LSG 011:

3118 Words
NAPAHINTO sa paglalakad patungo sa loob ng Cathedral si Shaulyn nang hinihingal na dumating ang secretary ni Sky. “Sorry for the bad news, may emergency. Naaksidente ang sinasakyang kotse ni Sir Sky!” Nawala ang ngiti sa labi ni Sharon at kaagad na sumakay ng kotse at nagpahatid kung saan dinala si Sky. Naabutan niyang nilalabas na ang stretcher mula sa Ambulance car at dinadala na sa loob ng ER ng Ospital. Agad niyang dinaluhan ang binata at kumapit sa kamay nito. “Sky! Sky, please wake up. Huwag kang susuko. I promise you, the day you’ll open your eyes, I will be the first one to love you even more. Just hang on. Huwag mo akong iiwan,” nagsusumamong sabi niya habang hawak ang kamay nito habang puno ng luha ang mga mata. Nagpuntahan sa Ospital ang lahat ng mga kamag-anakan nila. Ilang oras rin ang hinintay nila sa paglabas ng doktor. Lahat ay nanlulumo sa nangyari. Pati ang driver nito ay kritikal din ang lagay at nasa ICU na. Ayon sa statement ng driver ng truck na siyang bumangga sa kotseng lulan ni Sky. Mabilis raw ang takbo ng sasakyan nila Sky at hindi kaagad na kapag preno nang mag-U turn ang truck. Lalong napahagulgol ng iyak si Sharon, sa mismong araw ng kasal pa niya naaksidente ang minamahal. Makalipas ang mahabang oras, sa wakas rin ay lumabas ang mga doktor na tumingin kay Sky. Si Sharon agad ang unang tumakbo para kausapin ang doktor. “A-Ano na pong lagay ni Sky? Ligtas na siya ‘di ba?” “Ligtas na si Mr. Gohtencee, kaya lang labis na naapektuhan ang ulo niya. May posibilidad na magkaroon siya ng selective amnesia o may bagay-bagay na makalimutan niya. Depende sa damage na nakuha ng kanyang ulo. We’ll make another test on his skull and to specify the amount of memory loss on the patient. Sa ngayon ay hintayin na lang natin siyang magkamalay.” “Doctor Carvajal, alam kong hindi mo kami bibiguin. You’re a good surgeon at ibibigay ko ang isandaang porsiyentong tiwala ko sa iyo,” panunukat ni Cyan sa doktor. “Please, Azet, do everything to my brother.” Humawak sa balikat ni Cyan ang tinawag na Doktor Azet Carvajal. “Doktor lang ako, hindi ako diyos. That’s all I can do,” pagkasabi ay iniwan na sila. Nalukot ang mukha ni Cyan Ritz. Hindi pa rin nagbabago si Edcel Azet Carvajal kahit taon na ang lumipas. He was still the rude doctor she used to know, kahit pa may asawa na ito at mga anak. Nanlulumong napaupo si Sharon sa sahig, hindi alintana ang mainit na damit na suot, hindi alintana ang hitsura sa kabila ng nararamdaman niya. Lumapit na sa kanya ang tiyahin para aluhin siya. Hinagod nito ang likuran niya para pagaanin ang nararamdaman niya. “Huwag kang susuko, Sha. May awa ang diyos, hindi ka niya pababayaan.” Tahimik na umiyak si Sharon sa tabi at nang sabihin ng nurse na pwede na silang pumasok sa loob ng kwarto ng ICU. Tumuloy na rin siya. “Sky.. Ang dami kong pangarap para sa atin. It’s all happen, because I already accept that you are my fate, my destiny. Ikaw ang first love ko.” Saka pa niya hinawakan ng mahigpit ang kamay nito at dinala sa pisngi niya. “Please wake up. Sabi mo ‘di ba kung mamatay ka man sa kinatatayuan mo, ako pa rin ang mamahalin mo sa kabilang buhay or even after life. Bakit ngayon? Bakit ngayon ka pa susuko, kung kailan nakuha mo na ang puso ko. Gising ka na diyan, hah. I swear, hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kahit malimutan mo na lahat, I’m always here. I will be here for you as long as you want me, as long as you need me. I will never leave you.” Muli na naman siyang naiyak. Umabot na nang madaling araw at naroon lang si Sharon para bantayan ang nobyo. Dinalhan naman siya ng tiyahin ng damit pamalit kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na magpalit ng damit. Ngunit hindi pa rin niya iniwan ang nobyo, nanatili lang siyang naroon para magbantay. Patuloy lang sa pagdarasal ang buong pamilya ni Sky para sa agarang recovery nito. Masakit man at hindi nila matanggap na ganoon ang nangyari ngunit hindi nila dapat sisihin ang Naglalang. Kagustuhan man nila o hindi wala na rin silang magawa. Halos isang linggo ang hinintay nila nang ianunsyo ng doktor na magkakamalay na si Sky. Labis ang tuwa nila nang unti-unti na nitong naimulat ang mga mata. Dahil bumili ng makakain roon si Sharulyn at mga prutas, wala siya sa tabi ng binata. Nakangiti at masaya ang lahat ng halos buong pamilya na ang nasa loob ng kwarto nang makitang dilat na dilat na siya at kaya ng magsalita. “How are you feeling, Bro?” tanong kaagad ni Cyan. “Okay ka na ba?” halos sabay na tanong ng mag-asawang sina Lake at Jowey. “Kailangan ba talaga ganyan ang reaksyon nyo?” natatawang balik na tanong ni Sky. “I’m fine, okay na ako. Wait a minute, ano ba ang nangyari?” Nagkatinginan ang mga naroroon. “Wala ka bang matandaan sa nangyari, Sky?” nakakunot-noong tanong ni Cloud. “Gago, magtatanong ba ako kung mayroon? Bakit nga ba ako narito?” “Lulan ka ng bridal car kuya Sky nang bumangga ang sasakyan sa isang eighteen wheeler truck.” “Bridal car. Bakit, ikakasal na ba ako?” Napuno ng pagtataka ang pamilya ni Sky nang siya namang pagdating ni Sharon. Nabitiwan ni Sharon nag mga bitbit nang makitang nagkamalay na ang bintana pagkapasok sa pintuan ng kwarto. “S-Sky?” Patakbong tinungo niya ang pwesto ni Sky at inambahan ng yakap an binata. “I’m so glad you’re awake. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala. Hindi na nga ako nakakain eh, I’m waiting for you to wake up.” Kinalas ng binata ang pagkakayakap niya rito. “Teka lang, isa ka ba sa present girlfriends ko?” Kumunot ang noo ni Sharon. “I’m Sharulyn Toregozza, your fiancé. Ikakasal na dapat tayo, kaya lang bumangga ang sinasakyan mo at—“ “Nagpapatawa ka ba? Ba’t naman ako ikakasal? I’m a bachelor enjoying my single life. Why would I rather choose to get married?” Naglabasan na ang mga luha ni Sharon at naglaglagan. “Sky, hindi mo ba ako nakikilala?” halos piyok na tanong niya rito. “What’s your name again?” “Sharulyn Toregozza, Sharon, ako ang mapapangasawa mo.” “Whaat!” kasabay na pag-iling nito. “Sorry, hindi talaga kita matandaan.” Napahawak ito sa sintido kaya napilitan siyang lumabas ng kwarto. Kasabay ng pagsigaw nito na sumasakit ang ulo. Lumabas ang mga naroroon kasunod na pumalit ang doktor para i-check ang kalagayan niya. At ayon sa test result ay mayroon itong Selective Amnesia at isa si Sharulyn sa nawalang alaala nito. Mukhang gumanti nga ang tadhana nang hindi na makilala ni Sky si Sharulyn. Kung noon siya ang panay iwas sa binata, ngayon ay ito na mismo ang umiiwas sa kanya. Lalo siya naiyak dahil sa dami ng malilimutan, present life pa ang nalimutan nito at siya. Maaari na rin na raw mailipat si Sky sa isang private room dahil mabilis na rin ang recovery nito. Sa kabila ng pagkalimot sa kanya ni Sky, hindi niya balak sumuko. Hindi sa ngayon, she will struggle hard until Sky finally remembers her. Nanlulumong nakaupo sa labas ng kwarto ni Sky si Sharon habang nasa loob ang parents nito. “Sharon, baka naman trip lang ‘yan ni Sky,” pagdududa ni Cloud. “Of all people, ikaw pa talaga.” “Akala ko sa mga movies at pocket books lang nangyayari ang mga ganito. ‘Yon pala pati sa totoong buhay rin. Nag-aalala ako, paano kung hindi na bumalik ang alaala niya? Paano kung tuluyang makalimutan na niya ako?” Niyakap na siya ni Cloud, para ipakitang may susuporta pa rin sa kanya. Kung noon ay takot siyang magmahal ngunit may mas higit pa palang nakakatakot na bagay na hindi niya akalaing mangyayari ngayon. Iyon ay makalimutan siya ni Sky at tuluyang lumayo ang loob nito sa kanya. “Don’t lose hope, Sharon. Ipaalala mo ang lahat sa kanya at ipakita mong hindi mo siya susukuan hanggang magbalik ang alaala niya. Mabuti na lamang at hindi nawawala ang pag-asa ng pamilya nito at tiwala sa kanya. Natutuwa siyang malaman na boto sa kanya ang lahat at pinagkakatiwalaan siya na hindi niya susukuan si Sky kahit pa ipagtabuyan siya nito. Dahil may kanya-kanyang trabaho rin ang mga ito, pinagpasyahan na lang ni Sharon na siya ang magnu-nurse sa nobyo. Siya ang nag-alaga at nagpapakain sa binata kahit pa minsan ay nasisigawan siya nito. Marahil nabago rin ng aksidente ang ugali nito at sitwasyon. Hindi isang mainitin ang ulo ng Sky na kilala niya, ngunit ngayon, laging mainit ang ulo nito kahit nga minsan ay makita lang siya nagagalit na ito ng walang dahilan. SIGURO nga ay gumaganti na sa kanya ang pagkakataon. Kung noon si Sky ang iniiwasan at inaaway niya ngayon ay nagpalit na silang dalawa ng posisyon. Hinahayaan lang niya si Sky, hindi dahil naaawa siya rito kundi dahil mahal niya ito. “May ideya ka ba kung kailan ako puwedeng lumabas?” Umiling si Sharon. “Wala pa kasing sinasabi ang doktor, kaya hindi ko ala—“ “Nurse ka ‘di ba? Ba’t hindi mo alam!” napataas na ang boses nito. Napapikit na lang si Sharon at tinanggap ang galit nito. “I-I’m sorry, hindi naman ako nurse, nag-volunteer lang ako—” Hindi na natapos ni Sharon ang sasabihin nang talikuran siya ng binata. “Nevermind. Ano nga ba ang alam mo?” Naiiyak na napayuko na lang siya. Isang cold stone and hard to please na Sky na ang kaharap niya ngayon. “Aish! Gusto ko ng lumabas sa pesteng ospital na ito! Walang babae, walang alak at hindi ko magawa ang gusto ko. Ang daming bawal. D*mn it!” Napabuntong-hininga na lamang si Sharon. Kung pwede lang niya pawiin ang nararamdaman ni Sky ngayon. Iyon nga lang ay hindi niya magawa, dahil hindi naman siya nito naaalala. Hindi rin naman pinatagal na mag-stay si Sky sa Hospital dahil mainipin na ito kaya nagpasya ang Ospital na ma-discharge na siya. Si Sharon lang ang naroon sa loob ng kwarto at naghanda ng damit at bagahe niya para sa paglabas niya. Nakatalikod siya at yumuko para iayos ang mga damit nito sa isang table nang maramdaman niya ang mainit na palad sa hita. Suot niya ang isang bestidang lampas tuhod. Sa pag-aakalang naaalala na siya ni Sky ay hinayaan niya ang ginagawa ng binata. Tumaas ang kamay nito at hinagod ang pang-upo niya. “You have a soft butt,” bulong nito sa tenga niya nang yakapin siya nito mula sa likuran. “I don’t think if you’re good in bed. Can we find out?” kasabay ang nakakalokong ngiti nito sa kanya. Muling naglandas ang luha sa mga mata niya, akala siguro ni Sky ay isa siya sa mga babaeng kinakama nito. Mabilis pa sa alaskwatro na kumalas siya rito. Napangisi ang huli at agad siyang binakuran. “Why do I have this feeling that I’m getting hotter when I am close to you like this?” Lalo pa idiniin nito ang katawan sa kanya. Naramdaman niya ang paninigas nito sa puson niya. Mabuti na lamang at dumating ang kapatid nitong si Cyan, napilitan tuloy itong lumayo sa kanya. Kaagad ito nagpaalam na magbabanyo muna. “Sigurado ka bang kaya mong i-handle si kuya?” tanong sa kanya ni Cyan. Tipid na ngumiti si Sharon. “Oo naman. Don’t worry, kakayanin ko lahat.” Nawala kay Sky ang skills na magpatakbo muli ng Eroplano kaya sinunod na lang ni Sky ang payo nina Cyan at Cloud na huwag munang i-pressure ang sarili at mag-concentrate na lang sa Kompanya ng mga magulang. Inaasahan na ni Jowey na babantayan pa rin ni Sharon ang nobyo at aalagaan kaya [ina-transfer nito ang dalaga sa kompanya ng mga Gohtencee upang ma-monitor ang nobyo. Nang sa ganoong paraan ay mas maalala ni Sky ang dalaga. Bilang kapalit, pinakiusap ni Jowey na ang sekretarya ni Sky ang ipalit muna pansamantala sa naiwang trabaho ni Sharon at si Sharon naman ang magiging sekretarya ni Sky pansamantala. Lahat ay kakayanin niya, walang trabahong hindi niya tatanggapin kaya kahit medyo nahihirapan siya tanggapin ang trabaho at hindi pa siya masyadong nate-train ay kaagad na pumayag siya sa napag-usapan nila ni Jowey. Pumayag naman ang dati nitong secretary na tuturuan siya. Isa sa leading Manufacturing Company ang Gohtencee group of enterprise. Marami silang hawak, isa na roon ang label manufacture, advertising, steel bars and construction materials, chips and technology parts, at ang bago nilang pinapalawak ay ang cargo and airplane crafts parts. Mas pili ni Sky ang Advertising and Marketing parts. Mayroon kasi itong background sa advertising at marketing. Isa pa ay kilala na ang pangalan nito at madali na sa rito ang mag-advertise ng produkto ng kompanya. Nakaupo lang si Sky sa swivel chair habang may kausap sa telepono. “That’s it honey. You know I’m very persistent and busy. Gusto man kita puntahan ngayon, hindi ko magagawa. I have to create a new product endorsement strategy.” Naiinis na iniwas ni Sharon ang tingin mula sa glass window na sinisilip niya. Rinig niya ang boses nito dahil isang bintana lang naman ang pagitan ng kwartong iyon at sa labas kabuuhan ang sound proof nito. Hanggang sa opisina ay may kalandian ang nobyo niya at hindi niya maialis na hindi magselos. Kaagad niyang tinapos ang research na ginagawa para cargo ship advertising. Kinuha niya nag folder at dumiretso sa table ni Sky. Nakalagay pa ang paa ng huli habang nakikipag-usap sa kung sinong babae. Pabagsak niyang ibinaba iyon sa mesa nito. “Sir, hayan na ang research na ginawa ko para sa advertising.” Sa gulat ni Sky nabitiwan nito ang phone at narinig pa niyang humiyaw ang nasa kabilang linya. ‘Buti nga, ang landi mo kasi,’ bulong ng panig ng utak niya. “Teka, galit ka ba?” Umiling-iling siya bilang sagot. Binasa nito ang proposal niya at hinagis pabalik sa kanya. “This is not what I want! You shouldn’t focus on data, understood?” Tumango na lang siya at kinuha pabalik ang folder na naglalaman ng proposal niya. She needs an stress free environment. It became more stressful lalo na kung umaali-aligid ang mga babae kay Sky, Hindi rin siya makapag-focus dahil kay Sky, lalo tuloy siyang nape-pressure. But it was part of work and she need to stand alone no matter what. She might lose in the competition kung paiiralin niya ang pagmamahal lang. Kailangan niyang maging mas matapang pa. Bumalik siya sa sariling table, kailangan niyang mag-concentrate at mag-research ng mas fresh na idea and this time, ibabato na niya sa mukha iyon ni Sky. Nang lingunin niya ang oras pasado alas sais na pala, nang sumilip siya sa table ni Sky, nag-aayos na ito. Mukhang siya lang ang kailangang mag-over time para matapos niya ang proposal na isa-submit niya bukas ng umaga kay Sky. Nakakaumpisa pa lamang siya nang lumapit sa kanya si Sky. May bitbit itong mga folders. “Will you please file this to the storage room after you’re done.” Saka inilapag sa tabi ng computer niya. “Don’t over work, see you tomorrow,” pagkasabi ay binirahan na nito ng layas. Ginaya pa niya ang accent nito.”Don’t over work, see you tomorrow.” Saka nanggigil na umusal. “Bwisit! Over work mukha mo. Tambakan mo ba naman ako ng fillings. Tsk!” Napabuntong-hininga na lamang siya. Kailangan niya maging competent, agressive and work harder than she thinks at kailangan rin niyang bakuran ang binata sa mga umaali-aligid na bubuyog dito. Pasado alas onse na nang mag-out siya sa opisina. Nakita pa niyang may nakatambay na Revo sa labas ng Building. Inakala niyang si Sky ang bumaba nang maaninag niya ang mukha nito. “Cloud? Anong ginagawa mo rito?” Inalalayan siya ni Cloud para makapasok sa loob ng sasakyan. “You owe me something. That’s why, I had a good idea kung paanong unti-unting pababalikin ang alaala niya sa ‘yo,” sabi pa nito nang ilagay ang sariling seat belt. “Fasten your seat belt.” “Wait a minute, hindi pa ba kayo nagkakausap ni Meunnie?” “Are you that close?” “No. Am.. minsan na kasi akong gumawi sa Bar na pinagtatrabahuan niya.” “Marami ka yatang ikukwento sa ‘kin. How did you know her? Why you knew something between me and her?” Isang mahabang iling ang ginawa niya upang tanggihan ito at magdahilan. “No. Hindi ah. Naikwento lang talaga iyon ni Sky sa akin dati. Hindi ko nga alam na first love mo pala si Meu—“ “Stop it! Baba!” Hininto nito ang sasakyan sa tabi. Pekeng tumawa siya. “Ito naman hindi mabiro. Sige na, ihatid mo na ako. Lubos-lubusin mo na. Ikaw rin, hindi mo makukuhang muli ang loob ni Meunnie. Kakaibiganin ko siya para makuha—“ “Are you sure with that?” “Yup! Basta tutulungan mo ako kay Sky.” “Deal!” Mabuti na lang talaga at nakilala niya ng maaga si Meunnie. Hindi naman totoo na nakilala niya ito sa Bar, Nagkakilala lang sila dahil kay Cyan at ito ang may alam ng lahat, she might playing a cupid between them. Kinabukasan, tanghali na nagising si Sharon kaya apurang nagmadali siyang makarating sa Opisina. Pasado alas diyes na nga siya nakarating at sumalubong ang madilim na anyo ng boss niyang si Sky. This is what she gets after giving the same treatment to Sky before. “Bakit ngayon ka lang dumating? Do yo know what the time is it?” Sasagutin na sana niya iyon nang umangat ang kamay nito para pigilan siya. “Nevermind. I’m not interested to your explanation.” Napatingin siya sa mga tao sa paligid. Marami na ang nakatingin at pinagbubulungan sila. “Where is your proposal?” Kaagad na iniabot niya rito ang proposal na bitbit. Kinuha rin nito iyon at iniwan na siya. Nilingunan nito ang mga naroroon. “Go back to work!” Saka lang niya naalala na ngayon oras pala ang meeting nito at kanina pa siya hinihintay para sa proposal na ipe-present nito sa board. Kahit pa sigawan siya nito at maging hard and cold habang buhay, hindi siya titigil para ipaalala rito kung gaano siay nito minsang minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD