LSG 10:

2433 Words
NAIINSULTO si Sharon sa nangyari kagabi kaya hindi niya ito kinikibo hanggang ayain na siya nito palabas sa bahay na tinuluyan nila nang umagang iyon. “What’s wrong? What’s the matter?” pagtatakang tanong nito habang napapakamot ng kilay. Sa inis niya ay tinulak niya ito. “I had given you all the opportunities, pero hindi mo ginawa.” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng binata. “So, ibig sabihin pala nabitin ka kagabi. I didn’t end up hanging you, infact ako nga itong labis na sumama ang pakiramdam. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpigil kagabi. Nilaklak ko na nga ang niresete sa’kin ni Cyan para lang mahalikan ka,” mahabang paliwanag nito at saka kinuha ang kamay niya. “Please, ‘wag ka ng magalit. Promise, after your graduation, pakakasalan kita kahit saang Simbahan mo pa magustuhan.” Biglang nawala ang pagtatampo niya rito, kasabay na’ng naitapon sa dagat. “Kailangan ko lang ng paghahanda. My proposal was informal, hayaan mong bigyan kita ng unforgettable romantic wedding proposal.” Napapangiti na lang siya bigla. Ganito pala pag-inlove ang mga lalaki, sobrang romantic at sweet and did she mention that they are really caring and sensitive to her emotions? Wapak na wapak na, shoot pa sa banga ang pagiging perfect boyfriend nito. Lalo na lang tuloy siyang magiging clingy at hindi na ito iiwanan kailanman. Nang makapasok sa kotse ay umangkla na siya rito, gusto niyang maging sweet kagaya nito. Gusto niya ring ipakita na kaya rin niya itong mahalin katulad ng pagmamahal nito sa kanya. Nginitian lang siya nito saka nag-focus sa daan. Nakangiti siyang umuwi ng bahay habang nakaabang sa kanya ang tiyahin. “Kumusta naman kayo ni Sky?” kinikilig na tanong ng tiyahin na parang bumabalik sa pagiging teenager. Hindi niya sinagot ang tanong nito nang makitang may mga bulaklak at chocolates na nakalapag sa mesita ng salas nila. “Tita-Ninang, mayroon ba akong dapat malaman?” panghuhuli niya sa tiyahin. Pilit na ngumiti ito. “Kuwan kasi.. Galing iyan kay Arthur.” “Arthur Domingo? Iyong Artist na ang palayaw ay Art na ex mo dati at iniwan ka dahil nagpakasal sa iba?” “Oo nga. Siya nga, detalyado mo pa. Nanliligaw siya.” “What?” Nanlaki ang mata niya sa narinig. “Huwag kang pumayag. May asawa na iyo—“ “He’s not married. Ang totoo kasi, tinakbuhan niya iyong kasal dahil ako talaga iyong mahal niya.” “Naku Ta, naniwala ka naman. What if he was a Con Artist? At pinaglololoko ka lang ng lalaking iyan?” “Wala na mang mawawala sa ‘kin dahil matanda na ako. Ikaw ang dapat maging maingat. Huwag munang isuko ang bataan, kasal muna.” Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil guilty siya sa sinabi ng tiyahin. Ngunit agad siyang napigilan nito. “Teka nga lang, ‘wag mo sabihin sa akin na may nangyari na sa inyo?” “Foreplay daw, that’s all.” “Foreplay, what? That’s fine, basta hindi muna kayo hahantong sa ganoon. Magpakasal muna kayo. Anyway, may tiwala naman ako kay Sky.” Bigla siyang napaisip. ‘Talaga lang, paano kaya pag nalaman niyang my Kiss Disorder si Sky? Paniguradong hindi lang siya ang mapapatay’. “Nga pala, galingan mo sa pag-aaral ha.” Nilingunan niya ang tiyahin. “Why? Anong meron?” ”Bilin ni Sky,” matipid na sagot ng tiyahin. “Teka, aalis siya? Wala naman siyang binanggit sa akin?” malungkot na pagtataka niya. “Ayaw ka raw niyang mag-alala at isa pa, gusto niyang umiwas muna dahil nakakatukso ka raw talaga,” bahagya pa itong natawa. “Ang batang iyon talaga, hindi mo akalaing gentleman. Wala sa hitsura niya.” Agad siyang pumasok ng kwarto at agad pinindot ang numero ng nobyo, ngunit hindi na ito ma-contact. Tama nga yata ang tiyahin niya, ayaw nitong mag-alala siya at ayaw nitong matukso sa kanya. Pero hindi niya mapigilang masaktan at mag-alala para dito. Si Cyan ang sinubukan niyang tawagan dahil baka may alam ito. “Hello, ate Cyan?” “Yes, speaking.” “Totoo bang umalis ng bansa si Sky?” “Yup! He was back to work for a weeks or month, not sure. Why? Hindi ba kayo nagkausap?” “Wala kasi siyang sinasabi sa akin eh.” “Uh. Maybe ayaw niya talagang sabihin dahil alam niyang mag-aalala ka. Isa pa, may sakit iyon, kapag lagi raw kayong magkasama. Matutukso lang siyang halikan ka, alam mo na.” “Talagang sa playboy na Sky nanggaling iyon?” pagtataka pa niya. “Uh huh. Nagka-brain decay na nga yata ang isang iyon, lakas ng tama sa iyo. Iyong mga usually na ginagawa niya noon, never na niyang ginagawa at iyong mga hindi niya ginagawa, nakapagtatakang ginagawa na niya ngayon.” “T-talaga?” “Oo. Hindi mo pala alam ang history ng mga Gohtencee noh. Maybe, sakit na namin iyon at ganoon kami pagtinamaan. Iyon ang sabi ni Dad. But not on kuya Sky’s part, lakas talaga ng saltik at tama ng isang iyon eh.” “S-sige, salamat ate. Will you contact me kung may balita ka sa kanya at kung kailan ang balik niya?” “Oo naman. Sa ngayon, baka on the board na siya, alam mo naming bukod sa magpalipad ng eroplano, magaling talagang magpalipad-hangin iyon lalo na sa chicks,” saka pa nito sinabayan ng tawa na may nais ipakahulugan. “Joke lang, baka maniwala ka. Loyal naman iyon. Ako talaga ang magbabalat ng buhay ‘dun kapag nagloko iyon.” “Sige te, salamat.” Pagkababa ng phone, naramdaman niyang nag-init ang sulok ng mga mata niya. Naiinis lang siya dahil hindi man lang nito nagawang magpaalam. Ibig sabihin hindi ito makakarating sa Graduation niya pagnagkataon. PINAGSUMIKAPAN na lang ni Sharulyn na maka-graduate ng college at para may maipagmalaki naman siya kay Sky. Pinaghandaan niya ang pagdating ni Sky sa mismong eksaktong graduation niya, ngunit umuwi na lang ang halos karamihan sa mga graduate students ay wala pa rin siyang maaninag na Sky. “Sigurado ka bang hihintayin mo pa siya?” tanong sa kanya ng tiyahin. Hinawakan siya nito sa balikat. “Pinapupunta tayo ng parents niya sa bahay para doon raw makapag-celebrate ng graduation party mo.” “Mauna na lang kayo roon. Dito lang ako.” Tinanguan lang siya ng tiyahin saka umalis at iniwan na siya. Sinubukan niyang i-ring ang phone ni Sky, ngunit out of coverage area iyon. Naupo na lang siya sa tabi habang hinihintay ang pagdating ni Sky. Hanggang mapatingin siya sa kotseng huminto at pumarada roon. Napatayo siya nang may bumabang lalaki at kamukhang-kamukha iyon ni Sky. Nakatitiyak siya sa nakikita niya, hindi iyon si Sky, kundi ang kambal nito. “Ba’t ka nandito? Nasaan si Sky?” “You look stunningly beautiful. To tell you, it was great that you can distinguish who is Sky and Cloud. A good ability eh.” “Cloud, bakit ka nga nandito?” pinaikot pa niya ang mata sa pagkairita. “Actually, pinasusundo ka talaga ni Sky sa akin.” “Where is he?” excited na tanong niya kay Cloud. “Nasa Airport na siya, medyo male-late lang daw. Pero may surprise daw siya sa iyo. Beforehand, we invited your classmates, friends and co-workers to celebrate the party in our house.” “Thank you, Cloud. Pero hindi ba pwedeng dito ko na lang siya hihintayin?” “Mapipilitan akong kidnapin ka and force you to go with me if you insist staying here,” matigas na sabi ng supladong si Cloud. Napaangat siya ng kilay sa sinabi nito. Ito talaga ang karisma ng isang Cloud Gohtencee, the other half of her boyfriend. “Go ahead, nang maisumbong kita kay Meunnie.” “Meaunnie has nothing to do with this. She doesn’t remember anything about me after the Ship incident.” She crosses her arms over her chest. “You think so. Paano kung naalala ka na niya?” Lumapit ito sa kanya na madilim ang anyo, mas nakakatakot kaysa sa isang Sky Gohtencee. “How did you know? What else do you know?” Bumuntong-hininga siya at nagpatiuna sa pagsakay sa sasakyan na hindi na ito pinansin. Tahimik nilang binaybay ang daan patungo sa Terraces Village sa Makati. Hindi na siya nito inusisa, dahil ang totoo ay hula lang talaga niya iyon. Gusto lang niyang asarin at takutin si Cloud. Pasalamat na lamang siya at may silbi ang pagkasuplado nito. Kapag nalaman nito na gawa-gawa lang niya iyon, tiyak hindi siya sasantuhin nito. “Narito na tayo,”anunsyo nito na pinatay pa ang makina. Hindi na niya hinintay na bumaba ito para pagbuksan siya dahil imposibleng gawin nito iyon, hindi ito ang klase ng Gentleman person. Cloud was a stone cold hearted person while Sky is the opposite. Nang makababa, napatingin siya sa banner na nasa labas ng gate at kasabay niyon ang putukan ng mga fireworks. Nagtuloy-tuloy siya sa loob at sinundan ang linya ng mga petal roses na nakakalat sa aisle. Kung totoo ang fairytale, isa na nga yatang fairytale ang nangyayari ngayon. She was the Princess from her fairy tale dream while the man he saw standing in front of her was her Prince. Looks like the Prince was waiting for his Princess to wear the glass shoes and become his forever. Napangiti siya nang makitang nakatayo si Sky at kagaya niya mas malaki pa ang pagkakangiti nito habang bitbit ang isang itim na kaheta. Pagdating sa harapan nito, bigla itong lumuhod sa harapan niya. “My one and only Sharulyn Torregoza, may you be my bride and my forever for the rest of my life and marry me?” Napatakip siya sa sariling bibig sa labis na pagkabigla. Gumulong sa mga mata niya ang butil ng luha sa labis na kaligayahan. “Oh my,, Of course, yes, Lander Sky Gohtencee.” Tumayo ito at hinapit siya ng yakap saka hinagkan ang noo niya. Isang malakas na palakpakan ang bumaha sa kalakihan ng Mansion na iyon. “Kung sasabihin kong mahal kita, malaking biro pa rin ba ako sa iyo?” tanong nito na naka-angkla sa kanya. Ngumiti si Sharon. “Mukhang hindi ka na nagbibiro ngayon and besides, ilang beses mo ng sinabing mahal mo ako. So, I think you’re true to yourself.” “Akala ko hindi ka na maniniwala sa lahat ng mga sinasabi ko. Dahil talaga namang mahal na mahal kita.” “Yeah. Given na iyon.” Hinagkan niya sa pisngi ang nobyo. “Thank you, Sharon. I love you at titiyakin kong wala na akong ibang babae pang mamahalin at hindi-hindi ka magsisisi na ako ang minahal mo.” Parang panaginip ang lahat nang idaos sa Gohtencee Mansions ang Graduation celebration at ipinagsabay na rin ang engagement party nila. Sobra-sobra ang kaligayahang naramdaman ni Sharon. Pinaghandaan na nila ang paghahanda sa kasal bago pa siya makapagsimula sa trabaho niya. Na-absorb kasi siya sa oinag-OJT-han niya, all thanks to Mrs.Jowey Gohtencee at sa kuntsabahan nila ng boyfriend—fiancée pala niya. Abalang-abala na nga ang tiyahin niya sa pagpili ng mga dadalo sa kasal samantalang, magkasama naman sina Sharon at Sky sa pagpunta sa BoutIque para bilhin ang bridal gown at groom’s attire. Nang suotin na niya ang gown, fit na fit iyon sa hubog ng katawan niya. Isang Ball gown type of wedding dress ang pinapili sa kanya ni Sky na may Queen Ann neckline, natural waistline at crepe fabric. “Hindi ba masyadong hubog ang dibdib ng asawa ko rito?” tanong ni Sky sa Wedding coordinator. “Saka isn’t usual na lalaki ang wedding coordinator?” Siniko ni Sharon ang Fiancee dahil sa pagiging vocal nito. “Sky, Marvin Lee is a veteran and famous, don’t be hard to him.” Pinaliguan muna ng tingin ni Sky ang good-looking guy na may hawak na folder. He seems handsome but he looks like a gay to him. “Perhaps you’re a gay,” walang pakundangang sabi pa ni Sky. Mukhang hindi naman natinag ang tinawag na Marvin, taas-noo pa itong sumulyap sa kanya. “I am married with two siblings. I love my job but I’m not gay. Well, I pretended before, hiding my identity,” mahabang paliwanag ni Marvin. Umarko ang bibig ni Sky. “Oh. Nagbibiro lang naman ako,” saka bahagyang tinapik ito. “Minsan, inuman tayo. Mukhang marami tayong dapat na pagkwentuhan,” at binigyan ito ng makahulugang tingin. “Something wrong?” Sabay-sabay silang naglingunan sa bagong dating na babae. Agad namang lumapit si Marvin at hinalikan ang babae. Gumapang yata ang init sa buong katawan ni Sharon nang mapanood kung paano hinalikan ni Marvin ang babae na asawa pala nito. It wasn’t just a simple kiss nor French kiss, damn it—its torrid hot kiss. Kaagad na tinakpan ni Sky ang mga mata niya kahit na huli na ito. “Don’t look. Just wait, we’ll be going to do it after we wedded,” mahinang usal nito sa tenga niya. Lalong nag-init ang pakiramdam niya sa sinabi ng binata. Namula nang husto ang mukha niyang mestiza. Natatawang tiningnan lang siya ng binata at mukhang ginagawa siya nitong katatawanan. Sa huli ay pinili na nila ang unang iminungkahi ng Wedding Coordinator bago bumalik sa Mansion. Isang buwan at kalahati ang paghahanda sa nalalapit nilang kasal. Hindi na makapaghintay si Sharon na makasal sa asawa. Tiyak niyang wala na rin siyang mamahaling kagaya ni Sky. She will love him even better. Matuling lumipas ang oras, araw at buwan. Handa na ang lahat, mukhang nagbunga naman ang pinagpaguran nina Sharon at Sky sa kasal. Nagpumilit siyang huwag gawing engrande ang kasal ngunit hindi daw siya cheap na babae, isa raw siyang prinsesa kaya dapat siyang itrato ng mala-prinsesa. Sobra-sobra na ang kasiyahang nararamdaman niya. It was like she was in a fairy tale stories were here Prince Charming was born in real life. She was wearing the beautiful ball gown that Marvin Lee got it for her while she was taking down her feet of off the ground from the bridal car going inside the Church. Everyone sees her as the most beautiful and elegant bride in the whole wide world. Ganoon nga rin siguro ang tingin ni Sky sa kanya. Ano pa ba ang pinapangarap niyang makuha? Kung sa isang pitik lang ng daliri ay bigla siyang nagising sa isang masayang pangarap na naging reality na pala ang lahat. Ngunit paano nga lang kung dahil din sa isang pitik, ang panaginip niya ay biglang maging isang bangungot. Sharon’s wedding disaster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD