?" Hindi ko pa din iniintindi si Reighn kahit alam kong andami-dami nyang sinasabi. Dahil pinagmamasdan ko ang dalawang gago na mahahalata mong nagmamadali at may tinataguan dahil panay ang lingon ng babae sa paligid at mabilis na naglakad papuntang backdoor nang matapos magbayad sa counter. "Huy ano ka ba? Tutunganga ka na lang ba dyan?" galit na sabi ni Reighn kaya napalingon ako sa kanya at mukhang hindi nya napansin ang dalawang mabilis na nakalabas ng pinto. "PESTE LANG TALAGA!!! hooh" gigil akong lumingon sa kanya at hindi napigilang bumuntong hininga bago ko piniling magsalita sa kanya. "Nabili mo na ba lahat nang kailangan mo nasa may unahan yung bibilhin ko e?" pagdadahilan ko sa kanya kaya wala sa kanya yung atensyon ko. "oo, nakuha ko na lahat nang kailangan ko dito. Tara na dun at gabi na!" "Huy! Tara na! Iiwan kita dyan. Bahala ka maglakad pauwe." galit na sabi nya sakin dahil hindi ko pa din maalis ang tingin ko sa may pinto which is sa kotseng dali-daling umaalis sa parking lot ngayon, saka dere-deretsong naglakad papunta sa counter at iniwan ako. Venus' POV: “Kanina ko pang napapansin na wala sa sarili itong si Fatima at gigil na gigil huh. Kala mo naman ay sya yung naitumba nung lalaki. Tsskk!.” Ano kayang tinitingnan nito sa labas? Tumingin ako duon pero wala naman ako nakitang kakaiba. Ano kaya iniimagine nito? ” "Huy! Tara na! Iiwan kita dyan. Bahala ka maglakad pauwe." bulyaw ko sa kanya bago dumiretso sa counter. "Bahala sya dyan." "Miss can you punch it first? I'm just in a hurry!" sabi nang lalaki na nakabangga sakin kanina. "But sir~~~” may pag-aalangang sagot nya sa lalaki ng bigla itong sumingit sa harapan ko kaya di ko napigilang hindi magsalita at galit akong tumingin sa kanya. "WAIT! ARE YOU ASKING HIM TO PUNCH ALL OF THESE FIRST??? ALL OF THESE?" pasigaw na sabi ko sa kaya. "Takteng lalaki ito, akala ata e isa lang binili nya at sya lang ang nagmamadali." "Miss, It's not too many, It won't take longer. Please let me go first." madahan nyang sabi. "tang -inang ito, mauubos English ko e" "NO! MISS PUNCH MINE FIRST AND HIS AFTER!" sabi ko naman sa kahera. "Bahala ka dyan!" kring! kring! "tss..." asik nya bago binunot ang phone nya ng tumunog ito. "Hello! Wait me up there, don't go anywhere, I'm just buying some snacks. Give me 5 more minutes.... toooooooot.........." "hoooh..." Makikita mo yung inis nya sa sitwasyon pero ayaw nyang makipagtalo sa akin kaya sinenyasan ko yung kahera na ipunch na yung pinamili nya. "kawawa eh, mukhang nagmamadali talaga sya!" "Sir, Php. 2500. 00 po. "huh?" gulat na tanong nya sa kahera. "Php. 2500. 00 po for your purchase. "Are you accepting card?" "I'm so sorry sir but we're not accepting card as of the moment. " "Oh but... " "How much do you have there, maybe I can lend you some." agad na tanong ko sa kanya. Nagulat naman sya sa tanong ko at hindi makasagot. "Please punch mine so I can help him." sabi ko sa kahera na agad namang sumunod. "Php. 1879.00 po ma'am." "Here." Abot ko sa kanya ng Php. 2000.00. "Ma'am here's your change Php. 121.00. Thank you and come again" nakangiting sabi nang kahera sa akin. "Here!" Inabutan ko sya ng Php. 3000.00 para makabayad sya sa counter. "thanks.. I'll pay you when I see you. I promise.." sabi nya bago dali-daling umalis na hindi na nakuha ang sukli sa sobrang pagmamadali. "Here's his change ma'am, Php. 500.00. Thank you and come again. " Nginitian ko lang ang kahera at naupo sa labas habang nag-iintay kay Fatima. Kring! Kring! Agad kong hinanap ang phone ko para sagutin ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Hello!" "Where are you, pamangkin?" "Korean Mart sa may kalayaan tito. Bakit?" "Nothing, I'll wait for you at home. See you later. Mwaaahhh" Nangingiti kong binaba ang phone at nilagay muli ito sa bag. Ngunit agad ding nawala ang aking ngiti nang may mahagip ang aking mga mata. “Why do I feel that the car in a far is so familiar to me?” ---susunod---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD