II: The Unfortunate

1647 Words
Trisha's POV: Nang makalampas sila sa room ay agad din akong naglabas at tumambay muna sa may hagdanan dahil dito ang way papunta sa room nya. Habang nag-iintay sa may hagdan ay sinikap kong pagmukhaing tambay lang ako doon at nag-iintay ng time para sa sunod na klase. "Ang tagal mo naman magpaalam?" Halos pabulong kong angil sa kanya habang nananatiling nakatingin sa paa ko. ( Alam kong sya yung nasa harapan ko dahil tanda ko ang amoy ng pamango nya.) "Sorry! Baka kasi makahalata si Venus kapag nagmadali ako, kaya inantay ko pa syang makapasok sa room bago ako umalis." Malambing nyang sagot sabay hawak sa mga kamay ko. "Bakit kase ayaw pang makipag-break e?" naiirita kong tanong at tumingin sa kanya. "Hindi ba napag-usapan na natin yan. Sabi ko naman sayo ay papatapusin ko lang ang graduation.....~~~~" "sige na,, sige na.. daming beses ko nang narinig yan... paulit ulit na.." pagputol ko sa sinasabi nya at saka ako umayos ng tayo. "sabay tayong mag-snack mamaya huh" nakangiting sabi nya pa at muling hinawakan ang kamay ko. Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnggggggggg!!!!!!!! "Pasok ka na kita na lang tayo mamaya sa parking lot. Wala akong dala kotse kaya hahatid mo ko huh?" sabi ko sa kanya saka binawi ang kamay ko sa mga kamay nya. "sige.. una ka na. Sa tingin na lang muna kita maihahatid pero promise next time~~~~~~" "OO NA!" sabi ko sa kanya at saka mabilis na nagpasok sa classroom. Buti na lang nung pumasok ako ay wala pa si sir. Agad akong naupo sa upuan ko at kinuha yung favorite kong book which is entitled as “You’re Beautiful” written by Venus Reighn Sy. Nang maalala kong sya ang sumulat nito sy hindi ko na naman napigilan ang mapaisip kung gaano kalaki ang pagkakaiba naming dalawa. "Bakit kase ang galing nya? Lahat na lang meron sya.Lahat na lang kaya nya. Pati yung mahal ko kanya pa! Buset na yan...." Nang magtayuan ang mga kaklase ko ay agad kong itinago ang libro ko at dumating na si sir Mike. E ang sungit din nito kaya nakitayo na din ako at bumati kay sir. Good afternoon sir!..sabay-sabay naming bati na tinanguan lang ni sir kaya naupo na din kami at sa pagkuha ko ng notebook ko para sa subject na ito ay muli kong nahawakan ang librong kaninang naitago ko na at hindi na namalayan ang nangyari sa paligid ko. "Alonzo.... "Alonzo...... "ALONZO!!!!" gulat akong napatayo dahil sa sigaw ni sir malapit sa pwesto ko. "Po?" nanginginig kong tanong sa kanya.. "Kanina pa kita tinatawag ah... Nasan ba yang utak mo?" Tanong ulit ni sir sa akin. "Sorry po.. hindi na po mauulit.." nakayuko kong sabi bago ako dahan-dahang naupo. "PINAUPO NA BA KITA?" Sigaw ulit nya kaya napatayo ako ulit. "Po???" "Po ka nang po hindi ka nakikinig... Nakakailang ulit na ko ng tanong ah?" galit nan yang sigaw sa akin. "I SAID COME HERE IN FRONT AND SOLVE THIS EQUATION." I need a matlab code that will solve this equation: x = 0.05t + 8.65ln(1 + (x/8.65)) when "t" is given? "What the F***!" "WHAT??" malakas na sigaw ni sir at ang lahat naman ng kaklase ko ay nakalingon sa akin na ipinagtaka ko. "HINDI PORKE'T PARTE KA NG STUDENT COUNCIL, E MAY KARAPATAN KANG MURAHIN AKO! (DON'T TELL ME NAISIGAW KO YUN? MY GHAAD TRISHA ANG TANGA MO!!) KUNG HINDI KA MAKAKASAGOT AY LUMABAS KA SA KLASE KO! LABAS!" pahiyaw nyang sabi.... Napatakbo na lang ako palabas dahil sa matinding pagkapahiya... "Aray!" sigaw ko nang mabangga ako ng kung sino at mapaupo sa sahig. Kita kong nagulat sya nang Makita nya akong mapaupo kaya dahan-dahan nyang hinubad ang headset nya at nagtataka nya akong tinitigan. "What are you doing there?" nagtatakang tanong pa nya sa akin sa halip na tulungan akong tumayo. Agad kong itinayo ang sarili ko at sumagot sa kanya. “BRADD!” malakas na tawag ng lalaki ang aking narinig sa di kalayuan. “WHA~~~~~~~” Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko sa kanya dahil mabilis nya akong tinalikuran at sumunod sa grupo ng mga lalaki na dumaan. “What a..... JERK! HINDI MAN LANG NAGSORRY O MAG-ABALANG ITAYO MAN LANG AKO.. NAPAKA UNGENTLEMAN NAMAN NON.” Hooooooooooo!!!! "Bakit ang malas mo ata ngayon Trisha? My ghaddd...." Hindi ko napigilang magnguyngoy habang inaayos ang sarili ko at ang mga gamit ko at saka ako nagsimula uling maglakad. Last class ko na yung kay Sir Mike kaya sa parking lot na ako dumiretso at may usapan kami ni bhie na magkikita at sabay na mag snack after class. Bago pa ko makaderetso sa kotse ni bhie ay natigilan na ako dahil nakita ko si Venus na nakasandal dito habang kumakain ng sandwich na binili nito kanina. “Bakit nandito na din sya? Tapos na ba ang klase nila?” Sa sobrang focus ko kay Venus ay nagulat pa ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko kaya napatingin ako dito at agad ko itong nginitian. Ngunit agad ding napawi ang aking ngiti ng mabilis syang kumalas sa mahigpit na pagkakayakap sa akin, marahil ay nakita na rin nya si Venus na nakasandal sa may kotse nya. Hindi ko nagawang magreact ng hindi na sya namaalam at basta na lang ako iniwanan para puntahan ang girlfriend nya na best friend ko."Ganito na lang ba palagi?" Tanong ko sa sarili ko habang nananatiling nakatingin sa kanila na ngayon ay masayang nag-uusap na. Kurt's POV: Krrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnggggggggggggg!!!!!!!!!!!! Walang paalam na lumabas si Ms. Sid ng tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at dahil ito na ang last class naming sa araw na ito ay mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at agad na inilagay sa locker ko bago mabilis na nagtungo sa parking lot dahil may usapan kami ni bhie na sabay na magsnack after class. Malayo pa lamang ako ay kita ko na sya na nakatigil sa may labasan papunta sa parking space kung saan ko ipinarada ang kotse ko. “Bakit kaya hindi sya sa kotse nag-antay? Takot lang siguro na may makakita sa kanya. tssskkkk.” Taka man ay nakangiti pa din akong lumapit sa kanya at agad syang niyakap mula sa likod ngunit di ko napigilan ang agad ding pagkalas nang pagkayakap ko sa kanya nang makita ko si love na nakasandal sa unahan ng kotse ko. Nasa lilim kase ng malaking punong kahoy ang kotse ko kaya masarap pa ding magpahinga doon kahit mainit ang panahon. Hindi ko na piniling mamaalam at agad ko syang iniwan at patakbong lumapit sa girlfriend ko na magandang nakangiti nang makitang papalapit na ako.. "Kanina ka pa love?" Malambing na tanong ko sa kanya. "Kani-kanina lang,,, maagang nagpaawas si sir e. Inatake daw si sir Mike ng sakit nya sa BSIT building kaya tinapos nya kagad ang klase." Nakangiting sagot nya habang umiinom ng yakult. "Gu--- gusto mo…. mag-sna-snack muna, love?" Nauutal ko pang sabi sa kanya dahil naalala ko ang usapan namin ni bhie kanina. “Sana hindi pumayag.” Bulong ko pa. “Huh?” takang tanong nya na mukhang narinig ang sinabi ko ngunit hindi naintindihan kaya malambing ko syang niyaya ulit para hindi na magtanong pa ulit. “Kung gusto mo ba kakong mag snack muna bago umuwi?” pabirong pag-uulit ko naman kahit ako’y nangangamba sa magiging sagot nya. “A…. bakit kase pabulong kung sabihin… hahahahah.” Malakas na tawa nya bago unti-unting ngumiti at aktong tatango na ng sabay kaming napalingon sa dalawang parating na animo’y mga modelong nagpapagandahan ng postura sa paglalakad. "Hi beshhhyy!! O hi Kurt!!!" Masiglang bati ni Bhie pagkalapit nya sa pwesto naming ni love na sinundan naman ni Fatima na agad naming lumapit kay love. "Reighn wala susundo sakin today...." marahang sabi nito kay love kaya napatingin sa kanya si love. "O???" Taas kilay nyang tanong sa bespren nya. “Ganan talaga sya makipag-usap kahit kanino, sakin lang hindi. "PERO GINAGAGO MO NAMAN!!" "ANONG O? E di sasabay ako sayo.." nakangiting sagot naman nya.. Tumingin sakin si love at napapout.. “ang cute nya talaga.” At saka tumingin kay Trisha. "Dala mo kotse mo beshhhyy?" Tanong nya pa dito na sa cellphone nito nakatingin. "Wala e. Nasa pagawaan diba?" Sagot naman nito habang patuloy na kinakaliko ang cellphone nya. "Love, pwede next time na lang tayo mag-snack? Hahatid ko pa si Fatima tapos mamimili pa ko ng grocery sa bahay. I think Kailangan ko ng umuwi. Okay lang ba?" nagpapacute na tanong nya pa sakin. “Yes! este iyan ang problema sa kanya, hindi sya makahindi sa mga kaibigan nya.. hayyy....)” Pilit kong itinago ang aking ngiti at saka kunwaring nanlulumong tumango sa kanya. "Ano pa nga ba? E paano si Trisha?" Tanong ko pa sa kanya, kunwaring hindi ko alam kung saan sya sasabay pauwe kahit alam kong sakin din sya nito ipasasabay. "Love… Pwede ikaw na lang ulit maghatid sa kanya, parehas naman kayo ng way pauwe...? PLEASE!" Malambing nyang sabi sakin saka humawak sa braso ko. Kunyaring seryoso kong tinignan ang kanyang mga kamay na nakahawak sa akin bago tumingin sa maamo nyang mga mata. Nang maramdaman kong aalisin nya ang mga iyon sa pagkakakapit ay agad kong hinila ang mga iyon at iniyakap sa akin. Nang itunghay nya ang kanyang mukha sa akin ay agad ko syang hinalikan sa noo. Nakangiti syang kumalas sa akin at magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kotse nya. Hindi naman nakalampas sa aking paningin ang nagging reaksyon ni bhie sa ginawa ko kay love. “I’m sorry!” walang himig kong sabi ng magtama an gaming mga mata. "Sige na.. kita na lang tayo bukas. Ingat kayo huh! Love you!" Sabi ko sa kanya saka sya sumakay. Bumusina pa muna sya bago pinaandar ang sasakyan paalis. "Tara na!" Walang ganang tanong ni bhie na hindi ko namalayang nasa aking likuran na. ---susunod----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD