Amanda's POV
Ang buong akala ko siya yun. Nagkamali pala ako. Pero sa totoo lang may pagkakahawig sila ni Akane. ang problema lang. Si Akane mahaba ang buhok at blonde ang kulay. Siya maikli at brown. Isa pa hindi nagsasalamin si Akane.
Napabuntong hininga nalang ako. That was one year ago since she died but I know all of us can't move on, lalo na siya. Kahit nagbago pa ang kumag na yun, I know na nandun parin si Akane sa buong sistema niya.
Maiba nga pala. Kailangan ko tong ibalita kila Dylan at sa iba.
Mabilis kong kinuha ang cp ko at dinial ang number nila Lyca.
"Hello! Nasan kayo!?" Excited kong tanong sa kabilang linya.
(Why so excited Amanda?) Narinig kong tanong niya.
"Basta! Magkita-kita nalang tayo function room nila Dylan. Isama mo silang lahat!" Sabi ko.
(Bakit nga kasi?)
"Just do what I want! Bye!" Mabilis kong hinang up ang phone at tumakbo papunta sa function room. This is gonna be exciting!
***
Lyca's POV
"Sino kausap mo?" Tanong ni Dylan. Kasama namin sila Grayson at iba pa.
"Si Amanda."
"Bakit daw?"
"Malay ko dun. Pinapapunta niya tayo sa function room." Sabi ko nalang.
"Bakit nga?" Tanong pa nito. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Pumunta nalang tayo dun para malaman." Singit ni Gabriel at tinapik si Dylan sa Balikat. Nakita ko syang nag pout.
"Anu kayang trip ni noona?" Excited na sabi ni Czarina.
"Oo nga. Excited na rin ako." Pagsang ayon naman ni Mandy. Nagtawanan lang kami.
***
Pagkapasok namin sa loob ng function room ay naabutan namin si Amanda na seryosong nakatingin sa monitor ng CCTV.
Nang lapitan namin siya ay seryoso lang itong nanonood. Nang tingnan ko yung tinitingnan niya ay nagulat rin ako.
"I-is t-that..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Nope... She's not her. The first time I saw her too I thought she's her but she has the same future as her right?" Seryosong tanong into habang nakatingin parin sa monitor.
Tiningnan ko rin ng maigi yung monitor. Tama siya. Kamukha niya nga ai Akane pero magkaiba sila.
"Anong ginagawa niya dyan?" Narinig kong tanong ni Dylan mula sa likuran ko.
"Kukuha siya ng scholar exam." Sabi ni Amanda.
"Why love? Something's bothering you?" Tanong ko sa kanya. Mukha niya kasi seryoso.
"Nah. Nothing. Just don't mind me." Sabi nito tsaka ngumiti na.
Muli kamimg tumingin sa monitor. Nagulat ako ng mapansin tumingin si Akane sa CCTV.
Namamalikmata lang siguro ako...
***
Iziah's POV
Tahimik lang akong nagsasagot ng exam habang nagkakamot ng ulo. Yung nagbabantay sakin nakatulog -.-
Ang sarap batuhin ng lapis. Ang sungit sungit pa! Kala mo kung sino umasta! Teka.. Sabagay, siya pala may ari nitong eskwelahan.
Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap naman ng exam nila. Ang sakit sa ulo. Feeling ko nagdudugo na nga sa loob eh.. Anu ba tawag dun? Internal Bleeding? Wapakels iziah -___-
Mabilis kong binaba yung lapis at huminga ng malalim. Pakiramdam ko may nanonood sakin. Nakakabaliw isipin pero nararamdaman ko talaga.
Nilibot ko yung paningin ko at napadako ang tingin ko sa taas ng kisame. May isang maliit na CCTV ang nakasabit doon.
Tinitigan ko iyon ng maigi. Bigla akong napaisip. May CCTV rin pala ang eskwelahan na ito. Nakakabilib. Ang yaman pala ng napasukan na eskwelahan ni Izack.
Teka!! Speaking of that panget!? antagal niya ah? Ako nalang tuloy ang naiwan dito kasama ng masungit.
Napalingon ako kay sunget. Lumapit ako dun at umupo sa sahig. Pinatong ko yung kamay ko sa sofa na kinahihigaan niya at nangalumbaba habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Bakit kaya ganon ang nararamdaman ko pag nakikita ng malapitan ang sunget na to. Bakit bigla nalang sumasakit puso ko? Wew.. Siguro mag kaka heart attact ako?
Pero Seryoso.... Ang taong to, parang kilala ko? Ewan.. Shunga ko rin. Siguro isa sya sa nakasabay ko sa jeep dati? Hahaha. Siguro nga ^_^
"Baka naman matunaw na ako."
"Ayytinapangmamangkinatay!!" Gulat kong sigaw dahil sa gulat.
Narinig ko siyang tumawa. Napakunot ang noo ko.
"Yan kasi ang napapala ng mga taong nagnanasa." Nakangising sabi niya. Bigla akong nagtaas ng kilay.
"Hindi ka rin pala masungit e noh? Hambog ka rin pala?" Mataray kong sabi. Narinig ko syang tumawa.
"Alan mo nerd, ang dami mong satsat. Tapos na ba yang pinapagawa ko?" Biglang seryosong sabi niya. Sumimangot ako bigla. Pumunta ako sa lamesa ko at kinuha yung papel na exam at hinampas sa dibdib niya.
May mood swing rin pala ang mga lalaki? Di ako na inform, tsk. Siguro months na nito...
Napatawa ako bigla sa naisip.
"Bakit ka tumatawa dyan? Muka kang tanga." Inis niyang sabi. Nilingon ko siya at inirapan.
"Pake mo! Che!" Sabi ko sabay irap.
"Kung hindi kaya kita tanggapin sa pagiging scholar ngayon palang noh? Magandang ideya yun." Narinig kong sabi niya. Mabilis akong lumimgon sa kanya habang nanlalaki ang mata.
"Hala!! Biro lang po. Ang sabi ko po ang gwapo gwapo niyo!" Bigla kong sabi. Nakita ko syang napangiti.
"So, gwapo ako?" Mapang asar niyang tanong sakin. Napilitan akong ngumiti.
"Err. O-ou naman! Gwapo ka talaga!" Sarcastic Kong sabi habang pilit na ngumiti.
"Hindi ka seryoso eh!" Nakangisi pa nitong sabi. Aish!
"Hindi nga! Seryoso. Ang gwapo mo talaga. Para kang diyos." Sabi ko. Biglang napataas ang kilay niya.
"Are you sure?" Paninigurado niya. Sunod sunod naman akong tumango habang naka thumbs up.
"Good." Sabi niya naman tsaka ako tinalikuran.
"Siya nga pala kunin mo nalang bukas yung schedule mo. Pwede ka ng umalis." Narinig Kong sabi niya. Seryoso?!
"Seryoso ba yan?" Masaya kong tanong. Nakita kong lumingon siya sakin.
"Oo. Alis na. Shoo! Polluted na opisana ko!" Sabi na at may signal pa ng kamay. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Saktong aalis na ako ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang babae. Nakita kong pumulupot iyon Kay sunget at bigla nalang nitong hinalikan si sunget. Bigla kong tinakpan ang ang mata ko.
Tsk! ang lalandi. Dito pa talaga sa harapan ko! *pout*
Mabilis ako lumabas ng opisina at padabog Kong sinara ang pinto. Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko kasabay ng galit na namumumo sa sistema.
Natigilan lang ako ng may nakitang dugo na tumutulo sa kamay ko. Wtf??
Napailing nalang ako at tinalian ng panyo ang kamay ko.
Weird... Sa isip isip ko.