Izack's POV
Matiyaga akong naghihintay habang nakaupo sa upuan na malapit sa kama ni Iziah. Kasalukuyan kasi siyang nasa banyo at nagbibihis. Maari narin daw kasi siyang iuwi sabi ng doctor. Mabuti nalang din at mabilis siyang nakarecover ngunit may gasa parin ito sa noo at nakabenda rin ang kaniyang balikat.
"Izack! Pwede ba akong magpatulong?" Narinig kong tawag niya sakin. Tumayo ako tsaka lumapit sa pinto ng banyo.
"Anong ba yun?" Tanong ko naman. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko syang nakasimangot. Nakasuot na ito ng damit.
"Pakibasa nga to. Hindi ko mabasa. Lumalabo paningin ko eh." Sabi niya. Bigla along napakunot noo sa simabi niya.
"Seryoso ka ba?" Tanong ko pa. Tinaasan niya ako ng kilay at sumimangot.
"Bakit naman ako magsisinungaling. E sa hindi ko talaga mabasa." Nakasimangot parin niyang sabi. Bigla akong kinabahan. Hinawakan ko sya sa braso at hinatak ko sya papunta sa opisina ng doctor.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtataka niyang tanong.
"Ipapatingin ko mata mo." Sabi ko. Tumango nalang siya.
"Doctor pede ko bang ipatingin ang mata niya?" Turan ko sa doctor.
"Anong problema?" Tanong nito at nilapitan si Iziah habang chine-check ang mata nito.
"Nanlalabo po ang mata ko." Sabi ni Iziah. Binitawan nung doctor yung hawak niyang parang flashlight at may kinuha sa loob ng mini box sa kanyang drawer.
"Sa tingin ko epekto yan ng aksidente niya. May ibibigay nalang akong salamin na pwede niyang gamitin para luminaw kahit papaano ang paningin niya." Turan ng doctor habang nagkakalkal sa box na puno ng salamin. Chineck niya muna ang grado ni Iziah at tsaka kumuha ng isang salamin na kulay itim. Mukhang pang nerd glass?
"Isukat mo nga kung kekasya." Utos ng doctor Kay Iziah. Kinuha ni Iziah ang salamin at isinuot.
"Kamusta?" Tanong ni doc.
"Ayos na po. Malinaw na ang paningin ko, maraming salamat po." Nakangiting sabi ni Iziah.
"Magkano po ba yang salamin niya?" Tanong ko ng maalala. Narinig ko lang tumawa ang doctor at Tinapik ako sa balikat.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Libre ko na yan ijo. Isa pa sa tagal mo na dito halos parang suki na kita." Natatawang sabi nito. Napakamot lang ako sa batok at mgumiti.
"Salamat ho. Sige mauna na kami. Naghihintay na ang mama ko." Sabi ko at ngumiti.
"Naku walang anuman. O sya! Mag iingat kayo. Ikaw naman ija, alagaan mo ang sarili mo. Wag kang magpapagod." Sabi nito. Nakita kong tumango siya. Pagkatapos naming magpaalam ay lumabas na kami at nakasalubong namin si mama na naghihintay sa kotse ni papa.
"Oh? Bakit nakasalamin si Iziah, anak?" Tanong ni mama habang nilapitan si Iziah.
"Malabo ho mata." Sabi ko naman.
"Naku! Ke bata bata ang labo na ng mata. Sayang naman ang ganda mo Iziah, natakpan ng salamin." Nakangiting turan ni mama. Napatawa nalang kami at sumakay sa kotse.
"Ang haba na ng buhok mo Iziah. Pagupitan mo na yan." Sabi ko. Napalingon naman siya sakin habang nagtataka.
"Papa, pwede ho bang pababa nalang kami dyan sa mall. May bibilhin lang akong damit Kay Iziah at nang mapagupitan ko na." Sabi ko Kay papa. Tumango lang ito.
Pagkababa namin sa kotse ay hinatak ko na siya papasok sa loob ng mall. Pinagtitinginan na kami ng tao. Gwapo ko kasi. Pumasok kami sa loob ng isang parlor shop. Mabilis syang pinaupo ng baklang parlorista sa upuan at ipinaharap sa salamin. Sinipat sipat pa ni ang buhok ni Iziah na akala mo nanghihiyang sa buhok na gugupitan.
Umupo lang ako sa gilid at pinagmasdan siyang gupitan. Nalasuot parin ang salamin nito. Napansin ko lang Simula kanina ng suotin niya ang salamin ay nag iba ang itsura niya. Hindi sa hindi sya maganda sa suot na yun. Sadyang masyado lang malaki young salamin kaya hindi makita ang buo niyang mukha.
Halos isang oras na ang nakakalipas at matatapos narin ito. Pinakulayan kasi hung buhok niya ng brown. Blonde kasi buhok niya. Nang matapos at iniharap sya sakin ng bakla. Halos matigilan ako sa nakita. Muntik ko na syang di makilala sa bago niyang itsura. Sabagay ayos na rin. Mas gumanda pa nga sya kaso bagay rin sa kanya ang mahabang buhok.
Inabot ko na agad ang bayad at umalis na kami dun. Sunod ko sya g dinala sa isang boutique na magaganda ngunit simpleng damit.
"Sandali lang. Mamili ka nalang muna ng gusto mong damit. Mag c-cr lang ako." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. Mabilis ko syang iniwan at nagpunta ng CR.
***
Iziah's POV
Nang umalis na si Izack ay nagpunta na agad ako sa stall ng mga damit. Nilibot ko ang paningin ko sa mga nakasabit ngunit napako ang tingin ko sa isang simpleng cocktail dress na kulay black na may kombinasyon na kulay pula. Saktong hahawakan ko na ng biglang may isang kamay din ang humawak mula doon.
"I'm the one who first touch it, so better let go." Sabi ng isang mataray na babae na may suot pang shades. Napakunot noo ako.
"Luh? Ako kaya po." Sabi ko naman. Nakita kong nag arko ang kilay niya. Tsk?
"You know miss, if I were you I will let go of this dress. First of all this dress don't fits you and you also like a poor nerd so quit it." Maarteng sabi nito. Nakaramdam ako ng kakaibang init sa buong katawan ko. Isang hindi pamilyar na pakiramdam.
"Kahit anong sabihin mo hindi ko papakawalan ang damit na to. Kung gusto mo humanap ka ng iba." Sabi ko naman at hawak hawak na ang damit. Humawak din siya sa kabilang side kaya ang tendency naghihilahan kami. Napansin kong nahakot na namin ang buong atensyon ng tao at pinipigilan na rin kami ng mga saleslady.
"f**k off nerd!" Sabi niya habang hinihila. Hindi ako nagpatalo kaya mad hinila ko rin ito.
"Babe? What's happening here?" Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig ko mula sa likuran. Maya maya lang at bigla akong napabitaw sa pagkakahawak sa damit dahil sa biglang pagpintig ng ulo ko kasama ang dibdib ko.
"Bibitaw rin pala! Tsk!" Asik ni ateng mataray s***h maarte.
"Iziah!" Narinig kong tawag sakin ni Izack. Napalingon ako sa likuran at saktong nagtagpo ang mata namin nung lalaking kasama ni ateng mataray/maarte. Nakita kong natigilan ito. Mabilis akong nilapitan ni Izack.
"Ayaw ko nang mamili dito. Uwi na tayo." Sabi ko Kay Izack. Nakita ko syang tumango. Saktong paalis na kami ng biglang may humawak sa balikat ko at marahas niya akong hinarap sa kanya at niyakap ako. Natigilan ako ng Sandaling iyon.
"Hoy! Bat mo yan niyayakap! Hayop to ah!" Galit na turan ni Izack sa lalaki at bigla anong hinila palayo sa kanya.
"I-im s-sorry... I t-thought.... Never mind. I'm sorry." Narinig kong sabi nung lalaki.
"Iziah, umalis na nga tayo." Yaya sakin ni Izack at hinila na ako palayo.
Bakit parang kilala ko yung lalaking yun? Hayyy naku! Panu ko naman makikilala yun e ngayon ko lang yun nakita. :/