Iziah's POV
Maaga pa lang ay gumising na ako. Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko parin yung nangyari kahapon. Mabuti na nga lang din hindi nakita ni Izack yung sugat ko dahil nauna ako sa kanyang umuwi at nung pagkauwi ko pa ay nagmukmok lang ako sa kwarto.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Bakit kailangan kong maramdaman ang bagay na to e wala naman talaga dapat akong ikaapekto.
Lupet... Simula nung nakita ko yung sunget na yun, lagi nalang akong nakakaramdaman ng kakaibang pakiramdam. Nakulam yata ako ng impaktong sunget yun! ◟(눈_눈)◞
*gruuuuu~*
Σ( ° △ °|||)︴
Bigla akong natigilan ng biglang kumulo ang tyan ko. Tsaka ko Lang naalala na di pa pala ako nakakain buhat kagabi sa sama ng timpla ko. Dali-Dali akong bumangon sa kama at dumiretsong bumababa ng hagdan papunta sa kusina. Naka civilian Lang akong aalis mamaya papunta sa eskwelahan dahil wala pa namang uniporme ang binibigay sa amin.
Isa pa naiisip kong ang corny ng eskwelahan na yun dahil Kung tutuusin dapat wala silang uniform dahil private at isa pa halatang maaarte ang mga nag aaral doon kasama na yung may Ari nilang saksakan ng kasungitan at kahambugan!
Habang kumakain ako ng agahan ay biglang sumulpot sa tabi ko si nanay ni Izack.
"Oh, Ija ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya sakin. Ngumiti Lang ako.
"Oho. Nagutom ho ako eh." Sabi ko nalang.
"Ganun ba? Teka maiba nga ako, ang aga mo yatang nagbihis. San bang lakad mo?" Tanong ni nanay.
"Sa eskwelahan ho." sagot ko. Napatango na lang siya. Tapos na rin naman along kumain kaya nagpaalam na ako sa kanyang aalis.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya pero Hindi nalang ako nagpahalata. Naglakad muna ako papunta sa terminal Kung saan sakayan ng mga Jeep. Ayokong mag taxi dahil mapapamahal ako. Isa pa nagtitipid ako. Nakakahiya na kasi sa pamilya nila Izack.
Papatawid na sana ako ng may isang kotse ang sasalubong sa akin. Napaupo ako sa gulat. Mabuti nalang at nagpreno agad ang kotseng iyon.
"OMO!! ANU BA AILA, MAKAKAPATAY KAPA!" Narinig kong Sabi ng isa sa mga sakay ng kotse. Tumayo ako at pinagpagaan ang pwetan ng pantalon ko. Bigla akong napatingin sa siko ko.
Awtsu... nasugatan na naman ako.. tss..
"OMIGOSH!! MISS ARE YOU OKAY???!" Nagaalalang Tanong nung babaeng lumapit sakin. Pamilyar yung boses niya. Napansin Kong may bumaba pang sakay ng kotse. Pagkatingin ko sa kanila ay nakita ko yung babaeng yumakap sakin kahapon. Napansin ko ring nakatulala yung iba.
"A-aka---" Hindi natuloy yung sasabihin nung isang babae dahil Bigla nalang may humarang sa bibig nitong kamay. Napakunot Lang yung noo ko.
"Ayos ka Lang BA? Sorry ha. Hindi kasi nagiingat tong kasama namin eh." Sabi nung babaeng yumakap sakin kahapon Habang hinampas yung isa niyang kasama na napatigil sa pagsasalita.
Ang we-weird ng mga taong to. Pero lahat sila magaganda. Ang cool pa nilang tingnan dahil lahat sila Naka leather jacket...
*^O^*
"Ahh. Ayos Lang po ako." Sabi ko naman at ngumiti. Pa Alis na sana ako ng Bigla nila akong pigilan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sumabay ka na saamin. Tutal may kasalanan naman kami sayo. Sige na please." Nagmamakaawang Sabi nito Habang Naka pout. ╯ω╰
Napangiti nalang ako at Tsaka tumango. Nakita ko silang Napangiti. Pagkasakay namin sa kotse at lahat sila masayang kasama. Except sa isang tahimik na nakaupo sa harapan namin.
"What's your name pala?" Tanong nung katabi ko sa kanan.
"Iziah." Simple Kong tugon.
"Siya nga pala. Ako nga pala si Czarina.*turo sa kaliwa ko* Siya naman si Amanda. Tapos yung tahimik si Lyca. Yung driver si Mandy then yung katabi niya is Aila." Pakilala niya sa kasama niya..... ooookay?
Parang ang hirap kabisaduhin, wew  ̄ 3 ̄
"Okay." Nakangiti Kong Sabi.
"Mandy! Kain muna tayo. Baba mo muna sa dyan sa Jollibee! Pleasshh!!" Narinig Kong sabi nung Aila BA yun...? Ahh. Basta.
"Puro ka nalang kain! Aish!" Maktol naman ni Mandy. Tahimik Lang akong nakikinig sa bangayan nila. Bigla nalang akong natigilan ng biglang kumirot yung ulo ko.
Wews... pansin ko lang.. mukhang napapadalas p*******t ng ulo ko. Sabagay... di ko naiinom yung gamot ko.
Pag ka park nila nung kotse ay bumaba na agad kami. Pagkapasok namin ay Napansin Kong pinagtitinginan yung mga kasama ko. Sabagay. Ang gaganda naman talaga nila. Kahit sino mapapatingin e. Pagkaupo namin ay naririnig ko yung bulungan ng ibang mga Tao.
"Grave mga tol, ang gaganda Noh?"
"Shet pre! Ang hot nung isa!"
"Kaso may isang extra!" Nang sabihin yun ng isa ay nagsitawanan sila.
Nagpatay malisya Lang ako at Hindi pinansin yung sinabe nung isa. Pero sa loob loob ko, gustong gusto Kong putulan ng ulo yung nagsabi nun. Nang dumating yung inorder namin ay nagsikainan na kami. Napansin ko Lang din na kanina pa nila ako tinitingnan ngunit Hindi ko Lang pinapahalata sa kanila.
"Hello sa inyo. Matagal tagal na rin ah.... Deadly Chix." Napatingin ako sa taong nagsalita. Anu raw? Deadly Chix? Teka patay na chicken BA yun???
"What do you want?" Narinig Kong cold na Sabi ni Amanda.
"Hmmm. Why don't we play again? How about that?" Nakangisi pang turan nung lalaki.
"No. Were to busy so f**k off." Sabi naman ni Lyca. Luh?? Mukhang gera na to ah.
Bigla akong nag fake ng ubo. Napatingin sila sa akin.
"Sorry sa istorbo... Pero anu kasi eh.. aalis na muna ako." Nag aalinlangan Kong Sabi. Nakita Kong biglang napangisi yung lalaki.
"Ow, may kasama pala kayo. Hi miss. Wanna join the party?" Tanong nung lalaki sakin Habang Nakangisi ito ng nakakalako.
"Leave her alone, Cee!" Matigas na sabi ni Amanda. Narinig Kong tumawa Lang yung lalaki. Maya Maya lang ay Bigla niya akong hinapit palapit sa kanya. Gusto Kong kumawala ngunit may naramadaman akong matulis na bagay na nakabaon sa likod ko kaya di ako makagalaw.
"See you at the bar." Sabi nung lalaki at hinatak ako palabas.
What the he'll??!
***
Third Person's POV
Gigil na sinundan nila ng tingin ang papaalis na si Iziah kasama ang lalaking nag ngangalang Cee na leader ng Combo 5 gang.
"Anong gagawin natin?" Nag aalalang Tanong ni Czarina Kay Amanda na ngayon ay seryoso ang mukha.
"Call the Night Raid."
Mabilis na tinawagan ni Mandy ang Night Raid habang ang iba naman ay abala sa pag iisip.
"Let's go." Malamig na turan ni Lyca. Lahat sila at nagsitanguan at nilisan ang lugar.
They're going to pay for this!
Sa isip-isip nila.