LSG 013:

2110 Words
NAPALABAS ng loob ng bahay si Sharulyn nang makitang nakahawak sa sariling sintido ang binata. “What’s wrong? Okay ka lang ba?” Inalalayan niya ito papasok ng bahay. “Wala ka bang baong gamot?” Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito, kaagad siyang tumakbo palabas ng Bahay at pinuntahan ang sasakyan. Hinalungkat niya ang dashoard nito at natagpuan ang isang bote ng gamot nito roon. Mabilis na nilisan niya ang sasakyan at pinuntahan ang binata. Kaagad rin siyang kumuha ng tubig at pinainom sa binata ang gamot. Nang mahimasmasan ay saka ito nagsalita. “I’m happy living with my own now, Ms. Torregaza. Kung hindi man kita natatandaan, hindi mo ‘yon kasalanan. Pero please..palayain mo na ako dahil hindi na ako babalik.” Iyon na yata ang pinakamasakit na salitang narinig niya mula kay Sky. Hindi na niya napigilan ang maiyak. “Ba’t mo sinasabi sa ‘kin ‘yan? Alam mo ba kung ano ako sa buhay mo? I’m not forcing you to remember me; I’m not even doing my will and spoon feeding you. I’m contented that I’m here by your side.” She already throws the pain in his face. “Kaya bakit mo ako pinalalayo!” Sa sobrang sakit, napakapit na siya sa dibdib niya. “Kaya kong tiisin ang lahat kahit ilang beses mo pa akong pagalitan, sigawan. Hindi ako masasaktan. Huwag lang ganito.” “I’m forcing you to leave. Hindi ikaw ang kailangan ko. Hindi nga kita kilala.” “It doesn’t matter. You can treat me as your subordinate, a colleague. I will do everything, just don’t do this.” “It makes us living in hell, kung hindi natin ‘to tatapusin.” “No!” napatakip na siya sa magkabilang tainga. Ayaw niyang marinig ang mga nakakatakot na salitang iyon. “No, please. Please! Don’t.. Let me stay! Huwag!” Isang malakas na sipa sa pinto ang nagpagising sa kanya mula sa isang bangungot. Nakita niyang nakatayo roon si Sky at may bitbit na sandok. Pawisan ang noo ni Sharulyn at nanginginig ang katawan. “Anong nangyayari?” Inabot nito ang pitcher sa bedside table saka sinalinan ang baso at ibinigay sa kanya. ‘Mabuti na lang panaginip lang ang lahat.’ “B-Bakit nga pala ako narito?” “Hinimatay ka kagabi matapos mong dalhin sa akin ang gamot ko.” Napayakap siya sa binata at doon ibinuhos ang iyak na kanina pa naghuhulagpos sa bibig niya. ”Stop it! Huwag ka ng umiyak. Tapos na iyon.” Humiwalay na rin siya ng yakap dito. Baka isipin pa nito masyado na niyang inaabuso ang pagyakap sa matipunong dibdib nito at inienjoy ang amoy nito. “Okay ka na? Let’s go downstairs. We’ll have our breakfast.” Mabuti na rin at hindi nito napansin na masyado na siyang nag-e enjoy sa presensiya nito. Sumabay na rin siyang kumain sa binata, hindi na nga niya ito inimik at hindi na ibinigay ang detalye kung bakit siya sumigaw at kung ano man ang napanaginipan niya. Natatakot siya na baka kapag nalaman nito kung ano ba ang panaginip niya ay lalo itong umiwas sa kanya. Buong biyaheng wala na silang imikan hanggang ihatid siya sa bahay niya. “Salamat.Hindi ka ba, papasok muna?” “No, thanks.Dadaan pa ako sa office.” Tatalikod nasana ito nang may naalalang sabihin sa kanya. “By the way, am.. Okay lang ba sa ‘yo kung bumalik tayo roon? I just need some good photos. Alam mo na baka may nightmare experience—“ “No! Okay lang. Sabihin mo lang sir kung kailan. I always have the time.” Tinalikuran na rin siya nito. Nag-vibrate ang phone niya kaya agad niya itong sinagot. Si Cloud ang nasa kabilang linya. “Oo, nasa bahay lang. Sige, papunta na ako.” Kaagad ay pumara siya ng Taxi nang makalabas sa Subdivision at nagpahatid sa Bar kung nasaan si Cloud. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang tindig nito. Nang makababa ay agad niyang nilapitan si Cloud. “Cloud.” “She’s here. Let’s do the plan.” Umangkla siya sa braso nito at pinapakitang napaka-sweet nila at tila inaakit si Cloud. Mabuti na lang at naisipan niyang magpalit ng damit para hindi siya magmukhang office girl.At ang damuhong Cloud, napakagaling umarte.Ito pa mismo ang nagsasabi ng dapat niyang gawin. “Your girl has a nice voice. She’s talented, isn’t?” “Just keep on acting, don’t ask and don’t talk. Just do what I say,” mariing sabi pa nito na hinila ang hita niya at ipinatong sa kandungan nito. Pinakiramdaman niya kung mayroon bang tumayong bagay sa kandungan ni Cloud ngunit wala siyang maramdaman. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kahit na maghubad pa siya sa harapan ni Cloud, hinding-hindi ito maaakit sa kanya dahil na kay Meunnie na ang mga mata at puso nito. “Kiss me,” mahinang usal nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Do we have to overboard?” Hinila na siya nito nang hindi siya kumikilos. Binuhaghag lang nito ang buhok niya at inakto ang ulo nito na kunwari ay hinahalikan siya. Napasunod na lang siya nang kumapit ang kamay nito sa likod ng ulo niya at kunwari ay mainit na hinahalikan siya. Nakiramdam siya sa paligid at pareho silang nagulat nang binagsak na pala ni Meunnie ang mic. Napatigil silang pareho at dumako ang tingin sa pababang babae na si Meunnie. Madilim ang anyo nito at dinampot ang mikropono na akmang ibabato sa pwesto nila nang may bigla na lamang humarang at likod nito ang natamaan. Napipilan si Sharon nang mapagsino ang taong nakialam sa kanila. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa kulay abong mata ni Sky. Hinaklit nito ang braso niya at dinala palabas ng Bar na iyon. Nanghapdi ang brasong hawak nito ngunit hindi siya makareklamo hanggang huminto silang dalawa sa tapat ng kotse nito. “B-Bakit ka nandito?” “Kayo na ba talaga ni Cloud?” “Wala namang mababago kahit sabihin ko pa sa iyo ang—“ “Masyado mong binababa ang sarili mo.” “Bakit, kilala mo ba ako? Don’t judge me if you don’t know me better.” Maglalakad na sana siya para iwanan ito nang hinila siya nito at dinala muli sa tapat ng pinto ng sasakyan nito. “Sakay.” “No. I better wait for Cloud rather than go with you.” Ngumisi ito na parang inaasar siya. “Sakay! Sa tingin mo makakauwi ka ng ganyan ang hitsura mo? Kung ano man ang business nyo ni Cloud, wala na akong pakialam but I don’t trust him with you. Kilala ko ang kambal ko.” Inilapit ni Sky nang bahagya ang bibig sa tainga niya. “Mas kilala kaysa sa ‘yo. If you want IT, I will give it for free.” Nagpanting ang tenga ni Sharon sa sinabing iyon ni Sky, hindi niya namalayang nasipa na niya ang pagitan ng hita nito. Hindi siya nakapag-isip ng maayos. Agad siyang tumakbo at naghanap ng Taxi na pwedeng parahin. “OUCH! Damn it!” he blurt out in pain. Hinagilap ng mga mata ni Sky ang dalaga ngunit wala na iyon sa tabi niya. Naramdaman niyang biglang sumakit ang ulo niya. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang uunahing hawakan. Ang unang ulo o ang ikalawa. Naririnig pa niyang nagtatalo si Cloud at ang babaeng nambato ng mic, ngunit napahinto rin ang mga ito nang makita siyang nakahilata na sa lupa. Hindi na maalala ni Sky ang nangyari ngunit nang muli siyang magdilat ng mata ay naroon na siya sa sariling kwarto. Nakita niyang nakatayo sa paanan niya si Cloud at ang babae. “Nasaan si Sharon?” Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa. “Kilala mo na si Sharon?” excited na tanong ng babae sa kanya. “Oo naman, she’s my wife too be. Nasaan na siya? Alam ba niyang naaksidente ako?” Nagpalitan ng tingin ang dalawa saka tiningnan siya. Umupo na sa tabi niya si Cloud. “Hindi mo ba natatandaan ang mga nangyari? Matagal ka ng nakalabas sa Hospital and Sharon suffers a lot when you lost your memory of her,” paliwanag ni Cloud dito. Unti-unting bumalik sa isipan niya ang lahat ng mga nangyari. “By the way, is your eggs are okay?” pag-aalala ni Cloud. “Hindi naman masakit.Mas masakit ito.” Inilapit pa ni Sky ang kanang palad sa sariling dibdib. “Damn! What have I done?” Bumalik ang lahat-lahat sa kanya at kung paano niya trinato ng si Sharon. “Little Dork? I call her that name, what a f**k I am.” Mayamaya ay bahagya siyang natawa. “That Jerk? That Jerk..is me,” at tuluyan na itong natawa na parang baliw. “O-Okay ka lang ba, Sky?” “I think I could kill myself just now. I hurt her so much. I hurt her,” napaiyak na siya nang muling maalala kung paano niya sinaktan ang babaeng pinakamamahal niya. “Let her be. Let her have the time. Don’t waste your energy. If Sharon understands and love you truly, she will come back.” Maybe Cloud is more matured than him. He lacks in thinking. Kapag galit siya ay hindi na siya nakakapag-isip ng tama. Kung hindi pa ipinaintindi sa kanya ni Cloud ang nangyayari, iisipin na talaga niyang trip nito si Sharon. So, this time, kailangan niyang bumawi. Kailangan niyang mapatunayang mahal niya ito. Ngayon pa na nagbalik na ang lahat ng alaala niya. Kung bakit naman kasi ang dalaga pa ang nawala sa memorya niya. Kung bakit naaksidente pa siya sa mismong araw ng kanilang kasal. Nang malaman ng mga magulang nila na bumalik na ang nawala niyang alaala, Nagpatawag kaagad ang mga ito ng Doctor. At dahil si Doc Edcel Azet Carvajal ang humawak ng case niya, ito na rin mismo ang nag-check ng status niya at kung talagang bumalik na ang alaala niya at walang naiwang komplikasyon. Tagumpay naman ang resulta ng pagsusuri makalipas ang dalawang araw, idineklarang nalampasan na niya ang stage ng temporary memory loss. Ngunit hindi ang puso ni Sharon. Pagdating ni Sky sa opisina para pumasok, tumambad sa harapan niya ang resignation letter ng dalaga. Bahagyang naramdaman niya ang hapdina nagmumula sa puso niya. Ganito pala kasakit ang iwanan at iparamdam na wala kang halaga sa isang tao. Nang makabalik sa Mansion, nagkulong na lang siya sa kwarto at uminom ng alak. Hanggang nilapitan na siya ni Cloud. “Kung mag-iiinom ka lang diyan, wala talagang mangyayari sa buhay mo. Just go to her house and ask for forgiveness. I bet Sharon isn’t like Meunnie that is hard to please.” “Iyon na nga ang problema. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa,” saka muling tinungga ni Sky ang laman ng baso niya. “I don’t know how to face her after what I did.Wǒ shì yīgè húndàn!(I’m such an asshole). I don’t think she will forgive me.” “Hindi mo pa ginagawa, sumusuko ka na. Gawin mo kaya muna bago ka mag-complain. Then if she did not accept it, let’s find another solution.” “I dunno. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.” “Puntahan mo muna siya. Kung hindi makuha sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan. Gohtencee is not the man who fails and surrenders no matter what. Baichi! (Idiot)” Inagaw na ni Cloud ang boteng hawak ng kabila niyang kamay at tinungga iyon. “I have a better idea once you failed to ask her forgiveness.” Ito ang bagay na nagustuhan niya sa kapatid. Malakas ang fighting spirit at ang positive energy sa katawan. Bagay na wala siya at hindi niya kayang tumabasan. Umasa na lang siya sa ideya ng kambal niya, baka sakaling mapabalik niyang muli sa buhay niya ang dalaga. Walang tawag o text siyang ginawa para makausap man lang ang dalaga, hindi rin siya pumunta sa bahay nito kahit na palagi siyang nakabantay roon. Natatakot siyang ipamukha sakanya ni Sharulyn ang lahat ng mga maling bagay na ginawa niya. In short, takot siyang harapin ang dalaga. Dalawang linggo na ang nakalilipas ngunit hindi rin tumawag man lang o nag-text sa kanya ang dalaga. Marahil ay dinibdib rin nito ang mga nangyari at mga binitiwan niyang masasakit na salita noon. Inabala niya ang sarili sa paghahanda sa nalalapit na kasal nina Meunnie at Cloud. Ito ang ideya ng kambal niya para mapabalik sa kanyang muli si Sharulyn Torregoza. And he was willing to sacrifice everything even his wealth just to make her mine again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD