LSG 014:

2722 Words
WALANG GANANG kumain si Sharulyn nang mga sandaling iyon.Mula nang maipasa niya ang resignation letter, hindi man lang siya naisip na kontakin ng binata. Nagmukmok na lang siya sa kwarto. Kahit pa balak niyang mag-apply sa ibang kompanya at abalahin angsarili ay hindi niya magawa. Naiisip pa rin niya si Sky at kung ano na bang balita rito. Maging ang pamilya nito ay hindi raw ito ma-contact at hind ialam kung saan ito naglalagi. Hindi nga niya alam kung pinagtataguan siya ng mokong o nagpapalusot lang ang pamilya nito sa kanya dahil guilty ang huli sa nangyari. Si Meunnierin ay nakausap na niya, tila may nililihim rin ito sa kanya. Oo, masaya siya na nagkabati na sina Cloud at Meunnie pero malungkot pa rin ang puso niya. Hindi na niya makukuha ang lalaking mahal niya.Naiinggit na nga siya nang malamang ikakasal na pala ang mga ito. Samantalang noong una, sila dapat ang ikakasal ni Sky pero ngayon, wala na. Nabigo nang lahat ang mga pinaplano nila ni Sky, ang mga pangarap nila. Nasa Restaurant siya nang makipagkita sa kanya si Cloud. Inilapag nito ang isang envelope sa ibabaw ng table na katapat niya. “It’s our wedding invitation. I hope makapunta ka at hindi mo ako bibiguin since you were a very helpful to us. I should thank you for your efforts and I enjoy every minute of our pretension.” “T-Totoo bang naka out-of-town si Sky?” “Ba’t ka pa ba nag-aalala sa gagong ‘yon. Iniwan ka na ‘non dahil hindi niya kayang magpakalalaki sa iyo. You should let him go and find another; I’m sure marami pang magmamahal sa ’yo.” Napalingon si Cloud nang makita ang lalaking papalapit sa table nila. “Just like him.” “Oh, look who’s here. Balita ko, wala kang maalala, Sky,” panimulang bati nito.“Fancy seeing you, here.” “You better shut your mouth Mister Troy Rojas if you don’t exactly know me.” “How cold. Oh, hindi ka pala si Sky. Magkamukha kasi kayo,” sabay ngumisi pa ang walanghiya. Gusto nang ambahan ng suntok ni Cloud ang preskong lalaki. Kung siguro kay Sky, kanina pa ito tumilapon at nakatikim ng suntok sa kamao nito. “Pasalamat ka wala si Sky ngayon. Tsk. I’m not sure if I should leave Sharon with you.” Lumapit si Troy kay Sharon.“Why not? Sharon is free and she will be mine. Well, una naman talaga siyang naging akin kung hindi lang dahil sa Sky na iyon. Sarap niyang ihagis sa langit. Iyon nga lang impyerno ang sasalo sa kanya.” Napangisi si Cloud saka malapitang binulungan sa tainga si Troy. “You should be careful. Someone is watching.” Saka binawi ang sariling bibig.“Ingat ka sa pag-uwi, Baichi.” (Idiot) Nang makaalis si Cloud napansin ni Sharulyn na nanginginig na si Troy at pinagpapawisan. “Bakit nandito ka?”pagtatakang tanong niya kay Troy na wala na yatang balak umupo. “W-Wala. I-I just see you here kaya lumapit ako. May babalikan pa pala ako. I have to go,” palusot nito. Himalang nagmamadali na itong umalis na hindi man lang siya kinakausap. Pinabayaan na lang niya ito. Ilang minuto rin ay nakita niya ito sa bukana ng Restaurang Entrance, napatayo siya nang maaaninagan ito. May malaking black eye na si Troy sa kaliwang mata at dumudugo ang sulok ng bibig nito naparang nakipag-away ito o binugbog. May mga galos rin ito sa braso. Patakbo niya itong nilapitan. “Hey, Mr. Rojas, are you fine? Sinong may gawa sa iyo niyan?” Sa halip na sumagot, parang takot na takot si Troy sa kanya na bigla itong nagtatatakbo at nang makita ang Ambulansyang dumaan, agad itong sumakay roon. Bigla siyang nahiwagaan sa nangyari. Paanong may Ambulansiya roon? May pakiramdam siyang kagagawa niyon ni Sky. Pero wala namang Sky na naroon kahit anong gawing lingat ng mga mata niya. Umuwi na lang siya nang walang mapala roon. Nagulat pa siya nang dumating sa bahay at masayang na bungaran ang tiyahin. “Sha, bilisan mo dali. Dumating na ang pina-deliver ni Cloud na susuotin mo sa kasal,” tuwang-tuwang balita ni Stella sa kanya. Nanlulumong napaupo siya sa sofa. “Parang ayaw ko pumunta.” “Huwag kangang KJ. Kahit na hindi mo ito kasal, dapat maging masaya ka.” Gusto na niyang batukan ang tiyahin. Paano ba naman siya magiging masaya kung hindi naman kasal niya ang pupuntahan niya? “Sige na. Isukat mo na ito. Mabuti nga at nagmagandang loob si Cloud na pati ang susuotin mo ay sila na ang bahalang bumili at delivered pa. Complete pa pati alahas. Tantiya ko ay nasa fifty thousand ang mga alahas kapag nasangla. Regalo daw iyan sa iyo ni Cloud. Halika na..”pamimilit ng Tiyahin niya. “If that really fits me, hindi ko na kailangan pang sukatin iyan,” walang ganang sabi niya . “Ikaw rin. Malaking pagkakataon na ito. Baka magsisi ka kapag hindi ka dumalo sa kasal mo—I mean sa kasal.” Hindi niya alam kung inaasar siya ng tiyahin o slip of the tongue ang sinabi nito. Napilitan tuloy siyang sukatin na lamang iyon kahit mabigat sa kalooban niya. Nang tinangnan niya ang sarili sa Full-sized mirror. The gown looks like a wedding dress that really fits her curves. It was a Queen Ann neckline in a Trumpet type of dress fits closely to the body until the mid hip and then widens gradually to the hem that resembles the mouth of the trumpet. Gradually has a floor length that meets her fit when she wears heels and the texture is Georgette, which is Sheer and lightweight fabric with a crepe surface. Napatingin siya nang maigi sa sarili. It was her dream style of gown. Ito mismo ang gown na nais ni Sky noon para sa kanya. Kung sana kasal na lang niya ang pinaghahandaan niya ngayon. Kumawala ang luhang pinilit niyang itago. She missed him. She was wondering where is Sky now. Does he have a proper sleep? Does he eat in time? Does he miss her too? There are many DOES and HOPES on Sharon’s mind. Sana hindi na lang ito umalis sa tabi niya, na sana sila pa rin ang magkasama. Hindi naman siya sumuko, natakot lang siya na lalo siyang ipagtabuyan ni Sky. Ang totoo, gustong-gusto niyang hanapin at puntahan si Sky at ipadama rito na palagi siyang nasa tabi nito, ngunit wala siyang lakas ng loob. KINABUKASAN, araw na ng kasal nina Meunnie at Cloud. Ngunit, bigat na bigat ang mga paa niyang tumayo, parang mas gusto niyang magkulong na lang sa kwarto kung hindi lang nakakahiya sa mga Gohtencee at kung wala lang sasabihin ang mga ito sa kanya. “Sharon! Bumangon ka na diyan, nakaligo na ako. Magbihis ka na. Dumating na ang make-up artist na ipinadala ni Cloud para ayusan tayo. Huwag daw tayong mahuhuli sa kasal. Special visitor ka raw ng ikakasal!” sigaw ng Tiyahin niya sa pintuan. Nagtalukbong na lang muli ng unan si Sharulyn. “I’m not coming, Tita-Ninang. Just tell them, masama ang pakiramdam.” Mayamaya ay narinig niya ang malakas na pagkabukas ng pinto dahil sa pagtulak ng Tiyahin niya. “Tayo na diyan!” Bumuntong-hininga ito ng malalim na parang problemadong-problemado sa kanya, “Ano bang gagawin ko sa iyong bata ka?” “Ugh! Ayaw ko sumama!” reklamo pa niya. Napahiyaw na lang siya nang hilahin ni Stella ang braso niya. Wala na rin siyang nagawa nang halos paliguan na siya ng tiyahin at tinakot na isusumpa siya kapag hindi sumama. Sino ba naman siya para makipagmatigasan? Kahit napipilitan, matamlay na lang siyang sumunod sa mga pinagawa sa kanya ng make-up artist. “Ano ba naman ‘yan, Sharulyn? Kasal ang pupuntahan natin pero ‘yang mukha mo parang biyerne santo. Hindi ito burol o patay para magluksa ka ng ganyan,” reklamo ng tiyahin niya habang nagsusuot ng damit nito. “Oh my God girl, don’t cry. Malo-luz Valdez ang make-up mo. Kabilinbilinan pa naman sa akin ng Boss ko na dapat ikaw ang pinakamagandang abay sa kasal.” Pilit na napangiti na lang siya nang maalala si Meunnie, marahil ay ayaw makita ni Meunnie na siya na ang pinakapangit na abay na makikita nito. Nakaayos na sila pareho nang tiyahin niya nang dumating ang sasakyang magsusundo sa kanila. Napangisi siya nang maisip na naninigurado ang magiging mag-asawa na pupunta talaga siya. She was receiving a very special treatment. Samantala, inip na inip na ang mga naroroon, lalo na ang groom. Kinakabahan pa ito dahil baka hindi dumating ang bride niya. “Sigurado ka ba talagang kakagat ito? Paano kung hindi siya dumating? Wala na namang kasalang matutuloy,” inis na usal nito. “Will you relax yourself? Wala ka bang tiwala sa ‘kin. If this will be successful, ibibigay mo sa amin ni Meunnie ang bahay bakasyunan mo sa Tagaytay,” panunubok ni Cloud. “Damn it! Kailangan talagang iyon pa. Iba na lang.” “How about the rest house in Subic?” “Okay! Deal.” Hindi niya mapigilan ang paulit-ulit na paggalaw ng mga daliri dahil sa pagiging uneasy. Wala na talaga siyang maisip na ideya kaya kinagat na niya ang pakana ni Cloud. Dahil ayaw na niyang maulit ang mga nangyari, it was like a déjà vu. No, it was a nightmare. A nightmare, he never imagined that might happen. Nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas, saka lang siya nakahinga ng maluwang. Alam na niyang darating na ito. Naglalakad na nga ang mga abay papunta sa Aisle at para maupo sa vacant seats na provided sa mga ito. Naninikip ang dibdib ni Sharulyn nang mga sandaling iyon, gusto niyang kumaripas ng takbo dahil bigat na bigat ang mga paa niyang um-attend sa kasal ng iba sa halip na sarili niyang kasal. “Smile,” muling paalala ng Tiyahin niya. Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga saka sumunod na lumakad at nagplaster ng pekeng ngiti sa labi. Nang ihinto siya ng isa sa mga wedding staff roon ay binigyan siya ng bouquet ng bulaklak. Napatingin siya sa hawak niyang bulaklak. Bakit tila naiiba ang bulaklak na ibinigay sa kanya? Napalingon siya sa mga naunang dumaang abay. Wala kasi sa mga ito na kulay puti ang suot ng Bridesmaid, lalo na at kulay asul at dilaw ang tema ng wedding. It was same with the theme; she and Sky planned it before. Inihabol pa ng nag-aasist ang isang belo sa hindi niya malamang dahilan. Dahan-dahang lumaki ang ngiti niya nang maaninag ang lalaking nakatayo sa Altar. Ngayon ay alam na niya kung bakit. Nasagot na lahat ng pagdududa niya. Dahil hindi siya maaaring magkamali, hinding-hindi ang puso niya. Dahil kahit nakapikit siya, makikilala ng puso niya ang may-ari niyon, walang iba kundi si Sky, Lander Sky Gohtencee. ‘♪♫Here we stand today, like we always dreamed, starting out our life together. ♪♫’ Habang lumalakad siya papalapit kay Sky ay pumapailanlang ang mapagheleng boses na iyon.‘♪♫The light is in your eyes. The love is in our hearts. I can't believe you're really mine forever ♫♪’ It was like as if she was watching a movie and it always playing in a slow motion. Nang marinig niya ang kantang ‘On this day’ na kinakanta ni Meunnie ngayon, muling nagre-replay sa kanya ang lahat ng bagay. ‘♪♫Been rehearsing for this moment all my life, so don't act surprised if the feeling starts to carry me away♫♪’ Ang araw na nagkakilala sila ni Sky, ang araw na sinipa niya ito at sinampal dahil ninakawan siya nito ng halik. ‘♫♪On this day,I promise forever. On this day, I surrender my heart.♫♪’Ang mga araw na pilit niya itong iniiwasan at tinatakasan.‘♫Here I stand, take my hand and I will honor every word that I say, on this day.♪♫’ Ang araw na sinagot niya ito at napilitan siyang umamin sa nararamdaman niya. Ang mga pagsubok na kinaharap nila at nalampasan. ‘♫Not so long ago, this earth was just a field of cold and lonely space, without you. ♫♪’Ang mga bagay at alaala niyang ayaw na niyang mawala pa at ilang beses niyang gustong i-replay sa utak niya. ‘♫♪Now everything's alive, now everything's revealed and the story of my life is all about YOU♫♪’ Ang araw na minahal siya ni Sky at minahal din niya ito.‘♪♫’ ‘For if you feel the cool winds, blowing through your nights. I will shelter you and forever here to chase your fears away♪♫’ Na parang kay tagal rin nito hinintay ang pagkakataong ito, na parang siya lamang ang pinakatatangi nito. ‘♪♫On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart.♪♫’. It was the best choice of song she ever heard. Sana wala ng katapusan ang lahat ng ito, at kung panaginip man, hindi na niya nanaising magising pa. Hindi na napigilan ni Sharulyn ang mapaiyak habang dahan-dahang naglalakad papunta sa altar. Bago pa man makarating siya ng Altar, lumapit na sa kanya si Sky at lumuhod sa harapan niya. Sinundan lang niya ito ng tingin. “I’m sorry if I’m a bit late.” Napaangat ang paa niya nang hawakan iyon ni Sky at igaya sa isang pares ng sapatos. “This is my Princess’s shoes it will pretty fit your wedding gown.” ‘♪♫Here I stand, take my hand, and I will honor every word I say. On this day♪♫’. Nagpalakpakan ang mga naroroon na akala mo ay nanonood ng sine. The Cinderella Scene, where the Prince finally found the owner of the glass shoes. Nang tingnan niya ang binata ay titig na titig ito sa kanya na tila siya ang pinakamagandang babaeng nakita nito sa buong mundo, isang mabasaging porselanang nais nitong alagaan. At siya ang pinakamagandang bagay na nangyari dito. Napipihan siya at walang masabi sa binata na ngayon ay nasa harapan na niya.Ilang beses pa niyang kinurap ang mga mata. No. It was not a dream. It was for real. Lalo siyang napahikbi at naiyak. Nag-aalalang pinunasan ni Sky ang luha sa pisngi niya habang nakatakip pa rin ang belo sa ulo niya. “Wo ai nǐ, Sharulyn Torregoza. Please, marry me again.” Hindi na siya nakasagot sa sinabi nito dahil nauna na naman ang pagkilos niya nang sipain niya ito sa pagitan ng hita nito. Ngunit ang loko, agad naiwas ang mga eggs at nabigo siyang gawing scrambled. “Please stop it, baka hindi na tayo makabuo at hindi na sumaludo si General pag iyon ang pinatamaan mo.” “Pervert!” ‘Oh, Langit, langit na mahabagin..mabuti at hinulog ka ng Langit, Sky,’ ‘di mapigilang bulong ng isip niya. Niyakap siya nito at saka magkahawak kamay na ginaya papunta sa Altar. Halos ayaw na nito bitiwan ang kamay niya. Natatakot na siguro itong mawala pa siya, pero mas natatakot siyang mawala ito kaya hindi na rin siya bumitiw dito. It was all thanks to Cloud and Meunnie, their stupid idea that makes her cry a lot. That idea, she will treasure for the rest of her life. Ito ang mga alaalang maishe-share niya sa magiging anak nila. “Oh, picture! Say cheese!” Nang madaos at tagumpay na nakasal sina Sharulyn at Sky ay nilapitan ng una si Meunnie na nakaupo na sa tabi. “Thank you for singing at my wedding.” “I thought hindi ka na darating. Halos kaladkarin ka na raw ng tita mo para lang mapapunta ka rito. Everyone is happy dahil tagumpay ang wedding,” saka tipid na nginitian siya. Binigyan niya ito nang nakakailang na tingin “Akala ko kasi kayo talaga ang ikakasal.” “You should be happy now and I’m happy for you.” “Susunod ba kayo next year ni Cloud?” Nagkibit ito ng balikat sa tanong niya. “Hindi ko alam.Wala pa kaming napag-uusapan. Isa pa, ngayon na lang kami nagkaayos pero hindi pa naman kami. MU pa lang.” Siniko niya ito at napangiti. “Swear, doon rin ‘yon mapupunta. Kaya huwag ka ng magdalawang-isip sa mokong na iyon. Gohtencee’s are really good guys they know how to love and cherish a woman. Asahan ko ang kasal nyo next year ah.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD