IV: Anxious

1362 Words
Trisha's POV: Plaank... Nabigla ako nang makita ko si Venus at Fatima na pumasok sa front door ng mart kaya nabitawan ko yung hawak kong syrup bottle."buti na lang hindi babasagin to, kundi bayarin pa sana. Ano ba kaseng ginagawa nila dito?" "Bhie okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Kurt sakin na may himig na pag-aalala. "o-okay lang ako. Na-Nabitawan ko lang to. Bu-Buti na lang hindi babasagin nuh? hihi.." pabulong kong sabi sa kanya bago hilahin sya sa counter. "Ito lang ba bibilhin natin?" nagtataka nyang tanong sakin. "o-okay na iyan, bayaran mo na please." pakiusap ko sa kaniya habang paling-linga sa paligid. "Tanga-tanga mo kase Trisha, mahuhuli pa tuloy kayo! BUBU!" "Thanks!" Sabi nya sa kahera na sa sobrang lutang ko ay hindi ko naintindihan kung magkano yung mga pinamili ko. "my ghaaaadd!!" "Tara na" sabi ko sa kanya saka humawak pa sa braso nya at halos kaladkarin ko sya palabas ng mart. Nang marating namin ang kotse nya ay inalalayan nya pa din akong sumakay sa kotse kahit na mapapansing nagtataka sya sa ikinikilos ko simula pa kanina. "Okay ka lang ba? Para kang takot na takot? May masakit ba sayo? Sabihin mo?" sunod-sunod na tanong na naman nya na humarap pa muna sa akin para tingnan akong maigi matapos nyang ayusin ang seatbelt ko. "mamaya ko na ipapaliwanag. Umalis na muna tayo. Please!" pakiusap ko sa kanya kaya dali-dali na nyang pinaandar ang kotse. Hindi ako halos humihinga kanina kaya mas ramdam ko yung paghinga ko ngayon habang palayo kami sa Mart. Hindi ko sya magawang tingnan o intindihin dahil hindi ko din maalis ang tingin ko sa Korean mart. "Anung nangyare?" Takang tanong ko sa kaniya nang maramdamang namatay ang sasakyan. Ngunit sa kamalas- malasan nga naman, tumirik ang kotse namin sa may tapat ng Mart malapit sa front door kung saan kita kong may babaeng nakaupo at kung hindi ako nagkakamali ay si Venus yung nakaupo sa labas at nakatingin sa pwesto namin. "Tang-inang pagkakataon nga naman!" "Tumirik tayo..." mahinang sagot nya habang sinusubukang paandarin ang kotse Broom... vvvvv... Broom... vvvvv... Broom... vvvvv... Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Venus na alam kong nakatingin sa pwesto namin pero mukhang hindi kami makilala. “Nagpapasalamat ako at nearsighted sya.” "Wait, Try kong salinan ng gas baka naubusan lang." Agad na sabi nya bago dali-daling bumaba at dali-daling kinuha ang gas sa likod ng kotse bago pa isinalin ito sa kotse. Hindi ko halos matanggal ang aking mga mata kay Venus na tanaw ko mula sa pwesto namin. Mas lalo pa kong kinabahan nang matanawan ko si Fatima na palabas ng mart. "LETSE TALAGA!" "matagal pa ba yan Kurt?" halos pabulyaw kong tanong sa kaniya, dala nang sobrang kaba. Nakikita kong naglalakad na ang magkaibigan papunta sa kotse siguro nila at hindi inaalis ni Fatima ang kanyang paningin sa pwesto namin. "ito na ba yun?" hindi ko mapigilan ang maisip na baka mahuli kami at dahil doon ay lalong hindi ko na halos maramdaman ang aking paghinga. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Maya-maya pa’y naramdaman kong sumakay si Kurt at muling binuhay ang makina ng kotse. Vroom... Vroom... "okay na bhie. Relax ka lang. Iuuwe na po kita" natatawang sabi nya pa bago dahan-dahang minaneho ang kotse paalis sa lugar na iyon. Umaandar man ang kotse ay hindi ko pa din napigilang lingunin ang kotse ni kotse ni Venus na ilang metro na lang ang layo sa amin. Hindi mawala ang kaba sa aking dibdib na baka makilala nya ang kotse ni bhie ngunit laking pasalamat ko at kailangan pa nilang lumiko sa kabilang way para makalabas nang parking lot. "imagine nyo na lang yung parking lot na may entrance and exit!" kaya bago pa nila kami makilala ay malayo na kami. hooooooooooooh......... isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan nang makalayo kami sa dalawa. "okay ka lang? Mukha kang may tinatakasan ah.. kanina pa kitang napapansin na parang alalang-alala. May problema ba?" sunod-sunod nyang tanong habang palinga-lingang tumitingin sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata at dahil ayaw kong mabuksan ang topic sa kanila ni Venus ay pinilit kong ngumiti bago sumagot sa kanya. "okay lang ako, nagmamadali ako kase darating daw si mama. nagmessage sya kanina. Alam mo namang hindi kami okay nun diba?" nakangiti pa ding palusot ko sa kanya bago tumingin sa labas ng bintana at tumahimik ulit. Maya-maya pa’y muli akong lumingon kay bhie at dahil focus sya sa pagmamaneho ay hindi nya ako napansin. Dahil sa nakakabinging katahimikan sa kotse ay binuhay ko ang radyo nya at ako’y natigilan sa kantang nagplay dito at hindi ko naiwasang lumingon ulit kay bhie na nakatingin din pala sa akin. Mmmm Cause I thought of forever with you and me And I thought that you'd never ever wanna leave When I look at you my heart my skips a beat And I'm speechless I wanna love you til the sun rises In the morning where I see the sun shining On your face and I won't leave Til it's just you and me But it's all a dream -Dream by Donny Pangilinan and Andreah- "Pesteng Kanta. Sa dinami-dami ng kanta bakit naman ito pa? Ang kantang inialay nya kay Venus 2 years ago para sagutin sya." Agad kong binawi ang aking tingin sa kanya at inis kong pinatay ang radio. Muli akong tumingin sa labas nang bintana at hindi na ulit tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay bhie, e alam ko naman na ako ang may gusto nitong nangyayari sa amin. Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit ganito ang nangyayari sakin. "Lagi na lang pakihati sa lahat nang bagay, PESTENG BUHAY ito." Venus' POV: "Tara na? San ka nakatingin?" Takang tanong sakin ni Fatima habang pilit ding inaanina yung pwestong tinitingnan ko. “Reighn ~~~~~ "Wala yun, tara na at inaantay daw ako ni tito Travis sa bahay. " sabi ko sa kanya bago lumakad papunta sa kotse ko at hindi na sya inantay pang matapos sa pagsasalita. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa pwestong yun dahil pakiramdam ko familiar sakin ang kotseng yun pero di ko lang talaga maaninag nang husay. Medyo malayo kase sa pwesto ko at habang papalapit kami nang papalapit ay umaandar na ito. Kaya inantay ko lang na makasakay si Fatima at saka nagsimula nang magmaneho. Nakafocus ako sa daan at kahit malayo na ay pilit ko pa ding inaaninag ang kotsend yun pero dahil sa dami nang naunang kotse sa amin palabas ay hindi na naming naabutan ang kotseng iyon. "Sino yung boy na kabulyawan mo kanina sa counter?" tanong nya out of nowhere. "huh?" gulat kong sagot sa kanya at napalingon pa. "wala ka na naman ba sa sarili mo?" tanong pa ulit nya. "Ah yun, wala yun, isang ingliserong walang cash pero andaming pinamili. haha" natatawang sagot ko sa kanya ng muli kong naalala ang ingkwentro naming kanina. "so... anu ginawa mo? Don't tell me tinulungan mo?" natatawang tanong nya na parang alam na alam na gagawin ko iyon. "konte... mga 3k lang.... "halos pabulong kong sagot habang nakatuon ang atensyon sa daan. "hahahahahaha.. sabi na e.... pano kung di mo na sya makita at di ka na nya mabayaran? Sayang din yung 3k nuh. " may pang-aasar na sabi nya. "let's say na idinonate ko na lang kunyare sa charity..” wala sa sariling sagot ko sa kanya. HAHAHAHAHAHAHAHA.. sabay kaming natawa nang malakas at napapailing na lang akong nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang ihinto ko ang kotse sa tapat ng malaking bahay nina Fatima. "dito na ko. Thanks sa paghatid! kaya LOVES kita e... " sabi nya sabay halik sa pisngi ko na nakapagpatindig nang mga balahibo ko at dali-daling bumaba at nakangiting tumingin sa akin. “Ang cute mo pala pag nagb-blush. Hahahahah!!!” sabi nya pa "Pumasok ka na nga at baka magdilim paningin ko sayo.... LETSENG ITO..." Nang makapasok sya ay bumusina pa muna ako bago nagmaneho pauwe sa bahay. (Malapit lang bahay namin kaya ang lakas sumabay sakin nyang si Fatima. Mga isang kanto lang pagitan.) --susunod---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD