2 days later.....
Iziah's POV
Nakatanaw lang ako sa labasan ng sinasakyan naming kotse nang biglang may tumapik sakin. Bigla akong napalingon ng dioras.
"Lalim ng iniisip mo ah, problema mo?" Tanong ni Izack sa tabi ko habang sya ang nagmamaneho.
"Wala naman. Naisip ko lang, bakit kailangan ko pang pumasok ng school na papasukan mo. Diba scholar ka lang dun?" Nakasimangot kong turan. Bigla niyang pinitik ang noo ko.
"Malamang kailangan mo ring matuto. Isa pa di ako scholar dun no. Ako yung exchange student ng dati kong pinapasukan." Sabi naman nito. Napataas naman yung kilay ko.
"So, paano naman ako. Di naman ako scholar at mas lalong di exchange student dun ah." Mataray kong sabi sa kanya. Napakamot din sya sa ulo.
"Ah Basta! Ako bahala. Manahimik ka nalang diyan at malapit na tayo dun." Sabi niya tsaka binalik ang atensyon sa pagmamaneho.
Nagkibit balikat lang ako tsaka muling tumingin sa labas. Napansin kong medyo pamilyar ang mga dinadaanan naming ngunit Hindi ako sigurado. Isa pa ngayon lang din ako nakapunta sa lugar na ito. Maya-maya lang at napansin kong huminto na yung sinasakyan namin. Mabilis ako bumaba ng kotse at hinintay syang makababa.
"San tayo ngayon pupunta? Ang laki-laki kasi ng school nato oh! Halatang mayayaman nag-aaral." Nakasimangot kong turan. Nakita kong nilingon niya ako.
"Ang hilig mong sumimangot. Mabuti Hindi ka pumapanget." Asar niya habang nakangisi. Tiningnan ko sya ng masama.
"Biro lang! Tara na nga at sumunod ka lang sakin." Sabi niya tsaka ngumiti. Sinimangutan ko lang sya at sumunod sa paglakad niya. Kanina pa kami naglalakad at napansin kong huminto sya sa isang kwarto. Sinilip naming yung pinto at nakita naming may nagkaklase.
Hindi ko alam na may nagkaklase pala kahit na sabado? Edi wow. Biglang kumatok si Izack sa pinto kaya napatigil ang pagkaklase. Nilapitan kami ng guro at pinapunta sa harapan.
"Ako po yung exchange student galing sa San Jose University." Pakilala niya sa sarili niya. Tumango lang yung guro. Nabaling yung tingin sakin ng guro. Napansin kong tumingin sakin si Izack.
"Ma'am, sya po yung kukuha ng scholar exam." Narinig kong sabi ni Izack. Nakahinga ako ng maluwag.
"Samahan mo muna sya Admin's Office para kumuha ng exam at tsaka bumalik ka narin dito pagtapos." Sabi nung guro.
Tumango nalang kami.
***
Pagkatapos niya ako ihatid ay mabilis rin syang nag paalam. Kumatok muna ako sa pinto ngunit wala paring sumasagot. Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala parin. Napagdesisyunan kong buksan yung pinto. Bumungad sakin ang parang bahay na opisina?
Opisina ba talaga to? Taray nung may-ari ahh.. Yaman talaga.
Umupo nalang ako sa isang sofa at tsaka naghintay. Nilibot ko lang ang paningin ko hanggang sa napako ang tingin ko sa isang picture frame na nakapatong sa lamesa. Napakunot yung noo ko ng makilala yung isa sa mga lalaki.
Teka... Parang ito yung lalaking kasama nung ateng mataray ah... Loka ka Iziah... Kamukha lang siguro.
Napabuntong hininga nalang ako sa naisip tsaka pumikit. Naramdaman ko kasi ang biglaang pagkirot ng ulo ko.
Pamilyar rin ang lugar na to...
Bulong ko sa sarili ko ngunit kahit anong pilit kong alalahanin ay lalo lang sumasakit ang ulo.
Napatigil lang ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lakaki.
"What are you doing here!" Galit niyang tanong.
Patay kang bata ka...
***
Xavier's POV
(Hello!? Xavier, pumunta ka na dito ngayon din. Asikasuhin mo yung kukuha ng scholar exam!) Bulyaw na sabi ng kabilang linya. Medyo nilayo ko ng konti sa tenga ko yung phone.
"K fine, watever." Bored kong sabi. Narining kong tinawag niya yung pangalan ko.
"Oo na! Tsk...... Istorbo."
(Anunh sabi mo?)
"Ito na po kako! Intayin mo nalang ako sa gate." Sabi ko nalang tsaka hinang up ang tawag.
Mabilis na akong lumabas ng coffee shop tsaka sumakay ng kotse ko.
Pagkapark ko palang ng kotse ko ay nabungaran ko na agad si Amanda. Yes. Siya nga.
"Bakit ang tagal mo?!" Irita niyang tanong.
"Kumaen ho kasi ako noh." Sagot ko naman.
"Tara na nga sa H.Q." sabi ko ulit tska naglakad. Sinudan niya lang ako.
"Hindi ba dapat sa office mo ikaw dumeretso?" Tanong niya pa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"E sa gusto ko." Sabi ko nalang. Wala siyang nagawa kaya sumunod nalang siya saken. Pagkahinto ko sa H.Q ay mabilis ko agad iyong bimuksan. Ngunit laking gulat ko ng may nakita akong ibng tao sa loob.
"What are you doing here!" Galit kong tanong. Nakita kong napatayo siya sa kinauupuan niya.
"Kukuha po ako ng exam para sa scholar." Narinig kong sabi niya. Nagulat ako ng mamukhaan siya. Siya yung napagkamalan kong siya....
"OH MY GOD!!! I-IS T-THAT Y-YOU!!?" gulat na gulat na bulalas ni Amanda ng makita yung babae. Sa pagkakatanda ko Iziah yata ang pangalan niya. Nakita kong napkunot yung noo niya. Halatang di sya ang taong yun.. Malabo talaga. Siguro may pagkalahawig lang talaga sila.
"H-huh? Ako po ba?" Naguguluhang turo niya sa sarili niya. Biglang sinalubong ni Amanda ng yakap si Iziah.
"Thank god! Y-your alive." Naiiyak na sabi ni Amanda. Lumapit ako sa kanila at hinila si Amanda.
"Nababaliw kana ba Amanda. Hindi siya yan!" Malamig kong sabi. Nakita ko syang natigilan.
"A-aaah.. A-ano miss, pasensya k-ka na. Akala ko k-kasi--"
"Stop it Amanda. Ikaw sumunod ka sakin." Putol ko sa sasabihin ni Amanda.
This is bullshit!
Mabilis akong naglakad at naramdaman kong nakasunod siya sakin.
"Anu po. San tayo pupunta?"
That voice... How I miss that voice of her.
"Huy!!"
Yung pagtawag niya sakin pag naiinis na siya.
"HOYY BINGI KA NA BA!!!" Bigla akong napatigil sa pag iisip ng may sumigaw sa tenga. Niligon ko yung may gawa.
"Tumahimik ka nerd!" Inis kong sabi. Nakita ko syang sumimangot. Tumalikod nalang ako.
"Sungit."
Sungit....
Sungit....
Sungit...
Bigla ko nalang na alala yung unang pagkikta namin ni Akane. Nung nakita ko siya noon sa kalsada nung naligaw siya...
Bigla akong napailing.
"Anong sabi mo?" Tanong ko ng lingunin sya.
"Wala ah. Wala akong sinasabi." Pagmamaang maangam niya. Napakunot lang yung noo ko.
This nerd is getting on my nerves... But somehow... I recognize her as Akane.... This is bad.