V: Turned Down

2179 Words
Venus' POV: --Sy Mansion-- "Ang tagal mo naman, Reighn? San ka ba namili at sobrang haba naman yata ng biniyahe mo?" Naiinis na tanong ng tito ko nang makababa ako ng kotse at lumapit sa kanya. (kapatid sya ng father ko.) "dyan lang sa kalayaan, bakit di ka pa kase pumasok sa loob?" ngingiti-ngiting sagot ko sa kanya habang naglalagay ng code sa gate. (sorry kayo automatic ang gate ng mansion na ito. Kung hindi ko ilalagay ang code ay hindi parin sya makakapasok. haha Nagbubukas ito nang kusa sa mga kotse o taong naka program dito na papasukin. Hindi nakakapasok nang basta-basta kaya wala talaga syang choice kundi antayin ako. hahahaha) "Buset naman kase nyang gate nyong yan ang daming alam. Ni ayaw nga tanggapin yung code na binigay pa ni kuya sakin. Nu yun napalitan na kagad nya yung code e kakakuha ko lang sa kanya nung isang lingo?" nagmamaktol na sabi nya bago pumasok sa kotse nya at nagdrive papasok kaya sumunod na ko sa kanya. Pagkaparada ko ng sasakyan ko ay agad akong sumunod sa kanya at sobra akong natatawa sa itsura nya habang sinusubukang buksan ang main door ng bahay. "Pati ba naman mga pintuan dito e high-tech din?.. Nakakainit nang ulo.. Ewan ko na lang kung may manloob pa dito.tsssss." gigil na gigil nyang sabi habang pilit na binubuksan ang maindoor. " hahahaha !!! Ako na nga, sisihin mo yang kapatid mo na sa sobrang obsess sa technology e pati bahay namin ginawa nyang high-tech lahat." natatawang sabi ko sa kanya habang naglalakad papuntang kusina dahil mabilis kong nabuksan ang pinto. Nagulat pa ako na may groceries na doon at parang nilinis ang buong kabahayan. Pero hindi ko ipinahalata at dere-deretso kong ipinatong ang mga binili ko at agad na dinala ang pagkain sa mesa. "Bakit ka nga ba naparito tito?" takang tanong ko sa kaniya habang nag-aayos ng dinner naming dalawa, since may pagkain na, e-di iayos na lang. "Wag kayong ano dyan, dumating yung nag-iisa kong yaya para maglinis at magrefill ng groceries. Nag-iwan sya nang note kaya sure akong walang lason to. " "sinong nagluto nyan? Wala ka naman kasama dito ah? Baka may lason yan, tapon mo na yan at oorder na lang ako." natataranta nyang sabi bago nag-umpisang magdudutdot sa cellphone nya. "itigil mo na nga yan tito, walang lason ito... " natatawa kunyareng sabi ko sa kanya bago hinablot ang cellphone nya at pinatay ito. "Paano ka naman nakakasiguro?" galit nyang tanong sa akin na may pagtaas pa nang kilay. “Hahahaha” "Si nana Rosa, yung care taker nang bahay, napunta yun dito once a week para maglinis at mag refill ng groceries." Walang pakelam na sagot ko sa kanya bago sinimulan kumain. "E ano ngayon?" pagalit na tanong nya pa. "sya nagluto nyan, nag-iwan sya nang note kaya sure akong malinis yan.." nakangiting sagot ko sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagnguya sa isinubo ko. "ahh.. bakit kase di ka pa nya samahan dito para hindi ka naman nag-iisa dito dito.." sabi nya pa bago sinimulan ang pagkain. "tanong mo sa kapatid mo kung bakit ganan set up ng mga trabahadora nya dito." pasaring kong sabi sa kanya kaya natahimik sya. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ako makipag-usap sa tito ko nuh? Halos magkasing-edad lang kase kami. Matanda lang sya ng 2 years. Kung bakit ganito na lng kung banggitin ko ang tungkol sa kapatid nya which is ang daddy ko... dahil hindi kami okay....After mamatay ng mom ko from the plane crash 3 years ago, iniwan na nya ako sa bahay na to. But I'm still happy na may care pa rin sya sakin. Kase ginawa nyang high-tech ang buong bahay at sobrang tataas nang pader na may electric wires pa kaya sure na walang makakapasok. Atleast alam kong safe ako sa bahay na ito kahit mag-isa lang ako. Atleast alam kong nag-aaalala pa din sya sakin. "bakit nga ba napabisita kayo nang biglaan tito? May problema ba?" pabiglang tanong ko ulit sa kaniya nang makabawi ako sa napakalalim kong pag-iisip kaya naman gulat syang napalingon sa akin. "Namimiss ko lang ang pinakamaganda kong pamangkin. hahaha..." pang-uuto pa niya. "hahahaha.. patawa ka tito... Ako lang ang pamangkin mo kaya malamang pinakamaganda na ako. Wag mo kong inuuto dyan..." angil ko sa kanya habang kumakain ng dessert which is carrot cake. “Binili ko ito kanina sa mart, It's one of my favorite talaga.. mmmmmm...” "Ano ngaaaaaa???? Angil ko sa kanya. "kase naman......” may pag-aalinlangang sagot nya. Waring hindi alam kung paano sasabihin ang sitwasyon nya "Ano nga kase yon?” tanong ko ulit bago umayos ng upo at tinitigan syang maigi. "tanda mo si Yara?” "o?” "kakagraduate lang nang kapatid nya at gusto nyang tanggapin ko as a photographer ni Fatima sa new magazine na irerelease namin next month....” mahabang paliwanag nya pero hindi ko pa din magets ang nais nyang sabihin. "o? anu problema dun? kung magaling naman at hindi demanding, e di go! atleast hindi ka na mahihirapan maghagilap nang hindi demanding na photographer diba?" mahabang litanya ko sa kanya bago muli akong nagcheck ng phone dahil baka may message si love, pero wala din naman kaya pinatay ko na lang ulit yun. "e yun nga problema e, mukhang hindi magaling.. Tingnan mo naman ito... Pano ko tatanggapin yan?" inis nyang sabi saka pabalya nyang ibinigay ang isang brochure sakin. Agad kong binuklat isa-isa at tiningnan maigi ang mga pictures at kahit hindi ako professional photographer ay masasabi ko ring hindi nga sya pwedeng humandle nang isang photoshoot para sa isang sikat na magazine, lalo na’t Maarte pa naman ang artist. Tssskk… "e di sabihin mo kay ate Yara na hindi pa pwede yang kapatid nya. Kulang pa sa ensayo kaya pag-praktisin nya muna. haha" natatawa kong suhestiyon bago isinarado ang brochure at ipinatong ito ulit sa mesa. Napasimangot naman sya sakin.. Alam ko na problema nitong tiyuhin ko na to e... kung di nyo nalalaman guys, eh EX- girlfriend nya yun na naging best friend / business partners nya ngayon since same sila nang hobbies, kaya hindi nya matanggihan. "Nagagawa nga naman nang pag-ibig. " " haha!! hindi mo mahindian nuh?" natatawang tanong ko sa kanya... Agad nyang dinampot ang brochure at naglakad palabas nang kusina kaya sumunod na ako sa kaniya. Mamaya ko na lang liligpitin ang pinagkainan namin pag nakaalis na sya. "Be honest tito! Her brother is neither professional nor good in that field, so you can't satisfy her wish that he will be part of this monthly magazine. Tell her na ayaw mo lang mag take ng risk dahil hindi na naging maganda ang standing ng magazine nyo last month diba?" Agad naman syang napalingon sakin nang sabihin ko. "hooooooooh..... "Agahan mo pasok mo bukas para matapos mo na yong pinapagawa ko sa iyo. Last day nang internship mo kaya umayos ka huh. I already deposited your salary in your bank account so check mo na lang. Ingat ka dito. " sunod-sunod na sabi nya bago dere-deretsong lumabas. "Take care tito!" sabi ko sa kanya ng makalapit ako sa puwesto nya . "You too! Call me if you need anything. I love you!" malambing nyang sabi bago sumakay sa kotse nya at nagdrive paalis. Agad kong niligpit ang mga kinainan bago umakyat sa kwarto at naglinis nang katawan. Pagkahiga ko pa lang ay agad ko ng dinial ang number ni love, pero walang sumasagot. Dinial ko pa nang ilang beses pero busy talaga ang linya. Sa sobrang pagkadismaya ko ay tumayo ako ulit para tapusin ang isinusulat ko. Pero nakakainis lang dahil hindi ako maka-focus, hindi mawala sa isip ko si love. Yung itsura nya kanina nung tumanggi akong mag-snack dahil kay Fatima. "LETSE KA TALAGA FATIMA!!!!" Sa sobrang inis ko ay nahiga na lang ako at tumitig sa kisame hanggang sa… zzzzzzzzzzzzzzz~~~~~~~~~~ Travis POV: "Kainis naman itong pamangkin ko na to e. Pinag-intay na nga ako, inasar pa ko." "TAMA naman kase sya e, hindi mo lang maamin sa sarili mo na iyon ang dahilan." Nakakainis lang isipin na tama na naman si Reighn, kilalang kilala nya talaga ako. hahaha... Agad kong binilisan ang pagmamaneho at dumiretso sa company para kausapin si Yara. Napapatingin pa ko sa relo ko habang nasa biyahe at pilit na kinukumbinsi ang sarili na tama ang sinabi ni Reighn at yun dapat ang gawin ko. "tssskkk.." ----Epic Catastrophe Inc.---- "Good evening sir!" nakangiting bati sakin ng guard nang makababa ako ng kotse. "good evening." nakangiting bati ko din sa kanya at mabilis na naglakad papasok. Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang 3rd floor kung saan nandun ang opisina ni Yara. knock! Knock! Agad kong dinial ang number nya nang walang sumagot sa opisina nya. "The number you have dialed is unattended. Please try your call later!" Naiinis kong naibulsa ang cellphone ko at bumaba sa ground floor. Sa sobrang inis ay di ko napansin na may kasalubong pala ako kaya nabangga ko sya at napatingin ako sa kanya. "O Vienn? okay ka lang ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya. "okay lang po." nahihiyang sagot rin nya. "Mahiyain talaga itong batang ito. Hindi ata nagmana sa ate nya." "saan ka punta? gabi na ah!" tanong ko sa kanya dahil mukang wala ng tao sa buong building. Kami na nga lang ata ang nandito e. "a-ah.. s-sa of-office po ni ate, M-may pina-pinakuha po sya eh.." nauutal nyang sagot na nakatungo pa. "Ahh sige. Ingat ka pauwe huh. Una na ko!" sagot ko sa kanya bago sya tinapik sa balikat at saka naglakad palabas ng building. Hindi ko napigilang muling lingunin si Vienn nang makalayo ako sa kanya at napailing na lang dahil sa aking naisip. “Tssskkk… paano ko kaya maipapaliwanag sa ate mo na hindi ka pa pwedeng isalang sa taong ito? Bahala na bukas!” sabi ko pa at saka dali-daling sumakay ng kotse at nagmaneho pauwe. -----KINABUKASAN ------ Brizzzk! Brizzzk! "Hello!" wala sa sariling sagot ko dahil kakagising ko lang. "WHERE THE HELL ARE YOU TRAVIS SY? DON'T YOU REMEMBER OUR MEETING TODAY?" bulyaw nung nasa linya kaya nailayo ko ang cellphone ko at napatingin sa oras. "WFH! I'm doomed!" "I'm on my way. Give me 10 minutes. See you later!" agad kong ibinaba ang selepono at tumakbo sa bathroom, bilis-bilis na ligo at ayos nang sarili. Sa sobrang pagmamadali ay naiwan ko pa ang susi nang kotse ko kaya patakbo kong kinuha pa ito sa may lagayan. "LINTEK NA YAN! BAKIT KASE DI NAG-ALARM????" ----Epic Catastrophe Inc.---- Pagkarating ko sa unahan ng company ay bumaba na ako at ibinato sa guard ang susi ko para sya na ang magpark nito at agad na dumiretso sa meeting room. "Ipapalipat ko na talaga ang meeting room sa ground floor. Letseng yan!" "Late ka din? At mas LATE ka kesa sa AKIN??" mapang-asar na bati nang aking pamangkin habang paupo sa upuan nya. "tssss...." angil lang ang naisagot ko sa kanya dahil hinahapo-hapo pa ko sa haba ng tinakbo ko. "Is Travis there already?" galit na tanong ni Yara sa secretary nya na nakapagpalingon sa akin ng lahat. "Yes, there he is ate. hahaha" natatawang sagot ni Reighn sa kanya. Napalingon naman ito sa pwesto ko at talagang nanlilisik ang mata nito sakin dahil late ako. "Kainaman na! Ngayon lang naman ako nalate eh..." kaya napatungo na lang ako at nagfocus sa mga papel sa harapan ko na syang pagmimitingan ngayon. "O!" pabato nyang binigay ang isang folder. "Ano to?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Baka yan yung pagmimitingan ngayon.. Ginigigil mo ko Travis huh! At ngayon mo pa talaga napiling magdaydream huh? SA ORAS NA ITO??" nangigigil nyang bulyaw sakin. "Nakakahiya ka Travis!" napatingin naman ako sa lahat at saka tiningnan ang folder. Nahagip naman ng aking paningin ang pagbibigay ni Vienn nang tubig sa ate nya. Yara's POV: Nanggigigil ako kay Travis talaga. Napahiya kami sa meeting kung saan umattend din si dad and mom. They were expecting na maaga matatapos ang meeting at mapapasama si Raven sa list of photographer na maghahandle ng magazine this month. But sad to say hindi pa sya pwede dahil kulang pa sya sa practice at hindi pa maganda standing ng magazine last month. kaya naman sobrang nadisappoint sila sakin at lalong lalo na sa kapatid ko. "haissst... pano ba to? Hindi ko alam gagawin ko. My ghaaaddd!!!" "Yara..... YOHARA!" tawag sakin ni dad. Nasa meeting room pa kami actually. kakatapos lang ng meeting at kakalabas lang ng lahat. kami na lang family ang nadito pa sa loob. "Yohara Vienna, Are you listening to us?" galit na sabi ni mama ko na maging si Raven ay napatunghay at napatingin sakin. Hindi ko magawang sumagot sa kanila dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Natatakot ako para kay Raven dahil alam kong mapepressure sya lalo. Napatapik na lang sila sa noo ni dad at sabay na tumayo. "Train your brother well, he should be part of the magazine’s photographer next month. Do you understand?" pahabol na sabi ni dad bago kami iwanang dalawa. ----susunod---

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD