I: The Announcement

2033 Words
Venus's POV: kring!kring!kring!kring! Isang nakakabinging tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. At sa pag-kainis ko ay mabilis ko itong hinawakan at akmang ihahagis ng mapatingin ako sa oras nito. 5:30 AM "mmmmm.....mmmmm.....mmmmm....." Maaga-aga pa naman pero pinilit ko na ding bumangon at dahan-dahan kong iniunat ang aking mga kamay sa ere ng makailang ulit hanggang magising ang aking diwa. "haaaah...... “ Naghihikab pa akong napatayo sa higaan at dahan-dahang binuksan ang malaking bintana. Isang napakagandang umaga at dapat maging magandang araw rin sa ating lahat. "At kaya Venus kung ayaw mong masira ang araw na ito ay mag-ayos ka na at malelate ka na naman." Agad akong nagtungo sa banyo at ginawa ang aking morning rituals, nagsuot ng uniform, kinuha ang aking mga gamit at agad nang bumaba ng hagdanan. "kruuuu... kruuuuuu...." Napahawak ako sa aking tiyan habang pababa ng hagda kaya agad akong nagtungo sa kusinang ubod ng laki ngunit walang laman kundi mga kagamitan lamang. Hindi ko napigilang humugot ng malalim na buntong hininga dahil dito. "hayyyyy....” Sa loob ng 23 years, wala pa din nagbago. Simula ng mag-aral ako at ngayon ay magtatapos na ay ganun pa din. Ngayon ko lang narealize kung gaano kalungkot ng buhay kapag magisa ka lang.Ngunit kesa magmukmok dahil lang sa lungkot na mag-isa ay agad akong sumakay sa kotse, hindi ininda ang kumukulong sikmura at pumasok sa school. ---Pengyou Learns University--- Pagkapark ko ng kotse ay dumiretso na ako sa gate para makapasok sa first class ko. Masyadong mahigpit ang mga guards dito kaya kailangan suot mo palagi ang ID mo, dahil kung hindi ay hindi ka din nila hahayaang makapasok. "ID?"- tanong ni manong guard sa akin ng ako na ang tumapat sa scanner ng gate. Agad ko namang ipinakita ang suot ko bago ngumiti dito dahil lampas 7 na at 7:00 ang start ng first class ko. “Aga diba? Inirereklamo ko na din yan e!” Venus Reighn Sy / BFA Major in Creative Writing / 4th year "Pasok na at late ka na naman. Pailang late mo na to ngayong week?" tanong nya pa ulit habang isinusulat ang name ko ata sa log book. "Last na to manong kaya secret lang natin to huh? See yah babye!!" sabi ko habang bagmamadaling pumasok sa loob ng school. Dumiretso na ako sa first class ko ngayon at buti na lang wala pa ang terror teacher ko sa math. "Ako naman ay taka sa course ko, writing pero may MATH!" Dali-dali akong pumasok at agad na sanang mauupo sa aking upuan ng biglang lumapit si Fatima. . (My ghadddd...) "May homework ka na ba Reighn?" "Anong homework?" "My ghaaad Reighn, wala ka din? Panu tayo gagraduate???" sabi nya pa habang mabilis na kinukuha ang notebook nya... "Anu ngang homework?" "Ito!" sabay bigay sakin ng notebook nya. Examine whether x + 2 is a factor of x3 + 3x2 + 5x + 6 and of 2x + 4. "meron ako nito, tanda ko, sinagutan ko yan bago ko tinapos yung isang chapter ng book ko." "talaga?" excited na tanong nya pa sakin. "uu.. bakit? wala ka?" tanong ko pa habang natatawa. "pakopya naman. PLEASE beshyyy!!! pagmamakaawa nya pa. "Paano ka gagraduate nyan? Iyan lang di mo pa magawa? hahahahaha" "O ayan! Dalian mo kumopya, buti wala pa ang dragona! haha.." pang-aasar ko pa sa kanya habang kinukuha ang notebook ko at agad ding iniabot sa kanya. "Buset ka! Pasalamat ka kailangan ko ng sagot mo kaya di ko papatulan yang pang aasar mo sakin." Nguyngoy nya pa. "Ayan na si Ms. Dali...” bulong ko sa kanya kaya binilisan nya pa ang pagkopya. Bago pa makatapak sa pinto si Ms. Alina ay naipatong na nya ang notebook ko sabay tayo ng lahat para bumati dito. (bakit kaya late to? late na nga ako, nauna pa din ako..) "MORNING! SIT DOWN!" masamang pagbati ni Ms. (Badtrip to ah. Sya na nga late sya pa mukhang galit." "PASS YOUR NOTEBOOK. FASTER!" Pasigaw na sabi pa nya kaya dali-dali namin ipinasa ang mga notebook namin pauna. "Abad answer the equation on the board." "Sy explain how did he get the answer." Dahil mukhang bad trip si ms. ay agad namang tumayo si John at nagsulat sa board. Pagkatapos nya naming magsulat ay tumayo na din ako at nagsimulang magpaliwanag kung paano nya nakuha ang sagot. The given is Examine whether x + 2 is a factor of x3 + 3x2 + 5x + 6 and of 2x + 4. Solution: The zero of x + 2 is –2. Let p(x) = x3 + 3x2 + 5x + 6 and s(x) = 2x + 4Then, p(–2) = (–2)3 + 3(–2)2 + 5(–2) + 6= –8 + 12 – 10 + 6= 0 So, by the Factor Theorem, x + 2 is a factor of x3 + 3x2 + 5x + 6. Again, s(–2) = 2(–2) + 4 = 0So, x + 2 is a factor of 2x + 4. Nang matapos akong magpaliwanag ay nagpalakpakan ang lahat at bago pa ko makaupo ay agad na ding nagpaalam si Ms. (HIMALA! walang iniwang homework.) Mabilis akong lumapit sa upuan ko at kinuha ang mga gamit ko bago lumapit kay Fatima. "Tara sa Canteen gutom na ko. Vacant naman. "Sabi ko pagkalapit ko kay Fatima na agad sumunod sa akin palabas ng room. Naglalakad kami papuntang cafeteria ng mapatigil kami sa harap ng bulletin board dahil may mga bagong announcement para sa mga gagaganaping events sa pagtatapos ng school year. Pero sa halip na doon ako magfocus hindi yun ang nakakuha ng atensyon ko, kundi..... "Guys kilala mo yung 4th year engineering na nangharana kay Trisha Mae Alonzo ng BSIT?" girl 1. "Alin dun?" Girl 2. "Yung gwapong swimmer" girl 1. "narinig ko nga yan pero ang alam ko, boyfriend ni Venus ng BFA yung lalaking yun eh." girl 2. "Sinong Venus ng BFA" girl 1. "TANGA! Tanda mo yung lumaban sa King and Queen of PLU last month?" Pogay "Oh, e alin sya dun?" girl 1 "Yung nanalong 1st runner upnung PLU, tapos narinig ko dapat sya yung queen kase yung nanalo may kamag-anak pala na judges. Ano kuha mo na?" Pogay "Ahhhh.. kilala ko na.. e mas maganda naman si Trisha dun kaya baka...." Girl 1. "KAWAWA NAMAN SI VENUS!!!!" mahinang sabi ni girl 2 hanggang sa tuluyang nawala ang ingay ng mga nag-uusap. ANO DAW??? Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili habang dere-deretsong naglakad papunta sa canteen. Fatima's POV: WAIT!!!! Malakas na sigaw ko kay Reighn at mabilis na sumunod sa kanya at saka sya pinaulanan ng tanong. SINO DAW REIGHN??? HUY REIGHN!!! "O?" tanong nya sakin na parang walang narinig. "NAKIKINIG KA BA? KANINA KA PA AH..." angil ko sa kanya. "ANO BA YON?" angil rin nya kaya napatigil pa ako at hindi nagawang sumagot sa kanya. "TAGAL-TAGAL MO DYAN, SABI KO SAYO GUTOM NA AKO DIBA!" dere-deretso nyang sabi saka naglakad paalis. Dali-dali akong sumunod sa kanya sa canteen nang matauhan ako at naabutan sya sa may counter habang nasa likod nya si Kurt. Nang Makita ko sya ay bilang sumagi sa ala-ala ko ang mga narinig ko kanina. At nakakasiguro akong sya ang engineering student na pinag-uusapan kanina ng mga students. "Upo ka na dun love, ako na bahala sa foods mo. Alam ko naman fave mo e. " rinig kong sabi nya kay Reighn na sumunod naman ng tahimik sa kanya. Pinapanood ko lang sila at mantaking mong mauuna pa kong umorder sa gagong ito dahil pinauna pa si Trisha na umorder kesa sa gutom kong bespren. Kaya inorder ko yung fave cake nya at yakult bago umupo sa spot namin which is sa gitna ng canteen. "O." malakas kong sabi habang inilalagay sa harapnya ang kanyang food at saka ako naupo sa tabi nya ng tahimik. "bakit mo pa ko inorder? naorder na si Kurt. " sabi nya pa pagkaupo ko. "Iba din tong bespren ko na ito e pag malapit si Kurt nagiging santa. Lintek". Irita ko syang nilingon. "Iniorder na kita at mukang mamaya ka pa makakakain dahil sa sobrang gentleman nyang boypren mo. Hindi mo ata sinabi na kaya ka nagmamadali paparito e dahil gutom ka na." dere-deretso kong sabi sa kanya bago muling lumingon kay Kurt at lalo akong nanggigil sa kanya dahil napansin ko kung kanino sya nakatingin. "O diba? Bait mo din sa gagong yan e. Kinaturingan kang Bad Ass Queen ng PLU tapos sa gagong yan daig mo pang santo." angil ko kay Reighn.nang bumaling ako sa kanya. "Kumain ka na lang at baka malate tayo. Dami-dami mo sinasabi dyan." sabi nya at saka kumain ng tahimik. "Hi Fatima! Hi besshhyy!!!!" masayang pagbati ni Trishang malandi. Tinanguan lang sya ni Reighn at nginitian ko lang sya. Habang sya ay dere-deretsong naupo sa harap ko at nagumpisang magkwento nang kung anu-ano. Ang nakakatawa sa lahat ay ang kakapalan ng face nya, dahil nagawa nyang ikwento kay Reighn ang panghaharana kuno nung gwapong swimmer ng engineering sa kanya. At ang muntikang pagkatapon ni Kurt ng mga foods dahil sa kwentong narinig nya. "HAHAHAHA!!" Gusto kong matawa pero pinigilan ko at muling nag-focus sa kinakain ko. "Saan galing ang food mo love?" rinig kong tanung ni Kurt kay Reighn. "Kay Fatima, Gutom na kasi ako e. Di ako nagbreakfast bago pumasok tapos nagexplain pa ko ng math homework kanina." paliwanag ni Reighn bago ininom ang yakult nya. "Ahh, panu itong pasta at sandwich mo? Ipalagay ko na lang sa container sa counter para may makain ka later at nang hindi ka na bumili, baka kase di kita masabayan mag snack, e. " tanong pa ni Kurt kay Reighn at muling tumayo at bumalik ulit sa counter nang tumango si Reighn. "Besh, di ako sasabay mag snack later huh, may tatapusin akong report sa student council office." Malanding sabi ni Trisha kay Reighn bago nagpatuloy pagkain. “Malapit na akong maniwala sa mga narinig ko. Konti pa guys.. konti pa…” Asar akong muling nagpatuloy din sa pagkain. Ngunit nang makaupo si Kurt ay umakto akong umiinom ng soda at pinagmasdan silang tatlo. Kinukulit ni Kurt si Reighn at sinusubuan pa ng pasta dahil kesyo cake lang kinain nito. Si Trisha naman ayon tamang gigil sa plato nya habang kumakain. "Nakakatuwa silang panoorin lahat. hahahaha". "Hahahahahahahaha......" Natutop ko ang bibig ko dahil hindi ko napigilan ang matawa at sa lakas ng pagtawa ko e napatingin pa silang tatlo sakin. "SORRY!" sabi ko pa habang naka taas ang dalawang daliri.✌ Nagtayuan na silang tatlo kaya tumayo na din ako. Kinuha ni Kurt ang bag ni Reighn at yung foods na inoder nya at sya na ang nagdala. (kala mo totoo ang gago eh.. HUSAY!) Nasa likod ako nung tatlo kaya nakikita ko ang galaw nila maging ang pagpapalit ng ekspresyon ng mga muka nila. (Bespren ko manhid manhidan ang peg.. kainaman..) "Dito na ko.. See you when I see you all guys." sabi ni Trisha sabay beso samin ni Reighn tapos pumasok na sa room niya. Pagkarating sa tapat ng room namin ay rinig kong namamaalam na rin si Kurt kay Reighn kaya naman umuna na akong nagpasok sa room at naupo sa upuan ko. (tagal nila magpaalaman. Promise!) Pinagmasdan ko ang buong room at halos karamihan sa kanila ay nanonood rin sa dalawa. “Celebrity yarn? Tsss…” "I'm going Love. Hindi kita masasabayan mag snack pero try kong ihatid ka pag awas mo." Rinig kong sabi pa ni Kurt kay Reighn habang inaabot ang mga gamit nito. "NO need na love. Dala ko kotse ko. Txt mo na lang ako.Last class na din naman namin ito e." Sagot naman ni Reighn sa kanya. "Sige.. sige babye.. LOVE YOU!" Sabi ni Kurt sabay kiss sa pisngi ni Reighn.. Tumango lang si Reighn rito bago ngingiti-ngiting nagpasok sa room at waring nalimutan ang narinig namin malapit sa announcement board. “Tsssskk……..” Hindi ko napigilan ang mainis kaya humarap na lang ako sa board. Trisha's POV: Tagal naman nila mag-usap. Mag tatime na eh... Naandito ako sa may hagdan para antayin sya dahil alam kong dito sya dadaan.. ------susunod-----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD